Chapter 6

2674 Words
”Hayaan niyo na si, Tanda. Huwag niyo na kaseng aayain yung taong ayaw naman. Ikaw naman Sienna, huwag na huwag mo na ulit aalukin ang Tandang, ‘yon ng dinner. Hayaan mo s‘yang magutom.” Inis na sambit nitong pamangkin ko kaya gulat ko itong tinignan. “Azilenia, Daddy, mo pa rin ‘yon. Dapat nga nag-aalala ka rin sa kalusugan niya kahit minsan eh,” saad ko sa kanya “Why? Eh kalusugan naman niya ‘yon. Siya lang ang nakakaramdam kung nagugutom ba siya o hindi.” Mataray nitong sagot. “Master, mas mabuti pa rin kase na alukin ang, Daddy mo eh. Hayaan mo, balang araw ay magagawa ko rin na pagsabayin kayo dito sa hapag tuwing dinner.” Nakangiting wika ni, Sienna. Grabe sobrang bait niya. Sana magtagal siya dito sa bahay ni, Kuya Elvion. At sana hindi na siya masaktan pa. KINABUKASAN, muli akong bumalik sa mansion ni Kuya Elvion, at para lang talaga kay Sienna, kaya ako bumalik dito. “Kuya Elvion, nasaan si, Sienna?” Nakangiting tanong ko sa aking, Kuya. Kararating ko lang ngayon dito sa bahay niya. Kagabi kase ay umuwe rin ako kaagad after ng dinner. Kailangan ko rin kaseng makapag review. “Anong kailangan mo sa kanya?” malamig nitong tanong sa akin habang nananatili ang tingin sa librong binabasa niya. “Sabado ngayon kaya aayain ko sana s‘yang lumabas. Day-off naman niya 'di ba?” muling tanong ko at ngayon ay binalingan na niya ako ng tingin. “Wala s‘yang day off,” malamig nitong pagsagot sa tanong ko, kaya mahina kong nahampas yung table niya. “Baliw ka ba Kuya Elvion, huh? Hindi mo binigyan ng day off yung tao? Anong gusto mo? Siya na ang habang buhay na magbantay at mag-alaga kay Azilenia, at ikaw uupo lang habang ginagawa ang trabaho? Aba, maging tatay ka naman sa anak mo. Kaya lumalaki ang ulo ni Azilenia, kase iba-iba ang nag-aalaga.” Inis kong singhal sa kanya. “Umalis kana kung wala kanang sasabihin pa.” Seryosong pagtugon lang nito kaya mas lalo akong nainis sa kanya. Wala talaga s‘yang kwentang kausap. “Lalabas kame kasama si Azilenia, at sana naman pumayag kana.” Seryosong saad ko “Hindi pwede. Nagrereview ngayon si Azilenia, para sa darating na quiz bee nila sa school.” Tugon nito dahilan para maiyukom ko ang isang kamao ko. SIENNA POV “Ituloy mo lang muna ‘yang binabasa mo, Master Azilenia. Pupunta lang ako sa ibaba para kunan ka ng pagkain.” Nakangiting sabi ko sa aking alaga. Hindi na siya sumagot pa, kaya naman naisip kong lumabas na ng kwarto niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga gaanong kabisado ang mansion nila. Nasobrahan kase sa laki eh, tapos ang dami-dami ring pwedeng daanan. Ang dami kaseng pasikot-sikot dito. Yung nangyare naman nung nakaraan ay mas pinili ko nalang na kalimutan. Pinipilit ko rin naman na labanan ang takot ko eh, kaso mas nangingibabaw talaga. Noon kase ay nakaranas rin ako ng pang-aapi at p*******t mula sa ibang tao. Akala ko nga, limot ko na ang lahat ng ‘yon. ‘Yun pala ay hanggang ngayon nasa isip ko pa rin. Sobrang hirap talagang mamuhay sa nakaraan. Habang pababa ako sa hagdan ay napansin ko si Aliyah, na nakatayo habang nakasandal sa railings. Nagdahan-dahan lang ako sa pagbaba upang hindi niya ako marinig. Nang makalapit na ako sa gawi niya ay tinignan ko kung saan siya nakatingin. Nangunot ang aking noo nang makita ko s‘yang nakatingin doon sa likod ng mansion, kung saan ay andoon sila Mika at Samuel, na nag-uusap. “Uyy Aliyah, panay ang pagtingin mo sa kanila huh.” Gulat na napalingon sa akin si Aliyah, kaya naman nginitian ko siya. “Aminin mo, crush mo si Samuel, 'no?” Nakangising tanong ko sa kanya. “H-Huh? Hi-Hindi syempre.” Utal at iwas tingin nitong sagot kaya bahagya akong natawa. “Normal na ‘yan. Yung tipong hindi ka gusto ng taong gusto mo.” Natatawang sambit ko sa kaniya at muli niya akong tinignan sabay taas ng kilay. “Bakit? Nagkagusto kana ba sa isang tao na may iba namang gusto?” Nakakunot noo nitong tanong kaya bahagya akong natawa. “Hindi pa naman. Pero, napapanood ko lang naman,” tanging sagot ko. “Akala ko pa naman danas mo na rin” “Huh? May sinasabi ka ba, Aliyah?” Nagtatakang tanong ko at kaagad naman s‘yang napailing. “Wala, wala naman. Sige, aalis na ako.” Walang gana nitong tugon kaya mas lalo akong nagtaka. “SIENNA!!” “Huh? U-Uhh Miss. Saji, ikaw pala” Nakangiting sambit ko at nagtataka ko s‘yang tinignan nang hawakan niya ako sa braso. “Gumala tayo. Don't worry, napaalam na kita kay Kuya, isasama rin natin si, Azilenia” Nakangiting pag-aaya nito sa akin kaya medyo nailang ako at dahan-dahan kong inalis ang pagkakapit niya sa braso ko. “Ba-Baka kase magalit lang ulit si Boss, kaya huwag nalang.” Nakayukong tugon ko sa alok niya sa aking paggagala. “Kung ganon ay hanggang ngayon pala ay natatakot ka pa rin? Sabagay, hindi rin kita masisisi. Pero totoong napapayag ko siya. Pero kailangan nating isama si, Azilenia” Sambit nito pero mas lalo lang akong kinabahan. “AUNTIE, GAGALA TAYO? TARA NA!” Gulat na gulat kong tinignan si Master Azilenia, na patakbong bumababa sa hagdanan. “Master, ingat po” Nag-aalalang sabi ko sa kanya hanggang sa makababa na siya. Grabe sobrang lakas ng pandinig niya. Nakarinig lang ng salitang 'gala', ginanahan kaagad siya. Iba talaga ang epekto ng salitang 'gala' “Let's go na Auntie, gumala na po tayo.” Masayang pag-aaya ni Master, sa Tita, niya. “Okay, pero...umm..Sienna, change your cloth. Aalis tayo pero hindi ka nakaganyan” wika ni Saji, kaya tinignan ko ang suot ko. “Pero wala namang mali sa suot ko” Turan ko habang nakatingin sa suot kong pang maid. Pero palda ito na halos hanggang tuhod ko lang. “Yeah, I know. Pero magpalit ka pa rin.” Tumango nalang ako dahil alam kong wala akong choice. NANG makapagpalit ako ng t-shirt at fitted pants ay bumaba na kaagad ako. “Nice, Sienna. Tara na.” Nakangiting wika ni Saji, kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya. Napalingon naman ako doon kay Ella, na masama ang tingin sa akin kaya binelatan ko siya. Paglabas naming tatlo ay napahinto rin kame kaagad nang makita namin si Boss Laxerous, na malamig ang tingin sa amin habang nakasandal sa kotse niya. “Kuya Elvion, may lakad ka ba ngayon?” Nakangiting tanong ni Saji, sa Kuya, niya at napadako din ang tingin sa akin ni Boss, kaya dali-dali akong napaiwas ng tingin sa kanya. Ang lamig niya kase kung makatingin eh. “Sasama ako sa inyo. Baka mamaya, pareha niyo pang mapabayaan ang anak ko.” Malamig na sambit ni Boss, kaya palihim akong napairap. “Umm? Okay? Tara na” Nakangiti akong sumunod sa kanila at sasakay na sana ako sa back seat nang pigilan naman ako ni, Saji. “Doon ka sa passenger seat sumakay. Kame ni Azilenia, ang dito sa back seat” Nakangiting wika nito at kaagad s‘yang sumakay sa back seat. S-Seryoso ba siya? Napatingin ako kay Boss, at pilit akong ngumiti sa kanya at saka ako sumakay sa loob ng sasakyan. Sobrang awkward habang katabi ko siya. Nanlalamig ang buong katawan ko. Feeling ko ang lakas lakas ng aircon kahit hindi naman talaga. “Sa mall tayo.” Nakangiting sabi ni Saji, pero hindi na siya pinansin ng Kuya Laxerous, niya. PAGKARATING namin sa mall ay nagpunta na kame kaagad doon sa boutique dahil may mga dress raw na kailangan na bilhin si Saji, para sa darating na party ng kaibigan niya. Sinama niya si Master Azilenia, sa loob ng boutique, pero ako ay nagpaiwan para sana hindi makasama si, Boss. Kaso nagulat ako nang magpaiwan din siya dito sa labas ng boutique. Sobrang awkward tuloy lalo dahil halos katabi ko siya sa upuan. Pero hindi pa pala ako nakakapagsorry dahil sa nangyare nung nakaraan. “B-Boss, s-sorry po pala. Hindi na mauulit yung nangyare noon.” Nakayukong sambit ko habang nilalarolaro ko ang mga daliri ko. “I will accept your apologize in one condition” Kumunot ang aking noo nang tignan ko si, Boss. Ano naman kayang condition ‘yon? Huwag sanang mahirap. Baka mamaya katawan ko, ay jusko hindi naman sana. “P-Po? U-Uhh Boss, ano po ‘yon?” Tanong ko. “Nakita ko yung mga drawing mo doon sa scratch paper note ni, Azilenia—” “N-Nako Boss, ‘yon ho ba? Nako po pasensya na po. Hindi na po ulit ako mag da-drawing doon promise. Patawad po talaga” Nakayukong pagtutuloy ko sa dapat na sasabihin sa akin ni, Boss. “What are you talking about? Pwede bang huwag mo akong inuunahan? Patapusin mo muna ako. Nakakairita ka.” Inis nitong singhal kaya napairap ako sa aking isipan at peke kong nginitian si, Boss. “Pasensya na po, Boss. Sige po ituloy niyo na po yung dapat na sasabihin mo.” Nakangiting sambit ko at umayos naman siya ng pagkakaupo sa upan sabay sandal. “May project ang kumpanya ko. Kailangan ko ng isang tao na maraming alam sa pagguhit. Ikaw ang kukunin ko.” Pagkasabi niya 'non ay napatingin din siya kaagad sa akin. Ako ang kukunin niya? High ba siya? “Huh? A-Ayy nako Boss, hindi naman ako magaling sa pagdodrawing eh. Iba nalang po ang kunin mo hehe.” Naiilang kong pagtugon. “Doble ang sweldo na matatanggap mo” Biglang sambit nito kaya muli ko s‘yang tinignan. HALOS isang linggo na rin ako dito sa mansion ng mga Sanchez. Masasabi kong hindi na ako napapagalitan paminsan-minsan ni Boss, at hindi na rin naulit yung nagawa niya sa akin na p*******t. “Sienna, tara na. Super bagal mo talaga.” Pagtataray sa akin ng aking alaga. Kung hindi lang talaga ito bata, baka nabatukan ko na siya. Ibang-iba talaga ang ugali kesa sa ibang bata eh. Pero sa bagay iba-iba naman talaga ang ugali ng bawat tao. “Andyan na po, Master” Tugon ko at pareha kameng sumakay sa van ng papa niya. Ihahatid kase kame ng family driver nila doon sa panibagong skwelahan ni, Master. Kahapon kase ay nakick out si Master, kaya naman napagdesisyunan raw ng mga Sanchez, na itransfer siya sa ibang skwelahan. Habang nasa byahe kame ay napapaisip tuloy ako. Hanggang ngayon kase ay hindi ko pa rin talaga tinatanggap yung alok sa akin ni, Boss. Duh, mahirap rin kayang mag drawing. Tapos nalaman ko pa kay Ash, na ang idodrawing ay design ng loob ng isang cafe. Well mahilig akong mag drawing ng mga ganon at ganoon rin ang nakita noon ni, Boss. Ang kaso wala talaga akong confidence sa sarili ko na magagawa ko nga ang gusto nilang ipagawa. Baka kase madismaya lang sila tapos makatanggap pa ako ng masasakit na salita. Ang talas pa naman ng dila ni, Boss. “Hey, Sienna” Kaagad kong binalingan ng tingin si Master, nang tawagin nito ang aking pangalan. “Master, may kailangan ka ba?” aking tanong sa kanya. “Inalok ka ni Tanda, na ikaw ang gumawa ng design para sa itatayo nilang cafe 'di ba? Tinanggap mo ba?” Nakataas kilay nitong tanong sa akin kaya naman kaagad akong umiling. “Hindi po, Master. Hindi ko po kase alam kung dapat bang tanggapin ko. Hindi naman kase ako confident na magaling akong gumuhit.” Nakangiting sagot ko sa kanya. “Pero nakita ko ang ibang drawing mo,” Kaagad s‘yang tumingin sa labas ng bintana. “Lahat ay magaganda. Tanggapin mo nalang ang offer sayo ni, Tanda at huwag mong tanggihan. Sayang rin iyon at maswerte ka pa nga dahil ikaw ang napili na magdedesign 'non.” Dugtong pa nito na medyo nagpagulat sa akin. MATAPOS namin na maihatid si Master, ay kaagad rin akong pinatawag ni Boss, sa opisina niya dito sa mansion, kaya doon na ako tumuloy. Pinagbuksan ako kaagad ng isang men in black kaya naman pumasok na ako sa loob. “Magandang umaga po, Boss.” Nakayukong pagbati ko sa aking, amo. “Tatanggapin mo ba ang offer ko sayo?” Seryosong tanong nito habang andoon sa mga papel ang kanyang tingin. Dapat ko ba talagang tanggapin? Pero kase naman, ‘yon ang kanyang kondisyon para lang matanggap ang aking paghingi ng tawa. /*enhale, exhale “O-Opo. Susubukan ko po na galingan ang paggawa.” Nakayukong sagot ko at ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. “Ngayon kana mag-umpisa. Heto lahat ng gamit” Napatingin ako sa upuan na nasa tabi lang rin ng table niya. Lahat ng gamit ay nandoon sa table nakapatong. “D-D-Dyan rin po ako gagawa sa table mo?” Utal-utal kong tanong sa kanya. “Oo. Dito ako magtatrabaho at gusto kong maipakita mo rin sa akin ang bawat idodrawing mo. Ako ang huhusga kung bagay ba sa cafe o hindi. Kapag hindi ko nagustuhan, uulitin mo.” Seryosong sagot nito kaya lumapit na ako sa table niya at tinignan ko lahat ng gamit. Naupo na ako sa upuan at kinuha ko na yung isang graphite pencil. Mas sanay talaga ako noon sa simpleng lapis lang na ang tatak ay monggol. Kaso ngayon ay mas ginusto ko na talagang gamitin ang graphite pencil. Nakakabili lang ako nito noong nakakaluwag pa ako. Inumpisahan kona ang padodrawing ng desenyo. Actually ang graphite pencil ay ginagamit ko lang kapag ang ginuguhit ko ay mga bahay, building, o yung ibang medyo realistic. Pero itong ginuguhit ko kase ngayon ay pang design lang sa gagawin nilang cafe. Matapos ang unang pagguhit ko ay kaagad akong tumayo at ipinakita ko na ‘yon kaagad kay, Boss. “Ang panget, ulitin mo.” Panglalait nito sa gawa ko kaya naman pasimple akong napairap. Ang dami-dami n‘yang arte. Para sa akin ay okay naman ang guhit ko eh. Pero sabagay, siya nga pala ang magdedesisyon at siya nga rin pala ang aking amo. Ipinagpatuloy ko nalang ulit ang aking pagguhit ng design. Ang ikalawang design na naisip ko ay yung baso tapos may usok-usok yung taas. Syempre may nakalagay rin sa ibaba na "COFFEE" Matapos ang ilang minuto ay muli akong tumayo at lumapit kay, Boss. Pagkakita niya sa gawa ko ay sumenyas siya sa akin na ulitin ko at baguhin, kaya muli akong naupo sa upuan at nagpalit ulit ako ng ilang gamit. Mag dodrawing na sana ulit ako pero bigla namang sumingit si, Boss. “Gumuhit ka rin pala ng design sa mismong loob ng cafe. Isama mo na rin doon yung tamang pag-aayos sa mga upuan at table, at kung saan ilalagay ang design.” Seryosong saad nito. Architect ba ako sa tingin niya para ipagawa ang pati sa ganon? Sa pagkakatanda ko ay pagiging babysitter ang inaplayan ko at hindi pagiging architect. Napabuga na lamang ako ng hangin at naisip kong unahin ang pagguhit ng maaaring magandang pwesto ng mga table at upuan. Uumpisahan ko na sana ulit yung pagguhit pero may nakalimutan naman ako. “Umm Boss, pwede ko ho bang makita yung ginawang ginuhit ng tao mo na gagawing cafe? Para sana may idea ako.” Nakangiting hiningi ko ang ginuhit na itsura ng loob nang cafe. “Here” Nang ibigay niya sa akin ay sobra akong namangha. Halatang magaling na architect talaga ang gumawa nito. Pero napapaisip ako kung bakit hindi nalang niya ulit inutusan at binayaran yung architect na gumuhit nito, eh halatang mas magaling pa nga ito. Napailing nalang ako at inumpisahan ko na ang aking pagdodrawing. Hanggang second floor ang nakalagay sa ginuhit ng architect, kaya naman may mga pag-aayos na kaagad akong naisip. Halata rin sa ginuhit ng architect na hindi pa ito ganon katapos, kaya naman ako nalang ang tatapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD