Chapter 9

2103 Words
KINABUKASAN, habang nag-aasikaso ako ng breakfast ni Master, ay hindi ko talaga maiwasan na hindi kabahan. Baka kase mamaya ay bumaba na si Boss, tapos— “Good morning, Boss” Parang nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil narinig kong binati ni Manang, ang amo namin na kabababa pa lamang. “My breakfast, Sienna?” Ilang beses akong napalunok at dahan-dahan kong hinarap si Boss, at pinilit ko s‘yang nginitian kahit na ngayon palang ay para na akong nilalamon sa kahihiyan. “Boss, ako na po ang bahala sa breakfast mo. Maupo kana po.” Maypakamaharot na sabi nitong si Ella, kay Boss. Tinignan ko naman sila at nakita ko ang pagsama ng tingin ni Boss, kay Ella, at saka ito naupo sa upuan na katapat ni, Master Azilenia. “Si Sienna, ang maghahanda ng breakfast ko,” malamig na pagpigil ni Boss kay Ella, dahil lalagyan na sana ni Ella, ng pagkain sa plato si, Boss. “Super arte mo naman, Tanda. Ako kaya dapat ang inaasikaso ni Sienna, at hindi ka na dapat kasali. Siya ang yaya ko at marami namang maid dyan na pwedeng magprefer ng breakfast mo.” Biglang pagtataray ni Master, sa Daddy niya. “Master, a-ayos l-l-lang po.” Utal-utal kong wika kaya tinaasan niya ako ng kilay pero hindi kona muna siya pinansin dahil nilapitan ko kaagad si Boss, at kaagad kong nilagyan ng pagkain yung plato niya. “Sienna, yung kagabi nga pala” Bigla akong napahinto at napalunok nang paulit-ulit dahil sa sinabi ni, Boss. H-Huwag naman sana n‘yang sabihin sa harap ng maraming tao na nakita niya ang aking panty. Sobrang nakakahiya na talaga kase eh. “Nevermind” Muling dagdag nito kaya nakahinga ako nang maayos. Salamat naman. Akala ko magpapalamon na ako sa lupa eh. Salamat dahil hindi niya sinabi. Hindi ko talaga kakayanin kung sakaling sinabi niya ‘yon. Baka magkulong nalang din ako sa kwarto kapag ganon. TANGHALING tapat ngayon at kasama ko ngayon si Master, dito sa may pool area. Ewan ko ba sa kanya dahil sobrang init pero gustong-gusto n‘yang mag swimming. “Master, tama na po ‘yan. Sobrang init kase eh. Halika kana po, baka mangitim ka pa dyan.” Tawag ko sa kanya ngunit hindi siya nakinig at lumapit lang siya sa gawi ko. “Samahan mo nalang ako dito, Sienna.” Kaagad akong umiling dahil sa sinabi nito. “Ayaw ko po, Master. Umahon ka nalang po d'yan. Kumain kana po ng lunch mo” Tanggi ko sa kanya pero umiling din siya sa akin. “Samahan mo na ako dito. Pumayag kana kase.” Pamimilit nito habang nasa harapan ko siya. “Ayaw ko po, Master.” Muling pagtanggi ko, pero nanlaki bigla ang mga mata ko nang bigla niya akong hinawakan sa paa at bigla-bigla niya akong hinila dahilan para mahulog ako sa tubig. “HAHAHA Samahan mo na kase ako” Hagalpak nitong pagtawa sa akin kaya dalidali akong lumangoy palapit sa kanya. “Master, huwag mo na ulit uulitin 'yon. Paano nalang kung hindi ako marunong lumangoy huh? Sa susunod Master, ayusin mo ang mga ginagawa mo. Baka makadisgrasya ka sa susunod.” Seryosong wika ko sa kanya pero tinarayan lang niya ako. Kainis talaga ang batang ito. Gustong-gusto ko s‘yang mapatino at mapalapit sa tatay, niya kaso mukhang mahihirapan ako. Pero go lang Sienna, dahil kaya mo 'yan. “Umahon na nga tayo.” Nginitian ko siya at inalalayan ko siya sa pag-akyat sa hagdan at saka naman ako sumunod sa kanya. Kaagad kong kinuha doon sa may gilid ng upuan yung towel niya at kinover ko ‘yon sa katawan niya. “Sienna, super nipis pala ng damit mo na ‘yan.” Nginuso ni Master, yung suot kong pang maid. Bigla naman akong napatayo nang maayos at tinignan ko ang kabuuan ko. Oo nga tama si Master, na sobrang nipis nga ng suot ko. Kitang-kita yung black kong bra. Pero mabuti nalang dahil yung pang-itaas lang ang manipis at hindi ang palda. Kaso kahit na hindi manipis ang palda eh, sa manipis naman ang damit, mukhang hindi nga maganda tignan. “Yes, Boss. Nagpadala na rin kame ng mga tao sa lugar na ‘yon.” Napatingin kame ni Master, doon sa may pintuan at nanlaki ang mga mata ko nang pumunta bigla dito sa pool area sila Boss, at ang mga kasama nito. “Oww sh*t!” Napatalikod kaagad sila Ash, Samuel at Johniel, nang makita nila ako. “D*mn! /*gulp” —Boss Kaagad akong napatakip sa katawan ko nang makita nila ako. “Boss, tumalikod ka ho” Mabilis na sabi ni Aliyah, at dalidali namang tumalikod si Boss, at kaagad din akong nilapitan nila, Aliyah at Mika. “Grabe yung suot mo, Sienna. Sobrang nipis naman n‘yan.” Iiling-iling na sabi sa akin ni Mika, kaya nakaramdam ako ng hiya. “He'to icover mo sa katawan mo” Ibinigay kaagad sa akin ni Aliyah, yung jacket niya na hinubad pa niya. Sports bra nalang tuloy ang suot niya ngayon. Kaso parang mas nakakailang s‘yang tignan. “Pero Aliyah, yung a-ano mo kase....” Hindi ko mabanggit banggit pero sinesenyas ko naman yung katawan niya. “Sanay na ang lahat ng tao dito sa ganitong pananamit ko. Don't worry, sige na umakyat na kayo ni Master Azilenia, at para na rin mapalitan mo siya ng damit.” Nakangiting wika ni Aliyah, kaya napangiti rin ako. “Sige salamat sa inyo” Nakangiting tugon ko at dali-dali kong hinawakan sa kamay si Master, at kaagad na kameng pumasok sa loob. ALIYAH POV “Woooh! Grabe, sobrang hot pala ng bagong babysitter ni, Master. Samantalang yung mga naunang babysitter ay puro mga may edad na. Grabe talaga, kakaiba ang bagong babysitter ninyo, Boss” Natatawang tumingin si Ash, kay Boss, na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. “Boss, balik na po tayo sa pinag-uusapan natin kanina patungkol sa organization nila, Vandrick” Seryosong wika ni, Mika. “Okay. Pero bago 'yon, sino yung sinasabi sa akin ng isang tao ko na may kasama dito kahapon si Saji, na lalaki?” Nagkatinginan kame nila Mika at Samuel, dahil sa biglaang tanong ni, Boss. Alam naman kase namin na kahit kay Miss Saji, ay sobrang higpit niya at sobrang protective niya. Hindi na kame magtataka dahil bunsong anak si Miss Saji, at panganay naman itong si, Boss. “Kaklase lang ho niya, Boss. Mukhang inihatid lang si Miss Saji, pauwe dito” Sagot ni Mika, kaya napatango kame bilang pagsang ayon. “Johniel, alamin mo ang background info nung lalaking dinala dito ni, Saji. Gusto kong malaman na hindi niya ‘yon boyfriend” Seryosong utos ni Boss, kay Johniel. Sinasabi ko na nga ba at aandar na naman ang pagiging protective nitong si, Boss. Kapag nalaman n‘yang boyfriend ‘yon ni Miss Saji, baka mapatay ni Boss, yung lalaki. Pero mukhang kaklase at kaibigan lang naman ‘yon ni, Miss Saji. KALAHATING minuto ang nakalipas at katatapos lang din ng aming mga pinag-usapan patungkol sa aming mga trabaho at mission. Ako at si Samuel, ang inutusan ni Boss, na mag spiya sa organization nila, Vandrick. Ngayon palang ay may naisip na akong magandang plano na paniguradong gagana. “Aliyah,” Nilingon ko ang tumawag sa aking pangalan at nagtataka kong tinignan si, Sienna. “Ikaw pala, Sienna. May kailangan ka ba sa akin?” Tanong ko sa kanya at napansin ko naman ang pagpanay paglalaro niya sa kanyang mga daliri. “Yung nangyare kanina. Pasensya na talaga huh. Hindi ko rin talaga alam kung paano sila haharapin eh. Sobrang nakakahiya kase na nakita nila akong ganon.” Nakayukong wika nito habang pinaglalaruan ang mga daliri. “Wala namang problema eh. Ang problema ay yung halos makita na ang katawan mo kanina. Pero kahit naman makita ay mukhang ayos lang rin, kase may maipagmamalaki ka rin naman eh. At saka maganda ang hubog ng katawan mo at parehang malaki ang likod at harap mo.” Nakangiting tugon ko at mukhang nahiya ito sa mga sinabi ko. Medyo nakaka awkward nga ang mga sinabi ko. “N-Nako /*kumamot sa batok* bukas na bukas ay ibabalik ko rin sayo yung jacket mo. Lalabhan ko rin muna” Kamot batok nitong turan sa akin. “Sige, walang problema.” Tugon ko. Nakasuot na rin naman na ako ng t-shirt ngayon na galing pa sa sasakyan ko. Palagi rin naman kase akong may dalang extrang damit in-case of emergency. Kadalasan rin kase sa mga laban namin ay napupunitan kame ng damit or minsan nadudumihan. “Sienna” Pareha naming tinignan ni Sienna, si Boss. “Boss, /*tumayo” “Pumunta ka sa office ko ngayon 'din” Seryosong sambit ni Boss, at nauna na ito sa paglalakad. Tinignan ko naman si Sienna, at tumingin rin ito sa akin kaya hinawakan ko siya sa balikat. “Hindi ka naman yata pagagalitan eh. Sige na, sumunod kana.” Nakangiting wika ko at kaagad naman s‘yang napatango at saka sumunod doon sa Boss, namin. Muli na akong naupo at ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ng magazine. “Halatang gusto talaga ni Sienna, si Boss. Grabe kabagobago palang pero nilalandi na kaagad si, Boss.” Napatingin ako kila Ella at doon kay Ashley, na mga katulong na chichismisan habang nasa gilid. Akala mo talaga nagpupunas ng mga vase, mga nagchichismisan lang naman. “Alam mo Ella, ‘yan nga rin ang nahalata ko eh. Grabe siya 'no? Feeling niya siguro magugustuhan siya ni, Boss.” Dugtong naman nitong si Ashley, kaya tumayo na ako at nilapitan ko sila. Pagkalapit ko ay saka na ako nagsalita. “Mga katulong lang rin kayo dito. Trabaho niyo ang pagsilbihan ang mga amo niyo at wala sa trabaho niyo ang pagchichismisan. Baka isumbong ko kayo kay, Boss.” Taas kilay kong pagsabat sa usapan nilang dalawa. “Tauhan ka lang rin naman ni, Boss. Saka kahit magsumbong ka ay hindi kame natatakot kase ‘yon naman ang totoo. Isa pa, matagal na kame ni Ashley, dito sa mansion kaya hindi kame basta basta matatanggal dito.” Palaban na sabi sa akin ni Ella, kaya napangisi ako at pinakita ko sa kanila yung cellphone ko na naka screen record. “Well okay. Hindi pala kayo takot kay, Boss? Let see. Baka mamaya o bukas, ay wala na kayo dito.” Nakangising sambit ko at lumakad na ako paalis 'don. Pagkalabas ko ay kaagad akong dumeretsyo sa garage at doon ay naabutan ko sila Samuel at Mika, na magkasama. Nagtago na muna ako sa isang van. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa eh. Tinignan ko yung dalawa. Nakaupo si Samuel, sa may upuan ng van habang nakabukas ‘yon at si Mika, naman ay kaharap ni, Samuel. Nakapulupot rin ang mga braso ni Samuel, sa bewang ni Mika, at sobrang sweet nilang tignan dalawa. “Hindi kita makakasama sa iisang mission. Mas gusto ko sanang ikaw ang kasama kesa kay, Aliyah” Alam kong palaging ganon, Samuel. Palaging si Mika, ang gusto mong makasama. Pero bakit sobrang sakit? Masyado mong pinaparamdam na sobrang mahal mo si Mika, at kaibigan mo lang talaga ako. “Okay naman si, Aliyah. Magaling siya sa maraming bagay lalo na sa pakikipaglaban. At saka matalino rin si, Aliyah.” Seryosong wika ni, Mika. “I know. Pero mas gusto ko na ikaw ang kasama ko. Pero no choice din naman ako eh. /*sighs* Basta palagi mong iingatan ang sarili mo. Tandaan mo pakakasalan pa kita.” Ramdam ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Hindi ko na natiis pa kaya umalis na ako doon. Doon ako sa kabila dumaan para hindi ako gaanong halata. “Aliyah” Kaagad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko at tinignan ko yung gilid ko at doon ay nakita ko si Johniel, na nakasandal sa pader. “Huwag mo silang iyakan. Alam mo naman na pareha nilang gusto ang isa't-isa. Kahit na wala pa'ng sila, masyado naman na silang napaghahalataan.” Dugtong pa nito kaya seryoso ko s‘yang tinignan sa mga mata niya. “Hindi ko sila iniiyakan. Napuhing lang ako” Sagot ko at alam kong hindi siya kumbinsido base sa naging reaksyon ng mukha niya. “Mabuti pa, magpunta nalang tayo sa WeiS. Treat ko lahat. Game ka?” Nakangiting pag-aaya nito. Minsan lang siya ngumiti o makisama sa amin. Pero masasabi kong mabuti din s‘yang kaibigan. “Sige. Wala na din naman na tayong gagawin eh.” Pagsang ayon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD