Tinignan ni ang buhok niya at halos maiyak na talaga siya ngayon.
“SIENNA, BUMABA KA NA!!” Inis na lumakad palabas ng kwarto si Sienna, dahil sa sigaw ng kanyang makulit na alaga.
‘Kung hindi lang talaga bata ‘yon, baka nako, nakatikim na siya sa akin.’ ‘yan ngayon ang nasa isip ni, Sienna.
Pagkababa niya ay nakita niya ang Boss, nila sa bandang dulo na may kausap sa cellphone. Mukhang bad mood din si Laxerous, sa kausap nito
“SIENNA!!” Tinignan ni Sienna, si Azilenia, kaya napaasik ito.
“Andyan na nga,” walang ganang sagot ni Sienna, at napalingon din sa kanya si, Laxerous.
“Sienna, wait” Napahinto si Sienna, at nagtataka n‘yang tinignan yung amo niya nang tawagin siya nito at lapitan.
“Boss, may ipag-uutos ka po ba?” magalang na tanong ni Sienna, sa kanyang amo na si, Laxerous.
“U-Umm yeah. Gusto kong samahan mo ako mamaya sa kumpanya dahil may ipapagawa ulit ako sayo.” Sagot ni Laxerous, na ikinakunot ng noo ni, Sienna. Hindi alam ni Sienna, kung bakit at medyo napapansin niya rin na medyo nagiging madaldal na ang kanyang, Boss.
“Po? Pero bakit naman po, Boss? Saka 'di ba po dapat dito lang ako ngayon? Kase dapat kapag sabado ay nagrereview kame ng anak mo.” Tugon ni Sienna, kaya marahan na napatango si, Laxerous.
“I know. Pero kailangan ulit kita para sa kulang pa na design. Gawan mo ulit ako ng sarili mong design,” wika ni, Laxerous.
“Pero kase Boss Laxerous, magrereview pa ang anak mo eh.” Kamot ulo na tugon ni Sienna, sa kanyang amo.
“Babysitter ka niya 'di ba? Ikaw na ang bahalang mag adjust. Kung gusto mo, isasama ko rin siya sa opisina para habang ginagawa mo ang pinapagawa ko sayo, tinuturuan mo rin siya sa pagrereview.” Masungit na saad ni Laxerous, at saka ito lumakad palabas ng mansion.
Si Sienna, naman ay naningkit ang mga mata at inambahan pa nito ng kamao si, Laxerous.
MASAYA namang magkasama ngayon sina Miguel at Saji, sa isang sikat na cafe. Wala ri'ng kasamang bantay ngayon si Saji, dahil lahat ng bantay niya ay kanyang tinakasan.
“Patikim ako ng sayo.” Bahagyang nagulat si Saji, nang inuman ni Miguel, ang kanyang baso na may laman na green tea latte. “Ang sarap” Tumatawang wika ni Miguel, na ikinayuko ni Saji, at saka ito napangiti.
Ramdam na ramdam ni Saji, na pulang-pula na ang kanyang pisnge ngayon dahil sa kilig.
“Miguel, pwede mo ba akong sunduin sa monday? Sunduin mo naman ako sa bahay namin.” Nakangiting turan ni Saji, kaya tinignan siya ni Miguel, at ginugulo naman ni Miguel, yung buhok ni, Saji.
“Oo naman. Walang problema, saka gusto ko naman talaga noon pa 'man na sunduin ka palagi at ihatid ka palagi sa inyo eh. Ikaw lang ang tumatanggi.” Tugon ni Miguel, na ikinangiti naman ni, Saji.
“Pasensya kana kung tumatanggi ako minsan. Pero ngayon handa na ako at gusto ko rin na ipakilala ka sa parents ko.” Nakangiting sagot ni Saji, na ikinangiti rin ni Miguel, sabay tango nito.
MATAPOS nilang magkape sa cafe ay kaagad rin silang nagpunta sa mall upang mamasyal. Nagpasama na rin si Saji, kay Miguel, na magpunta doon sa boutique.
“Miguel, bagay ba sa akin?” Nakangiting tanong ni Saji, sa kaibigan, nang lumabas ito galing sa fitting room na may suot-suot na dark blue peplum dress.
“Oo, maganda siya at bagay na bagay sayo.” Nakangiting sagot ni Miguel, na ikinangiti rin ni Saji.
“Bibili pa ako ng marami. May bibigyan rin kase ako.” Nangunot ang noo ni Miguel, dahil sa sinabi ni, Saji.
“Hmm? Sino naman?” Nakakunot noo na tanong ni Miguel, pero nginitian lang siya ni, Saji.
SI Sienna, naman ay kasama na ngayon ni Laxerous, sa kanyang opisina sa kumpanya. Kasama rin nila si, Azilenia.
“Heto naman Master, ang sagutan mo. Itinuro ko na ‘yan sayo kaya sure akong alam mo na 'yan.” Nakangiting sambit ni Sienna, at saka niya muling ibinalik ang tingin sa kanyang ginagawang pagguhit.
‘Nakakainis. Pagiging babysitter ang inaplyan ko at hindi ganito. Kung hindi lang talaga sa sweldo ko, baka nasapak ko na ang amo ko. Kainis s‘yang tao arrghh’ Gigil na gigil si Sienna, sa kanyang isipan at kahit ang hawak n‘yang lapis ay halos mabali na rin. Tinignan naman ni Laxerous, si Sienna, at napatingin rin siya sa lapis na malapit nang maputol.
“I'm done” Tinignan ni Sienna, yung alaga niya at kinuha niya yung libro.
“Umusod ka po dito sa tabi ko, Master. Basahin mo po ang story na ito. English story ‘yan, kaya basahin mo muna. Tapos mamaya sasagutan na natin yung nasa likod na mga tanong.” Sambit ni Sienna, kaya tinaasan siya ng kilay ni, Azilenia.
“Okay” Mataray na tugon ni Azilenia, at binasa niya gamit ang isipan ang story sa libro. Si Sienna, naman ay muling ibinalik ang gawain sa pagguhit. Pasimple rin s‘yang pinagmamasdan ni Laxerous, at ginagawa ‘yon ni Laxerous, dahil sa ‘di malaman na dahilan.
KALAHATING minuto ang lumipas ngunit hindi pa rin natatapos si Sienna, at nakaramdam na rin ito ng pangangalay at pagsakit ng kamay.
“Tanda, I'm hungry na” Pag-irap na sabi ni Azilenia, sa tatay niya na si, Laxerous.
“ASH!” Pasigaw na pagtawag ni Laxerous, sa isang tao niya. Kaagad naman na pumasok si Ash, sa opisina ni, Laxerous.
“Boss, bakit?”
“Isama niyo si Azilenia, sa restaurant na katapat lang nitong building. Doon niyo na siya pakainin at mag take-out kana rin ng pagkain para kay, Sienna.” Seryosong utos ni Laxerous, kay, Ash. Kaagad naman na napatingin si Sienna, sa kanyang amo at kahit si Ash, ay medyo nagulat din.
“U-Uhh hi-hindi na po, Boss. Hindi rin naman po kase ako gut—/*kruuuuuu” Hindi na natapos ni Sienna, ang dapat na sasabihin niya nang tumunog bigla ang t'yan niya na hudyat na siya ay gutom na rin.
“O-Okay po, Boss. Halika na po, Master Azilenia” Kaagad na bumaba sa upuan si Azilenia, at lumakad na ito palabas ng opisina ng tatay niya.
Pagkalabas nila Ash at Azilenia, ay sumenyas
kaagad si Ash, sa mga kasama niya na sina Aliyah, Johniel, Mika at Samuel.
“Utos ni Boss, na samahan raw natin si Master, na kumain doon sa restaurant na katapat lang nitong building. Tapos mag take out na rin raw tayo para kay, Sienna.” Pabulong na sabi ni Ash, sa mga kasama niya at may halong pag-ngisi pa niya ‘yong sinabi.
“Take out ka mo? At para pa kay Sienna, huh? Nag-iba yata ang ihip ng hangin at inutos ‘yon ni, Boss.” Hindi makapaniwalang wika ni, Johniel.
“ 'Yon na nga eh. Pero 'yon kase ang utos sa akin ni Boss, na gawin raw natin—”
“Magkukwentuhan lang ba kayo d'yan huh? I'm so hungry na.” Conyong pagsabat ni Azilenia, kaya hindi na natapos ni Ash, ang dapat na sasabihin.
“Hungry na raw si Master, tara na.” Nagpipigil pagtawang sabi ni Aliyah, kaya naman lumakad na sila pasakay sa elevator.
[SIENNA POV]
Halos kanina ko pa ginagawa ang mga design na gusto ng amo ko. Yung iba ay pasok naman sa taste niya, pero yung iba ay hindi. Kayaman-yaman niya kaseng tao, dapat kumuha siya ng isang tao na mas maraming alam sa mga ganitong gawain. Eh, halos hobby ko lang naman ang pagguhit at pagpinta eh. Nakakainis talaga ang buhay kong ito.
Pero sana naman huli na ito. Pagiging babysitter naman kase ang inaplyan ko eh. Pero minsan napapaisip lang din ako. Hindi naman na baby si Master, pero bakit kaya kumukuha pa ng babysitter itong si, Boss?
Marami din naman ang maaaring rason eh. Pwedeng dahil sa nahihirapan siya sa ugali ni, Master. Pwede din naman na wala s‘yang alam sa pag-aalaga o baka dahil sa hindi sila close. Hindi kase tinatawag ni Master, na 'Daddy' si Boss, eh. Parang palagi nalang naiinis si Master, sa sarili n‘yang ama.
{TOK-TOK-TOK-TOK}
“Boss Laxerous”
“Pumasok ka” Pagkasabi 'non ni Boss, ay bumukas na ang pintuan at pumasok naman ang isang babae na may hawak-hawak na mga folder.
“Boss, he'to na po ang mga folder na galing sa kabilang department. Pirma mo nalang raw ho Boss, ang kailangan nila para maging maayos na ang usapan ninyo.” Sambit ng babae kay, Boss.
“Ibalik mo ang lahat ng 'yan sa kanila. Hindi ko kamo tatanggapin ang mga ‘yan. Hindi ko kailangan ng basura na galing sa kanila.” Malamig na tugon ni Boss, na halos ikalunok ko. Grabe kase ang boses niya eh. Sobrang lamig at sobrang nakakatakot talaga. Hindi ko din talaga lubos maisip kung bakit parang wala lang kay Master Azilenia, ang tatay niya eh. Samantalang sobrang nakakatakot nga.
“Pero Boss, nagkaroon na po kayo ng kasunduan sa kanila. Huwag na po kayong mag back-out kas—”
“Ako ang Boss mo 'di ba? Pwes ako ang susundin mo at gusto kong ibalik mo ang lahat ng ‘yan sa kanila. Wala akong pakealam sa kasunduan na 'yan.” Galit na bulyaw ni Boss, doon sa babae. Kung yung babae ay natatakot na kay Boss, pwes malala naman ako. Kanina pa nanginginig ang mga tuhod ko at pilit kong tinutuon ang atensyon ko sa aking ginagawa.
“O-O-Okay po. Pasensya na po, Boss” Mabilis na pagyukong sabi nung babae at saka siya dali-daling lumabas ng opisina. Pero ano kaya siya ni, Boss? Siguro empleyado ‘yon dito sa kumpanya.
“Ituloy mo na ang ginagawa mo, tsk” Kaagad kong binalik ang tingin sa aking ginagawa nang sabihin ‘yon ni, Boss.
Grabe talaga ang kasungitan niya. Parang hindi minahal eh. Siguro walang nagmamahal dito, ang sungit-sungit eh. Kainis!
KALAHATING minuto ang muling lumipas at nakatapos na ulit ako ng design, pero hanggang ngayon ay may ginagawa pa rin ako. Hindi pa raw kase kumpleto at kulang pa raw.
{DOOR OPENED}
{BOOGGSH}
Bigla kong tinignan kung sino ‘yon. Pagkakita ko ay nakita ko si Master, na padabog na naupo sa sofa at binasag pa niya yung isang vase dahilan para makagawa ‘yon ng malakas na ingay. Kahit si Boss at ang mga tao ni Boss, ay halatang nagulat 'rin.
“Anong nangyare sa inyo?” Nakakunot noo na tanong ni Boss, doon sa mga tao niya na kasama ni Master, kanina na lumabas.
“Boss, 'yung anak mo e, nakipag-away doon sa isang customer sa restaurant.” Sagot ni, Johniel.
“Sinapak din niya Boss, at nawalan ng malay yung sinapak niya. Medyo naparuhan ya'ta eh,” dagdag pa ni, Ash.
Nakita ko naman ang paraan ng pagtitig ni Boss, sa anak niya at makikita mo talaga sa mga mata ni Boss, na galit siya.
“Azilenia! Sinabihan na kita na iwasan mo ang pakikipag-away 'di ba?! Hindi ka na talaga nakikinig!” Galit na bulyaw ni Boss, sa anak niya at lumakad ito palapit kay Master, kaya naman inunahan ko na siya ng paglapit at kaagad akong naupo sa tabi ni Master, at hinawakan ko ang kamay nito.
“Boss, huwag kana po'ng magalit sa anak mo. Hindi pa naman ho natin alam kung anong dahilan eh. Sure ako na hindi si Master, ang nauna, kaya please Boss, huminahon ka po,” wika ko at ilang beses pa akong napalunok.
“Wala kang karapatan na sabihin sa akin ‘yan. Gagawin ko at sasabihin ko sa batang ‘yan ang lahat ng gusto kong sabihin o gawin.” Galit na singhal sa akin ni Boss, kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot. Parang naiihi na nga ako dahil sa takot eh.
“Boss, yung customer po ang—”
“Manahimik ka Mika, dahil hindi ikaw ang kinakausap ko. At ikaw Azilenia, ipapadala na kita sa puder ng lolo at lola mo.” Galit na wika ni Boss, at kaagad naman s‘yang tinignan ng anak niya.
“Edi gawin mo ang gusto mo. Palibhasa wala ka naman talagang alam sa akin. Wala ka ngang alam na favorite kong food or favorite kong gawin eh. Mabuti pa sila Mamala at Daddylo, dahil marami silang alam about sa akin. Ikaw hindi kita ituturing na Daddy ko, dahil wala ka naman talagang alam sa pagiging ama. Puro ka lang trabaho, business trip, opisina, kumpanya. Wala kang alam na ibang gawin kundi ang magtrabaho. Pero sa sarili mong anak, wala kang pake.” Bahagya akong nagulat dahil sa mga salitang binitawan ni Master Azilenia, sa kanyang ama. Parang matanda na talaga siya.
“Master,” Banggit ko rito at napatingin ako sa mga kamao niya na nakayukom ngayon habang galit ang mga mata na nakatingin kay, Boss. “Boss, pakiusap lang po please, ako na po ang bahala sa anak mo. Huwag ka na po'ng magalit sa kanya. Wala ka naman po doon sa restaurant, kaya dapat hindi ka po agad-agad na nagagalit d'yan.” Nakayukong sambit ko sa aking, amo. Bahala na kung pa'ti sa akin ay magalit rin siya. Basta, ang mahalaga sa akin ay ang maipagtanggol ang alaga ko, dahil ramdam ko ang sakit sa mga salitang binitawan niya. Isa pa nga s‘yang bata, pero marami na s‘yang alam.
“Sienna, umuwe nalang tayo. Let's play nalang sa kwarto ko. Ayaw ko na dito kay, Tanda.” Tinignan ko si Master, at kaagad itong tumayo kaya naman tumayo na din ako.
“Boss, ako na po ang bahala. Pasensya na rin po.” Nakayukong wika ko at dali-dali akong lumabas upang masundan si, Master.
Habang naglalakad kame ay liliko na sana ako para sa elevator sumakay pero bigla naman s‘yang doon sa hagdan dumaan, kaya no choice na ako kundi ang sundan siya. Grabe talaga ang batang ito. Kabata-bata pa pero ang dami na kaagad problema sa buhay. Daig pa niya yata ako eh.
Napatingin ako sa likod at nakita ko doon sila Aliyah, Mika at Samuel, na mga nakasunod sa amin. Malamang si Boss, ang nag-utos sa kanilang tatlo na sundan kame.
PAGKALABAS namin sa kumpanya ni Boss, ay akala ko aalis na kame. Naupo pa sa isang upuan si Master, habang kumakain ng dala-dala niya kaninang burger.
Tumayo nalang ako sa tabi niya at aantayin ko nalang siya na matapos, para makauwe na rin kame mamaya.
“Sienna?” Nilingon ko ang tumawag sa akin at tumaas ang aking kilay nang makita ko si, Cathleen the malandi. “Ikaw nga, Sienna. Anong ginagawa mo dito? Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ri'ng trabaho na nahahanap?” Nakangiting tanong nito. Ang sarap niya lang rin sampalin eh. Akala mo hindi ako niloko at hanggang ngayon ay feeling close pa rin.
“Wait, sino ka ba? Kilala ba kita? Nagkita na ba tayo noon?” Maangmaangan kong tanong sa kanya.
“Ano? Nababaliw kana ba huh? Ako ito si Cathleen, ang b—
“Ang panget mo kase eh, kaya naman hindi kaagad kita nakilala. Oo nga pala Cathleen, the malandi. Oo kilala kita. Ahas ka kase eh, kaya naman naalala ko na.” Nakangiting pagputol ko sa dapat na sasabihin niya.
“Hindi ako malandi, Sienna” May pagkadiin nitong wika sa akin kaya bahagya akong natawa at kaagad kong tinakpan ang magkabilang tenga ni Master.
“Kirida, ahas, mang-aagaw, s***h malandi ka. Ikaw ‘yon Cathleen, kaya huwag mo ng itanggi.” Nakangising sagot ko. “Master Azilenia, umuwe na po tayo. Bawal ka kaseng mahawaan ng virus dito eh.” Nakangiting sabi ko pa sa aking alaga at kaagad naman s‘yang tumayo at lumakad papunta doon sa kotse. Tinignan ko naman si Cathleen, at tinarayan ko ito at saka ako sumakay sa kotse.
“Sino ang babaeng ‘yon Sienna, at mukhang may galit ka sa kanya?” Nakakunot noo na tanong sa akin ni Aliyah, at si Samuel, naman ay inumpisahan na ang pagmamaneho.
“Siya yung umahas sa boyfriend ko na ex ko na ngayon.” Sagot ko at napatango-tango naman siya.
PAGKAUWE namin sa mansion ng mga Sanchez, ay naabutan namin sa loob si Saji at ang isang gwapong lalaki na halos kaedaran lang din yata ni, Saji.
“Sweetie” Masayang yumakap si Saji, sa pamangkin niya, ngunit si Master ay nanatiling tahimik pero ang mukha ay nakairap. “Huh? Bakit ang tahimik mo yata ngayon? Saka saan kayo galing ni, Sienna?” Nakakunot noo na tanong sa amin ni Saji, kaya ako na ang sumagot dahil halatang wala sa mood si, Master.
“Galing po kame sa kumpanya ni Boss Laxerous, Miss Saji” Sagot ko at nanatili pa rin ang pagkakunot ng noo niya.
“Sienna, tell me, anong ginawa ni Kuya Elvion, sa pamangking ko?” Seryosong tanong sa akin ni Saji, na mukhang mahirap sagutin. Ayaw ko kaseng nanghihimasok sa alitan o away ng iba. Naawa lang talaga ako kanina kay Master, kaya ko siya ipinagtanggol.
Nilapitan ko si Saji, at bumulong ako. “Si Boss nalang ang tanungin mo. Baka mapagalitan pa ako eh.” Bulong ko sa kanya at bahagya naman s‘yang napatango.
“Sweetie, galing kame sa mall at may binili ako na para sayo. For sure magugustuhan mo ito” Nakangiting sabi ni Saji, kay Master at may nilabas itong malaking laruan.
Tumingin naman kame kay Master, na kaagad ring lumiwanag ang pagmumukha. Mukhang nagustuhan niya. Doctor-doctoran kase ang laruan na ‘yon. Tapos complete set na yata ang nasa loob ng kahon.
“Wow! /*pout* buti ka pa Auntie, at binili mo sa akin ito. Si Tanda, kase ang papanget ng mga binibili. Halatang wala talagang alam sa akin. Pero okay lang kase ikaw naman tagabili ko ng toys eh. Thank you, Auntie” Marunong rin pala s‘yang mag thank you. Akala ko kase hindi eh.
“Uhh oo nga pala. Ito nga pala si Miguel, classmate ko at bestfriend ko na rin. Miguel, sila naman si Azilenia, pamangkin ko siya. Ito naman si Sienna, ang babysitter ng pamangkin ko. Yung nasa dulo ay sila Aliyah, Mika at Samuel.” Pakilala sa amin ni Saji, kaya ngumiti kame doon sa Miguel.
“Masaya po akong makilala kayo” Yukong turan ni Miguel, kaya bahagya rin akong yumuko.
KINAGABIHAN, tapos ko nang patulugin si Master Azilenia, at ako naman ay heto nandito na aking kwarto. Katabi ko lang si Master, ng kwarto. Sabi ko nga kay Manang, ay ayaw ko dito at doon nalang ako sa maids room. Kaso wala na raw bakante, kaya naman no choice ako.
Habang nakatingin ako sa may ibaba dito sa may veranda, ay nahagip ng aking mata si Boss, na nasa pool area habang umiinom ng alak. Napatingin naman ako sa sinampay kong panty nang bigla iyong mahulog malapit sa gawi ni, Boss. Patay ako nito. B-Bakit ang panty ko pa.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba. Jusko sana hindi ‘yon nakita ni, Boss. Baka mayare ako huhu.
Pagkalabas ko ay kaagad akong nagtungo sa pool area. Nagdahan-dahan lamang ako sa paglalakad dahil baka marinig niya ako. Nakita ko naman doon sa may bandang halaman yung nahulog kong panty. ‘Yon ang kailangan kong makuha.
Tinignan ko muna si Boss, at halata naman na hindi niya ako napapansin, kaya naman nagmadali na ako doon sa may tabing halaman. Pagkalapit ko doon ay kaagad kong kinuha yung nahulog kong panty. Mabuti nalang at dito ito nahulog.
Umayos na ako ng pagkakatayo at lalakad na sana ako pero bigla din lamang akong napahinto nang may nagsalita sa aking likoran. “Dis-oras na ng gabi. Ano pa ang ginagawa mo dito?” Kilala ko ang boses na ‘yon. Hindi ako maaaring magkamali. Si Boss Laxerous, ‘yon huhu. At halatang wala siya sa mood.
Kaagad akong humarap sa kanya at mabilis ko rin na itinago ang aking panty sa aking kamay habang nasa likod ko ito.
“B-B-Boss, heheh. I-Ikaw po pala. Magandang g-gabi po” Kandautal-utal kong bati sa kanya. Grabe sobrang nakakakaba talaga kapag siya ang kaharap eh.
“Anong ginagawa mo sabi dito?” Muling tanong nito kaya napalingalinga ako sa kung saan. Patong-patong na kase na kaba ang nararamdaman ko ngayon. “Ano ‘yang hawak mo?” Muling tanong nito kaya mas lalo kong tinago sa kamay ko yung panty ko. Nakakahiya talaga. Ba't pa kase nahulog ang panty ko eh.
“U-U-Uhh ka-kase B-Boss, wala po. Wala po ito. U-Uhm kase naliligaw pa po yata ako hanggang ngayon kaya ako napadpad dito. Iinom l-lang ho sana ako eh.” Utal-utal kong sagot. Sana naman paalisin na niya ako. Parang maiihi na ako dahil sa sobrang pagkakaba eh.
“Ipakita mo ang hawak mo” Naka cross-arms nitong turan na ikinalaki ng mga mata ko. Sira ba siya? Paano ko gagawin ‘yon eh, panty ang hawak ko. Lupa kainin mo na sana ako ngayon na. Hindi ko na talaga kinakaya ito. Grabe na talaga huhu.
“B-Boss, inaantok na kase ako eh. Pwede ho ba na pumasok na ako sa loob at umakyat na ako sa taas? Hehehe kung pwede l-lang po” Naiilang kong sambit. Hindi ko na kase talaga kaya ito huhu.
“Ipakita mo ang hawak mo, bago kita payagan na bumalik sa loob.” Halatang naiinis na ito sa akin. Amoy na amoy ko rin ang alak na ininom niya. Lasing na yata siya. Kung ipakita ko kaya sa kanya? Makakalimutan naman siguro niya bukas 'di ba? Mukha naman kaseng lasing na siya at naparami na ang inom niya.
“B-Boss, ka-kase e...u-uhmm—”
“Hindi ko gusto ang pinaghihintay ako kaya ipakita mo na!” Pasigaw nitong pagtutuloy ko kaya napapikit ako at dali-dali kong ipinakita sa kanya yung hawak kong panty.
“TANGINA! PANTY KASE ANG HAWAK KO!! ANO MASAYA KANA HUH?! NAKITA MO NA, KAYA ALIS DAHIL MATUTULOG NA AKO!!” Sigaw ko na nagpanganga sa kanya at nakita ko rin ang ilang beses nitong paglunok, kaya nagmadali na rin ako kaagad sa pagtakbo papasok sa loob ng mansion niya.
PAGKAAKYAT ko sa kwarto ko ay napasandal kaagad ako sa pintuan. Grabe hindi ko talaga akalain na magagawa ko ‘yon. Parang nilamon ako ng buong sistema ko dahil sa ginawa ko. Ano nalang din kaya ang ihaharap ko bukas kay, Boss? Arrrghh huhu sobrang nakakahiya. Parang ayaw kong lumabas bukas. Natatakot talaga ako huhu.
Pero sana hindi na niya maalala. Sana lasing nga talaga siya, para bukas hindi na niya maalala. Hindi yata kakayanin ng pagkatao ko kapag binanggit niya pa 'yon bukas.