PAGKARATING namin sa WeiS ay kaagad na bumili si Johniel, ng pagkain at doon naman kame sa kabilang table naupo. Ang WeiS ay isang pasyalan. Parang parke lang ito, pero medyo may kaibahan silang dalawa. Dito sa WeiS ay maraming palaruan, at may katabing food court. Dito din kadalasan nagpopoprose yung ibang magjojowa. Marami rin ang nagdedate dito. Maganda kase talaga siya.
“Johniel, naalala mo ba na dito tayo unang nagkita?/*laughs* grabe pinagkamalan pa kitang kaaway noon. Tapos malamanlaman ko eh, kasamahan ka din pala namin.” Natatawang pagkukwento ko sa kanya.
“Oo, naalala ko nga. Halos tutukan mo na nga ako ng baril mo noon eh, dahil lang sa maling hinala mo.” Tugon nito sabay subo ng cake.
AUTHOR's POV
“Pasensya na. Siguro wala lang talaga ako sa mood nung mga oras na ‘yon.” Sagot ni Aliyah, kaya napatawa na lamang sa isipan si, Johniel.
Habang kumakain ang dalawa, bigla namang tumunog ang cellphone ni Aliyah, na sign na may text sa kanya. Pagkabukas ni Aliyah, ng cellphone niya, nakita n‘yang ang text ni, Samuel. Napatingin rin si Johniel, sa cellphone ni Aliyah, at doon nga ay nabasa din niya ang pangalan ni, Samuel.
“May ipinapagawa pala sa inyo si Boss, na kailangan n‘yong matapos kaagad. Bukas na rin pala kayo mag-uumpisa.” Kaagad na inoff ni Aliyah, yung cellphone niya at muli n‘yang tinignan si, Johniel.
“U-Uhm oo. Pero may naisip na rin naman na akong plano eh. Sasabihin ko nalang 'yon kay Samuel, mamaya o 'di kaya bukas.” Nakangiting sagot ni Aliyah, kaya napatango na lamang si, Johniel.
HABANG si Sienna, naman ay busy sa paglilinis ng kwarto ng kanyang, Master Azilenia.
“Sienna, bilisan mo nga ang paglilinis d'yan dahil pupunta tayo ngayon sa mall. Sasamahan mo akong bumili ng mga bagong gamit para sa school.” Mataray na wika ni Azilenia, sa babysitter niya.
“Huh? Pero Master, 'di ba kumpleto pa naman ang lahat ng gamit mo? At saka ayaw kong lumabas ng kwarto mo. Baka kase mamaya andyan pa rin ang Daddy mo at ang mga kaibigan niya. Nakakahiya kaya yung nakita nila kanina. Halos lamunin na nga ako ng hiya noong tawagin ako ng Daddy mo at papuntahin niya ako sa office niya eh.” Iling na tugon ni, Sienna.
“Wala akong pake 'no. Hmp! Hindi ko naman kasalanan kung manipis ang suot mo at makita nila yung bra mo. Basta aalis tayo mamaya. Saka sabi mo pinapunta kana ni Tanda, kanina sa office niya, so dapat hindi kana mahiya. Halos lahat rin naman ng mga naging yaya ko ay mga walanghiya. Ikaw umaarte ka pa na may hiya, eh halata naman na kagaya ka rin ng marami.” Napapikit si Sienna, at itinaas niya ng bahagya yung isang kamao niya at naiyukom niya ‘yon.
“Walanghiya? HOY! MASTER AZILENIA, MAY HIYA PA 'RIN NAMAN AKO 'NO!!” Sigaw ni Sienna, sa Master, niya. Napapikit naman si Azilenia, at muli n‘yang tinignan yung yaya niya.
‘Ang babaeng ito talaga. Sobrang lakas ng loob niya na sigawan ako. Kahit sungitan, tarayan at magmaldita ako sa kanya, ay nilalabanan pa rin niya ako. Iba siya sa mga nauna kong yaya. Pero alam kong pakitang tao lang 'rin siya’ Iyan ang nasa isip ni Azilenia, kaya tinignan siya ni, Sienna.
“Na'ko Master Azilenia, pasensya kana kung nasigawan kita. Ikaw kase eh.” Kamot batok na paghingi ng tawad ni Sienna, sa Master niya.
“/*cross arms* Basta sasamahan mo pa rin ako. Huwag kang maarte d'yan” Pag-irap na wika ni, Azilenia.
“/*sighs* Sige na nga. Wala rin naman akong choice kundi ang pumayag eh. Talo pa rin talaga ako” Bagsak balikat na sagot ni, Sienna.
NASA mall na ngayon sila Sienna at Azilenia. May kasama rin silang dalawang men in black, dahil ganoon naman talaga palagi kapag aalis ng mansion si, Azilenia. Gusto kase ni Laxerous, na palaging may bantay ang kanyang anak, para makasiguro ito na maging ligtas.
“Master, halos nabili na natin yung buong laman ng shop na pinuntahan natin. Ang bigat na rin ng mga bitbit ko. Baka naman pwede na tayong umuwe.” Kaagad na umiling si Azilenia, sa sinabi ni, Sienna.
“Bakit, sinabi ko ba sayo na ikaw ang magdala ng mga ‘yan? Kaya nga may mga kasama tayo para sila ang magbitbit at hindi ikaw. Stupid ka 'rin pala minsan” Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Sienna, dahil sa tinuran ng kanyang alaga.
“Master, bad ang mga ganyang salita kaya dapat hindi mo ‘yan sinasabi. Saka akala ko rin kase mga tao lang sila ng Daddy mo na nakasunod sa atin. Hindi ko naman akalain na pwede silang tagabit-bit” Pangangatwiran na saad ni, Sienna.
Habang naglalakad naman sila ay biglang napahinto si Azilenia, kaya nagtataka s‘yang tinignan ni, Sienna. Ibinigay rin kaagad ni Sienna, yung ibang shopping bag doon sa dalawa nilang kasama, at saka niya tinignan ang Master, niya at yung tinitignan nito. Nakita din ni Sienna, sa bandang dulo si Saji at Miguel, na magkaholding hands habang naglalakad.
Kaagad naman na nilapitan ni Azilenia, yung dalawang men in black at saka ito nagsalita, “Pumunta pala tayo sa BG Ice cream parlor. Gusto ko ng ice cream ngayon, right Sienna?” Mukhang nakuha kaagad ni Sienna, yung ibig sabihin ni Azilenia, kaya sumang-ayon na kaagad ito.
“U-Uhh oo. Tara libre ko na ang ice cream natin. Kayo rin mga kuyang nakaitim, tara po doon sa BG.” Nakangiting pagsang ayon ni Sienna, at lumakad na sila.
HABANG si Saji, naman ay bigla na lang rin napahinto sa paglalakad at napatingin siya sa kabilang dulo, dahil sa tingin niya ay may kung sino siyang nahagip ng tingin at tila kilala niya.
“Hmm? Saji, okay ka lang?” Inilagay pa ni Miguel, yung palad niya sa noo ni Saji, para icheck kung may lagnat ba ito.
“Ayos lang ako, Miguel. Wala rin naman akong sakit eh. Tara na sa loob dahil baka mag-umpisa na yung movie.” Nakangiting wika ni Saji, kaya tumango na lamang si Miguel bilang pagsang ayon at sabay na silang dalawa na pumasok sa loob ng sinehan.
Pagkapasok nila sa loob ng sinehan, ay doon sila sa bandang gitna naupo.
“Ngayon lang ulit tayo nakapagsine” Nakangiting turan ni Miguel, na nagpangiti rin kay Saji, bago ito sumandal sa balikat ni Miguel, habang pareho silang nakaupo.
“Oo nga eh. Halos busy na rin kase tayong dalawa. Ako busy sa pagrereview, habang ikaw hindi lang sa pagrereview busy. Busy ka rin kase sa pagbabasketball” Nakangiting tugon ni Saji, at saktong nag-umpisa na rin ang movie.
Habang nanonood ay palihim na tinitignan ni Miguel, si Saji. Ramdam na ramdam naman ni Saji, na tinitignan siya ng kaibigan, pero hindi nalang niya ‘yon nilingon, lalo pa't hindi naman siya naiilang. Sanay na sanay na rin kase siya na tinitignan ng kaibigan.
Tinignan naman ni Miguel, yung kamay niya at kamay ni Saji, na hanggang ngayon ay magkahawak pa rin. Napangiti na lamang si Miguel, habang tinitignan ‘yon. Mas lalo rin n‘yang hinigpitan yung pagkakapit niya sa kamay ni Saji, at inilagay niya yung magkaholding hands nilang kamay sa bulsa ng suot n‘yang coat. Napangiti na lamang si Saji, at nakita ‘yon ni Miguel, kaya napangiti rin siya.
MAKALIPAS ang dalawang oras na pamamasyal nila ni Saji at Miguel, ay naisipan na rin ni Saji, na umuwe dahil doon pa siya didiretsyo sa mansion ng nakatatanda n'yang kapatid. Nagpresinta na rin si Miguel, na ihatid si Saji, sa mansion ng kapatid nito. Tumanggi noong una si Saji, dahil hindi pa naman kilala ni Laxerous, si Miguel, kaso wala ring nagawa si Saji, dahil nag-aalala lang rin si Miguel, sa kalagayan ng kaibigan.
“Ganon ba kasungit ang kuya, mo at ayaw mo akong payagan kanina na ihatid ka pauwe sa inyo?” Biglang tanong ni Miguel, kay Saji, habang nasa byahe silang dalawa.
“Sobrang strict n‘yang tao, Miguel. Kahit na malaki na ako, sobrang oa pa rin niya pagdating sa akin. Eh, kahit nga pagboboyfriend ay masyado n‘yang hinihigpitan. Nakakainis siya minsan, pero wala din naman akong magagawa eh. Mula kase pagkabata namin Miguel, ay sobrang protective na talaga sa akin ni, kuya.” sa bandang huli ay napangiti si Saji, habang sinasagot ang tanong ng kaibigan.
Napatango na lamang si Miguel, at nagpatuloy na ulit siya sa pagmamaneho.
PAGKARATING nilang dalawa sa harapan ng mansion, ay kaagad na pinagbuksan ni Miguel, ng pintuan ng sasakyan si, Saji.
“Saji” Bigla namang nagulat si Saji, nang makita niya ang Kuya Laxerous, niya na nakatayo sa labas ng gate habang malamig ang mga mata na nakatingin sa kanila. “Sino siya?” Malamig na tanong pa ni, Laxerous.
“Sir, u-uhmm kaibigan po ako ni, Saji” Mabilis na yumuko si Miguel, bago niya ulit tinignan yung Kuya ni, Saji.
“Saji, pumasok kana sa loob dahil mag-uusap pa tayong dalawa.” Napatingin si Saji, sa kaibigan niya at tanging pagtango na lamang ang ipinakita ni Miguel, kay Saji, kaya sumunod na rin si Saji, sa sinabi ng Kuya Laxerous, niya.
“Opo” Kaagad na pumasok si Saji, sa loob. Habang papasok si Saji, ay napahinto rin siya bigla at saka niya ulit tinignan sila Laxerous at Miguel, bago niya ipinagpatuloy yung kanyang paglalakad.
Napatingin naman si Laxerous, kay Saji, at nang makita n‘yang nakapasok na sa pinakaloob si Saji, ay kaagad n‘yang sinenyasan yung isang tao niya na isarado na ang gate. Ilang beses naman na napalunok si Miguel, dahil na rin sa takot.
“Layuan mo ang kapatid ko. Hindi pa siya pwedeng mag boyfriend, kaya ikaw na ang umiwas sa kanya.” Bahagyang nagulat si Miguel, dahil sa sinabi ni Laxerous, sa kaniya.
“Pe-Pero sir, kaibigan ko po ang kapatid mo. Mag classmate rin po kameng dalawa, kaya ho mahirap ang gusto mo. Isa pa, alam ko naman na pinagbabawalan mo pa talaga s‘yang magkaboyfriend.” Bahagyang yuko na wika ni, Miguel.
“Alam mo naman pala, kaya naman layuan mo siya. Oo magkaklase nga kayong dalawa, pero kaya mo naman sigurong iwasan siya.” Seryosong sagot ni Laxerous, at mas lumapit pa siya kay, Miguel. “Kung ayaw mong makitang naghihirap ang pamilya mo, pwes layuan mo ang kapatid ko.” Dagdag pa nito bago siya pumasok sa loob.
Napatayo naman ng straight si Miguel, at tinignan niya lamang si Laxerous, na diretsyong papasok sa loob ng mansion.
Pagkapasok naman ni Laxerous, sa loob ay kaagad s‘yang nilapitan ni, Saji. “Kuya, nasaan po si Miguel? Anong ginawa mo kay Miguel, Kuya? May sinabi ka ba sa kanya huh? Kuya, inihatid lang ako nung tao, baka mamaya sin—”
“Parang boyfriend mo na ang taong ‘yon kung makareact ka. Kumalma ka lang dahil wala naman akong ginawa eh. Pero may mga sinabi ako sa kanya na kailangan n‘yang sundin. Kapag hindi niya sinunod, doon ako may gagawin.” Malamig na pagtutuloy ni, Laxerous.
“Ano? Kuya, kung ganon anong sinabi mo sa kanya huh?” Inis na hinawakan ni Saji, sa braso yung kapatid niya.
“Wala. Hindi na mahalaga” Walang ganang sagot ni Laxerous, at saka niya inalis yung pagkakahawak sa kanya ng kapatid niya at tuluyan nang umakyat si Laxerous, sa taas papunta sa opisina niya.
Inis naman na naupo si Saji, sa sofa at kaagad n‘yang tinawagan si, Miguel.
“Saji? Kakaalis ko lang. Pasensya na hindi ako nakapagpaalam sayo.”
“Okay lang, Miguel. Pero teka, anong sinabi sayo ni Kuya, huh? Baka tinakot ka niya”
“H-Huh? Na'ko wala lang ‘yon. At saka hayaan mo na dahil alam ko naman na sadyang over protective lang siya sayo, /*cough*”
“Teka, okay ka lang ba?”
“Oo naman. Umm sige mamaya nalang Saji, nagmamaneho kase ako eh.”
“Sige, Miguel. Mag-iingat ka huh? Bye”
Matapos ng kanilang pag-uusap ay tinago na ni Saji, yung kanyang cellphone.
“Arrghh bitbitin mo 'yan”
“Master, naman eh. Sabi ko sayo hinay-hinay lang sa pamimili. Daig mo pa matanda kung mag shopping eh.”
Napalingon si Saji, kila Azilenia at Sienna, na paakyat ngayon sa hagdan habang nagbabangayan. Mukhang hindi rin napansin ng dalawa si Saji, kaya dumeretsyo lang ito sa itaas.
Pagkaakyat nila Sienna at Azilenia, sa kwarto, kaagad na nilapag lahat ni Sienna, yung mga bitbit n‘yang shopping bag. Si Azilenia, naman ay naupo sa couch at binuksan kaagad yung tv.
“Sienna, kuhaan mo ako ng orange juice and cup cake sa ibaba.” Mataray na utos ni Azilenia, kay Sienna.
“Opo, Master” Bumaba na kaagad si, Sienna. Ayaw n‘yang sagot-sagutin si Azilenia, ngayon dahil siya pa rin ang yaya nito at kailangan pa rin n‘yang sumunod sa ilang iuutos sa kanya.
Pagkababa ni Sienna, naabutan niya si Saji, na nakaupo sa sofa kaya nilapitan niya ito.
“Miss Saji, nakauwe kana rin pala” Napaangat ang tingin ni Saji, kay Sienna, bago niya ito nginitian.
“U-Uhh huh?” Naguguluhan na tumingin si Saji, kay Sienna.
“/*napakamot sa batok* Nakita ka kase namin ni Master, doon sa mall /*lumapit* at kasama mo si, Miguel” Napanganga si Saji, dahil sa sinabi ni, Sienna.
“Shhs baka marinig ka ni, kuya. Please Sienna, isekreto niyo nalang ‘yon” Pakiusap ni, Saji.
“Sus, walang problema.” Napangiti si Saji, dahil sa kabaitan ni, Sienna.
“Salamat” Nakangiting pasasalamat ni, Saji.
“Ayy sige doon na muna ako sa kitchen kase ikukuha ko pa po ng pagkain yung pamangkin mo”
“Umm ganon ba? Sige” Tugon ni Saji, kaya lumakad na si Sienna, papunta sa kitchen.
Matapos kumuha ni Sienna, ng iniutos sa kanya ng kanyang alaga ay kaagad na s‘yang bumalik sa itaas.
DALAWANG araw na ang nakalipas at katatapos lang din ihatid ni Sienna, si Azilenia, sa school kaya naman umalis na rin ito.
Nang makapasok naman sa loob ng classroom si Azilenia, ay nakita niya ang mga kaklase n‘yang babae na pinag-uusapan siya.
“Kawawa naman siya kase wala s'yang, mommy.”
“Yeah. Wala ring magulang, kaya iba ang naghahatid sa kanya”
“Super bad raw kase niya. Sabi rin ni Mommy, hindi daw dapat tayo nakikipag friends sa kagaya niya.”
“Yan rin ang sinabi nila mommy at daddy, sa akin.”
“Mabuti pa tayo dahil may mga Mommy at Daddy, tayo pero siya wala”
{GIRLS LAUGH}
“Anong sabi niyo?” Galit na tanong ni Azilenia, sa kaklase n‘yang babae nang asarin siya nito.
“Huh? Bakit totoo naman 'di ba na wala kang parents. Kawawa ka ble ble.” Pang-aasar ulit nung batang babae na mas lalong ikinainis ni, Azilenia.
“DESERVE MO 'YAN!” Sigaw ni Azilenia, sa kaklaseng babae na sinapak niya.
“A-Awww /*started crying* m-mommy, daddy, huhu” Hagulgol nung batang sinapak ni, Azilenia.
DALAWANG ORAS lang ang nakalipas nang sunduin na ni Laxerous, si Sienna, sa school dahil sa ginawa nito sa kaklase.
“NATANGGAL KANA NAMAN SA SCHOOL MO DAHIL SA KATIGASAN NG ULO MO!! PALAGI KA NALANG NAPAPASABAK SA GULO, KAHIT NA ANG BATA-BATA MO PA!!” Galit na galit na sigaw ni Laxerous, sa anak n‘yang babae, matapos niya itong sunduin sa school.
“Boss, tama na po. Huwag mo po'ng pagalitan ng sobra ang anak mo.” Pakiusap at pag-awat na rin ni, Sienna. Kaagad rin n‘yang yinakap ang alaga niya at yumakap rin naman sa kanya kaagad si, Azilenia.