Chapter 7

2333 Words
Halos inabot yata ako ng isang oras bago ko natapos yung ginawa kong desenyo. Tumayo na ako kaagad at saka ako lumapit kay Boss, at ipinakita kona ‘yon sa kanya. “Boss, okay na ba sayo ito?” Tanong ko at tinignan naman niya ng maigi yung ginuhit ko. “Gumawa ka ng bago. Hindi ko gusto,” malamig nitong sagot kaya sumingkit ang aking mata at medyo nainis na din ako, kaya naman naupo nalang ulit ako sa upuan. Hindi kona alam kung ano ba ang gusto n‘yang design. Ang daming arte. Pwede naman kaseng mag suggest siya eh. “U-Uhh” Nagulat ako nang ilapit ni Boss, yung upuan niya sa tabi ko at kahit ang laptop niya ay inilapit rin niya. Napatingin ako sa kanya at kaagad rin akong napaiwas nang mapagtanto kong nakatingin rin pala siya sa akin. “Here. Ganito ang style na gusto ko. Pero gusto ko, gumawa ka ng sarili mo” Ipinakita niya yung nasa laptop niya. Pagkakita ko sa mga drawing doon sa picture ay napamura ako sa aking isipan. Eh, halos mas maganda pa nga ang gawa ko eh. Ginawa ko nalang kaagad yung gusto ni Boss, dahil baka mamaya ay bulyawan pa ako nito. Habang nagfofocus ako sa pagguhit ay ramdam na ramdam ko naman ang pagtitig niya sa akin, pero hindi nalang ako nag-abalang lingunin pa siya. ISANG ORAS ang lumipas bago ko natapos yung style na gusto niya. Kaagad ko ‘yong pinakita sa kanya at kaagad rin niya ‘yong tiningnan. “Boss, okay na po ba? Kung hindi pa rin po maganda, pwede ko naman po ulitin. Kaso kung ayos lang sayo ay mamaya nalang ulit pag-uwe ko, kase po 'di ba susunduin ko pa si Master Azilenia, sa school? Baka po kase mahuli ulit ako. Sige po Boss, mamaya nalang ulit.” Nakangiting wika ko at kaagad na akong tumayo, pero mabilis n‘yang hinawakan yung kamay ko na naging dahilan kaya ako napaupo sa hita niya. Kahit siya ay nagulat rin kaya naman dali-dali akong bumalik sa pagkakaupo sa upuan. Sobrang nakakahiya ‘yon. “A—I-I'm sorry” Nakaiwas tingin sambit nito. Marunong pala siya mag sorry? Akala ko ang mga kagaya n‘yang masungit na cold ay hindi nagsosorry. “Pa-P-Pasensya na rin po, Boss.” Nakayukong paghingi ko ng tawad sa kanya. Palihim ko naman s‘yang tinignan at ngayon ay andoon lang sa papel yung kanyang mga mata. “Magdagdag ka ng ibang design. Sariling design mo.” Biglang sabi nito sa akin kaya mas lalo ko s‘yang tinignan. Seryoso ba siya? “Heto po, nakagawa na ako” Ibinigay ko sa kanya yung isang gawa ko at kaagad naman niya ‘yong tinignan bago niya ako tinignan. “Inunahan mo talaga kaagad ako huh? Okay, fine, okay na sa akin ang lahat ng ito.” Sambit nito kaya naman tumayo na ako. “Sige po, susunduin ko na po si Master Azilenia” Nakayukong sambit ko at tumango naman siya bilang tugon kaya lumabas na ako ng kanyang opisina. ALIYAH POV MAGKAKASAMA kame ng mga kasama ko dito sa aming hide out. Katatapos lang din kase namin sa mission na inutos sa amin ni, Boss. Ngayong araw ay nagtetraining ako. Kapag wala kaseng ipinapagawa si Boss, ay ito na talaga ang gawain ko. {BANG, BANG, BANG} “Wow! Puro ka training huh. Alam mo ba Aliyah, na lumabas ngayon-ngayon lang sila Mika at Samuel, at mukhang magdedate sila.” Pinaputok ko nang ilang beses yung baril ko dahil sa inis ko kay, Ash. Baka rin hindi ako makapagtimpi sa kanya at baka sa kanya ko pa maiputok ang bala ng baril. Inubos ko ang bala ko doon sa target ko at saka ko tinignan si, Ash. “Wala akong pakealam. Kahit maghalikan pa sila sa harapan ko, wala akong pake.” Inis kong sagot sa kanya. Kaagad naman s‘yang lumapit sa akin at bumulong. “Alam mo maganda ka naman Aliyah, eh. Bakit kase ayaw mo nalang mahalin yung taong gusto ka rin? Doon ka kase sa taong gusto ka para 'di kana nasasaktan.” Pabulong nitong sabi sa akin kaya tumaas ang aking kilay. “At sino naman?” Taas kilay kong tanong “Si John—” {KRINGG-KRINGG-KRING-} Hindi na natapos ni Ash, yung dapat na sasabihin niya nang biglang tumawag sa cellphone ko si, Samuel. Napatingin ako saglit kay Ash, bago ko sinagot yung tawag ni, Samuel. “Samuel, may kailangan—” [Aliyah, magpunta kayo ngayon dito sa likod ng RYS Mall. Kailangan namin ng tulong ni Mika, dahil masyado silang marami.] “Hinarang kayo ng mga kalaban? Sinong kalaban?” [Tao ni, Vandrick. Bilisan ninyo] Kaagad kong binaba ang cellphone ko at dali-dali kong kinuha yung dalawa kong baril. “Ash, Johniel, kailangan tayo nila Mika at Samuel, sa likod ng RYS Mall dahil hinarang sila ng mga tao ni, Vandrick.” Mabilis kong sambit sa dalawang kasama ko, kaya nagmadali rin silang kumilos. Matapos naming kunin ang mga dapat na kunin ay dali-dali na kameng lumabas ng hideout. Lahat kame ay nagkanya-kanya ng sakay sa mga motor namin at mabilis namin ‘yong pinaandar. “Masyado bang marami at kinailangan pa nila tayo?” Tanong sa akin ni Johniel, dahil halos magkapatapat lang kameng dalawa. “Siguro, ‘yon ang sinabi sa akin ni, Samuel. Kailangan nating makapunta kaagad doon, bago pa tayo mahuli. Malamang nilalabanan na nila ‘yong iba ngayon.” Tugon ko at tinodo ko na ang speed ng motor ko. Alam kong kaya naman nila. Pero sana maabutan pa namin silang maayos doon, lalo na si, Samuel. AUTHOR'S POV HABANG papunta palang ang tatlo ay nakikipaglaban naman na ang mga kasama nila na sina, Samuel at Mika. {BANG, BANG} “SAMUEL, SALO!” Sigaw ni Mika, kaya naman kaagad na sinalo ni Samuel, yung hinagis sa kanya ni Mika, na magazine para sa baril niya. Lumabas naman mula sa pinagtataguan si Mika, at kaagad s‘yang sumugod sa mga kalaban nila. Nagulat si Samuel, dahil sa ginawang ‘yon ni Mika, kaya naman sumunod din siya kaagad. Kaagad rin naman na sumugod yung dalawa at naging pisikalan na ang kanilang laban. Itinulak ni Samuel, yung dalawang lalaki kay Mika, at malakas naman ‘yong nasipa ni Mika, sa mukha dahilan para mawalan yung dalawa ng malay. Kaagad rin namang nagpaikot ng putok ng baril si Samuel, kaya may tatlong natamaan at nawalan ng malay. Binunot naman ni Mika, yung kanyang dagger at saka siya patakbong sumugod sa mga kalaban. Nang matapos nilang dalawa ang lahat, ay kaagad rin silang nagtabi. Hindi naman nila namalayan pareha na may kalaban pa pala na buhay at kaagad n‘yang tinutukan ng baril sila Samuel at Mika. Ipuputok na sana nung kalaban ang baril niya pero biglang may bumaril doon sa kalaban, at nagulat naman sila Mika at Samuel, dahil putok ng baril na narinig nila dahilan para tumingin doon si Mika, pero nagkamali siya ng inapakan kaya siya natumba at kasabay niya rin na natumba si Samuel, dahil napakapit siya sa damit nito. “Mika, Samuel, ayos lang b—” Hindi na naituloy ni Aliyah, ang dapat na sasabihin niya nang maabutan nila ng mga kasama niya sila Mika at Samuel, na magkapatong. “U-Uhh, mabuti at andito na kayo.” Seryosong sambit ni Mika, at kaagad din silang tumayo ni, Samuel. “Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong ni Samuel, kay Mika, kaya nakaramdam rin ng pagseselos at inggit si Aliyah, pero mas pinili pa rin niya ang ngumiti sa harapan ng mga kasama. “Maayos lang ako, Samuel. Umalis na tayo dito at ipaligpit na natin ang mga kalat na ito.” Seryosong tugon ni Mika, na ikinasang-ayon ng mga kasama niya. “Nagpapunta na kame ng maglilinis n‘yan. Tara na at umalis na tayo.” Sambit ni Johniel, at sumakay na sila sa van kung saan ay van 'yon ng mga tao nila na pinasunod rin nila. Bumyahe na rin sila matapos ang mga pangyayareng ‘yon. Habang nasa byahe ay napansin kaagad ni Aliyah, na may sugat sa bandang braso si Samuel, kaya nakaramdam siya ng pag-aalala. ”Umm Samuel, may sugat ang braso mo. Gagamutin ko muna.” Mabilisang sabi ni Aliyah, pero kaagad rin s‘yang pinigilan ni, Samuel. “Si Mika, nalang tutal dati s‘yang, Doctor” Nakangiting pagtanggi ni Samuel, kay Aliyah. Kahit na nasaktan si Aliyah, ay mas pinili pa rin niya ang ngumiti at ipakitang masaya pa rin siya kahit na nasasaktan na talaga ang loob-loob niya. Pasimple lamang na tinitignan ni Aliyah, si Samuel. Mula noon pa 'man ay alam na talaga n‘yang wala na s‘yang pag-asa. Mas lamang na lamang naman kase talaga si Mika, pagdating sa maraming bagay. Hindi lang basta-basta maganda si Mika, dahil dati rin itong surgeon. Magaling din itong magluto, maayos sa sarili at kahit sa tirahan ay sobrang ayos din. Samantalang si Aliyah, naman ay hindi ganon kagaling sa pagluluto at kung minsan pa nga ay nakakasunog pa siya ng kusina. “Akala pa naman namin ay may aabutan pa kameng maraming kalaban. 'Yon pala, tinapos niyo na kaagad.” Iiling-iling na anas ni Ash, kila Mika at Samuel. “Pasensya na, wala na kase kameng choice eh. Pero kung hindi rin naman kayo dumating, baka may isa sa amin ni Mika, ang maisusugod niyo sa ospital. Nga pala, salamat Ash, sa pagbaril doon sa kalaban kanina.” Nakangiting wika ni Samuel, kay Ash. Napatingin naman si Ash, kay Aliyah, at kaagad rin na umiling si, Ash. “Si Aliyah, ang bumaril at hindi ako. Nakakatamad nga gumamit ng baril eh.” Napatingin sila Samuel at Mika, kay Aliyah, nang sabihin iyon ni, Ash. “Aliyah, salamat. Maaasahan ka talaga namin. Salamat sa pagligtas sa amin ni, Samuel.” Nakangiting sabi ni Mika, sa kaibigan na si, Aliyah. Ngumiti naman si Aliyah, bilang ganti at itinuon na lamang niya ang kanyang mata doon sa labas ng van. HABANG si Saji, naman ay sinamahan si Miguel, na magpunta sa library upang magbasa-basa ng libro dahil nalalapit na rin ang kanilang exam. “Saji, pwede ka ba sa sabado?” Nakangiting tanong ni Miguel, kay Saji. “Huh? Ahm, bakit?” Pabalik na tanong ni Saji, kaya napakamot sa ulo si Miguel, bago sumagot. “Aayain sana kita na lumabas tayo. Gagala lang tapos kakain, at gawin natin yung kadalasan nating ginagawa.” Nakangiting sagot ni Miguel, kaya napatango-tango si Saji, at saka siya ngumiti sa kaibigan. “Oo naman, pwede ako. Magkita nalang tayo sa sabado sa labas ng...uhh....dito nalang sa harap ng University.” Sagot ni, Saji. “Bakit dito? Pwede namang sunduin kita sa inyo.” Nangunot noo na sabi ni, Miguel. “Ehh basta dito nalang sa harapan ng University,” tanging sagot ni Saji, dahil ayaw n‘yang sabihin sa kaibigan ang totoo. Iniisip niya na baka ito pa ang magdulot sa kanila ng problema. “Okay sige. Tara na doon na muna tayo sa cafeteria. Nakakagutom dito.” Natawa si Saji, dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. “Halika ka na.” Nakangiting tugon ni Saji, at isusukbit na sana niya ang bag niya pero kinuha ‘yon ni Miguel, kaya naman nagtataka n‘yang tinignan ang kaibigan. “Amina ang bag ko” “Ako na ang magdadala. Tara na.” Hinapit ni Miguel, ang bewang ni Saji, na ikinagulat din nito. Pinilit nalang ni Saji, ang ngumiti at inilagay rin niya yung kamay niya sa likod ni, Miguel, at sabay na silang lumabas ng library. KINAGABIHAN sa mansion ng mga Sanchez, ay kaagad na ipinaghanda ni Sienna, ang kanyang amo na lalaki ng dinner. Katatapos lang din kase n‘yang pakainin ang alaga niya at natutulog na ito ngayon, kaya naman ang amo naman niya ang kanyang pinagsisilbihan. “Good evening, Boss” Nakangiting pagbati ni Sienna, sa kanyang amo nang makita niya ito sa labas ng kitchen. “Naghanda po ako ng dinner para sayo. Kumain kana po” Nakangiting dugtong pa ni Sienna, na ikinairap naman ni Ella, dahil nasa gilid lang din ito nakatayo. “Hindi na. Busog pa ako,” seryosong sagot ni Laxerous, at saka ito lumakad paalis. Napasimangot naman si Sienna, at naupo na lamang siya sa stool at siya nalang ang kumain ng pagkain na inihanda niya para sana sa amo niya. Habang nakain si Sienna, ay bigla naman s‘yang nilapitan ni Ella, at tinarayan siya nito. “Huwag ka kaseng felingera at huwag ka ring umasa na magugustuhan ni Boss, yung luto mong cheap na kasing cheap mo.” Pagmamaldita ni Ella, kay Sienna. “Cheap? Eh mas mukha ka pang cheap kesa sa akin. Saka tignan mo muna ‘yang nguso mo na isinubsob sa water color. Hmp!” Pagmamaldita rin ni Sienna, at tumayo nalang ito dala-dala ang pagkain dahil doon nalang niya ‘yon balak kainin sa kwarto ng alaga niya. KINABUKASAN, nakapikit lamang si Sienna, habang nag-uunat. “Hmm /*yown” “Pfft! HAHAHA!” Nagising si Sienna, dahil sa sobrang lakas ng tawang naririnig niya. Pagkamulat niya ng kanyang mata ay nagtataka n‘yang tinignan si Azilenia, at napadako rin ang kanyang tingin doon sa body mirror ni, Azilenia. “What the—AHHHH!!” Sigaw ni Sienna, at napahawak ito sa kanyang buhok. “HAHAHAHA” Malakas na pagtawa ni Azilenia, at mangiyak-ngiyak naman na tumayo at lumakad papunta sa salamin si, Sienna. Hanggang bewang ni Sienna, ang kanyang buhok, pero ngayon hanggang siko nalang dahil ginupitan ‘yon ni, Azilenia. “BLEEE!” Inis na tinignan ni Sienna, si Azilenia, nang dilaan siya nito at dali-dali itong tumakbo palabas ng kwarto niya. ‘Arrrghh!! Ang sarap itapon ng batang ‘yon. Pati ba naman ang buhok ko ay pinagtripan niya!’ Iyan ang nasa isipan ngayon ni, Sienna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD