CHAPTER 4

1507 Words
Corbyn's POV I looked through out the window from my seat. Hindi ko talaga makita ang view. Napa-masahe na lang ako sa ilong ko. Saglit na lang, Corbyn. I rested my back on my seat. But I couldn't. Napapikit ako ng mariin. Sa lahat kasi ng pwedeng last minute booked flights. Bakit 'yung standard pa? I looked at my right arm. May matandang lalaki na nakahawak dito. Sa kabila naman ay may malaking lalaki. Halos sakop na n'ya seat ko. I couldn't look at the view dahil sa katabi kong matanda. Meron kasi itong dalang mahabang ewan. "3 hours pa." Bulong ko sa sarili ko matapos tignan ang relo ko. Narinig kong humilk parehas kong katabi. Napahinga ako ng malalim. I'm never booking last minute again. Pinikit ko mata ko at natulog. Wala akong ibang kayang gawin. Sandwich na ako rito. Naalimpungatan ako sa iyak ng bata. Dahan-dahan kong nilingon ang ulo ko. Ang sama no'ng tingin ng bata! Kaagad ko binalik ulo ko. I've never been liked by kids. Kahit naman ibang tao. Sabi nila mukha raw akong seryoso lagi. May tawag dun, pagkakaalam ko. Resting b***h face? 'Yun ata. Basta 'yung lapitin ng sapak at inggit. Kung pwede ipapalit. Nagawa ko na. Parati akong napapa-away. Parating may nayayabangan sa'kin. Maraming batang umiiyak sa tingin ko pa lang. Sabi naman ng iba gwapo raw ako. Aanhin ko ang kagwapuhan kung maraming magagalit sa'kin dahil sa mukha ko? That's why I developed myself into being social. Kahit ayaw ko, wala naman akong ibang magagawa. Lalo na sa industrya na pinasok ko. Napukpok ata ako sa ulo at business pinasok ko. Natuto na rin ako mambola. Napasapo ako sa noo ko. In all times, why am I thinking about this. But I guess, boredom has stroke me so much. Napapa-isip na ako sa mga desisyon ko. As much as possible. Ayaw ko mag-regret. Because all of those things left me still standing. It led me here. Napatingin ulit ako sa orasan ko. 2 hrs and a half na lang. Kaya ko 'to. Pero back to my thoughts. Last na 'to, Corbyn. Matulog ka na. Baka mabaliw ka lalo sumali ka pa sa senado. There will always be that one person. Nasisira sa pader mo at yayanigin ang utak mo hanggang matulad ka sa pagkabaliw n'ya. Napa-unat ako ng katawan nang makababa ako. Halos magpasalamat ako sa lahat ng santo. Hindi ko masyadong naramdaman 'yung galaw ng oras dahil nakatulog ako nang mahimbing. Pagka-gising ko saktong pinapababa na lahat. Napa-hikab ako habang naglalakad palabas ng terminal. Dumeretso ako sa fast food chain. I want hot choco. Umorder na ako at umupo sa sulok. Itinabi ko ang maleta ko sa gilid. "Thank you." Pagpapasalamat ko sa waitress. Kaagad ako uminom. "Hm." Nasarapan kong umanas. Nagulat ako na naibaba ko ng biglaan ang hot choco ko. "s**t!" Tinig ko. Napatingin ako sa bitna sa tabi ko. Blonde hair and blue eyes. Katok ng katok. Nakadikit ang mukha sa salamin. Kinatok ko pabalik. "Sa iba na lang." Sabi ko sabay sip sa inumin ko. Paglingon ko wala na 'yung tao. "Hey! Corbyn Lee Delos Diaz!" Sigaw nito sa entrance. Tinakpan ko mukha ko. "Hindi ko po s'ya kilala." Sabi ko na halos bulong pero alam kong narinig n'ya. Mouth reader 'yang chismosong 'yan. Gabing-gabi. Sigaw n'ya ang umaapaw sa tahimik na resto na ito. "My best friend!" May pa-iyak effect pa ito. Dahan-dahan akong tumayo. I guess, get ready to run? "Hoy! Saan ka pupunta?!" Pasigaw nitong tanong. Nagmadali na lang ako. Katahimikan! Ikaw ang may dahilan bakit ako napa-last minute. Magkalimutan tayo saglit. Nagulat ako ng biglang hilahin maleta ko. "Ano ba?!" Tinig ko habang nakikipag-agawan. "Bakit mo ba ako iniiwasan?!" Balik nito. "Syempre! Alam mo ba galit ko sa'yo! Apaw na apaw na!" Pinitik ko noo n'ya. "Aray!" Umupo s'ya sa sahig. Kaagad ko namang binuhat. "Isang iyak, isang hati sa leeg mo. 'Wag ka rito umeksena." Kinaladkad ko ito sa bigat. Dinala ko na s'ya sa sasakyan ko. Talagang nagpakaladkad. Kakarating ko lang sa Pinas deretsong exercise ako. "Pwede sa unit mo muna ako matulog?" Tanong nito na nakanguso. "Mangingingain ka lang." Pinaandar ko na ito matapos istart. "Eh! Walang pagkain samin!" Pagmamakaawa nito. Binilisan ko ang pagmaneho ng walang pasintabi. Dahilan para mapahawak s'ya sa handle. "Papatayin mo ba ako?!" Napahawak s'ya sa dibdib n'ya. "Malapit- "May kwento ako d'yan!" Parang sinapian dahil sa pagiba n'ya ng tono. "Earlier, while I was in the plane. A flight attendant was eyeing me." Pagsimula nito. "Pero. Hindi like. Dahil gusto n'ya ako." Natawa ako. "Ano? Love at first sight s'ya sayo. Asa ka naman." "Kwento nga ako!" Nanahimik na ako. "She was looking me dead straight in the eyes while serving. Like she wanted me dead or something." Natawa ako ng malakas. "Lagot!" Pangaasar ko. Nakarating na kami sa condo unit ko. Something hasn't felt right for the past month. Like, I forgot something. Sana si Bingo na lang 'yun. "Narinig ko utak mo!" Panunuro nito sa'kin matapos ayusin ang higaan n'ya. Napailing iling ako. "Bukas ng umaga wala ka na dapat." Kakalabas ko lang ng banyo matapos maligo saglit. Napanguso s'ya. "Bakit? May babae ka?" Nakangisi nitong tanong. Hindi ako nakasagot kaagad. Nanlaki mata n'ya. Natawa ako sa pajamas n'ya. "The heck, foreigner? Bakit gan'yan pajama mo?" Natatawa kong sinabi. Tinakpan ko na lang bibig ko. "No change topic! Pero paki mo ba! Cute kaya ng Hello kitty! Nabili ko kahapon sa Japan." Ngiti-ngiti nitong sabi. Parehas kaming galing Japan. S'ya dahil international marketing representative agent s'ya. Habang ako CFO ng Cristelas Corp. They are asking for a lease agreement in Osaka. "I don't have any." Nagdalawang isip ako. Something's bothering me. Babae ba? Wala naman akong past relationships? Bahala na. "Matulog kana." Sabi ko sa kanya. "Nood pa ako." Inirapan ko na lang. "I just want to breathe." He smiled. Tinabihan ko s'ya. "One movie." Ngiti ko. Tumango s'ya. Life was hard on him. For me too. Ito ang comfort namin sa isa't isa. Just staying by each other's side. Tahimik lang kaming nanonood ng action movie with matching popcorn. Maya-maya ay dinapo na ako ng antok. Naririnig ko nang humihilik si Bingo. Hindi ko na pinigilan ang mga mata ko sa pag-pikit. Bago ako tuluyang makatulog ay may nakita akong anino ng babae. Sa susunod na araw nagising ako katabi s'ya. Napasigaw ako. "Gago!" Mura ko sabay sipa sa kanya paalis sa sopa. Kaagad s'ya napakurap. "Ang sakit naman." Angal nito habang nakanguso. "Sorry." Napangiwi ako. Napakamot ako sa ulo ko. Parang nangyari na sa'kin 'to. Just not sure when and with whom. Or was it just a dream? Parang may image na lumabas sa isip ko. A girl who has fair skin and almond eyes. Silky black hair. Too gorgeous to look at. Blurry 'yung face. But she felt warm, loveable. Huh? Umiling-iling ako. Bahala na. Ayaw ko na muna aalahanin 'yun. Grabe na stress ko sa trabaho. Sige pa itong babaeng 'to. Parang napaginipan ko rin s'ya kanina. Sino ka ba at parati kitang nakikita sa panaginip ko? "Bakit parang kagabi pang may gumugulo sa'yo?" Nag-alalang tanong ni Bingo. Umiling ako. "May babae akong nakikita sa panaginip ko." Pag-amin ko. Open kami sa gan'yang bagay. Ngumisi s'ya. "Ayan na ata magpapatibag sa puso mong bato." Binatukan ko s'ya. "Aray naman!" Ting nito. "Totoo naman! Wala kang ka-love life! Kala mo nasawi!" Binatukan ko pa s'ya ulit. "Bawal ba maging busy?!" Pag-rason ko. "Bahala ka nga!" Nainis na ako. "Joke lang!" Natatawa nitong sigaw sabay hila sa'kin. "Basta! 'Wag na nating pagusapan 'yun. Marami nang babaeng nagpapagulo sa'kin sa trabaho. Heto pang panaginip ko." Kinusot ko mata ko at tumayo para pumunta sa kusina. Nagluto na ako ng almusal. Sakit na sa ulo anak no'ng boss pati apo. Lalo na mga reporters at iba pang kasamahan namin. You will never not encounter toxicity in the business industry. Napabuntong-hininga ako. Kumain na kami ng breakfast hanggang sa parehas na kaming nakaligo. "Una na me! Bawi ako sa'yo sa weekend." Nahihiya nitong sabi. Tinapik ko s'ya sa likod. "Sanay ka naman na. Sanay na rin ako. 'Wag ka na mag-emote." Ngiti kong Sambit. Sinimangutan n'ya ako. "Ge, bye." Kaway nito at umalis. "Ingat!" Huli kong sabi. Hinintay ko s'ya makapasok sa elevator. Napakunot-noo ako nang may maalala akong katulad sa scenario na 'yun. "Ano ba itong mga daydreams na ito?!" Napasabunot ako nang maisara ko ang pinto. Umiling-iling ako at pumunta na sa kwarto ko. Inayos ko na gamit ko na natira sa maleta. Wala pang trenta minutos no'ng umalis si Bingo may kumatok na sa pinto. Maya-maya ay may bumukas nito na akala mo FBI. Kaagad ako napalabas sa kwarto ko. Pagkakita ko may babaeng umuusok ang ilong. May dala-dalang papel ba? 'Di ko alam. "Ikaw!" Tinig ng babae. Napakurap ako habang may hawak na sabon na nakuha ko sa hotel. "Yes?" She looked familiar. That's when I shouted. "Ah!" Naki-sigaw na rin s'ya. Ending parehas kaming nakasigaw sa isa't isa habang nakaturo sa mga mukha namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD