MATAPOS kumain ay nagpunta na kame sa kwarto niya. Sobra akong namangha sa kwarto niya. Hindi ito ganon kalaki pero hitect ang ibang gamit.
Nakakunot noo kong tinignan si Master Azilenia, nang buksan nito yung ibabang kama niya at kumuha siya doon ng damit at pajama. Yung kama niya kase ay imbes na butas sa ilalim ay naging mini drawer. Noon kase yung ilalim ng kama ko ay ginagawa ko pang taguan, pero yung kanya ay naging drawer. Ang angas tignan. Sunod naman n'yang ginawa ay pumasok na siya sa loob ng bathroom kaya nag-antay ako sa kanya sa labas. Wala kase s'yang dalang towel kaya baka mamaya ay tawagin niya ako para pakuhanin ng towel.
Itong kwarto ng alaga ko ay pwedeng magkaroon ng dalawang kama na ka-size lang rin ng kama niya. Yung kama niya kase ay pang-isahan lang talaga. Light violet rin ang halos na karamihan na kulay na gamit niya dito. Bigla namang napadako yung tingin ko doon sa isang picture frame. Tanging ama lang niya ang kasama niya doon sa isang picture frame. Doon naman sa sunod na frame ay medyo marami-rami na sila.
“Hey, I'm done”
“AYY KALABAW NA BATA!!” Gulat kong sigaw nang sumulpot bigla sa harapan ko si Master Azilenia, na nakabihis na ngayon. Nakapagpalit kaagad siya ng pantulog. Pero wala naman siyang dinalang towel? Ano 'yon, nagbihis siya na hindi nagpupunas?
“Kalabaw? Excuse me? I'm not kalabaw 'no” pagtataray nito sa akin at dumeretsyo kaagad siya sa kama niya at mataray niya ulit akong tinignan. “D'yan ka sa sofa bed matulog para mabantayan mo ako,” mataray pa nitong dagdag kaya napangiti akong tumango sa kanya.
“Okay, wala po'ng problema, Master Azilenia.” Nakangiting tugon ko at nahiga na ako sa sofa bed. Pagkahiga ko ay naramdaman kong basa 'yon kaya naman dali dali akong tumayo. Napatingin naman ako kay Master Azilenia, na nagpipigil ngayon ng tawa habang may hawak na libro. Kinapa ko naman kaagad yung sofa bed at basa nga talaga.
“Umm sorry, d'yan pala ako umupo kanina habang may suot na bathrobe. Hindi mo rin kase ako napansin eh,” sambit nitong alaga kong halatang pinagtitripan talaga ako. Hinayaan ko nalang muna at ang ginawa ko ay hinubad ko ang suot kong jacket at kinuha ko sa maleta ko yung aking makapal na kumot, at dahil na rin sa malaki 'yon ay ang ginawa ko, sinapin ko ‘yong kalahati at saka ako nahiga, bago ko naman kinumot yung kalahati. Yung jacket ko naman ay pinatong ko lang sa katawan ko.
Hindi ko pa naaayos yung mga dinala kong gamit dahil nag-umpisa kase ako kaagad kanina sa trabaho bilang babysitter. Sa totoo lang talaga ay hindi ganon kadali sa akin ang mag-alaga ng isang bata. Pero kung ganito naman ang ugali, baka maging sisiw lang sa akin. Ewan, pero nasanay na kase ako sa mga taong may ganitong pag-uugali. Pero hindi ko rin sinasabi na mapapabilis ko lang s‘yang mapapaamo, para kase sa akin ay medyo may kahirapan.
KINABUKASAN, pagkagising ko ay bumangon na ako mula sa aking higaan at ginawa ko na ang aking routine.
Matapos kong gawin ang mga dapat kong gawin sa aking sarili, bumaba naman na ako at nagtungo na ako sa kusina. Doon ay kaagad akong gumawa ng pagkain ni Master.
May mga ibinigay na listahan sa akin si Manang Rosa, na pwede ko daw sundin sa pagluluto ng breakfast ni Master, kaya ‘yon na muna ang ginamit ko pansamantala.
Kapag medyo tumagal na ako dito ay baka pwede na akong mag-isip ng pagkain na mas alam kong lutuin para kay, Master. Ngayon ay nagluto rin ako ng sinangag. Masarap ito kaya baka magustuhan niya.
Matapos kong magluto ay umakyat na ako dala ang mga ginawa ko. “Magandang umaga, Master Azilenia” Masiglang pagbati ko sa aking alaga at inilapag ko sa harap niya yung tray na may laman na pagkain. “Pinaghanda na po kita ng breakfast. Sana magustuhan mo” Nakangiting dagdag ko pa sa kanya.
“Ewww, so eww huh. Anong food 'yan?” Nandidiring tanong nito sa akin. Ang sarap niya talaga kutusan eh. Kahit na lumaki rin ako noon sa mayaman na pamilya, nakatikim rin naman ako ng mga ganitong luto, tapos siya ang lakas mandiri? Sinangag lang naman 'yon at confident talaga akong masarap ang luto ko ng sinangag.
“Uhh that's called sinangag, Master. Sobrang sarap n‘yan promise.” Nakangiting sagot ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.
“Parfait ang gusto kong breakfast at hindi ang nakakadiring pagkain na 'yan.” Naka cross-arms nitong patataray sa akin. Grabe naman ang batang ito. Nasobrahan sa kaartehan. Hindi rin marunong ng salitang manners.
“Parfait? Sige, gagawin ko na.” Ngiting turan ko. Mabuti nalang dahil kahit papano ay may alam ako pagdating sa mga ganitong pagkain. Hindi ko masisisi si Master Azilenia, dahil lumaki rin s‘yang mayaman. Halatang lahat ng gusto ay nasusunod eh.
Kahit na nakapagluto na ako ng isa sa mga nakalista doon, mukhang hindi pa rin magiging madali ang mga ganito.
“Azilenia? Sweetie,” pareha kame na napatingin ni Master Azilenia, sa pintuan ng kitchen at doon ay nakita namin ang isang babaeng matangkad at maganda. Maputi rin ito at sobrang sexy.
“Auntie? Hi. Hindi naman saturday or sunday ngayon huh? So anong ginagawa mo dito?” Taas noo na tanong ni Master, doon sa magandang babae.
“Uhh 'yon ba? Kase half day lang kame ngayon, kaya naisip kong huwag nalang pumasok at dito nalang ako magpunta kase namiss kita.” Nakangiting sagot nung babae sabay pisil niya sa pisnge ni, Master.
“Arrghh Auntie, naman” Pagtataray ni Master, doon sa babae. Napadako naman ang tingin sa akin nung babae at kaagad siyang lumakad palapit sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya medyo napaiwas ako ng tingin sa kanya. Grabe kase siya kung makatingin e.
“Hmm? Sino ka?” Nakakunot noo na tanong nito sa akin kaya nginitian ko siya at umayos ako ng pagkakatayo sa harapan niya.
“Sienna, ho ang aking pangalan. Bagong babysitter ni, Master Azilenia” Nakangiting pakilala ko kaya napatango-tango siya.
“Ikaw pala iyon? Ako naman si Saji, nice to meet you, Sienna” Nakangiti niyang inilahad ang kamay niya kaya tinanggap ko iyon.
MAGKASAMA kame ngayon ni Miss. Saji, dito sa loob ng sasakyan. Hindi na kase driver ang naghatid sa amin, kundi si Miss. Saji, na. Nahatid na din naming dalawa si Master, sa school niya.
“Ilang weeks ka na sa bahay ni, Kuya Elvion?” biglang tanong sa akin ni Miss. Saji. Yung tinutukoy niya ay yung tatay ni Master, na nasobrahan sa kalamigan at kasungitan. Akala mo naman kung sino.
“Pangalawang araw palang po ngayon, Miss. Saji.” Nakangiting sagot ko at nakataas naman ang kilay niya nang tignan niya ako.
“Miss. Saji? Saji, nalang ang itawag mo sa akin. Hindi kase ako sanay na maraming natawag sa akin ng Miss, eh. Saka babysitter ka naman ng pamangkin ko, kaya ayos lang sa akin kahit na, Saji nalang.” Nakangiting sabi nito sa akin. Hindi ko lubos maisip na mabait pala siya. Akala ko pareha sila ng ugali ni Boss Laxerous.
“U-Uhh ehhh...”
“Kumakain ka ba sa canteen? Tutal malapit tayo sa canteen, kumain na kaya muna tayo? Okay lang ba sayo?” Pagtutuloy nito. Nakain siya sa mga karenderya? Pero parang hindi tuloy siya tita ni, Master.
“U-Uhh, si-sige” nauutal kong pagsagot at bumaba na kame sa kotse niya.
PAGKARATING namin sa karenderya ay kaagad na tumingin-tingin si Miss. Saji, ng mga pagkain.
“Anong gusto mong kainin? Mamili ka na” tanong nito kaya nabalik ako sa wisyo.
“Kung ano nalang po yung sayo, Miss. Saji” sagot ko at muli niya akong tinaasan ng kilay kaya nangunot ang aking noo. May nasabi kaya akong masama? Sa pagkakatanda ko ay wala naman yata.
“I already told you 'di ba na Saji, nalag ang itatawag mo sa akin. Drop the 'miss'” Nakasimangot nitong wika kaya medyo napanganga ako at dahan-dahan akong tumango. “Sige, oorder na ako. Ate, pabili po kame ng bicol express, adobong kangkong at tig-isa po kame ng rice”
Grabe, hindi ko talaga akalain na ganito siya. I mean, kakaiba talaga siya. Pero sabagay, may mga mayayaman rin naman na mabait at hindi ganon kaarte.
MATAPOS naming kumain sa karenderya ay napagpasyahan naman niya na magpunta daw muna kame sa mall. Umayaw na nga ako dahil kailangan ko na ulit bumalik sa mansion ng kapatid niya. Dalawang oras nalang kase ay mag-uuwian na sila Master, at kailangan ko talaga munang umuwe, kaso itong kasama ko ay nakiusap rin na samahan ko muna siya dito sa mall.
“Mis—este Saji, hindi pa ba tayo uuwe? Ako rin kase ang susundo sa pamangkin mo mamaya eh.” Tanong ko rito at napatingin naman siya sa wrist watch niya.
“Oo nga. Ba-byahe pa tayo at baka umuwe rin si Kuya, ngayon. Tara na” Tumango ako sa kanya saka kame bumaba sa hagdan.
HABANG nasa byahe kame ay medyo kinakabahan ako. Halos isang oras na yata kame dito sa highway eh. Sobrang traffic. Baka mas lalo kameng mahuli kung uuwe pa tapos pupunta rin sa school.
“S-Saji, sa school na kaya tayo dumeretsyo. Mag-uuwian na kase sila eh,” saad ko.
“Sige, walang problema.” Nakangiting tugon nito kaya nakahinga ako nang maluwag. Umatras siya at doon siya sa kabilang highway dumaan. Doon din kase ang malapit na daan papunta sa school ni, Master.
PAGKARATING namin sa school ay kaagad kong napansin na sarado na yung ibang gate at madilim na rin yung ibang pasilyo. Kaagad ko namang nilapitan yung gwardya upang tanungin.
Pagkalapit ko ay kaagad akong nagtanong, “Kuyang guard, nag-uwian na po ba yung mga grade two?” Kabadong tanong ko rito
“Ahh oo, kanina pa. Half day lang kase sila e,” Sagot nito.
“May sumundo ba kay, Azilenia Sanchez?” Tanong pa ni Saji, sa gwardya at tinignan naman nito yung computer niya.
“Azilenia Sanchez....nakauwe na rin po. May mga sumundo sa kanya dito na isang lalaki. Tinawag nyang 'Tanda', tatay niya ho ata.” Sagot ni Manong Guard, kaya kabadong tumingin rin sa akin si, Saji.
“Sienna, kasalanan ko 'to. Tara na sa bahay ni, Kuya” dali-dali kameng sumakay sa kotse niya.
Lord huwag naman po sana akong mawalan ng trabaho. Jusko, pangalawang araw ko palang po, pero nagkamali na ako. Baka bulyawan ako ng amo ko.
“Sienna, ihanda mo sana ang sarili mo kung sakaling masigawan ka ni, Kuya. Don't worry, makakatikim ka lang naman ng mga masasakit na salita galing sa kanya,” ani ni Saji, habang nagdadrive, kaya naman mas lalo akong kinabahan.
“Saji, huwag naman sana,” kabadong sambit ko.
PAGKAUWE namin at pagkapasok sa loob ng mansion ni Boss, ay bumungad kaagad sa amin sila Aliyah, Samuel, Johniel, Mika at Ash. Si Boss, rin ay andoon at nakaupo sa couch habang masama ang tingin sa akin.
Tumayo bigla si Boss, at lumakad palapit sa akin kaya mapailang beses akong napalunok.
“Kuya, hindi kasalanan ni—” hindi na natapos ni Saji, ang dapat na sasabihin niya nang sampalin ako bigla ng kapatid niya.
Ang bigat ng kamay niya. Sobrang sakit 'non. Napayuko nalang rin ako matapos niya akong sampalin. Parang nanguryente din ang buong mukha ko dahil ‘don.
“Hinayaan mo yung anak ko sa skwelahan. Hindi mo manlang inaalam ang schedule niya. Mas inuna mo pa ang pagpapakasarap sa labas, kesa sa alaga mo” galit na bulyaw sa akin ni, Boss.
“Kuya, tama na. Kasalanan ko kung bakit hindi niya nasundo kaagad si Azilenia, sa school. Ako kase ang nag-aya sa kanya na samahan ako. Wala kase s‘yang choice dahil kapatid mo ako, kaya sumama siya sa akin,” mabilis na pagpapaliwanag ni Saji, at kaagad niya akong hinawakan sa braso. Nanatili lang rin sa sahig ang aking tingin habang patuloy ang pagpatak ng aking luha.
Parang bumabalik yung nakaraan ko. Yung trauma ko hindi lang sa baril, kundi pati na rin sa p*******t.
“Seriously, Saji? Alam mong babysitter siya ni Azilenia, tapos kung saan-saan mo siya dinadala? Isa pa, dapat wala ka dito ngayon 'di ba? Dapat andoon ka sa bahay nila, Mommy” galit na saad ni, Boss.
“Kuya, sorry na okay? Sa akin ka nalang magalit kesa kay, Sienna. Kasalanan ko naman kase talaga eh,” inis na sambit ni Saji, hanggang sa bumagsak nalang ako paupo sa sahig pero nanatili pa rin ang pag-alalay sa akin ni, Saji.
“Boss/Kuya”
Napaangat ang tingin ko sa amo ko nang makarinig ako ng kasa ng baril. Halos manginig ang buong katawan ko nang makita ko s‘yang tinutukan ako ng baril. Todo naman ang pagkapit ko sa damit ni Saji, dahil natatakot talaga ako sa baril.
“TANDA, HEY!! STOP IT NA!!”
Dahan-dahan akong napalingon kay Master, nang patakbo siyang lumapit sa akin.
“Kuya, itago mo na ang baril mo. Natatakot na si, Sienna” Pakiusap ni, Saji at naupo naman si Master, upang mapantayan ako. Dahan-dahan n‘yang pinunasan yung luha ko at saka niya inis na tinignan yung tatay niya.
“Ako kaya ang nagsabi sa kanya na hindi kame half day. Sienna, Autie, tara na po” Inalalayan ako ng mag tita na makatayo. Yumuko nalang ulit ako para hindi matignan si, Boss.
Pagkaakyat namin sa kwarto ay pinaupo ako kaagad ni Saji, sa kama ni, Master.
“Uminom ka muna” Nanginginig kong tinanggap yung baso na may laman na tubig at dahan-dahan lang akong uminom.
Binaba ko ang baso matapos kong uminom. Tinabihan naman ako kaagad ni Saji, sa pagkakaupo sa kama, habang si Master, naman ay doon sa sofa naupo.
“Nanginginig ka, at saka takot na takot ka rin noong masampal ka ni Kuya at noong ipakita niya ang kanyang baril. May trauma ka ba huh? Sinasaktan ka ba noon ng pamilya mo?” nagtatakang tanong ni Saji, sa akin kaya dahan-dahan lamang akong napailing. “Sige, mag kwento ka nalang kapag okay ka na at kapag handa ka na” Dag dag nito.
SAJI POV
MATAPOS kong kausapin si Sienna, ay sinabihan ko siya na doon nalang muna sa kwarto ni Azilenia, at bukas nalang siya lumabas.
Pagkababa ko sa living room ay inis kong binalingan ng tingin ang, Kuya ko.
“Kuya, bakit mo naman ginawa ‘yon? Isang pagkakamali lang naman yung nangyare eh. Isa pa, safe ang anak mo kaya dapat hindi mo na sinaktan si Sienna, dahil mukhang may trauma siya sa past niya.” Inis kong singhal sa kapatid ko.
“Isang pagkakamali? Paano kung hindi ako nagpunta doon huh? Edi may masama nang nangyare sa anak ko? Saji, iniingatan ko ang anak ko tapos pababayaan lang niya. Kung di lang naman dahil sa kagustuhan ni Azilenia, hindi ko siya matatanggap na babysitter,” malamig nitong tugon sa akin at saka siya inis na lumabas ng bahay niya.
KINABUKASAN, habang naglalakad ako dito sa hallway ng university, may lumapit naman sa akin.
“Good morning, Saji” Masiglang pagbati sa akin ni Miguel. Classmate ko si Miguel, at same kame ng strand. Makulit s‘yang tao, pero palagi naman akong sumasaya kapag kasama siya. Sa katunayan ay matagal na akong may gusto sa kanya, kaso nahihiya akong umamin dahil magagalit si, Kuya Elvion. Gusto kase ni Kuya Elvion, dapat raw mag boyfriend ako kapag 20 year's old na ako. Ngayon kase ay 19 palang ako. “Saji? Uyy, Saji” Nabalik ako sa realidad nang kalabitin niya ako.
“Miguel, pasensya na” Nahihiyang sambit ko at bigla naman niya akong inakbayan, kaya palihim kong tinignan yung labas ng University. Baka kase makita ng mga bantay ko.
“Sabay tayong maglalunch mamaya, okay? Sabay rin nating gawin yung mga activity natin” Nakangiting wika nito kaya nahawa na rin ako sa pagngiti niya.
“Oo ba. Basta ililibre mo rin ako sa cafeteria” Nakangiting sambit ko
“Sus, sige na. Palagi naman kitang nililibre e” Natatawang tugon nito kaya napanguso ako.
Bigla ko tuloy naalala si, Sienna. Sana naman ay maayos na siya ngayon. Sana nakarecover na siya.
LUNCH time na namin ngayon at kagaya ng inaasahan ko ay inilibre nga talaga ko ni, Miguel.
“Susubuan na kita. Sobrang lakas mo talagang kumain, hindi ka naman tumataba” Napanguso ako dahil sa pang-aasar nito sa katawan ako.
“Grabe ka huh” Nakasimangot kong sabi sa kaniya at pinahiran ko ng sauce yung ilong niya.
AFTER CLASS ay nagpaalam na ako kaagad kay Miguel, dahil kailangan ko na rin talagang umuwe. Pero hindi ako didiretsyo sa bahay nila, Mommy. Doon ako didiretsyo sa bahay nila, Kuya.
Sana naman pagkapunta ko doon ay nandoon pa rin si, Sienna. Baka kase dahil sa nangyare kahapon ay mapagpasyahan n‘yang umalis. Pero huwag sana. Mukha pa naman s‘yang mabait at mukhang makakasundo ko siya.
PAGRATING namin sa bahay ni Kuya, dali-dali akong kaagad na pumasok sa loob. Hinanap ko sa living room si Sienna, pero wala siya roon kaya naman dali-dali akong lumakad papunta sa kitchen.
“Boss, mag dinner ka na muna bago ka umalis. Masama rin kase ang panay ka trabaho tapos wala pang laman yung tyan mo,” iyan ang naabutan kong sinabi ni Sienna, kay Kuya Elvion. Parang wala lang kay Sienna, ang ginawa sa kanya ni, Kuya. Dapat nga magalit siya kay Kuya, eh pero mukhang hindi naman siya galit e.
“Uulitin ko lamang Sienna, para naman hindi ka mapahiya. Hindi nagdidinner si, Boss” Taas noo na pagsingit naman ni, Ella
“Ikaw ba ang inaaya ko? Hindi 'di ba? Hilig mong sumabat eh, napaka sabatera mo talaga. Gusto ko lang naman na sabayan ni Boss, yung anak niya na kumain ng dinner” Pagtataray ni Sienna, kay Ella, kaya natawa ako at nagpakita na ako sa kanila.
“AUNTIE!!” Sigaw ni Azilenia, kaya nilapitan ko siya kaagad
“/*fake cought* Ako ba Sienna, hindi mo aayain na kumain ng dinner dito? Si Kuya, lang ba talaga ang aayain mo?” Mapaglarong ngising tanong ko sa kaniya.
“U-Uhh syempre hindi. Sumabay ka na rin Miss. Saji” Nakangiting tugon nito sa akin at bahagya s‘yang lumapit sa tabi ko. “Nakakahiya ho kung tatawagin lang kita sa pangalan mo, kaya pagbigyan mo na ako dito.” Bulong nito sa akin kaya naman tumango nalang ako.
Tinignan ko si Kuya Elvion, na nanatiling nakatayo. “Sumabay ka na, Kuya” Nakangiting turan ko
“Malelate na ako. Tayo na” Malamig nitong tugon at sinenyasan niya sila Mika, na sumunod na sa kaniya.
Hindi talaga mahilig mag dinner si, Kuya Elvion. Sa loob yata ng isang taon, baka isa o dalawang beses mo lang siyang makikita na kumakain ng dinner. Hindi din siya ganon kasanay na kumain ng lunch.