"Gusto mo ba manood ng sine?" Tanong ko kay Dorothy. Kakauwi n'ya lang sa bahay n'ya. Kakauwi ko lang 'din. "Bakit mo natanong?"
Napatingin ako sa wallet ko. "Punong-puno na kasi wallet ko ng coupons. May nakita akong free tickets for two. Napanalunan ko sa dati kong trabaho. Buti hindi pa nageexpire. Pero next week na expiry." Natatawa kong sabi. Ngayon ko lang napansin kung kailan ko malapit na mag-expire.
Nagulat ako no'ng bigla n'ya akong sinigawan sa tawag. "Gagi ka!" Sigaw nito. Talagang nag-back and forth 'yung boses n'ya sa ulo ko. Baliw na 'to.
"Halika na! Manood na tayo! Baka abutan pa tayo ng expiration n'yan. Sayang!" Tinig nito. "Excited naman 'to! Anong oras na oh? Eight pm na. Bukas na lang." Tinatamad na rin kasi ako. "Sige. Hanap na lang tayo ng papanoorin bukas." Sabi n'ya. Tumango ako kahit 'di n'ya makikita.
In-end na namin ang call. Nagpahinga na ako. Habang nakababad ang face mask sa mukha ko at nakataas ang paa ko sa sofa ay nag-start na ako mag-search. Gusto ko ng rom-com. Pero iba trip ko. Nanlaki mata ko. "The Sister!" Bagong pelikula! Horror. Ito na. Ito na. Tinext ko s'ya.
Sabay kaming nagchat. Natawa ako. The Sister din ang tinype n'ya. "Okay. Set na." Hinanda ko na gamit ko for tomorrow. Buti at sunday bukas. Pahinga namin parehas. Nang matapos ako mag-ayos ay lumabas ako papuntang balcony kahit may hagdan. Naupo ako roon.
I let the cold air embrace me. Nagulat ako nang may sumigaw na bata. Tinuro mukha ko mula sa katapat na apartment. Napatingin ako sa reflection ko sa screen ko. Naka-mask pa pala ako. "Sorry!" Hinubad ko 'yung mask at tinabi. Pwede pa 'to.
Natulog na ako tapos. Excited ako.
"Wow! Ang mommy ay naka-bestida!" Tinig nito. Irapan ko nga. I wore a cute sundress na abot talampakan. Nag sandals din ako. I tied my hair up gamit ang clip. Si Dory naman ay naka-boyfriend jeans and white shirt. Mukha kaming magjowa rito. Naka-cap pa s'ya. Naka-high ponytail buhok n'ya sabay oreo shoes.
"Bili muna tayo food to bring?" It's been a tradition of ours to buy subway sandwiches, junk food, and drinks bago manood ng sine. Para kinakain namin ito habang nanonood. "Kadiri!" Pinunasan n'ya ako ng basa. Hawak-hawak n'ya drinks namin.
"Nag-book ka na?" Tanong nito sa'kin. Tumango ako at pinakita sa kanya ang tickets. Malapit na ang time namin. "Upo na tayo." Aya ko. Buti nakakuha pa ako ng nasa gitna. Pumasok na kami. "Picture muna!" Binigay n'ya sa'kin phone n'ya. Irapan ko nga.
Habang naglalakad may kumalabit sa'kin.
"Pota!"
Sigaw ko!
Nagulat ako. Si sister lumabas. Huhu. Parang ewan. Muntikan ko na ilabas anak ko ng wala sa oras. Nakasama pa s'ya sa picture. "Ate! Buntis 'yan!" Alalang sabi ni Dory. "Ay! Sorry po!" Kaagad ito nagbago. Akala ko magbabagong anyo. Tono lang pala ng boses. Katakot! Bakit ito pinili ko?!
Pumunta na kami agad sa upuan namin. Kinakabahan ako. Parang ewan. Pagtingin ko sa number ng upuan nagulat ako may katabi. Baka dahil maaga ako onti.
"Eh?!"
Apat kaming napabulaslas.
"Corbyn?!" Tinig ko. "Nana?" Taka nitong tawag. "Coffee girl?" Tanong nung katabi n'ya. He gasped. "Killer eye flight attendant!" Tinuro n'ya si Dory. Napatingin ako kay Dory. "Si foranger." Paliwanag n'ya. Pagtingin ko. "Si paligo!" Nakilala ko na s'ya.
Corbyn's POV
"Let me get this straight." Pang-una ko. Ako kasi ang nalilito. Magkakakilala silang tatlo. Dalawa lang kakilala ko. "Bingo first met Nana by pouring coffee?" Tumango silang dalawa. "Next, Nana met me." Tumango silang tatlo. "Dorothy, met Corbyn on plane." Ung dalawa naman. "Nana and Dorothy are best friends." Tumango sila. "Okay." Tumango ako.
Kanina kasi sabay-sabay sila. Nahilo na ako. Isang conyo, isang tagalog, at isang kanal. Sa'kin tumabi si Nana. "Save me." Natatawa nitong sabi. Nagkakatitigan kasi 'yung dalawa. Parehas may masamang balak. "So? He's cute huh?" Pang-asar ko kay Nana. Sinamaan n'ya ako ng tingin. Kaagad naman napalitan ng ngisi. "Super." Tuwa nitong sabi at nakitingin.
Inurong ko mukha n'ya. Napanguso ako. "Selos naman 'to- Ah!" Napasigaw ito bigla. May sister na lumapit samin. "Mga anak, quiet po. Magsisimula na ang pelikula." Totoong sister ang lumapit samin. Mukhang nilapitan ng multo itong si Nana. Hinawakan ko kamay n'ya. Sinenyasan ko s'ya ng quiet.
Napahinga s'ya at tumango. Maya-maya ay nagsimula ang movie.
Habang nakain s'ya ay natatakam ako. Popcorn lang dala namin ni Bingo. Kuripot din nitong foreigner na 'to. Naki-foreinger na ako. "Pa-kagat." Hindi ko na mapigilan. Walang alinlangan akong pinakagat ng sandwich. Kaso nahila ipin ko no'ng magulat s'ya. Sakit. Napapikit ako. "Sorry." Bulong n'ya ngumit lang ako. "Thanks." Napatingin ako sa kaibigan n'yang nasilip. Nakangisi.
Sama ng balak.
Nang matapos kumain ay saktong climax na. Napapatakip s'ya sa mata n'ya.
I held her hand to make her feel comfort. Natatakot na talaga s'ya. Bakit kaya n'ya napili 'to. Natatawa akong pinanood s'ya. "Sana all." Bulong ng baliw kong katabi. Kinurot ko s'ya gamit ang kabilang kamay. Napa-aray 'to sa sakit.
I smiled at the fact the whole movie, she didn't let go of my hand.
"Bye!" Paalam no'ng dalawa. Nagkatinginan si Dorothy at Bingo. Siniko ko nga. "See you?" Tanong ni Nana. Bumalik pa talaga s'ya. I nodded. "Check up, right?" Tumango s'ya. "See you." Ngumiti s'ya at kumaway paalis.
"Ikaw ah." Parehas naming asar sa isa't isa. "Yuck! As if!" Defense nitong asong 'to. Hinila ko s'ya nang pa-akbay. "Don't hide it, bro. Lalo lang halata." Kumawala s'ya kaya natawa ako. "Baka si Sister pa jowain ko-
"Talaga?" Nakakatakot nitong tanong. Natawa ako. Tumakbo bigla si Bingo matapos nitong sigawan si Sister cosplayer sa mukha. "Sorry for my friend." I apologized and catch up to him. "Intay, Gago!" Tinig ko.
Nana's POV
"Bingo and Dorothy-
"Tigil." Sabi n'ya sa pang-aasar ko. "Kayo nga. Holding hands pa. "Para sa baby." Palusot ko dahilan para matawa s'ya. "Gamitin mo pa anak mo. Baliw." Bumababa na kami ng escalator. "Talaga naman. Holding hands with his father through mommy." Natawa s'ya lalo. "Jusmeyo. Iba ka na." Natawa lang ako.
I had fun. Kahit uuwi kami agad. Worth it 'yung two hours ng takot. He held my hand the whole time.
Narinig kong tumunog ang tiyan ko. "Kain kaya muna tayo bago umuwi?" Aya nito. Umiling ako agad. "Ang dami ko ng gastos. Ayaw ko sagarin ang pang-gastos ko. For emergencies na lang ito." Kaagad kong paliwanag. Baka kung saan mapunta ito. "Wanna join us?" Nagulat ako sa isang bumulong.
"Ouch!" Tinig nito at napahawak sa pisngi n'ya. "Sorry!" Kaagad kong hinawakan pisngi nito. Nag-init. "What happened?" Ayan na ang tatay ng aso. "Itong best friend mo. Nang-gugulat." Paliwanag ni Dorothy na natatawa. "I didn't! They just didn't hear me." Ngumuso ito.
Sa kanilang dalawa. Mukhang tatay ang datingan ni Corbyn. Para talagang tuta itong kasama n'ya. Mas matangkad sa kanya. Pero mukhang baby pa. Ano tawag sa aso na 'yun? Golden reciever? "Retriever." Nanlaki mata ko. Narinig ba nila?
"Reciever kasi!" Nambatok si Corbyn. "Ano ba pinagtatalunan nila?" Tanong ko kay Dory. "Ayan lutang kasi." Kinurot n'ya pisngi ko. Napanguso ako. Hindi ko namalayan naglalakad na pala kami papunta sa isang fast food resto. Umupo na kami. Hindi parin tumitigil 'yung dalawa.
Pinag-aawayan nila 'yung kanina sa movie.
"Receiver."
"Retriever." Nakapag-order na kami lahat-lahat. 'Di pa sila tapos. Sila ang nagbayad. Kaya bumili na kami ng marami. "Inubos n'yo 'yung pera?" Tanong ni Bingo. Nagkatinginan kami ni Dorothy. May sukli kaming five hundred. One thousand binigay n'ya. Masyado ata kaming napagastos. "Oo? Hindi ba dapat?" Tanong namin. Inabot namin resibo. "No. Dapat inubos n'yo." Binalik n'ya samin ang sukli. "Bili pa kayo."
Umiling ako kaagad. "Nope. Keep mo na 'yan. Hindi tayo one day billionaire." Naramdaman kong tumingin sa'kin si Corbyn kaya napatingin ako sa kanya. "Take it. Mayaman 'yan. Anak 'yan ng international model." Narinig kong napa-ubo si Dory. "Why do you look dissapointed?" Tanong ni Bingo kay Dory. "Sakto lang." Naupo kami. Tinago ko tawa ko.
Sakto dumating na pagkain. May mga bundle kasi na pang maramihan kaya 'yun na-order namin. Six pieces chicken, six rices, six sides, six beverages, six pies, and two sauces. Mura 'no? Sana laging ganito. Early dinner na namin ito.
Nagkwentuhan kami about sa movie. "Reciever kasi 'yun!" Paliwanag ko. "No." Ayaw magpatalo ni Corbyn. "Baby mama mo na nagsalita. Manahimik ka na." Sinabihan s'ya ni Bingo. Natawa kaming tatlo ni Dorothy. Hindi na nakasalita si Corbyn.
"Aw. Na-ganged up naman ang retriever." Pang-aasar ni Dory. "It's a retriever because they retrieve the souls of the unwanted." Umiling ako. "Reciever. Sinasapian kasi nila tsaka gagawa ng masama tapos pag nalason na ang utak. Sa kanila mapupunta ang souls." Paliwanag ko. "Hindi ka nga makanood. Higpit pa."
Natigilan s'ya. Matalas ko s'yang tinignan at tinusok ang kutsilyo ko sa manok. Nakita ko s'yang napalunok. Napakamot s'ya sa batok. Nakita kong ngumuwi si Bingo. Nang matapos kami kumain, nag-kanya-kanya na kaming daan. "Bye!" Paalam namin sa isa't isa. Ulit.
I looked at Corbyn. Nakangiti s'ya kahit asar na asar na s'ya kay Bingo. Napatitig ako. He looked comfortable. Gano'n pala pag hindi s'ya tensed. His aura felt like the summer breeze. Warm.
Corbyn's POV
"Haha. Olats ka pala, pre kay Nana. She's such a cool person. Pano ka s'ya nagkagusto sa'yo." Nanibago ako kay Bingo. "The f**k is olats?" Tanong ko. "Talo, pre." Napakunot-noo ako. "Ginagaya mo ba si Dorothy?" I asked him.
Kanina pa s'ya tingin ng tingin. Gusto n'ya ata. I saw how he got flustered tuwing s'ya ang aasarin. "Hindi ganyan ang tono n'ya. Your accent when speaking tagalog just makes you sound like an idiot." Napahawak s'ya sa dibdib n'ya. "Ouch? Kanina mo pa ako sinasaktan. When you like someone ba, ganyan ang effects?" Napasapo na lang ako.
I remembered when we were eating. Grabe ngiti n'ya habang nanguya no'ng nag-joke si Bingo. I wished she would laught at me like that. "Ngiting asshole." Batukan ko nga. "Gago!"