CHAPTER 10

1657 Words
"Shoot!" I massaged the bridge of my nose. I picked up my phone that just fell. Naka-elevate pa naman 'yung table. Pagkapulot ko rito ay binaliktad ko kaagad para makita ang harapan nito. Napasapo ako. "Damn." Napangiwi ako sa dami ng crack. Napatingin ako sa kumakatok. "Sir?" Tawag ng secretary ko. "Yes, come in." Napaayos ako ng upo. Nang makita kong si Mr. Tan ang pumasok. Kaagad ako tumayo at inayos ang damit ko. "Mr. Natividad." I smiled. Umiling ito matapos isara ang pinto. "Told you, Nathan or Tan is fine." Tinuro n'ya ako at nilapitan. He tapped my back. I did the same. Ngumiti ako. He's my mentor in this industry. Mga habit, etiquette, and observations na kailangan. S'ya ang nagturo. I really owe him a lot. "So, why the visit?" I asked. Umupo s'ya sa sofa. Napatingin s'ya sa'kin after lighting a cigarette. "Just need to take a break. Pa-gabi na rin. Overtime?" Tumango ako. "Yup. Need to finish some emails." Sagot ko at bumalik na sa upuan ko kanina. Tinignan ko ulit cellphone ko. Napatingin s'ya sa gawi ko. "You should have that fixed." Napatingin ako sa kanya. "I think it can still work. Tempered lang naman." Paliwanag ko. Natawa s'ya. "Just buy a new phone. You're income is." He stopped and did a chef's kiss. Natawa ako. "This will do pa. Tempered na lang paayos ko." I couldn't resist not fixing it. Baka sabihan akong kuripot. Napakunot-noo ako. "Do you happen to have other relatives?" I asked out of the blue. For a minute, naalala ko si Nana. Umiling s'ya. "Just my wife and daughter." He smiled. Tumango ako. "Why the sudden interest?" Napalunok ako. "Nothing. Just, I met someone with the same surname as yours." Nakita kong tumaas ang dalawa n'yang kilay for a brief moment of time. Hindi ko na lang tinuunan ng pansin since may tumawag sa kanya "Let's catch up, next time." He patted me on the back at umalis na. "'Wag ka na mag pa-gabi. Ipaayos mo na 'yang cellphone mo." Dinuro n'ya pa ako. Natawa ako. "Yes, Sir President." Sumaludo ako. An hour later ay naiisipan ko nang umuwi. Halos ako na lang ang tao sa building. Hindi ko mabasa ang messages ko sa cellphone kahit tunog ito ng tunog. "Mukhang kailangan ko na talaga paayusin." Napabuntong-hininga ako. I drove to a nearby mall. Ito lang pala ang parati kong pinupuntahan. Gitna kasi nito ang daan ko pauwi galing dito sa kompanya. Buti at seven pa lang ng gabi. Hanggang ten ang mall dito. I parked and went in. Kinusot ko mata ko when I saw a familiar face. "Nana?" Nana's POV Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Okay naman ako manamit. Sinabihan ako ng boss ko na mamili ng damit ko. I only use one pair of shoes daw. Irapan ko nga. Kaso binigyan ako pera. Edi heto ako. Papunta ng mall. Wala si Dory. Nasa langit. Lumalangoy. Nag-commute lang ako. Napatingin sa'kin ang mga tao nang itulak ko sila para maunahan ko sa jeep. Tigilan nila ako. Buntis ako. Naalala ko tuloy nung tinawag ni Corbyn buong pangalan ko. Buang lang. Pinanood ko ang mga ilaw habang naandar mula sa bintana. I love the night when I see everything light up. Kahit kakatapos ko lang sa trabaho at kakauwi ko lang. Gora. Kailangan daw mag-mukha akong expenshit. Tinignan ko mukha ko sa bintana. Huhu. Mukha akong basang sisiw. Pero cute parin. Natawa ako sa sarili ko. Ako na po ang buang. Bumaba na ako sa mall. Para rin pala ako sinampal ng boss ko. Para bang sinabihan n'ya ako ng pangit. Pero alam kong mabuti intensyon n'ya. Sa fashionista ba naman ako in-assign. Minsan napapatitig ako sa kanya. Kung hindi fancy, elegant, o mala-model suot n'ya. Funky, weird, o quirky ito. I call them wala sa hulog outfits. Masama kasi timpla n'ya pag gano'n ang suot. Pumasok ako sa mall. Alangan sa trabaho? Okay. Hormones. Naiinis na ako for no reason. "Nana?" Napalingon ako. Bakit ba parati kaming nagkakasalubong?! Sinimangutan ko s'ya. "Ano?!" Bahagya s'yang nagulat. "Chill." Tinaas n'ya parehas n'yang kamay. Napanguso ako. Parang naiiyak naman ako. Lumapit s'ya sa'kin at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Breathe in, breathe out, woman." Natatawa n'yang sabi. Tumango na lang ako. "Just a bit tired. Binigyan ako ng money ng fashionista kong boss para bumili ng damit." Pinakita ko sa kanya ang six thousand. Nanlaki mata n'ya. "Ang dami naman! Ipamili mo na 'yan." Natawa ako dahil un ang napansin n'ya. "Hindi naman dahil pangit ako manamot 'no?" I asked. Umiling agad s'ya. "You always look fresh, clean, and neat. I like how casual you dress. Kaso mo." Napatigil s'ya. Tumabingi onti ang ulo ko. "Kaso?" Tanong ko. "You keep repeating your shoes. Then mix-matching your clothes." I gasped. Pano n'ya napansin 'yun? Pang-anim pa lang ito na pagkikita namin. Pero kung pang-anim at nahalata n'yang paulit-ulit. Pano pa kaya 'yung higit isang buwan ko ng katrabaho. "Okay. Tama. Bibili ako." After my self realization. Bibili ako ng marami! Siguro two pairs of shoes and four pairs of clothes? Sa panahon ngayon. Wala ka ng mabibiling mura. Napatingin ako sa kanya. "Ikaw? Anong pakay mo?" Tumingin s'ya sa'kin. 'Yung mukha n'ya litong-lito. Mukha s'yang confused bird. "Agenda? Reason?" Binigyan ko s'ya ng kasing kahulugan nito. Napatango s'ya. He looked like a baby. Gusto ko s'yang kurutin. "Papaayos ko tempered ko." Napakunot-noo ako. "Ganitong oras?" Tanong ko. Natatawa s'yang tumango. "Hindi ko rin alam." Napailing-iling s'ya. Na-wirduhan ako. "Okay, bye." Paalam ko. Nagsimula na akong maglakad palayo nang habulin n'ya ako. "Sabay na ako." Tinaasan ko s'ya ng kilay. Hindi n'ya ata alam kung saan. "Halika. Punta muna tayo sa food court." Hinila ko kamay n'ya. Nagtaka s'ya. "Rule number one pag namimili." Panimula ko. "Hindi pwedeng mamili ng gutom." Ningitian ko s'ya. Maya-maya ay nakarating na kami sa food court. Japanese food ang napagusapan namin. "My treat!" Taas ilong kong sabi. Natawa s'ya. "Wala masyadong maaabot 'yang 6k mo." Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Halur! Una sa lahat, meron! Pangalawa, iba 'tong kukuhaan ko. For food talaga 'to." Sabi ko. "Okay." He smiled. Natuwa ako. Hindi n'ya ako pinigilan. After magpaka-busog ay sinamahan ko na s'ya roon sa ayusan ng tempered. "One hundred na lang 'te." Pagbabarat ko. "Two hundred fixed price ito." Nagpa-cute ako. Nanonood lang si Corbyn sa gilid. Para mura lang namin makuha 'to. Kuripot talaga 'yung isang 'yun. "One fifty. Huling tawad." Napatingin 'yung babae sa katabi. Paalis na sana ako. "Okay." Binigay ko kaagad 'yung cellphone. Napingot ko pa nga kanina si Corbyn. Grabe 'yung basag. Iba talaga pag hindi iniingatan. "Thank you, ate!" Nag-flying kiss ako. "You know?" Bungad n'ya nang makabalik ako sa kanya. "Hm?" "You can work with us as a business woman. You're good at bargaining." Sabi nito. Natawa ako. "Nope!" I poked his nose. Hindi ko alam anong sumapi sa'kin. "Then why work in a business industry?" Tanong n'ya sa'kin. "Civil engineering, 'ho tinapos ko. I'm an engineering assistant." Paliwanag ko. "Then how come you've worked two jobs? As a call center and freelance agent?" Tanong n'ya. Nagulat ako. "Paano mo nalaman?" Hindi ko pa nakekwento sa kanya 'yun. "Told me when you were drunk." He casually said. Ano ba? Englishera na rin ako. Inalala ko. Napasapo ako. I drunk ranted on him! Ang dami kong sinabi. Tahimik lang s'ya. Akala super drunk s'ya. Nakikinig pala! "Forget about that." I waved my hand. "Uwi ka na." Sabi ko sa kanya. "You my teacher or what?" Matalas ko s'yang tinignan. "Tapos kana magpa-tempered?" Patanong kong sagot. 'Yun lang naman dahilan n'ya ah. "Samahan kita. It's late. Mahirap makasakay." Pagdadahilan n'ya. "'Wag mo na akong aalahanin." Sabi ko. "Well, not you. But my baby." Wild card n'ya. Napabuntong-hininga ako. "You win." Nagpatalo na ako. Gusto ko na rin makauwi. "Let's go." Nang makaabot kami sa woman's wear. Kuha lang ako ng kuha. Tsaka ko na aalahanin 'yung price. Ang mahalaga bagay at kasya. Ginawa kong taga-buhat si Corbyn. Para naman hindi s'ya mahalatang sikat. Matakpan mukha n'ya. "Must be fun, 'no?" Pagod n'yang sabi. Nagfi-fit na ako. Natawa ako sa sinabi n'ya. "Bagay?" Umiling s'ya. "Good! Honest dapat ah." Corbyn's POV Nahihilo na ako sa mga sinusukat n'ya. Sa dami mi isa wala pa s'yang napipili. But she looked great. But not stunning as much as when she confronted me. Bagay talaga sa kanya ang white, yellow, and green. Last two outfits. Last two shoes. Please. Sana ito na. "This?" She asked. Suddenly everything felt flowy. Para bang tumigil saglit lahat ng nasa paligid n'ya. "Stunning." I commented. Natawa s'ya. "Sara mo bibig mo. Naglalaway ka na." Pangaasar n'ya. Pero ginawa ko naman. Sunod ay lalo akong nagulat. Tinago ko na lang sa pagkagat ko sa labi. She looked powerful and authoritative. In a gorgeous way. Parang mapapaamo ka n'ya sa ganda. "You have two." Sabi ko sa kanya. "I have two!" She squealed and jumped. "Bagay 'no?" Tuwang-tuwa n'yang sabi na parang bata. Tumango ako. Sumunod ay last two shoes. Both elevated her height and emphasized her fair skin. Ganda. She chose two more. Saktong sale. Clearance sale. "Kapagod!" Sigaw n'ya nang makaabot kami sa kotse. Been about ten minutes after arguing with her. Ihatid ko man lang s'ya sa harap ng building nila. Buti um-oo. "Same." Napahalakhak s'ya with matching taas paa. "Okay lang 'yan. My driver, bodyguard, and henchman." She's having way too much fun. Nilapit ko mukha ko sa mukha n'ya. "Really?" I used my low tone voice. Grabe mang-asar. I scoffed and got back to my seat when she stopped. Namula s'ya bigla. Binelatan ko s'ya. "Unfair!" Pinalo n'ya ako. Nana's POV Kapal talaga. Porket gwapo. Sarap talaga suntukin. Pero at least nahatid. "Thanks." Nagpasalamat ako bago ako bumaba. "See you." Pahabol n'ya. Inirapan ko. "Thank you so much." Sabi n'ya. Nagtaka ako. "Why so much?" Tanong ko. "Because you made my day."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD