PAGKAUWE ko sa bahay ay nagulat ako sa aking nadatnan. Kahit sila Harvie at Cathleen, ay nagulat rin nung makita nila ako.
“Mga hayop kayo!! Ang bababoy ninyo!!!” Sigaw ko sa kanila nang madatnan ko silang may ginagawang milagro.
Mga walang hiya!
“S-S-Sienna, magpapal—” Hindi ko na pinatapos pa si Cathleen, dahil malakas ko siyang sinampal. Mag-asawang sampal ang ipinatikim ko sa kanya dahil ‘yon ang nababagay sa kagaya n'yang malandi.
“Sienna, tama na” Pag-awat sa akin ni Harvie, kaya sinampal ko rin siya dahil sa sobrang galit ko.
“Mga hayop!! Mga manloloko kayo!!” Nanggagalaiti kong sigaw sa kanila. Pawis na pawis na rin ako ngayon dahil sa kasisigaw at sobrang init rin.
“Sienna, hayaan mo akong magpaliwanag sayo” Pakiusap sa akin ni Cathleen, at pinunasan ko muna ang luha ko at inilingan ko siya.
“L-Lumayas kayo....Layas!!!” Galit kong sigaw at pinagtutulak ko sila palabas ng bahay. Wala akong pakealam kahit mga nakahubad sila. Pagkalabas nila ay galit ko silang pinasadahan ng tingin. “Huwag na huwag na kayong babalik dito. Mga manloloko! Magsama kayong dalawa at magpakasarap kayo. Ikaw Cathleen.....hindi pala kita dapat pinagkatiwalaan. Pareha lang kayong dalawa.” Galit kong dagdag at padabog kong sinarado yung pintuan.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mas lalo pa akong napaiyak. Hindi ko naman akalain na magagawa akong lokohin ng sarili kong bestfriend. Ilang taon ko rin siyang nakasama, pero ganito lang ang ginawa niya sa akin. Akala ko siya na ang magiging karamay ko. Akala ko siya na yung taong dapat kong pagkatiwalaan. Pero nagkamali ako sa mga akala ko dahil manloloko siya. Mga manloloko sila. Hindi ko pala dapat pinagkatiwalaan ang mga kagaya nila.
Parang kagaya lang sa mga magulang ko. Nagtiwala sila, pero pinagtaksilan lang rin sila.
KINAGABIHAN, habang nakahiga ako at habang pinagmamasdan ko ang cellphone ko, napapaiyak rin ako. Kanina pa ako tinatawagan nila Harvie at Cathleen, pero hindi ko sinasagot yung mga tawag nila sa akin. Ayaw ko na kaseng marinig pa yung mga kasinungaling nila. Sapat na sa akin yung ginawa nilang panloloko. Dito pa talaga sila sa bahay nagloko.
“Ate Sienna!!”
Pinunasan ko ang luha sa mata ko at tumayo ako mula sa pagkakahiga at tsaka ko binuksan yung pintuan. Bumungad sa akin pagbukas ko yung anak ng may-ari nitong bahay kaya kaagad kong kinuha yung nasa gilid ng salamin ko.
“Heto yung bayad ko sa bahay” Sabay abot ko sa plastic na may kasamang papel. Nasa loob rin kase ng plastic yung pera para hindi mawala o mahulog ng kukuha.
“Sige po, salamat” Tinanguan ko siya at sinara ko na ulit yung pintuan.
Siguro kailangan kong masanay na wala na dito si Cathleen, dahil wala na rin naman akong balak na pabalikin pa siya at pakisamahan. Oo matagal na nga kameng magkaibigan, pero kahit kelan, hindi ko matatanggap ang mga taong manloloko.
Tama lang ang Mommy ko sa sinabi niya sa akin noon. Hindi pala dapat ako nagtitiwala sa mga taong nakikita ko.....o kahit sa mga taong matagal ko na kasama.
Minsan kung sino pa ang inakala mong kilala mo na talaga, ay sila pa pala ang magtataksil sayo at sisira sa tiwala mo.
DALAWANG ARAW na ng nakalipas simula nung palayasin ko si Cathleen at nung araw rin na hiniwalayan ko na si Harvie. Ngayon ay he'to ako, wala pa rin akong trabaho ngayon.
“Lord, kelan ba ako magkakaroon ng trabaho? Gusto ko na magtrabaho eh....kaso lang palagi naman akong nauunahan. May balat ba ako sa pwet huh? Bakit ba kase ang malas malas ko sa trabaho? Naging mabuti rin naman ako, pero ba't naman kase ganon? Kahapon pa ako naghahanap eh. Lord, please po bigyan niyo na po ako ng sign na magkakatrabaho na ako. Huhusayan ko talaga kapag nagkatrabaho na ako”
Andito ako sa park, nakaupo ako sa malaking bato habang nag-eemote. Sino ba kase ang hindi mag-eemote eh akala ko kahapon ay makakahanap na ako ng trabaho, kaso wala pa rin talaga.
Nasaan na ba kase ang trabaho? Inaplayan ko na ya'ta ang halos lahat. Nagtry ako na mag janitress, waiter, sa pabrika, utility, dishwasher, guard, tindera. Ang dami ko ng sinubukan pero wala pa rin. Kahit nga maliit na sweldo ay papatulan ko na talaga basta't legal.
LAXEROUS POV
“Mr. Sanchez, I'm very sorry pero kailangan na naming tanggalin dito sa skwelahan ang anak niyo. Sumosobra na siya at mukhang hindi niyo siya napapalaki ng maayos. Ang dami na rin niyang nasaktan na mga estudyante dito.” Seryosong saad sa akin ng Principal, dito sa skwelahan na pinapasukan ni, Azilenia.
“Tsk! Sila naman ang nauna eh,” Inis na sagot ni Azilenia, kaya malamig ko siyang tinignan.
“Samuel, Mika, ilabas niyo na si, Azilenia. Susunod ako sa inyo.” Malamig kong utos sa dalawa kong tauhan
“Master, halika ka na” Tinarayan na muna ako ng anak ko bago siya sumunod doon sa dalawa. Pagkalabas nung tatlo ay tinignan ko naman yung Principal, nila.
“Kung balak niyong alisin si Azilenia, gawin niyo. Ililipat ko nalang siya ng ibang skwelahan” Seryosong saad ko at tsaka ako tumalikod at lumakad palabas ng opisina ng Principal, nila Azilenia.
Wala na rin talagang ginawang maganda ang batang ‘yon. Palagi nalang napapasabak sa gulo. Kabata-bata pa pero lapitan na kaagad ng gulo.
HABANG nasa byahe kame ay palihim kong tinitignan si Azilenia, dahil inis na inis itong na pa cross-arms.
“Gusto mo bang kumain na muna sa restaurant?” Tanong ko sa kanya at taas kilay naman niya akong tinignan.
“Tss! Ayaw ko, Tanda” Mataray nitong sagot habang naka cross arms. Hindi ko talaga alam kung kanino niya namana ang ugaling meron siya ngayon. Hindi naman ako ganyan noon.
“Samuel, ihinto mo ang sasakyan dahil bababa ako. Kayo na ang bahalang maghatid sa batang ito” Utos ko kila Samuel, at kaagad naman siyang nagpark kaya bumaba na ako. Pagkababa ko ay tinignan ko muna si Azilenia, bago ko tinignan yung langit dahil medyo dumidilim na rin. Mukhang uulan ngayong araw. “Mag-aral ka pag-uwe at huwag na huwag kang gagamit ng I-pad.” Seryosong saad ko sa anak ko at tsaka ko sinara ang pintuan ng sasakyan.
Inayos ko ang necktie ko at naglakad-lakad na ako. Habang naglalakad ako ay bigla rin akong napahinto nang biglang bumuhos ang ulan.
“Ngayon talaga? Wala pa naman akong dalang payong, bweset.” Inis kong singhal at dali-dali akong tumakbo papunta doon sa maliit na playing ground dahil may silungan doon. Pagkasilong ko ay napahilot ako sa sintido ko dahil mukhang magtatagal ako dito.
Tumingin-tingin naman ako sa paligid ko kung may ibang tao ba akong kasama at nakita ko sa likod yung isang babae na umiiyak.
Seriously? Nagdadrama siya dito? Arrghh she look like a crazy girl. Tsk!
Bigla namang nag ring yung cellphone ko kaya kinuha ko kaagad sa bulsa ng suot ko yung cellphone ko at nakita kong tinatawagan ako ni, Azilenia. Sasagutin ko na sana pero bigla namang nag power off yung cellphone ko.
Ngayon pa talaga nalowbat. Baka mamaya may emergency na.
Napabuga ako ng hangin at tinignan ko yung babae na nasa likod. Lumakad ako palapit sa kanya at pagkalapit ko ay kaagad akong nagtanong, “Pwede ba akong humiram ng cellphone mo? Emergency lang. Tatawagan ko sana yung anak ko,” wika ko. Damn it! Ngayon ko lang ito ginawa. Nahihiya ako dahil sa ginagawa kong paghiram ng cellphone sa iba at the heck.....sa babae pa talaga.
“Oh, ayan” Iniabot niya sa akin yung cellphone niya kaya kinuha ko 'yon. Pagkaopen ko sa cellphone niya ay nakita kong may password.
“Miss, ano ang password?” Tanong ko sa kanya.
“Amina muna. Papalitan ko lang, pangalan kase ng ex ko yung password d'yan eh,” Umiiyak nitong binawe yung cellphone niya at may kung ano siyang ginagawa. “Heto na oh” Muli niyang iniabot sa akin yung cellphone niya kaya kinuha ko iyon. Pagkakita ko sa cellphone niya ay napailing na lamang ako. Akala ko pa naman ay bubuksan niya, pero hindi naman pala.
“Miss, anong password?” Malamig kong tanong sa kanya at nagpipigil nalang talaga ako ng pagkainis sa kaniya. Kaya nga ako nagtanong nung una eh, tapos hindi rin pala ako sasagutin? Nakakainit ng ulo ang babaeng 'to.
“Sienna, y-yung password” Hikbing sagot nito
“Sie? Sye? Damn it! Ikaw kaya ang magbukas ng cellphone mo dahil ang hirap banggitin ng pangalan mo.” Inis kong binalik sa kanya yung cellphone niya at kinuha naman niya kaagad iyon pero nakita kong ginamitan niya iyon ng fingerprint at tsaka siya tumayo, pero nanatili lang siyang nakayuko, kaya hindi ko makitakita yung mukha niya.
“Pinapahiram na nga kita tapos ang dami mo pang sinasabi. Sinabi ko na rin yung password, pero hindi mo pa rin nakuha. D'yan ka nga dahil nakakainis ka!” Pagkasabi niya 'non ay tumingin siya kaagad sa akin, kaya medyo narecognize ko yung mukha niya.
Inis siyang naglakad sa gitna ng ulan. Parang wala nga lang sa kanya ang ulan eh. Parang may sira rin sa ulo ang babaeng 'yon.
“Bweset ang babaeng 'yon!—a-ahh—awww!!” Inis kong sinipa yung inupuan niya kanian pero napadaing lang ako bigla nang mapagtanto na totoong bato pala iyon.
Ang malas ng araw ko, bweset!!
KINAHAPUNAN Pagpasok ko sa mansion bumugad kaagad yung anak ko at nakapamewang niya akong tinignan, “Where have you been, Tanda? Oww don't tell me nakipagdate ka kanina kaya biglang nagpababa doon sa may park” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
“Mag-aral ka nalang diyan dahil bukas nasa panibagong school ka na naman.” Seryosong saad ko sa kaniya.
Dagdag inis lang rin talaga ang mga pinagsasabi niya. Basang-basa na nga ako dahil sa ulan eh. Nakakainis at nakakapikon rin yung babae doon sanpark kanina. Napahiya ako sa sarili ko dahil lang sa kagaya niya
SIENNA POV
“Sobrang sarap talaga humigop ng sabaw, sa malamig at maulan na panahon.” Nakangiting sambit ko sa aking sarili at muli akong humigop ng sabaw.
Mas maayos nga siguro ang ganitong buhay ko. Kaso wala naman akong trabaho. Baka sa susunod na buwan ay wala na akong matirahan dahil baka palayasin na ako. Ayts, huwag naman sana.
Maghahanap nalang ulit ako ng trabaho. Sana naman may mahanap na ako.
KINABUKASAN bagong araw na naman at pipilitin ko ulit na makahanap na ng trabaho. Hindi pwedeng andito lang ako sa bahay. Hindi ko naman kase pinangarap na maging tambay eh.