CHAPTER 12

1832 Words
Nana's POV Nagising ako bigla sa tawag. Isang linggo na nakalipas. Nagpa-check up na kami ni baby kahapon bago pumasok. Sabi ni Corbyn para walang makapansin. Marami raw kasing nakabantay sa kanya ngayon. Siguro dahil mas madalas na kaming magkasama. Mas madalas na kaming nakikita ng iba. Ayaw ko naman maging center of attraction. Lalo na maabala si Corbyn. He's done a lot for our baby, and for me. Grabe rin ang sakripisyo n'ya. I know it's not easy to do this. Magpakatatay. Lalo na sa taong 'di mo kilala tapos bigla mo na lang nabuntis. Sabay umaakyat ka pa sa pwesto sa industriya. It's very important to keep an image. Kinuha ko ang tawag. "Hello, who is on the other line?" Hindi ko na kasi pinansin 'yung caller. Masyado akong bangag. "Ate?" Napa-upo ako ng maayos. "Nabu!" Masaya kong tinig. Ramdam ko ang saya n'ya. "May free time ka ba?" Tanong nito. Napatingin ako sa orasan. "Yup!" Masaya kong sagot. "Nandito ako malapit sa lugar n'yo." Napakunot ako. "Bakit?" Agad kong seryosong tinanong. "Nakitulog ako sa mga kaklase ko. May project agad kami. Lakad tayo, ate. Miss na kita." Kaagad nitong pa-baby na tono. Natawa ako. "Talaga? O kailangan ng pamasahe pauwi." Namewang ako. Natawa s'ya. "Hindi ah! Hindi pa kita nakikita mula pasko at new year. Binayaran mo lang tuition ko sa school sabay wala ka na." Narinig ko ang paghina sa boses n'ya. Nanahimik kami saglit. "Sige. Saan ba?" Tanong ko habang tumatayo. Inayos ko ang kama ko. "Ano ba malapit na park dito?" Tanong n'ya. Halatang ngayon pa lang nakapunta. One thing sa kapatid ko para malaman kung dayo s'ya. Hindi n'ya alam ang mga structures sa isang lugar. Pero alam n'ya puntahan 'yun. "Century Park." Sagot ko. "Okay. Nand'yan na ako in." Napatigil s'ya. "Thirty minutes?" Natawa ako ng mahina. "Timer ko ba?" Hamon ko. "Pag ako nauna. Five hundred." Inubo ako bigla. Lumabas ako sa kwarto ko. Nakabihis na ako habang nagsasalita s'ya. "One hundred lang oh! Ang laki naman. Ganyan ba pag varsity?" Pang-asar ko. "Nye-nye. Sige. Nandyan na ako before thirty minutes." Nagmadali na ako. Kumain na ako onti para hindi ako mabati. Kaagad ko ito hinugasan. Nagising si Dory. Halos dito na s'ya lagi natutulog. Sa sofa naman s'ya. Baliw lang. "Saan punta?" Tanong n'ya sa'kin. "Nabu." Tipid kong sagot. Napatango s'ya. "Ingat! Pa-kiss sa pisngi ng inaanak ko!" Inaanak n'ya kasi 'yun sa kompil. Natawa ako. "Yup!" Ngiti kong sabi at tumakbo na palabas. "Hep!" Sabi ko sa sarili ko. "Ang baby ko." Napahawak ako sa tiyan ko. Okay. Dahan-dahan tayo. Walking walking yarn. Naglakad na lang ako papunta. Malapit lang naman samin. Joke lang. s**t! Ang daming tao! "Hi ate kong maganda!" Nagulat ako nang may sumigaw pagkatapos bumaba ng jeep. Paluin ko nga. "Bakit ka nandito?!" Tinig ko. "Aray naman, Ate!" Hawak nito sa braso. "Bandang dito kasi kaibigan ko. Kilala ka nga eh." Ngumuso ito. Ako naman umuusok na ilong. "Sige dalhin mo ako sa Century Park." Hindi ko rin kasi kabisado daan. Pero alam ko deretso lang. "Hay nako!" Hinila na n'ya ako. Sarap batukan ng batang 'to. Sumakay na kami sa jeep. Wala pang thirty minutes ay nakarating na kami. Ang ganda talaga rito. "Picture kita." Ngiting sabi ni Nabu. Nabuang. Joke. Inirapan ko. "Kita mo ngang walang ayos." Napangiwi s'ya. "Sus! Crush ka nga ng kaibigan ko." Nanlaki mata ko. "Saan naman n'ya ako nakita?" Abay bata 'yun ah! "Lagi ka raw dumadaan sa building nila. Same lang may-ari ng apartments n'yo. Tita n'ya may-ari. Lagi ka raw photo finish magbayad." Nahihiya akong natawa. "Lakad na tayo." Change topic ko. Nakilala at naging crush pa ako dahil late ako magbayad. Parang tanga naman 'yung batang 'yun. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Kamusta naman ang school?" Tanong ko sa kanya. Nagsimula kaagad s'ya magkwento dahilan para mapangiti ako. I can't help but just watch and listen. Ang baby brother ko. Hindi na talaga s'ya baby. "Sabay boom! Nanalo kami!" Tuwang-tuwa nitong kwento. Napatango ako. "Talaga." Pagsang-ayon ko. Isa talaga ito sa kasayahan ko. Nagtaka ako no'ng kumunot ang noo n'ya. "Bakit?" Tanong ko. Napatingin ako sa tinitignan n'ya. Palingon-lingon ako sa likod ko. "May kanina pang tumitingin sa'yo." Hinahanap ko kung sino 'yun. "Ha?" Corbyn's POV "Yes, just send it to Mr. Natividad." Sagot ko sa secretary ko. May pinapa-email ako para sa event ng Cristelas Corp. Naglalakad ako sa Century Park para maka-unwind. I felt a bit emotional these past few days. Hindi ko alam bakit. I hope it's not because of Nana. I don't want her face to be reminded by things that haunt me. Pero para na nga n'ya ako minumulto. Napatingin ako sa nakatayo roon sa malayo. Buhok palang. Si Nana na. Hindi pa ako nakakakita ng babaeng black na black at bagsak na makintab ang buhok. Just her. With her fair skin. Pwede na s'yang snow white. Pero may kasama s'yang iba. Kinusot ko mata ko. "I'm sorry, but can we continue this later? I just have some emergency errands." Um-okay naman ang sekretarya ko. Syempre, ako boss. Hindi s'ya makakatanggi. Pinatay ko kaagad ang tawag. Sinundan ko si Nana. Mayroon s'yang kasamang matangkad na bata? Maybe a little younger than me. College pa lang ata 'to. He has tan skin. A bit lighter than mine. Then a clean jawline. Malaki rin physic. I think he's a varsity if ever college nga s'ya. That's when it hit me. Baka may boyfriend si Nana. Kaya parang may boundaries s'yang sine-set. s**t! Biglang napatingin sa'kin 'yung binata. I looked away. Halata ako, gago. Nakita kong lumilingon-lingon si Nana. Umiwas ako. "Corbyn?" Tinawag n'ya ako. Napalunok ako. She looked confused and lost just like a puppy. "He's a friend of mine." I felt a bit of hesitation from her. Palapit ako sa kanila no'ng sinabi n'ya 'yun. "I'm Corbyn- "Kilala kita." Kaagad kong binawi ang kamay ko. "Sino ka sa ate ko? 'Yun ang gusto ko malaman." Napatingin ako kay Nana. I saw her move a little. Uncomfy 'to. Means no. "We're just friends. Nagkakilala kami dahil magka-away kompanya namin. Just you know. Great minds come to like?" I tried to save it. Napatango naman agad ito. Tinignan n'ya ako pataas at pababa. "Ate! Hindi mo naman sinabi na sikat kaibigan mo!" Nakahinga ako ng maayos. "Baka ako 'to." Pinalipad n'ya buhok n'ya natawa ako. "I'm Nabu. Nabubu. Joke!" Natatawa nitong pakilala. Nakipag-fist bump ito. Ginawa ko naman. "Uy!" May lalaking tumawag kay Nabu. "Ay! Coach namin. Hala! Ate saglit!" Nakita kong napasapo ito. "Sabi na masama balak nito." Natawa ako. "You're brother's cute." Sinimangutan ako. "Ano? Kapatid ko naman bubuntisin mo." Okay. Hormones n'ya. Acting up ngayon. Napalunok ako. Umiling ako. "No, ma'am. Just telling." Ngiti ko. "Bakit ka ba nandito?" Namewang ito. "Ah. Morning walk." Pagsinualing ko. Napa-iling s'ya. Tinulak n'ya ako. "Go home na. Malapit na magtanghali." Sabi n'ya sa'kin habang pinipilit akong lumayo. Natawa akong hinawakan balikat n'ya. "Chill, Mom." Hinampas n'ya ako. Ganito pala 'to. Makulit na bossy pa. Lalo na pag nandyan ang kapatid. "Okay, I'll go home." I gave up. "See you around?" Tanong ko. Kinurot ko pisngi nito. Pinalobo n'ya lang kasi pisngi n'ya. "Sakit!" Napahawak ito sa mapula n'yang pisngi. "Gotta go, bye!" Nauna na ako. Napatingin ako rito habang nalakad ako palayo. Sulyap sulyap lang. Napahawak s'ya sa tiyan n'ya. Feel ko gutom na s'ya. Alam ko may malapit na kainan dito. "Let's eat." Binalikan ko s'ya. "Huh?" "Sabi mo late na. Let's eat. Sama mo na kapatid mong pinapagalitan ng coach n'ya." Natatawa kong sabi. "Hindi ako gutom- "Ako, oo." Ngiti kong sabi. Saktong bumalik kapatid n'ya. "Kain tayo?" Aya ko rito. Nanlaki agad mata nito. Nagkaroon ng stars. "Arat!" Tinig nito. Walang hinihindian. Nagusap sila ng ate n'ya habang naglalakad kami. Nauuna ako. Ayaw ko maki-sapaw sa usapan nila. Pinipingot na kasi ni Nana tenga ni Nabu. Delikado ako. Nauwi kami sa small lugawan. "May ganito pala rito?" Gulat na tanong ni Nana. Tumango ako. "Maganda 'to. Mainit para sa tiyan na "Gutom!" Nakisabay si Nabu sa excitement natawa ako. Sa pagkain talaga nagkakasalo ang mga tao. Umorder na ako. Mukhang pagod na ito. Kanina pa siguro sila naglakakad. Habang lumilingon ako ay nakikita ko silang nagtatalo. Natutuwa ako. Huminga ako ng malalim. "Opo? Magkano po?" Kanina pa pala dinidikta sa'kin order ko. "Salamat po!" Pagapapasalamat at dinala na pagkain namin sa table. Maliit lang s'yang pwesto. Parang sa kainderya lang. "Kain na." Sabi ko nang mailapag ko lahat. Kumuha ako ng tissue and condiments sa kabilang table. Wala kasi sa amin. I sort of missed this days. Simple lang. Nakalimutan ko na 'yung mga araw na 'yun. Bago mag-college ang huli kong karanasan no'n. Everything before college felt like hell. "Kuya Corbyn!" Nagulat ako sa biglang pagtawag ni Nabu. Wala silang hinto kanina sa pagtatalo. Bakit daw masyadong marami nilagay ni Nabu na suka para sa lumpia, bat maraming patis kay Nana, bakit gano'n? Andami. Parehas naman silang pasaway. "May boyfriend na ba si Ate?" Halos mabilaukan ako. Umiling ako dahil kinurot ako ni Nana. "Wala naman." Sagot ko. I think? Sana? Kasi ang sama ko namang tao kung nabuntis ko s'ya, may boyfriend pala s'ya. Unless nag-cheat s'ya- "Wala nga ba?" Sinamaan ko s'ya ng tingin. Pinalo ako. "Ouch!" Napahawak ako sa balikat ko. Doon n'ya ako hinampas. "What was that for?!" Tinig ko. "Now you know my pain." Pag-cross arms ni Nabu. "Grabe ka pala sa kapatid mo? Gano'n kalakas? May ilalakas pa pala 'yung paghampas mo." Ang sakit talaga. Nipis kasi ng kamay n'ya. "Ikaw nga 'tong nagtatanong kung may jowa ba ako. Obvious namang wala." Irap nito. Sabay bulong. "I wouldn't dare cheat on someone I love." Something weighed on her words. To be honest, tuwing sa gan'yang bagay. Like cheating, ibang pamilya, hindi pinagutan, broken promises and mga related doon. Galit s'ya. Seryoso s'ya. Just what happened to her? Hinatid ko sila pauwi. "Thanks kuya Corbyn!" Tinig ni Nabu. "No probs." Nakipag-fist bump kami. Nauna nang bumaba ate n'ya. Hinanapan s'ya ng bus. "Alam mo, kuya." "Hm?" "Masaya ako at may kaibigan si Ate na nakakabasa sa katawan n'ya. Mukhang pagod na pagod na s'ya at gutom. Grumpy na." Natatawa n'yang sabi. "Si Ninang Dory lang kasi pinaka-kaibigan n'ya. Wala kasing nakaka-intindi sa kanya. Hindi s'ya gano'n kabait na tao. Kita mo naman paano manghapas at makipagtalo. Kahit 'di kayo close. Isasaksak sa'yo n'yan ang realidad." Dagdag n'ya. Ako naman ang natawa. "Siguro hindi pa n'ya kinekwento about sa tatay namin. Pero sana kuya, 'wag mo s'yang iwanan tulad no'ng tatay namin. 'Yun lang masasabi ko. Thanks ulit, Tol." He patted my shoulder. "Ingat ka." Sabi ko at kumaway. Tinaas n'ya kamay n'ya. Pagkababa ay napagalitan na agad. I stopped and looked at Nana. She's a strong person. Natawa ako sa fact na isa lang 'din ang kaibigan n'ya all these years. Baka hindi rin gano'n kalaki ang pinagkaiba namin. Maybe we'll become at least friends. Close friends.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD