CHAPTER 7

1536 Words
Napa-ikot ikot ako rito sa apartment ko. "Umupo ka muna r'yan." Sabi ni Dorothy. Dito s'ya natulog sa apartment ko. Doon s'ya sa sofa. "Parang may gusto akong food." Sambit ko habang nagaayos s'ya ng sarili n'ya. May flight kasi s'ya ngayon. Biglaang call since hindi naman usually pang-gabi ang flights n'ya. "Napansin ko rin wala ka nang grocery. Bili na lang tayo bukas pagbalik ko." Inayos n'ya ang buhok n'ya gamit ang maraming gel. Yuck. Napatingin ako sa ref at pantry ko. "Ako na lang bibili ngayon, pag-alis mo." Napatingin s'ya sa'kin. "Anong oras na? Baka mahirapan ka rin." Umiling ako. "Alas-sais pa lang naman. Hindi rin naman ako pagod kahit kagagaling ko sa trabaho." Malapit lang naman ang kompanya sa apartment ko kaya after ko mag-out ay dumeretso na ako rito. "Sabay, ayaw ko maghintay ng kinabukasan bago mawalan ako ng pagkain." Inayos ko buhok ko mula sa pagka-lugay ay nilagay ko ito sa messy bun. Pang bahay na lang ako. "Sabay mo na lang ako papasok." Sabi ko habang inaayos ang wallet ko. Ihahanda ko na ang coupons ko. Napatingin ako sa kanya. "Hm. Okay." Mukhang distracted s'ya. Napatingin ako sa kinakalikot n'ya. "Why? Is there something wrong?" Alala kong tanong. Napatingin s'ya sa'kin sa kabiglaan at umiling. "Nothing. Parang nawala ko ata pin ko." "May extra ako sa dresser." Sabi ko. Kaagad s'yang pumunta roon. "Thanks! Lifesaver ka talaga! Mwa!" Nag-flying kiss s'ya dahilan para matawa ako. "Halika na! Baka malate pa ako!" Hinila ako nito matapos ilock ibang kwarto. Sumama ako sa kanya matapos siguraduhin na nakasara lahat. Dali-dali kaming bumaba. "Anong oras ba 'yang flight?" Tanong ko sa kanya. "7:30." Tipid n'yang sagot matapos naming mag-seatbelt. Pinalo ko s'ya. "Bilisan mo na!" Tinig ko. 6:15 pm na. Halos isang oras papuntang airport. Binilisan n'ya mag-maneho. Buti na lang wala kaming naabutang stoplight. Pagkababa ko ay kinawayan ko na lang s'ya. "Thank you! Ingat! Gaga!" Nagmabilis na s'ya sa pag-maneho. Napa-iling iling ako. "Ms. Tardy talaga." Pumasok na ako sa supermarket. Buti na lang at thirty minutes from home lang ito. Madali na ako makakuha ng taxi pauwi. O kaya buhatin ko na lang. Napatingin ako sa listahan ko. Napanguso ako. Ang dami palang kailangang bilhin. Naging busy kasi ako sa pagiging intern. Ngayon lang ako nakaluwag-luwag. Kumuha na ako ng push cart at inisa-isa ang aisle. Napapikit ako. Kumukulo ang tiyan ko. "Sabi na kasing 'wag mamimili ng hindi puno ang tiyan." Bulong ko sa sarili ko. "Lalo't ng may baby." Huhu. Unang napuntahan ko ay toiletries. Bilhan ko kaya si mama ng lotion. Kumuha ako ng dalawa. Isa rin para sa'kin. Nagbabalat na kasi ako. Siguro dahil sa init ngayon. Sunod ay mga inumin na walang lamig. Pangit. Joke. Kumuha na ako ng coke. Buy one take one s'ya. Such a steal! "Hihi." Kaagad kong ngisi. Napapunta ako sa aisle ng mga chichirya. "You can't buy those." Nagulat ako sa boses na 'yun. Halos mapatalon ako. "Anak ng tipaklong!" Gulat kong bulaslas. Bumilis paghinga ko. "Why are you here?!" Tanong ko kay Corbyn nang magkasalubong ang carts namin. Napatingin s'ya sa cart ko. "You can't drink coke, too." Kinuha n'ya ang coke sa cart ko. Napa-buka ang bibig ko. "Kapal!" Tinig ko at inagaw ko ang coke sa kanya. Nagulat ako no'ng nilapitan n'ya ako mukha ko matapos ipagtabi ang cart namin sa isa't isa. "If that's my baby, I want him healthy." Ngiti n'yang sabi. Napatigil ako. Para akong naestatwa. "Ngayon nakikilalaki ka na rin?" Tanging napansin ko. Natawa s'ya. "Any gender will do. But for now, boy na lang. Bawal talaga sa'yo ang coke." Kala ko makakalusot ako matapos dahan-dahang ilayo ang cart ko habang nagpapaliwanag s'ya. Ginamit ko puppy eyes ko. "Please? Sayang sale. And hindi ko naman uubusin agad-agad. Para marefreshen 'din ako tuwing pagod ako." Ngumuso ako sa kanya. Nakipagtitigan s'ya sa'kin. Please work! Napabuntong-hininga s'ya. "Fine. Pero walang chichirya- "Bakit?!" Angal ko. "Those are salty. Bawal ka roon. Ito nga maasukal na." Pagdadahilan n'ya. "Ayaw mo no'n. Para balanse. Parehas sobra." Nagulat ako nang pitikin n'ya ako sa noo. Aangal na sana ako nang magsalita s'ya. "Two bags." Sabi n'ya. Tumango ako at kinuha na agad ang favorite ko. Napansin kong nagagawa n'ya akong limitahan. Napatingin ako sa kanya ng masama. "Ikaw." Bati ko. Napalingon s'ya sa'kin habang nakuha s'ya ng chichirya n'ya. "Ikaw, pwede? Ako, hindi? And why are you making the decisions?" Sunod-sunod kong tanong. Tumayo s'ya sa harap ng cart ko at sinandal ang katawan n'ya habang nakahawak dito. "First of all, I don't have another human in my stomach, second, You have a little human in yours, and third, and last of all. You're the one deciding, I'm just telling you what the doctor told you to avoid." Tipid s'yang ngumiti tapos. Napatapak-tapak ako sa sahig. "I want to eat." Nguso ko. "That's why I let you eat two bags." Ngumiti s'ya. Inirapan ko. Pumunta na ako sa kabilang aisle. Gulat ako sinundan n'ya ako. "Bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko sa kanya. "I'm shopping just like you." Hindi ko na lang s'ya pinansin. Kumuha na ako ng chocolate. "One bar lang!" Ang sama kasi ng tingin n'ya. Nakaka-distract. Tinaas n'ya kamay n'ya. "Wala naman akong sinasabi ah." Sinakal ko s'ya dahilan para matawa s'ya. "Baliw talaga." Sinakal na tumawa pa. Galing mental ata 'to. Sunod ay mga seasoning. Kinuha ko ang mga kulang ko. Patis, toyo, suka, ketchup, asin, asukal, at paminta. Ay! Pati soup! "Are those even healthy?" Tanong n'ya. Napatingin ako sa kanya. Ang lapit na naman. "Bulag ka ba?" Tinanong ko s'ya. Halos naka-pikit na mata n'ya. "Slight." Ngiti n'yang sabi. "Maganda s'ya as alternative lalo na pag wala kang paglalagyan, lutuan, and time." Sagot ko. Tumango s'ya. Napatingin ako sa isang seasoning. Adobo s'ya. Naalala ko adobo nitong ni kulit. Napapikit ako. Nilalasahan ko 'yung sarap. "What me to give you adobo again?" Tanong nito habang kumukuha ng cubes. Nahalata n'ya sigurong tinitignan ko 'yung adobo seasoning. Tumango ako. "Pag may time or magkita lang tayo." Sabi ko sa kanya. Pumunta na ako sa susunod na aisle. Mga gatas at kape. Kumuha ako parehas. "You like coffee?" Tanong n'ya sa'kin. Nagulat ako nang pumunta s'ya sa shelves ng powdered milk. "Hm. Pero babawasan ko na. Since, hindi pwede sa bata ang ka-adikan ko sa caffeine." Sinilip ko pinipili n'ya. "You? Do you like coffee?" Umiling s'ya agad. "Mapait. Matabang. Sometimes sweet. Okay na ako sa gatas. Sakto lang." Paliwanag n'ya. Tumango ako. Akala ko wala ng tao mahilig sa gatas lalo na sa mga ka-edaran ko. Pumunta na ako sa kabilang side. Wala nang aisle. Puro fruits, veggies, and cold foods and drinks na rito. Bumili ako ng veggies and fruits. Then juices and meats. Bumili rin ako ng mga pinipritong pagkain. Napatingin ako sa mga ice cream. Nate-temp ako. Pero 'wag na lang. "Ayun!" Tinig ko sa sarili ko. Canned goods. Ay. Bawal nga pala. Napatingin ako sa sarili ko. Baka pumayat pa ako nito. "You done?" Tanong nito ng biglaan dahilan para makabalik ako sa sarili ko. Tumango ako. Dumeretso na ako sa counter. Gulat ako nakasunod s'ya. "Why do you keep tailing me?" Natatawa kong tanong matapos s'yang ilingon. "Kasalanan ko bang tapos na ako mamili?" Nagawa pa n'yang manaray. Hindi ko na s'ya pinansin. Matapos ko magbayad ay binuhat ko na ang dalawa kong box. Napaiyak ako sa resibo. Ubos ang lamat ng wallet ko. Binaba ko saglit at naghintay kung may taxi or tryke. Maya-maya ay may kumalabit sa'kin. "Need a lift?" Si Corbyn. Napa-isip ako saglit pero umiling din ako. "Hindi tayo same way. Taxi na lang ako." Sagot ko. "Okay lang. Kaysa naman maghintay ka. Bubuhatin mo rin 'yan." Lalo akong umiling. Ayaw ko makita n'ya apartment ko. "Thanks, but I got this." I smiled. May nakita akong taxi. "Taxi!" Tawag ko. "Hey." Hindi na n'ya natapos ang sasabihin n'ya. Nakababa na ako dala ang dalawang box. Nakumpleto ko naman ang nasa listahan ko. Tanging coke, chichirya, at tsokolate lang ang pasobra ko. May panlaba na rin ako. Okay na ako. Sumakay na ako sa taxi. Nakita ko s'yang nakatingin sa'kin. Tipid akong ngumiti at kumaway habang nakababa ang bintana. Binalik n'ya rin ito sa'kin. Pagka-uwi ko sa bahay ay kaagad ko itong nilagay sa mga pwesto nila. Napahiga ako sa sofa tapos. "Kahingal naman." Napapikit ako saglit sa pagod. Inabot na ako ng lagpas alas-syete. Kamusta na kaya si Dorothy? Tinext ko s'ya na nakauwi na ako at ingat s'ya sa flight n'ya. Na-delivered. Binaba ko na ang selpon ko at naghanap nang makakain na dinner. "Parang gusto ko ng lugaw." Tinignan ko pinamili ko. Wala nga pala akong mga instant na pagkain. Sabaw na nga lang at kanin. Kumain na ako. Nagugutom na ako. Kanina pa ito kahit nag meryenda ako. Nakatanggap ako ng text. Napangiti ako. 'Yun pala gusto n'yang sabihin kanina. "See you in two days." 'Yun na kasi ang ikapitong linggo ni baby. Doon na kami magkikita ulit para sa DNA testing. Napasandal ako. Parang kailan lang nang malaman kong positive ako. Ngayon mag-pipitong linggo ka na. I smiled and finished my food. Naalala ko kakulitan no'ng isa kanina. Money well spent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD