CHAPTER 5

1725 Words
Nana's POV "Buti na lang wala kang pasok ngayon." Tumango ako kay Dory. Wala akong pasok today. Ngayon ko napag-isipang komfrontahin si Mr. Delos Diaz. Na-research na ni Dory lahat. Naalala ko rin kung saan s'ya nakatira kaya nakatulong ito sa amin. Umalis kasi ang board ng company papuntang Japan the past week. Sabay ngayon lang sila nakauwi. Binigyan ng one day rest lahat. Mukhang nakuha nila ang deal para sa branch. Dahil sa pag-research. Dito ako natulog sa bahay ni Dory. Buti na lang at nalabhan ko na blazer ko. Buti dinala ko ito sa bahay n'ya kahapon. I wore my favorite green trousers and yellow top. While I wore matching yellow closed flats. Ganda talaga ng combo na ito. Napatingin ako sa salamin habang kumakain si Dory ng almusal. "Kumain ka kaya muna?" Aya n'ya sa'kin. Napatingin ako sa hinanda n'ya. Tinapik ko ulo n'ya. "Thank you, pero gusto ko nang matapos ito." Ngumiti ako at niyakap s'ya. "Thank you sa lahat." I began to feel emotional. Nakakainis naman itong hormones na ito! Natatawa n'ya akong niyakap. "'Wag ka nang umarte r'yan. Alam kong ayaw mo lang sa almusal. Sunog kasi." Pag-amin n'ya pero 'di mapigilan ang pag-iyak ko. "What is this?!" Tinig ko. Napaupo na lang ako. Kinain ko 'yung sunog n'yang pancakes. Nagulat ako. Kumuha pa ako. Nanlaki mata ni Dorothy. "Hoy! 'Di mo kailangan kainin- "Nasasarapan ako?" Taka kong sabi. Hindi ko mawari bakit nagustuhan ko. Tumawa s'ya dahil sa hindi makapaniwala. "Iba talaga pag juntis 'no? Favorite mo sinusuka mo. Pero 'yang sunog sarap na sarap ka." Natatawa nitong sabi. Inirapan ko s'ya. Baka kung anong pakainin sa'kin nito ah. Tumayo na ako matapos kong uminom ng tubig. Nilagay ko na 'yung mga plato sa lababo. "Una na ako." Tumango naman s'ya. "Balik ka kaagad dito ah!" Paalala n'ya. Tumango naman ako at natawa. "Hulaan mo na kung iiyak ba ako o magagalit." Pagkipag-pustahan ko sa kanya. "Pusta ko!" Natigilan s'ya saglit. 'Di alam kung ano ba ipupusta n'ya. Natawa ako. "Ako, pusta ko. Wala akong reaksyon. Kasi wala s'yang paki." Ngisi ko. "Five hundred." Paglapag ko ng pera. Nanlaki mata n'ya. "Maiinis ka! Kabaliktaran 'yan!" Natawa ako. "Ba-bye five hundred mo." Mayabang kong sambit habang binubuksan ang pinto. "Ba-bye! Good luck sa wallet mo!" Balik n'ya. Natawa lang ako. Parati tama pakiramdam ko 'no. But deep inside me, of course. Gusto ko na gustuhin s'ya no'ng tatay n'ya. Napalunok ako nang pindutin ang elevator buttons sa building ni Dorothy. A bit of nervousness reached every bit of my body. "You can confront him, Nana!" Malakas ka. Alam mo 'yun. Malakas ka dahil may kasama ka. Napatingin ako sa tiyan ko. Umiling-iling ako. Bawal nga pala umasa. Hindi pa confirmed. Pero, nararamdaman ko s'ya. Something hasn't felt right. Sana tama ako. Sana totoo ka. Nakarating na ako sa condominium. Hindi naman pala masyadong malayo. Kayang-kaya ko bumalik kaagad kay Dorothy. Panay pang mayaman dito. Napansin ko malapit lang din ang apartment ko rito kahit maliit 'yun. Napanguso ako. Umakyat na ako. Hindi naman chinecheck no'ng reception kung sino napasok at nalabas. Pero tinignan nila ako. Baka kilala na nila ako? Sana hindi. Huhu nakakahiya. Naalala ko ang room number n'ya kahit walang naka-indicate sa address n'ya. Tanging name of condo lang meron. Sana tama ito. Kumatok na ako ng malakas. "Hello?" I yelled as I asked. "Tao po?" Pagulit ko. Wala paring lumalabas. Kumatok na ako hanggang sa sumakit kamay ko. Ayaw talaga ah. Sinipa ko 'yung pinto. Bumukas ito. "Ikaw?!" Tinig ko sabay turo nang makita ko s'ya sa loob. No'ng una hindi ako napansin nito. Nang magka-titigan kami ay napasigaw s'ya. "Ah!" Sigaw n'ya. Sa kaba ay napa-sigaw rin ako. "Ah!" Sigaw ko. Ang tagal namin bago matapos sa kaka-sigaw. Sinarado n'ya pinto. "You're the girl from ny dreams!" Tinig nito na akala mo natuwa pa. Sinimangutan ko s'ya at pinakita ang pregnancy test. Tinaas nya kamay n'ya. "Ano 'yan?" Inosente n'yang tanong. Napakunot-noo ako. "Candy? Pumunta ako rito para mamigay ng candy." Sarkastiko kong sabi. Kinuha n'ya ito. "Pregnancy test kasi 'yan!" Binatukan ko s'ya. Napa-aray s'ya. "Ang sakit naman no'n! Tinatanong ko nga!" Paghawak n'ya sa test. "What does two lines mean?" Tanong nito. "Buntis ako." Napatingin s'ya sa'kin. Nagtaka ako ng taka rin s'yang tumingin. "I can call the cops you know?" Napasinghal ako. "Ano?" Tanong ko sa kanya. Tinuro n'ya ang pinto. "You broke in, just to show me this? I'm sorry, Miss. Pero hindi dahil nakita kita sa panaginip ko. Ibig sabihin pwede mo na ako lokohin. Paano ka ba naka-akyat dito? Strikto sila. Kaibigan ko nga tatlong buwan bago nila paakyatin ng walang consent ko." Paliwanag nito dahilan para bumukha bibig ko. "You don't remember?" Tanong ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Umiling-iling 'to na may halong taka. Gulong-gulo na ang mukha nito. "Okay. We met at a bar somewhere one month ago. You brought me here. We did "something". Now, I'm pregnant. As you can see from the test. And it's yours." Madalian kong paliwanag. Nagulat ako ng matawa s'ya bigla. Napailing-iling s'yang lumapit sa telepono. "What are you planning to do?" I asked him. "Call the reception. I don't know what drug you took. But I'm sending you down." May panguso pa itong nalalaman. Hinawakan ko s'ya sa kwelyo. "Hindi mo ba talaga naaalala?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mata n'ya. I looked deep into both of his eyes. From being alert and clueless. Dahan-dahan ito napalitan ng duda. May narinig akong sumagot mula sa kabila ng telepono. "The girl who walked straight to my door." Mahina nitong nakipag-usap. Nakahawak parin ako sa kwelyo n'ya. Halos yumuko na s'ya dahil maikli ang cord ng telepono. "What?!" Gulat nitong sigaw. "Okay. Thanks." Mukhang galit s'ya. Hindi ako umatras. Ilalaban ko ito. Ayaw kong wala s'yang alam. "They said they saw me bring you up. We were kissing so they guessed you were my girlfriend. Well, thanks for them. The media hasn't gotten a hold of it. Pero, Miss. Ang totoo?" Seryoso na s'ya. Ibang-iba na sa mukha n'ya kanina. He looked like a kid. Clueless and approachable. Now, he's like every man in the business industry. Wanting to step on you. Ang sarap n'yang sapakin. "If you don't believe me. Then, it's fine. I don't have to repeat myself. But other people witnessing a fraction from that scenario. Should be enough for you to believe." Paliwanag ko. Iniwan ko 'yung pregnancy test. "Kahit bilangin mo pa mga araw, ikaw parin ang lalabas na tatay nito." Dagdag ko. "I'm not asking you to be his father- "He?" Tanong nito na para bang 'yun lang narinig n'ya. "Bakit ba? Gusto ko lalaki." Sagot ko naman. Nawawalan na ako ng pasensya. "Basta!" Pag-iba ko sa usapan. "I just wanted to inform you. I also wanted to ask if ever, na kung pwede bang malaman pangalan mo pag tanda n'ya." Napakagat ako sa labi ko. There. I said it. I left it out open. Napatigil s'ya saglit. Sinuri n'ya itsura ko. Napahinga kami parehas ng malalim. "Haven't you slept with other men?" Tanong n'ya na kaagad ko kinagalit. "No!" Sagot ko bigla. He then nodded. "I would never. Ikaw nga unang." Nanahimik na ako. Binulong ko na lang 'yun. Nakakahiya namang sabihin s'ya first ko. He bit his lip. For a moment I thought he looked attractive. "I'll call a doctor. Ipapa-test natin if it's mine and if you're truly pregnant." Sabi n'ya. Nanlaki naman mata ko. "If it's mine, sige. If it's not, I don't want to see nor hear from you again. Understood?" Tumango na ako agad. Wala naman talaga akong plano na isama ka. Pero kung gusto mo. Sige. "Pero." Napatingin ako ulit sa kanya. "If you're not pregnant. You have to pay me." "Ha?!" Gulat kong bulaslas. "Ha?" Pag-gaya n'ya. "Biglaan 'to oh! Pakaba ka pa. Sabay magwo-walk in pa tayo sa ospital. At least, pay for my gas or something! Then don't ever dare contact me again! Ito na nga lang pahinga ko. Nagulo pa ako." Napapunas ito sa noo n'ya. Napasinghal ako muli. "Kapal ah! Sa tingin mo ginusto ko mabuntis? Manggulo? Of course not! Ang bata ko pa!" Tinig ko. Napatingin s'ya sa'kin up and down. Pinitik ko noo n'ya. "Porket, mas bata ka ng isang taon!" Napakunot-noo s'ya. "You stalked me?" Tanong nito. "Sikat ka, hoy! 'Di ko sasayangin oras ko sa tulad mo'ng kompleto sa lahat." Pananaray ko. "Don't say that." Sinamaan n'ya ako ng tingin dahilan para mapa-atras ako. It felt different. Para bang lumagpas ako. "I'm sorry." Pagpapa-umanhin ko. "Good." He smiled. Nabigla ako. Dahilan para mamula. Umiwas ako ng tingin. Bakit gano'n ang ngiti n'ya? Parang tuwang-tuwa? "Let's go. I called and texted a Obgyn. Bilisan na natin. The earlier we know, the earlier we resolve." Hinila na n'ya ako. Inayos n'ya muna ang unit n'ya. Matapos no'n ay dumeretso kami sa kotse n'ya. Tuwing mahuhuli ako sa paglakad ay sinasabayan n'ya ako. Ano ba 'tong lalaking 'to? "Let's make a bet." Tingin n'ya sa'kin. "Wear your seatbelt first. Kung dala mo nga anak ko. Mag-ingat ka." May halong pananaray ang tono n'ya. Sumuot na ako ng seatbelt. Sikip-sikip naman. "If it's mine, I win one thousand. If it's not, you win one thousand." Hinampas ko s'ya. "Aray!" "Bakit?!" Tanong n'ya. "Tanga ka ba?! Sure akong iyo 'to! Bakit ako papayag na mawawalan ako ng one thousand?!" Business man nga ba talaga ito. Napalingon ako sa kanya. Hinampas ko s'ya ulit. "Pagka-tiwalaan mo nga ako!" Tinig ko. Napatingin s'ya sa'kin. He's still not convinced?! Sabagay. Baka patayin ko sarili ko pag may ginawa ko 'yun sa'kin. "Okay. Then, I'll bet." Napalunok ako. Sana hindi na lang pala ako buntis. Napatingin ako sa tiyan ko. Kaagad ako na-guilty. "Panindigan ko 'yang one thousand mo. Kuripot na 'to." Mayamang kuripot! Worst breed ng mayaman! "What's kuripot?" Tanong nito. Napasapo ako. "Drive ka na please." Ito ba talaga ang pinayagan kong makagalaw sa'kin? Napatingin ako sa kanya mula sa passenger side habang seryosong nagmamaneho. His face looked like he would win everything. That everything would be his. But then, I remembered his smile. It felt like a child being praised for something so little. Just what kind of guy are you? Sana hindi ka kagaya n'ya. Sa una lang matino. Sa dulo, asshole.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD