"You good?" Tanong sa'kin ni Bingo matapos naming umupo. We have a meeting abroad. Pupunta kami ng Singapore. Hindi pa ako sure kung kailan uuwi pero minimum three days ako rito. Tumango ako. "Yeah. Why wouldn't I be?" Inayos ko ang table sa likod ng seat sa harap para malagay ko ang laptop ko.
I have a lot of pendings. Emails, proposals, finances. "First time mo 'di ba aalis after?" Napa-isip ako. First time ko nga ba umalis? Nang maalala ko. Kakauwi ko lang pala no'ng kinomfronta ako ni Nana. Natawa ako. "Baka pag-uwi ko may mag-claim ulit na ako tatay." Pagbibiro ko. Gulat ako ng kurutin ako ni Bingo.
Napahawak ako sa balat ko. "The heck is wrong?"
"Ikaw!" Napaatras ako no'ng tinuro n'ya mukha ko. "Siguraduhin mo wala!" He crossed his arms. "Wala naman na talagang iba." Isang beses pa lang ako pumunta sa bar this year. At 'yun 'yung gabing 'yun. Umiling ako. Ayaw ko maalala. It's not that it's unbearable. Embarassing lang kasi to think about her like that.
"Gusto ko si Nana." Para akong natigilan ng hininga. "Oh?" Tanong ko sa kanya. Nagulat ako nang batukan n'ya ako. "Ano ba? Namumuro ka na." Sinamaan ko s'ya ng tingin. Kaagad s'ya lumayo. "I mean, I like her for you. Para sayo. Ikaw. You!" Nilinaw n'ya talaga. Natawa ako. Hindi sa hindi bagay si Nana.
But she's independent. At mukhang natataranta si Bingo. Akala siguro malalagot s'ya. "I like her too, as a friend." Ngumiti ako. I want to be friends first. Hindi dahil s'ya ang mommy ng anak ko, but she's a great person. "Friends? Gago. Nabuntis mo nga." Tumango ako.
"Oo nga. Hindi kami romantically involved. So friends. Para rin sa bata. At mabuti s'yang tao. Gusto ko s'yang kilalanin." Paliwanag ko. "Sus." Sinamaan ko ulit s'ya ng tingin. "Okay. Sabi mo eh."
Maya-maya ay naglift-off na. Sinuot na n'ya ang headphones n'ya. Sinuot ko na rin ang akin. Time to work.
Dorothy's POV
"Tignan mo 'yung dalawang gwapo sa first class!" Tinig ng isang kasamahan ko. Sakit naman sa tenga nitong malanding 'to. Dito pa kasi ako na-assign. Wala akong kaclose rito. Ito ang bermuda triangle sa ere.
Ang tatlong babaitang tanga at mahilig sa mayayaman!
Buti na lang ar hindi ako tanga. Mahilig lang sa mayaman. Natawa ako sa sarili ko. "Hoy." Tinawag ako kaya napalingon ako sa kanila. "Ikaw na dumaan doon." Inutusan nila ako. "Panay mababaho naman 'don." Inirapan ko nga. Kapal. Sinilip ko. Arte naman! Hindi lang kita eh.
Rumampa na ako. "First class ka." In-assign ako ng head namin. "But, ma'am." Sinamaan lang sila ng tingin. I love my life! Madali akong rumampa. Pagkapunta ko first class parang may nakita na ako. Syempre inisa-isa ko sila sa needs nila.
"Good morning, Sir's! Is there something you like to drink or eat?" Tanong ko pagdating ko sa bandang gitna. Parehas silang napatingin sa'kin. 'Yung isa tinaas pa 'yung eye mask. "Kayo?!" Kaagad ko tinakpan bibig ko.
Napaupo agad ng maayos 'yung isang mokong. "Yes, Ms. Flight attendant. What's in it for us today?" Nakakaasar tono nila. "Ubos na po pala for you." Ngiti kong sabi sa kanya at nilipat ang tingin kay Corbyn. Kailangan ko 'tong alagaan for Nana. Ipu-push ko itong manok ko. "Ikaw soon to be tatay ng inaanak ko?" Nilabas ko lahat ng available.
"Chicken sandwich na lang." Ningitian ako nito. Bait talaga. 'Di kaya ng kaibigan n'yang gago. "Hey! How about me?!" Ningitian ko s'ya. "Next time." Ngiti ko lalo. Halos umabot na sa batok. Naiinis talaga ako sa mukha n'ya.
Ewan ko. Siguro dahil sobrang gwapo? Tapos hindi ko nakokontrol ugali ko pag s'ya nakaharap ko. Bakit kasi gan'yan mukha n'ya! "What do you want, Sir?" Tanong ko. Mukha na s'yang nalugi no'ng dinedma ko. "What he had." Ngiti nito sa'kin. Halos ilapit pa ang buong katawan. Inirapan ko. "Eat well." Ngiti ko kay Corbyn.
"Thanks." Pagpapasalamat nito. Bait talaga. Tumuloy na ako sa daan ko. Nang makabalik ako sa cabin ay tinawagan ko kaagad si Nana. "Kasama ko baby mo rito." Bungad ko. Mukhang nasa trabaho ito. Pabulong ito nagtanong kung sinong baby n'ya. Nasa tiyan pa daw anak n'ya. Natawa nga ako.
Nana's POV
Buti at nandito lang ako sa desk ko nang tumawag si Dory. Nagtaka ako sa bungad n'yang sabi. Baby ko raw nando'n. Samantalang 'di ko pa nga nai-ire. "Corbyn, kasi!" Paliwanag n'ya kaya nagulat ako. Talagang sinigaw pa pangalan. Pano kung may kasama s'yang kilala 'yun 'don tapos narinig sinabi n'ya no'ng una.
Yari ako nito. "Gaga ka. 'Wag mo naman ipagkalat." Bulong ko sa kanya. Pakiramdam ko marami nakarinig sa boses n'ya kahit through phone ito. "Wala. Mag-isa ako rito." Sagot n'ya. Nagtaka naman ako. "Ginawa akong first class. Kaka-serve pa lang no'ng isa para sa ordered food." Paliwanag n'ya. Shala ah.
Hilig s'yang ilagay sa first class. Dahil siguro sa ganda n'ya at paano s'ya nakikipag-usap. Napasapo ako no'ng maalala ko naka-encounter n'ya si Corbyn. Nagbabalik palengkera style n'ya pag may kakilala s'yang awkward tension nila. "Baka naman kung ano nasabi mo 'don?" Tanong ko.
"Hehe. Chicken sandwich ang hiningi. Mali-mali rin nasabi ko." Dissapointed n'yang tono.
First class, chicken sandwich?
"Okay lang 'yan. Si Corbyn naman 'yan." Sabi ko para hindi masira confidence n'ya. Naalala ko tuloy no'ng may na-busted s'yang mabait. Soft-hearted kasi si Dorothy. Mabilis mag-overthink, maawa. But I like her side of that. It shows how much she cares. "Nandito rin si Foranger." Nanlaki mata ko.
"Oh?" Mapang-asar kong sambit. "It's not what you think." Nag-english na. Seryoso 'to. Pero in a different way. May gumugulo rito. "Okay." Sabi ko. Alam n'ya ng ship ko sila. Akala mo ako lang ang kayang i-ship. Pwes, ikaw rin!
Nagulat ako no'ng mag-text si Corbyn. Tinignan ko kaagad ito. "Silip ka raw ng silip." Sabi ko kay Dory. On-call parin kami. "Huh? Paano mo nalaman?" Tanong ni Dory na halos aminin n'ya rin. "Sinumbong ni Bingo kay Corbyn." Natatawa kong sabi.
"Ramdam daw n'yang may masamang nakatitig sa batok n'ya. Ikaw lang daw 'yung nagawa sa kanya no'n" Pinaliwanag pa talaga ni Corbyn ano sinabi ni Bingo. "Feeling kamo s'ya!" Ramdam ko irap nito. Natatawa ako sa memes na pinagsesend ni Corbyn. Naiinis na pagiging feeling ni Bingo.
"Tuwang-tuwa ka naman. Inaaway na ako rito." Hindi ko napansin mga sinasabi n'ya. Naghanap ako ng pwedeng ireply kay Corbyn. "Huh?" Tanong ko kay Dory nang tanungin n'ya ako. "Kausap mo parin ba? Grabe ka na. Nabibingi na pag s'ya kausap."
Kaagad ko itong dinefensahan. "Hindi ah. May hinahanap lang ako sa internet." Hindi ko sinabi na naghahanap ako memes. Wala ako masyadong gano'n sa cellphone ko. "Reason." Nagtatampo n'yang sabi. "Ano ba kwento mo?" Tanong ko habang natatawa sa pag-rant ni Corbyn. Ayaw na n'ya sa pinagsasabi ni Bingo.
Bakit pa kukuha ng chicken sandwich. Pinakain lang 'din naman sa iba. Totoo naman.
"Nakikinig ka ba?" Mangiyak na ito. "Yup! Kasama mo 'yung bermuda triangle. Sabay pinagtutulungan ka. Pero mismong head n'yo naglagay sa'yo sa first class. Tapos ayan. Nakita mo na love of your life mo." Paliwanag ko. Kaya ko mag-multitask 'no! Do'n nga ako magaling!
"Hindi ko s'ya mahal!" Tinawanan ko na lang. "Okay, sabi mo. Soon." Napanguso ako no'ng hinaha lang ni Corbyn chat ko. Gulat ako no'ng ma-hold ang tawag ni Dory. Halos mabagsak ko cellphone ko no'ng si Corbyn pala caller. "Sige, Dory. Una na me. Gagawa pa ako excel." Paliwanag ko. In-end ko kaagad.
Binalikan ko tawag ni Corbyn. "May emergency?" Tanong ko kaagad. Biglaan natawag. "Wala naman." Sagot nito. Halos 'di ako makahinga kanina sabay gan'yan mangyayari. "Gago ka!" Pabulong kong sigaw no'ng maalala ko nasa labas lang ako ng office ng boss ko.
"Then why call?" Ask ko nang tumawa lang s'ya. "Bingo's asleep after talking so much." Napangiti ako. "Parang bata." Siguro natango na ito. "He is. One moment he's awake. The second, he's not. Parang lasing. Nabulong pa." Napatingin ako sa boss ko. Nag-hand out s'ya ng gagawin ko. Kinuha ko kaagad 'yun. "Wait lang." Sabi ko at binaba ang cellphone. 'Di ko na hinintay sagot n'ya.
Matapos n'ya ako pakabahin, maghintay s'ya. "Sure po!" Masaya kong tinig at sumaludo matapos n'yang ipaliwanag gagawin ko at kailan deadline. Gawin ko na agad. "Sorry ah. Boss ko kasi." Paliwanag ko. "No problem. Busy ka ba? Maybe I'm distracting you." Umiling ako agad.
"Hindi ka nakaka-distract." Parang naging double meaning 'yun. Baka sa'kin lang? Sana hindi sa kanya. Please huhu. "I mean, wala naman akong ginagawa kanina. Pero ngayon meron na." Pagbago ko sa sagot ko kanina. Something didn't sit right. "Okay. Can we keep the call?" Tanong n'ya.
Napaisip ako. Nakakapanibago. "Why?" Narinig ko s'yang huminga ng malalim. Matagal s'yang tumigil. "I'm working too, and wala. I just wanted to feel like I'm working with someone." Weird. Napakunot ako pero hinayaan ko na lang. Nakaka-lonely rin dito sa akin. Umalis si boss. Kain daw s'ya. Inaya ako pero tumanggi ako. Wala ako pang-kkb.
"Okay."
I didn't know why, pero napa-oo na lang ako. While the minutes passed. Nakipag-kwentuhan ako sa kanya while working. Kanya-kanyang rants and tanong for suggestions. I liked our dynamic. Hindi ko naramdaman na mag-isa ako rito sa floor.
I enjoyed? I liked his presence. Ngayon ko lang 'to nagawa. Working both while helping each other out. Kay Dory puro chika lang. Maaga kong natapos work ko dahil sa kanya. "Thank you." I thanked him. "Thank you rin."
"Hindi naman ako masyadong nakatulong." I looked at the time. "You helped a lot." Napangiti ako. Walang-wala ako sa level ng trabaho n'ya. Napaka-messy and maraming proseso. "Late na pala." Sabi ko. Siguro iba na time nila. "Yeah." Parehas kami napatigil. Ayaw ko pang i-end.
"I guess, bye?" Natatawa n'yang bati. Napatango ako kahit ayaw ko. "Bye! Safe travels and safe landing." I wished him luck. "Thanks." Tipid n'yang pasasalamat bago i-end. Inaantok na siguro. Ramdam ko na pagod n'ya sa boses n'ya. Actually lagi s'yang pagod.
Napasandal ako ng maayos sa chair ko. Nagpatagal pa ako. Ginawa ko na rin iba kong kailangan gawin. Nang tumayo ako para mag-cr ay napatingala ako sa bintana. I looked at the sky. Ingat.