CHAPTER 6

1720 Words
"Hey! Slow down!" Angal ko habang nagda-drive s'ya. Halos maisampal ko na mukha n'ya. Sinamaan n'ya ako ng tingin. "Ikaw na kaya mag-drive?" Inirapan n'ya ako. Inangilan ko naman. Ang bilis-bilis! Kala mo mauubusan ng oras sa mundo. "Talagang mauubusan tayo ng oras. Do you know what time it is? Almost nine na ng umaga. Marami nang tao pagdating ng nine." Napatingin ako sa kanya. "Bumubulong ka po, Miss." Ngiti pa nito. "Ang pangit ng Miss mo." Magsasabi na lang ng miss parang garalgal pa. "Tama. Pangit ka- "Aray naman!" Tinig nito. Hinampas ko kasi s'ya ng malakas. "Aba! Kapal 'din ng mukha mo. Sana matrapik tayo. Makita nila ang totoong CFO ng Cristelas Corp!" Paghamon ko sa kanya. Napanguso s'ya. "Joke. Napaka-ganda mo." Para akong binuhusan ng yelo. "Kadiri!" Tinig ko habang nanginginig. Napasimangot s'ya. "Gulo mo!" Kinamot n'ya ulo n'ya. "Kulit mo!" Balik ko sa kanya. Ngumiwi s'ya at ginaya sinabi ko. Pitikin ko nga tenga n'ya. "You're so violent!" Pinakita n'ya gigil n'ya sa'kin. Natawa ako. "Patola ka naman." Totoo naman. Nakita ko s'yang naguluhan. Napahinga ako ng malalim. "Patola. Not the vegetable. Patola means mahilig pumatol." Paliwanag ko. Hirap talaga pag sa malakihang kompanya. Panay english! Wala na atang jokes doon. Tumango s'ya nang maiproseso n'ya. Maya-maya bigla s'yang namula. Nanahimik na s'ya. Napakunot naman ako. Tinusok ko s'ya. Napatingin s'ya sa'kin nang nakanguso. "Hm?" Nanlaki onti mata ko. Hindi ko inaasahan tono n'ya. Ano ba itong lakaking 'to? Pa-fall. "Nanahimik ka?" Tanong ko sa kanya. "You want me noisy?" Natatawa nitong tanong. "Hindi. Ayaw." Sagot ko. Sininghalan n'ya ako. Nag-park na kami sa ospital. Hindi ko napansin 'yung one hour drive. Parang saglit lang s'ya. Nagulat ako no'ng bumaba s'ya matapos patayin ang makina. Pumunta s'ya sa pintuan ko at pinagbuksan ko. Lumabas ako kaagad. Kahiya naman. "Thank you." Pagpapasalamat ko sabay tipid na ngumiti. Hindi ako sanay sa ganitong serbisyo! "No problem." Napatingin s'ya sa'kin. Hindi ako tumingin. Nakita ko s'yang napakunot-noo sa peripheral vision ko. Nauna na ako sa elevator. "What floor ba tayo?" Tanong ko. Napataas kilay n'ya. "Uhm. Wala? Sa main tayo papasok." Napalunok ako. Okay. Strike one kay, Corbyn. Strike none kay, Nana. Nakita kong tumaas ang gilid ng labi n'ya. Hindi ko mapigilang ngumuso. Tinuro n'ya sa'kin kung saan papunta. Dumeretso muna kami sa naga-asses. "Hi, I have an expected visit with Dr. Reyes?" Napatingin ako sa paano s'ya makipagusap. Parang mukha n'ya kanina no'ng nasa telepono. Seryoso. "She'll have you in a sec." Sabi nito matapos kaagad tumawag. "You may go inside." Ngiti nitong sabi. "Thank you, po." Sabay naming pagpapasalamat. Nakatinginan kami. Napasulyap ako sa nurse. Parang kinilig. Please po, 'wag. Hindi kami. "Let's go?" Aya n'ya kaya tumango ako. Sabay kaming pumunta sa obgyn at pumasok sa kwarto. "Good morning, po." Kaagad kong bati. "Hi, ma'am." Nataka naman ako sa inasta nitong lalaking 'to. Sinuko ko nga. Nakita kong natawa 'yung doktor. "Ikaw ah, may asawa ka na pala. Parang kailan lang grumaduate ka." Natatawa nitong bati. Ah. Magkakilala sila. Huhu. Corbyn strike two. Ngumisi sa'kin si Corbyn. Alam n'yang masyado akong nag-react. Sabagay, sino naman kaagad makaka-sched ng visit sa doctor. Napatigil ako. "Asawa po?" Taka kong tanong. Hindi ko ipinahalata na nabigla ako. "Hindi ba?" Tanong nito. "Kaibigan ko lang, ho. Papatingin lang po sana namin kung buntis po ba s'ya." Sagot nito. Napahinga ako. Salamat! Saved! Rescued! "Asus! Kala ko naman jowa mo! Pinatawag mo pa sa sekretarya mo! Hay nako! Os'ya." Mukha itong nadismaya. Napangiti na lang ako ng kabado. Tinanong n'ya ako sa nararamdaman ko, mga naranasan kong sintomas, kamusta ang diet ko, kalusugan ko. Maya-maya ay pinasok n'ya ako sa ultrasound. Napatingin ako sa screen habang ginagalaw n'ya ang stick na nasa taas ng tiyan ko. Napasulyap ako kay Corbyn na naka-pamulsa habang nakatingin sa screen. "Naririnig mo 'yun?" Tanong nito habang nakangiti. Napataas parehas kong kilay. Na-excite ako. "Parang mahina po?" Nakangiti kong tanong. Hindi ko maiksplina. Basta nararamdaman ko s'ya. Pinabalik n'ya na kami. Tinignan n'ya ang resulta. "You're six weeks pregnant." Napalunok ako sa tuwa. "Baby na s'ya. Healthy naman s'ya, kahit hindi n'yo masyadong makita at marinig. Since, napaka-bata pa n'ya." Biglang bumilis ang paghinga ko. "You just have to take care of yourself. Bawal ang mapuyat, 'yung kinakain mong boxed and canned foods, and try to exercise. Iwasan mo rin ang stress." May iba pa s'yang pina-alala pero 'yun talaga ang mahalaga. Para sa kalusugan ni Baby. Nagkatinginan kami. "Pwede rin po ba matest ang DNA?" Tanong ko. Nanlaki mata nito. "Isang linggo pa pwede." Mukhang may gusto s'yang itanong ngunit pinigilan n'ya. "We'll go back na lang." Sabi ni Corbyn. Tumango ako. After ng reseta at iba pang pa-alala ay dumeretso kami sa cashier. "Ako na magbabayad." I insisted. Ayaw ko naman magka-utang. Umiling-iling s'ya. "Let me, I at least owe you that for not believing you're pregnant." Pilit n'ya sabay bayad. "Foul!" Tinig ko. Nakalabas agad s'ya ng pera. "Hindi naman problema sa'kin ang pera." Tinaas ko kilay ko. "Same sa'kin!" Balik ko. "I know, pero. Itabi mo na lang sa sarili mo. 'Wag mo kayanin. Nandito naman ako." Napakurap ako. "Ang corny." Inirapan ko s'ya. Natawa naman s'ya. "Mas mahirap kaya maging nanay." Paliwanag n'ya. Napakagat ako sa labi ko. 'Yun pa pala 'no. Being a mother. It's the hardest job on earth. Napalunok ako. A lot's heading my way. Dumeretso kami sa sasakyan. "Babalik tayo next week ah." Paalala n'ya. "Pahingi na lang ako ng buhok mo. Ako na babalik." Sabi ko. Umiling-iling s'ya. "Sabay tayong pupunta. Every week or two weeks din naman ang check-up." Napatitig ako sa kanya. "You're serious?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Tinignan n'ya ako sabay binasa ang labi. Binalik n'ya ang tingin sa daan nang mag-go kami. "Saan?" Tanong n'ya. "You'll come with us, every check up?" Napapikit ako ng maraming beses. Tumango s'ya. "Oo naman. Pag ako ang tatay." Nilingon n'ya ako. Napatigil ako. Oo nga pala. Syempre pag sigurado na s'yang s'ya ang tatay. "Pero sasama ako next week. Kailangan DNA ko, duh?" Natawa ako. "Ikaw!" Bigla kong turo nang maalala ko. "Hindi mo sinabi na kilala mo pala 'yung obgyn." Napanguso ako. "Ah. Family friend s'ya." Napatigil s'ya saglit. Napatango ako. Strangers pa nga pala kami. So it's a bit awkward. "Natalie Narcisa Natividad." Pakilala ko sa sarili ko. Taka s'yang lumingon sa'kin after mag-red light. Tinaas ko kamay ko para makipag-handshake. "Nana, for short." Dagdag ko. Natatawa itong tinanggap kamay ko. "Corbyn Lee Delos Diaz." Pakilala n'ya rin. Natawa ako. Ako lang naman hindi n'ya kilala. But at least may formal introduction kami sa isa't-isa. "Call me, Corbyn or Lee. Whatever you prefer, Nana." He emphasized my name. "Okay." "Okay." "Nice to meet you." Panay sabay naming sabi. Nag-go na so nag-focus s'ya sa pagmaneho. I sit back straight and looked through out the window. I smiled as I touched my lips. Ang dami kong gustong i-angal kanina. Pero nawala lahat nang 'yon matapos n'ya magpakilala. Every gesture he did. Mabuti naman pala s'yang tao. I Judged and underestimated him too much. Nilingon ko s'ya. Nakangiti. "Buang." Bulong ko. Napatingin s'ya sa'kin bigla. Hindi ata alam na nakatingin ako. "Weirdo." Balik n'ya. "Oh." Pinitik ko s'ya. "I'm driving!" Pag-iwas n'ya. Alam na n'ya. Napangiti ako. "Ikaw ang tatay." Sabi ko sa kanya. "Not until proven." Nagulat ako nang ilapit n'ya mukha n'ya sa'kin at ngumisi. Napakurap ako. This guy. Nakabalik na kami sa unit n'ya. Sabi n'ya pakainin n'ya ako. Nagugutom na raw s'ya at hindi pa n'ya alam kung saan ako ibababa. "How about we make agreements upon the baby?" He opened a topic while eating. Ngumunguya ako habang tumatango. "If it's mine." Dagdag n'ya. "Iyong-iyo nga 'to!" Tumigil ako sa pag-nguya. Hindi n'ya na lang ako pinansin. "Infairness, masarap." Napakain ako ng marami. Ang sarap ng adobo n'ya. Talagang nagluto s'ya. "Syempre! Baka ako 'to." Napasimangot ako. "Guard. Ayan na naman po 'sya- Aray!" Kinurot n'ya ako bigla. "Magpapasa ako!" Tinig ko. Napatingin ako sa itsura n'ya. Matching pa pala kami. Naka-all green s'ya. Kaya kami napagkamalang mag-jowa. "Let's set out what we want." Kumuha s'ya ng papel. Tapos na kami kumain nito. Nakahugas na rin s'ya ng Plato. "Sabi ko kasi ako na." Pinipilit ko s'ya kanina. "Nope! My house, my rules." Napaatras mukha ko. "Sige, sabi mo." Napanguso ako. Nilista ko mga gusto ko. S'ya naman don sa papel n'ya. Sabay naming pagdedesisyunan ang nilagay ng isa't isa. "Nangopya ka ba?" Parehas naming tanong. Ang mga nakalista samin na magkakaparehas. Updates about check up and baby, Plan about time and needs for the baby, figure out diet plan (dahil masama raw ang diet ko), and lastly, know about each other's location for emergency purposes. I want to be fair to him kaya bibigyan ko s'ya ng updates. While sa planning, gusto n'ya rin so pagbibigyan ko. Sa location, mahalaga talaga s'ya. Baka may mangyari na emergency. At least alam namin kung saan hahanapin isa't isa. Ang iba ko pa na nakalagay roon ay keep everything private and continue to live everyday like what we used/usually do. S'ya naman ang iba pa n'ya ay, ang expenses ay hati pero tuwing check up s'ya ang magbabayad, number 1 sa contact list ang isa't isa, and avoid being caught on media. Nilagay namin lahat since okay s'ya. "Pirma!" Inabot ko sa kanya ang papel matapos ko pumirma above my name and as party A. Pumirma na rin s'ya after kong i-abot. "It was nice having business with you." Nakipag-shake hands ako. Natawa s'ya. "Grabe ba?" Pangasar n'ya. "Sobra. CFO, nakipag-agreement contract sa isang api." Natawa s'ya ng malakas. "Busog na busog naman ang api na 'yan." Sinenyasan ko s'ya na kukutusin ko s'ya. "Thank you for the meal, expenses, and not calling the police." Genuine thank you from me. Nagulat s'ya sa change attitude ko. "Wow." Binunggo ko s'ya. "Gusto mo take out?" "Yes, please!" Kaagad kong oo. Tatanggihan ko pa ba ang grasya! "Mauna na ako. Bye." I smiled and waved habang dala-dala ang eco-bag ko na may Tupperware. Tumango s'ya. "Ingat." Kaway n'ya. Hinintay n'ya ako makasakay ng elevator. Natatakam na ako. Tinignan ko s'ya habang pasara ang pintuan ng elevator. Nakangiti lang s'ya. It felt warm. It made me smile softly. Napatingin ako sa adobo. Sarap talaga nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD