Chapter 4

2360 Words
PAGKARATING namin ay namangha ako sa laki ng bahay na bumungad sa akin. Grabe kahit na andito lang ako sa may bintana ng kotse nakasilip ay kitang-kita ko talaga ang ganda ng mansion. Ganitong-ganito din ang mansion namin noon. Sobrang laki, kaso ang kaibahan ay may fountain yung harapan ng mansion nila. “Bumaba ka na” Sabi sa akin ni Johniel, kaya nginitian ko siya at tumango ako tsaka ako bumaba ng sasakyan. “Grabe sobrang ganda dito” Manghang puri ko sa mansion Nauna na silang naglakad kaya naman dali dali akong sumunod. Sa sobrang laki kase nitong labas at baka maligaw kaagad ako. Sobrang dami rin ng mga halaman dito. Tapos may pa-fountain pa sa gitna, grabe parang nasa palasyo lang. Doon naman sa bandang dulo ay may isang aso. Hindi ako mahilig sa aso kaya hindi ko din alam yung tawag sa aso na 'yon. Basta ang alam ko ay aso siya. “Arrrghh hindi ko 'yan gusto!” “Pero Master Azilenia, bawal ka po kase kumain ng ice cream ngayon 'di ba? Please huwag mo na 'yan kainin. Baka kase mahuli ka pa ni, Boss” “I don't care kay Tanda, 'no. Hmp! Kakain ako kase gusto ko” Iyan ang mga narinig namin pagkapasok naming lahat sa pinakaloob ng mansion. Nakita namin ang isang matandang babae at yung batang nasobrahan sa katarayan. Namangha din ako sa ganda ng mga Chandliers dito sa living room. “Azilenia” Malamig na bigkas nitong masungit na lalaki doon sa anak niyang nangangalang, Azilenia. Ang ganda-ganda sana ng pangalan kaso nasobrahan din sa kasungitan at katarayan. “Oww! Nandyan ka na pala Tanda, at wow! kasama mo na ang hiniling ko sayo” Nakangising sambit nitong bata. Jusko! Kahit na bata ito ang sarap ipatapon eh. Masyadong matanda ang pag-iisip. Tsaka iba ang paraan ng pagngisi niya, parang may masamang balak eh. “Boss” Tumayo at yumuko naman kaagad yung matanda. “Manang, bumalik ka na sa kitchen, iwan niyo na sa amin si, Azilenia” Seryosong wika nitong Tatay nung bata doon sa matandang babae. “Opo, Boss” Dali-daling umalis yung matanda kaya napakunot ang aking noo. Tinignan ko naman yung batang babae na ngayon ay nakakalokong nakatingin sa tatay niya habang kumakain ng ice cream. Pero grabe siya huh, parang hindi siya natatakot sa titig sa kanya ng Tatay niya. “Azilenia, itigil mo ang pagkain n'yan. Pinagbawalan kita, kaya sumunod ka.” Diin na utos nitong tatay doon sa anak niya. Tinignan ko naman yung bata kung susunod ba pero inirapan lang niya yung tatay niya. “Who cares? Tsk, super tagal ninyong lahat. Kanina ko pa siya inaantay. Walang gagawa ng mga assignments ko, kaya ikaw na babysitter ko ang dapat na gagawa.” Pagtataray din sa akin nitong bata, kaya tinuro ko yung sarili ko. Baliw ba siya? Assignment ko nga noon ay sipag na sipag akong gawin, tapos siya ipapagawa lang din sa akin? Aba! Kakaibang bata ito huh. “Duh, ayaw ko din gawin yung mga assignments mo. Gawin mo 'yan tutal mukhang matanda ka din namang mag isip.” Pagtataray ko din sa kanya at ginaya ko din ang pagtaas niya ng kilay. Ramdam na ramdam ko naman ang pagtingin sa akin ng mga kasama ko. Biglang tumabi din sa akin si Aliyah, kaya medyo nagtaka ako. “Huwag mo s'yang ganyanin kung ayaw mong matanggal kaagad sa trabaho.” Bulong sa akin ni Aliyah, kaya tinignan ko siya at pagkatingin ko sa kanya ay nakita ko siyang nakangiti doon sa bata. “Gagawin mo ang assignments ko dahil 'yon ang utos ko. Ako dapat ang masusunod sa ating dalawa, kaya umayos ka sa mga salita mo.” Pagmamaldita naman sa akin nitong bata. “Excuse me? Hoy! Bata ka....ako nga noon ang sipag-sipag kong gumawa ng assignment, tapos ikaw ubod ng katamaran at balak mo pang ipagawa sa akin? Duh, matagal na akong graduate sa paggawa ng assignment 'no. Kung gusto mo tuturuan nalang kita para magawa mo 'yang assignment mo.” Naka cross-arms kong sabi sa kanya. “Fine.” Diin nitong pagsang-ayon kaya nginitian ko siya. Ganyan nga, aba! Hindi porket magiging babysitter ako eh, papayag na akong ipagawa lahat ng utos. “Sige, gawin na natin” Matamis na ngiting wika ko at naupo ako sa tabi niya. Umusod naman siya sabay pag-irap sa akin, kaya inirapan ko din siya. Kinuha ko yung maliit na bowl na may laman na ice cream at nagtataka naman niya akong tinignan dahil 'don. “That's mine” Inis nitong sabi at babawiin sana niya yung bowl pero kaagad ko 'yon na iniiwas sa kanya. “Bawal ka daw 'di ba? Nako kung ako sayo dapat nakikinig ka. Tsaka sige ganito nalang, kapag natapos natin lahat ng assignment mo ay bibigyan kita ng ice cream.” Nakangiting sambit ko sa kanya “What? No—Arrrghh fine” Pabagsak balikat n'yang kinuha yung notebook niya kaya nginitian ko siya at ako na ang kumain ng ice cream niya. Sayang kase eh kung matutunaw lang din. Habang nagbubuklat itong katabi ko ng notebook ay napatingin naman ako sa mga taong nakatayo sa gilid ko. Lahat sila ay nginitian ko. “May importante ka pang lakad Boss, 'di ba? Pwede na ho kayong umalis dahil ako na ang bahala dito at sa batang ito.” Nakangiting turan ko sa kanilang lahat. Tumalikod naman kaagad yung masungit na tatay nitong bata kaya sumunod na rin yung mga kasama niya. Nang makalabas na sila ay kinalabit ko itong katabi ko. “Psst, anong pangalan ng tatay mo?” Tanong ko sa kanya “Laxerous Elvion Sanchez and I am Azilenia Sanchez.” Sagot nito at nagpakilala na din siya kaya naman napatango ako. Umayos naman na kame pareha at sinimulan ko na din siyang turuan. Math na subject ang inuna namin dahil doon ako nadadalian ngayon. Hindi naman ako magaling at matalino sa math, pero dahil elementary palang siya, madali lang ito para sa akin. “6×4 daw? Okay, ganito nalang para hindi ka maguluhan. Magbilang ka ng apat na six or pwede din namang magbilang ka ng anim na four para makuha mo ang sagot.” Paguturo ko kay Azilenia, dahil mukhang nahihirapan ito. Halata kase sa noo niya na kanina pa nakakunot. “It's so super mahirap. Arrghh” Pagrereklamo nito pero ginawa pa din naman niya yung sinabi ko at nagbilang na kaagad siya. Pagkakuha niya ng sagot ay kaagad na niya 'yong sinulat. “Okay ang next is 10 divided by 2, okay, ten divided by two 'daw. Ganito naman ang gagawin mo d'yan. Hahatiin mo lang yung two sa ten or para mas magets mo, ganito nalang. Bibigyan muna kita ng example para makuha mo ang sagot. 6 divided by three? Ilang three ang kayang hatiin ng six?” Tanong ko sa kanya at nagbilang naman siya gamit ang daliri niya. “Two” Bored nitong sagot kaya tumango ako. “Very good. Sagutan mo na ngayon iyang 10÷2. Madali nalang iyan” Nakangiting wika ko at nagbilang na siya kaagad. BANDANG hapon na din kame natapos ni Azilenia, at nang makita ko yung matanda kanina ay nilapitan ko ito kaagad. “Manang, nasaan po yung kitchen niyo?” Nakangiting tanong ko kaya napaharap ito sa akin. “Diretsyo ka lang hija, tapos kaliwa at makikita mo na ang kusina,” Pagturo ng daan ni Manang, kaya napatango ako. “Nga pala hija, anong pangalan mo?” Dag dag pa na tanong ni Manang, sa akin. “Sienna, po ang aking pangalan, ikaw po?” “Tawagin mo nalang akong Manang o 'di ka kaya naman Manang Rosa” Nakangiting sambit ni Manang Rosa, kaya ngumiti din ako pabalik. ALIYAH POV “AHHH!!” Puro sigaw lang mula sa tortured room ang naririnig namin ng mga kasama ko. Meron kaseng mga nagtraydor kay Boss, kaya 'yon ngayon ang nangyayare. Mukhang may lilinisin na naman kameng kalat. Maya-maya pa ay lumabas na din si Boss, at puno ng dugo yung kamay niya at maging ang suot n'yang polo shirt ay may mantsa na din ng dugo. “Mika, Samuel, kayo ang sumama sa akin ngayon. Kayo naman Aliyah, Ash at Johniel, ipalinis niyo na 'yon para makasunod na kaagad kayo sa kumpanya.” Malamig na sambit ni Boss, kaya yumuko kame bago kame pumasok sa loob ng tortured room. Pagkapasok nga namin ay dalawang lalaki ang naliligo na sa mga sarili nilang dugo. Masyado kaseng makukulit at parang hindi pa nila kilala si Boss, kapag nagalit. “Hoy, kayong dalawa, linisin niyo na ito” Utos ni Johniel, sa dalawang men in black. Kailangan na andito pa kame kase kailangan naming makasiguro na walang bakas na maiiwan. ANDITO na kameng tatlo ngayon sa opisina ni Boss, dahil natapos na namin ang aming mga trabaho. Nakapagpalit na din si Boss, ng damit niya at ngayon ay naka tuxedo na siya. “Boss, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakilos ang organization nila, Vandrick. Mukhang nag-iisip pa sila ngayon ng mga gagawin nila laban sa atin.” Saad ni Samuel, kay Boss. “Si Vandrick, bantayan niyo ang bawat kilos nila.” Malamig na wika ni Boss, kaya sabay sabay kameng tumango. “Oo nga pala Boss, heto na yung inutos mo sa amin na background check ng bagong babysitter ni, Master Azilenia” Sabay lapag ni Mika, ng isang folder sa table ni, Boss. “Nalaman din namin Boss, na wala na pala siyang mga magulang.” Seryosong saad ni, Samuel. “Bukod sa pangalan, edad, tirahan, ay wala na kameng ibang impormasyon na nakuha. Mukhang pribado o baka sadyang 'yon lang talaga ang impormasyon niya.” Dugtong pa ni, Mika. MATAPOS ang mga pinag-usapan kanina ay pinaalis na rin kame kaagad ni, Boss. Andito kame ngayon sa cafe at nakatingin lang ako kay Samuel, na ngayon ay nakangiting nakikipag usap kay, Mika. Alam ko naman na mula umpisa ay gusto na talaga nila ang isa't-isa. Alam ko din na wala na talaga akong pag-asa pagdating kay Samuel, dahil si Mika, ang gusto niya at mahal niya. “?Pinagmamasdan ka sa malayo, mahal pansinin mo naman ako~” Inis kong tinignan si Ash, nang kumanta ito ng ganon. Halatang nang-aasar eh. “Hmm bakit?” Inosenteng tanong sa akin ni Ash, habang nagpipigil ng tawa. “Ipapalunok ko sayo ang bala ng baril ko kapag hindi ka tumigil.” Nakangiting saad ko na nagpatahimik sa kanya. “Hindi kana talaga mabiro. Lapitan mo nalang kase si Samuel, tapos umamin kana sa kanya kung ano talaga ang totoo mong nararamdaman. Masyado kana ngang halata d'yan eh tapos ayaw mo pa umamin” Napabuntong hininga ako sabay ulit tingin kay Ash. “Baka mafriendzone lang ako” Nakasimangot kong tugon. “Huwag mo na s'yang pilitin Ash.” Pagsingit ni Johniel, kaya napasimangot din si Ash. KINAGABIHAN Inutusan kame ni Boss, na magpunta 'daw muna ngayong gabi doon sa mansion niya habang wala pa siya. Baka daw kase gabihin pa siya ng uwe. Iniisip ko talaga na walang tiwala si Boss, doon sa mga tao niya sa mansion lalo na doon sa bagong babysitter. Sa bagay hindi ko siya masisisi dahil baguhan palang ngayon si Sienna. SIENNA POV “Nako hija, kailangan n'yang kumain ng gulay kaya gulay ang ipakain mo.” Bulong sa akin ni Manang, kaya naman nginitian ko siya at tinanguan. Lalagyan ko na sana ng gulay yung plato ni Azilenia, pero kaagad n'yang inilayo yung plato niya at siningkitan pa niya ako ng mata. “Steaks meet with bell peppers ang gusto ko. Ayaw ko n'yan” Mataray nitong sabi sa akin at kaagad s'yang kumuha ng gusto n'yang ulam. “Master Azilenia, kailangan mong kumain ng gulay at hindi ka dapat nagpapanay karne.” Nakangiting sabi ni Ella, na halatang malaki ang galit sa akin. Aba ang taray taray niya kanina sa akin. Isa ring katulong si Ella, dito pero kung makapagsalita sa akin ay daig pa ang amo. “Sienna, ikaw ang nag-aalaga sa kanya pero hindi mo kayang pakainin ng gulay? Isusumbong kita kay, Boss” Dagdag pa nitong impokritang si Ella, sa akin. “Umm Master Azilenia, gulay ho ang kainin mo” Nakangiting sabi ko sa alaga ko. “Ayaw ko nga 'di ba? Kayo ba ang kakain at mas marunong pa kayo sa akin?” Inis nitong tanong sa amin kaya tinignan ko si Ella, at binelatan ko siya. “Narinig mo naman 'di ba? Ayaw ng alaga ko kaya doon ka na. Tsaka wala akong pake kahit na magsumbong ka pa sa amo natin 'no. Daig mo pa gwardya kung makabantay sa amin, alis na nga.” Pagtataray ko kay Ella, at tinarayan din ako nito tsaka siya lumakad palabas ng kitchen. Pagkalabas ni Ella, ay naupo kaagad ako sa tabi ni Master Azilenia, at nginitian ko siya. “Master Azilenia, gulay ho kainin mo please? Baka isumbong talaga ako ng babaeng 'yon eh, ” Pagmamakaawa ko sa alaga ko. “Hmm? Akala ko ba wala kang pake kahit na isumbong ka pa niya? Takot ka din naman pala.” Pagtataray sa akin nitong alaga ko. Jusko naman, kakain lang naman ng gulay eh. Baka nang dahil sa gulay ay mawalan kaagad ako ng trabaho. Pero huwag naman sana. “Master Azilenia” Sabay naming tinignan ni Master Azilenia, yung mga tao ng tatay niya na mga bagong dating. Nilapitan naman kaagad ako ni Aliyah, at kaagad rin s'yang bumulong sa akin. “Kumusta ka? Matatagalan mo ba ang pagtatrabaho sa batang 'yan?” Bulong na tanong sa akin ni Aliyah, kaya pilit ko s'yang nginitian at medyo nag-aalangan akong tumango. “Kaya ko naman siguro. Tsaka hindi ko pwedeng atrasan yung sweldo na inalok sa akin eh. Pambayad ko din kase 'yon sa bahay na inuupahan ko tsaka sa kuryente.” Bulong kong sagot kay, Aliyah. “Well, good luck sayo. Gusto ko lang sabihin na sobrang dami nang babysitter na ang sumuko sa batang 'yan. Mahilig 'yan mambully” Nakangising bulong pa ni Aliyah, sa akin kaya tinignan ko si, Master Azilenia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD