Napatingin ako sa orasan. "Shoot!" Kinuha ko na bag ko. Taka akong tinignan ni Dorothy. Nandito na naman s'ya sa bahay ko. "DNA test." Tipid kong sagot.
Kwinento ko sa kanya 'yung buong pangyayari no'ng nakaraan. "Ah. Haha!" Naalala n'ya. "Good luck!" Natatawa n'yang sabi. Batukan ko nga. "Gaga! S'ya talaga tatay!" Paano? Sumide ang ante mo kay Corbyn na hindi naniniwalang kanya ang anak ko. Pero alam kong joke n'ya lang.
Nagustuhan n'ya lang ang inaasal ni Corbyn. Hindi n'ya raw akalain na gano'n ang mangyayari. Na mabait at talagang gustong maki-isa sa baby. That he would do anything for it, just when it's his. "Kung alagaan ka naman kasi, be." Ngisi nito. Inirapan ko s'ya. "Bahala ka d'yan. Una na ako." Umalis na ako sa apartment ko at bumaba.
Magkita raw kami sa unit n'ya. Doon lang naman alam kong lugar kung saan kaya n'ya akong sunduin. Pumunta na ako kaagad doon. Nakapagpa-appointment na s'ya matagal na. Hindi kami kay Dra. Reyes. Ayaw ipaalam muna ni Corbyn since ang pakilala n'ya ay friend.
Nakarating na ako sa condominium nila. Nagulat ako sa nakasalubong kong sasakyan. "Get in." Ngiti ni Corbyn. Kaagad ako pumasok. "Buti na lang sakto ka." Natatawa n'yang sabi. "Aba! Kung hindi?" Tinanong ko s'ya.
"Iwan ka na." Natatawa n'yang sabi. As in. Maka-halakhak. Batukan ko nga. Napangiwi ako agad nang marealize ko. Sinamaan n'ya ako ng tingin. "Joke lang!" Defense ko. Napapikit ako. Baka saktan n'ya ako. Nang silipin ko s'ya ay nagpipigil na s'ya ng tawa. "It's not funny." Napanguso ako. Kinabahan ako. Nagiba pakiramdam ko for a moment.
Something flashed back from the back of my head.
"Papa! 'Wag naman-
May tumulong luha sa mukha ko. Napalunok ako. Unang beses kong mapag-buhatan ng kamay ng nino man. Napatingin ako sa papa ko na kaagad akong niyakap at lumuha. "Pasensya na anak. Pero hanggang dito na lang ang pagsasama natin." Hinila ko s'ya. "'Wag n'yo po ako iwan." Humagulgol ako. Napatingin ako kay Mama. Napaluhod na sa kinatatayuan n'ya kanina.
Sinigaw at sinigaw ko ang pangalan n'ya ngunit wala. Parang hangin lang ang dumaan samin kagaya nang pagalis n'ya.
"Are you okay?" Inaalog ako ni Corbyn. Kaagad ako tumango nang paulit-ulit. "Yes!" Sagot ko kahit kakabalik ko lang sa sarili ko. "Sorry, I didn't mean to space out." Napa-iling ako. Ano ba, Nana? Of all times. Sabay matagal na 'yun. Hindi mo na s'ya kilala. What's there to remember pa ba?
Nilapitan n'ya mukha ko. "You sure? Are you in a good mood? Good health? Right physic? Baka gusto mo ire-sched-
"No!" Nagulat s'ya. Napakagat ako sa labi ko. "It's fine, really." Sinabi ko 'yun matapos hawakan ang kamay n'ya. Tumango s'ya. "Tell me pag bigla mong naisipang 'wag na lang." Nag-drive na s'ya.
Something never left my skin after that.
Bawat galaw ko ay parang alerto na ako. Tahimik kami the whole drive unless magkamustahan kami. Just small talk. Nang makarating kami ay dumeretso na kami sa station. Pina-deretso na kami sa pag-test.
Magkaiba kaming room. Since ako sa baby. S'ya sa dugo n'ya.
"2-5 days ang results. Gusto n'yo ba ipa-fast results?" Offer nito. Tumango kami. Okay lang kahit extra charge, pagdadahilan ni Corbyn. Kaya naki-oo na lang din ako.
Matapos ay nagbayad na s'ya. "Wanna grab lunch?" Aya n'ya para magulat ako. "Uhm." Napaisip ako. "Okay?" Hindi ko alam pero parang lutang ako nitong araw na 'to. "Ba't parang ayaw mo?" Natatawa nitong tanong.
"Hindi naman." Parang nga ayaw ko. "Gusto ko." I said deeply. Para namang magmukhang seryoso. Kanina pa mataas boses ko. "Where do you want to eat?" Pabalik na kami ng kotse. Mabilis lang s'ya. Since testing lang. Ime-mail na lang samin ang results.
Nagisip ako. "Kahit saan." Tipid kong sagot. Nagugutom na ako. Parehas kami napatingin sa tiyan ko. "Gutom na ang baby." Ningusuan n'ya ako. "Hindi raw kumakain ng maayos ang mommy." Sinesenyasan n'ya pa ako ng no no no. Sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Joke! I know a place you'll love." Ngiti n'yang sabi sa'kin. Nagmadali s'yang buksan ang pintuan. Pinapasok na n'ya ako. "Hati tayo sa bayad." Pinangunahan ko na s'ya. Natawa s'yang tumango. "Yes, boss." Sumaludo pa. Kulit talaga.
Nagulat ako nang maalala ko ang daan. "Don't tell me." Na-excite ako. "Cheesy chucks!" Tinig ko. Napaangat ako sa upuan. Taka s'yang tumingin sa'kin. "You know this place?" Tanong n'ya. "Know?! I almost live here?"
"Dito ako lagi nakain." Sabi ko sa kanya. Nagpark na kami at dumeretso sa loob. "You're favorites?" Tanong agad ng waiter saming dalawa. Napataka kami sa isa't isa. "Suki ah." Ngiti ko sa kanya.
Napatango kami sa waiter na taka rin. Siguro dahil hindi n'ya kami nakikitang magkasama. "I eat here with my friend, Bingo. A lot." Napatingin ako sa kanya. It's a first that he shared. A first that we shared. "Same with me, with my friend, Dorothy." Tumango s'ya.
We had a nice meal. Natatawa ako sa inorder n'ya. "Favorite n'ya 'yan." Sabay naming sambit. Natawa kami parehas. "So, when did you guys start eating here?" Tanong n'ya. "Since college." Kaagad kong sagot. "May picture pa kami sa hall nila oh." Tinuro ko 'yung board nila.
Napatingin s'ya. "Guess who's on the other side." Turo n'ya naman. Natawa ako bigla. "Ang payatot mo!" Natutuwa kong sabi. Nakita ko s'yang namula. "Late bloomer." Mukhang college rin s'ya nito. "Never tayo nagkita?" Tanong ko sa kanya.
Napa-isip s'ya. Umiling din tapos. "I don't think so. I don't forget a face." Nagiisip parin. "Wala rin ako maalala. Baka multo ka." Biro ko. "Anong oras ba kayo naririto?" Tanong n'ya. Inalala ko. "Maybe two to three? Sometimes, nine to ten." Nagulat ako ng matawa s'ya ng malakas.
"Kaya. Kung hindi eleven to twelve kami, four to five kami nandito." Natawa rin ako. We both smiled. "I guess our paths never crossed."
"Until lately." Dagdag n'ya. Tumango ako. Matapos namin kumain ay lumabas na kami. Syempre, naghati kami. "Una ka na. Malapit lang apartment ko rito. Maiiba ka ng daan." Sabi ko sa kanya. S'ya kasi ay pa-norte. Ako naman ay pa-timog. "Then let me give you a lift?" He offered. Umiling ako. "No, na." Tipid kong sagot at tinulak s'ya papasok sa kotse n'ya.
Wala s'yang nagawa.
Tatlong araw makalipas. 'Di kami naguusap. "Para kayong ewan." Komento no'ng isang buang. Inirapan ko. "Wala namang paguusapan. So, why bother?" Pananaray ko. Napahawak s'ya sa dibdib n'ya. "Nahahawa ka na sa english spokening n'ya." Pang-aasar nito.
"I'm sorry, english kami sa trabaho." Napatalon ako sa pagkakahiga ko. May popcorn pa ako sa dibdib na nakapatong. Natapon ito. "Letse! Linis pa!" Kinuha ko na lang 'yung cellphone ko dahil tunog ng tunog. "Yes?" I answered not realizing who it was on the other line.
"I guess, I am the father." Natatawa nitong tono. Napanguso ako. Hanggang sa makilala ko. "Iba boses mo sa tawag." It's more deeper and serious. Kaya siguro ayaw ng iba rito. Natawa ito. "Talagang 'yun ang napansin mo?" Natatawa nitong sagot.
"Congrats! Tatay ka!" Pagbabago ko. Natawa s'ya lalo. "Naniniwala ka na?" Narinig ko s'yang huminga. "I never doubted you. But I guess you owe me, one thousand?" Naalala ko bigla 'yung bet. "Hindi ka tatay." Seryoso kong tono. Narinig ko s'yang umarte. "Sus! Kurips!" Nagtaka ako. "Saan mo naman natutunan 'yan?" Tanong nito sa'kin.
"Sa'yo, Mommy." My heart stopped. "Hello?" Tanong nito ng tanong. In-end ko 'yung call. "Ano nangyari?" Tanong ni Dorothy. "Wala. Nagpapalpitate." Hinawakan ko dibdib ko.