"Nanananana! Ikaw ang banana!" Pagkanta ko habang inaayos ang gamit ni Dory para sa pag-uwi n'ya. Tinanggap ko ang job offer ni Dory na linisin ko bahay n'ya. It's been a month and a half since I was fired.
It has also been a month since I've been employed as an engineering assistant in a big company. Nagulat ako, after ko magsend ng résumé. Three days later natawag ako para sa face to face interview. Then was hired to be an intern for two weeks. After ng internship, pina-exam ako.
Boom! Nakapasa ang banana n'yo!
Nakarinig ako ng kalembang ng mga susi. Agad ko inayos ang natitirang kalat. Kada linggo na nga lang uuwi rito, ang kalat pa. Joke! Kaya nga ako binabayaran para linisin. Nagmadali na ako at nagtago sa likod ng pintuan.
"Nana!" Sigaw nitong pagtawag na akala mo nangungulila sa'kin. "Pucha!" Bulaslas ko nang sumalpok sa'kin ng malakas 'yung pinto. Napahawak ako agad sa ilong ko. Parang nabali ata buto ko.
"Ang lakas mo namang magbukas!" Tinig ko sa kanya. Halos mangiyak-iyak ako sa sakit. Tumama rin kasi sa noo ko. "Hala, sorry!" Agad n'ya akong niyakap. "Sorry so much!" Kinuha nya mukha ko sa pisngi. Napanguso ako na parang isda.
Masakit na nga ilong at noo ko! Isasama mo pa pisngi ko! Aba!
Kagatin ko nga kamay n'ya. "Aray!" Sigaw n'ya sa sakit. "Kakauwi ko lang!" Tinuro n'ya mukha ko habang mangiyak-iyak. "Para tayong ewan. Parehas maluha-luha ang mata. Deserve mo 'yan! Gusto mo ata sirain pintuan mo?!" Kinurot ko s'ya sa tenga.
"Aray! Aray! Tama na!" Nag-tap out pa s'ya para masenyas n'ya lang na ayaw na n'ya. Natatawa akong binitawan s'ya. "Tabi mo muna maleta mo. Ano gusto mo kainin?" Tanong ko sa kanya matapos kong lumapit sa kitchen counter.
Pumunta s'ya sa kwarto n'ya. Naupo muna ako. Para akong biglang nahilo. Nagke-crave na rin ako. Gutom na ata ako. "Kain tayo sa labas. Puro kami hotel snacks no'ng nasa Singapore." Sambit n'ya habang nakanguso. Napa-isip ako. Tinignan ko muna ref n'ya. "Sige. Tapos mamili tayo ng pagkain mo. Wala kang makakain dito sa bahay mo." Tumayo ako at namewang. Tinignan n'ya ako ng masama.
"Alam mo. Lately napaka-mommy mo." Ngumiti ako at napatalon ng maliit. "Talaga? Naalagaan ko na kasi self ko. Hihi. Maluwag na kasi time ko since maikli lang hours of work ko. Sabay 'yung sweldo ko mas malaki pa sa two jobs ko rati." Paliwanag ko at naupo dahil magbibihis pa s'ya. Pumasok s'ya sa kwarto n'ya.
Hinaplos ko pisngi ko. "Hindi naman! Para ngang gumaspang!" Reklamo ko. Napatingin ako sa microwave n'ya since pwedeng makita reflection mo. Ang dami kong small pimples. Napanguso ako. Hindi na nga ako nagpupuyat.
Nang matapos s'ya magbihis ay lumabas na s'ya ng kwarto. Nag t-shirt lang s'ya. Matching pa nga kami. "I mean, para kang nanay. Kung maka-sermon. Alaga. Lalo na 'yung texts mo sa'kin lately." Dahilan n'ya. Napakunot-noo naman ako.
"Normal naman na nagte-text tayo ah?" Patanong kong sabi. Tumango s'ya. "Baka ako lang 'to. Pero iba rin aura mo." Tinitigan n'ya ako. Nag-sit still lang ako. Wala naman akong ibang nararamdaman. Sure nga ako mas healthy ako ngayon kahit nililinis ko unit n'ya after work.
"Alam mo, guni-guni mo lang 'yan. Kain na tayo. Nagugutom na ako!" Hinila ko s'ya. Pinatay na namin ang mga ilaw at lumabas ng pinto. "Hindi ka ba kumain ng meryenda?" Tinignan ko s'ya habang pumapasok kami sa elevator.
"Kumain naman." Tipid kong sagot.
Hindi ko talaga alam kung ano ikinakaiba ko sa tingin n'ya. "Pumayat ka ba?" Tanong n'ya nang makarating sa kotse. "Ako na lang magda-drive." Binuksan ko ang passenger para makapasok s'ya. "Dahan-dahan." Paalala ko. Pumunta ako sa kabila at nang makapasok ay inistart ko na ang kotse.
Tinitigan n'ya ako. Tinignan ko s'ya nang may halong pagtataka. "Ano ba?" Natatawa kong tanong. Pinaandar ko na ang kotse. "Saan ba tayo?" Tanong ko sa kanya. "Sa parati. Doon tayo sa Cheesy Chucks." Nagmaneho ako sa daang papunta roon.
"Parang gusto ko ng gulamang may ice cream." Hindi ko alam pano ko nasabi 'yun. "Ice cream float nga ayaw mo. 'Yan pa kayang arnibal sa tubig." Nagtaka ang mukha naming dalawa. Buti malapit lang. Nag-park na ako. Parang nakakaiba pakiramdam ko.
"Alam ko na." Sabi ko pagka-upo namin. "Irregular na naman ako this month. Hindi pa ako dinadatnan. Kaya siguro ganito na lang weirdness ko." Tinuro n'ya ako at tumango. "Tama! Since nainom ka na no'ng parang pangpa-regular. Magbabago pa ulit cycle mo. Gano'n 'yun 'di ba?" Tanong n'ya sa'kin. Tumango naman ako.
May nabili kasi ako online. Effective daw. Sabi ni Mama. Haha. Sa kanya ako nagmana sa pagiging irregular. "Hi! Favorites?" Tanong agad ng waiter. Tumango kami. "Yes, please!" Suki na kami rito. College pa lang. Pag vacant dito kami. Since panay pang pataba pagkain dito at may palaruan.
"Tanging ito lang naka-sundo natin na milkshake 'no?" Pagka-alala ko. Uhaw na uhaw kami no'n. Hindi kami nabili ng basta milkshake dahil matatamis sa iba. Pero rito, sakto lang. "Haha! Matapos no'ng araw na 'yun ito na official tambayan. Sarap balikan lagi." Ngiti-ngiti n'yang sabi. Napangiti rin ako.
Maya-maya dumating na orders namin. Akin ay double decker burger with Neapolitan ice cream milkshake. Ito lang ang tanging drink na papayag akong may ice cream sa taas. Umorder din kami fries. Kay Dory naman ay tender barbecue whiskey steak burger na may iced tea. Parati namin hinahati food namin para share kami. Para at least matikman namin both.
"Hm." Naduduwal kong idinura 'yung steak burger.
"Okay ka lang?" Nag-alalang tanong ni Dory. Para akong napakurap sa lasa. "Tama bang ito 'yung lagi naming inoorder?" Tanong ko sa waiter matapos n'ya ako lapitan ng makita n'ya akong naduwal. "Yes, ma'am. 'Yan po iyon." Kahit s'ya napataka.
Nilapitan ako ni Dory. "Baka hindi lang na-cleanse tastebuds mo kanina. Inom ka no'ng milkshake mo." Iniabot n'ya sa'kin. Nang uminom ako napangiwi ako. "Ang tabang?" Taka kong nasambit.
"Ano problema?" Lumabas na 'yung manager. "Ano nangyayari rito? Bakit dinura ng suki natin ang favorite nila?" Tanong nito sa waiter. "Wala po s'yang kasalanan." Wina-wagayway ko kamay ko upang maisenyas na hindi 'yung waiter may kasalanan.
"Naiba lang po onti panlasa n'ya." Pagdahilan ni Dory para hindi mayari 'yung waiter. Tumango 'yung manager. "Serve mo sila ng libreng fries. Pasensya na kayo ah. Eat well." Paalam nito. "Kain po." Balik namin dito.
Napatingin kami ni Dory sa isa't isa. "Baka naman." Tumigil s'ya. Alam ko na iniisip n'ya. Pero malabo. Never pa ako nahawakan 'no. Napailing s'ya. "Edi sana alam ko 'no-
Tumayo ako agad nang maramdaman konh bumabalik ang kinain ko sa lalamunan ko. Dumeretso ako sa CR. Hindi ko na pinansin kung nalock ko ba. Nasusuka na ako. Nilabas ko ito lahat matapos mapalapit sa kubeta. Naramdaman kong sinundan ako ni Dory.
"Sabihin mo sa'kin. May nakasiping ka na ba?" Tanong n'ya sa'kin matapos ko umupo at punasan bibig ko gamit wet tissue na iniabot n'ya. Napapikit ako. Inalala ko ng mabuti kung meron ba. "Wala-
"Last month?" Tinulungan n'ya ako maalala. Nanlaki agad mata ko. "Oo!" Sigaw ko. Napahawak ako sa bibig ko.
"Hindi. Hindi. Mali 'to. Mali." Hindi ko ito kayang tanggapin. Umiling-iling ako. "Sino?" Tanong ni Dory. Mukhang natutuwa pa. "It's not something to be happy of?!" Napasigaw ako. Hindi ko sadya. Nagiba ang mukha n'ya. "Sorry." Nag-sorry ako sa kanya at niyakap s'ya.
"Kung hindi mo alala o hindi mo kayang sabihin o bigyan ng paki. Okay ako maging tatay?" She offered. Kaagad ako napanguso. May mga luha na bumababa sa mukha ko. "Hala! Joke lang! Pero mukha ngang buntis ka!" Pagturo n'ya sa'kin.
Hindi ko mapigilan luha ko. "D-dorothy! How to stop this." Lalo akong napaiyak. Bakit ang bilis ng pangyayari. "Nagugutom na ako." Tumahan ako bago sabihin 'yun. "Kain muna tayo. Then, bili tayo ng test." Napalunok ako. Parang ayaw ko makita resulta.
Kumain na kami. Nag-sorry kami sa staff sa pangyayari. Dinahilan na lang namin na hindi ako natunawan. Maya-maya matapos naming kumain ay nag-grocery na kami. Matapos mag-grocery ay bumili kami ng test. Umuwi muna kami sa unit n'ya.
"Matagal pa ba?" Umiikot ikot ako sa banyo. Naihian ko na 'yung stick. Hindi ako mapakali. Kagat-kagat ko kuko ko. "Saglit lang! Ano 'to? Miracle. Biglaang nagbibigay resulta? Sana gano'n 'din sa lotto." Natawa ako. Napaupo ako at niyakap ang legs ko. Nanalangin na ako. Hindi ako handa.
Naramdaman kong tahimik akong tinitignan ni Dorothy. Mukhang tapos na ang waiting time. Pinakita n'ya sa'kin 'yung stick nang tumingala ako. Napahawak ako sa bibig ko. "Legit ba 'tong kit mo?" Tanong ko sa kanya. "Oo nga! Lahat din naman ng sintomas meron ka! You're Undeniably Positive, Nana." Minasahe n'ya ang dalawa kong balikat habang tinitignan ko ang stick.
Tinignan ko katawan ko sa salamin. "I'm pregnant?" Tanong ko sa sarili ko.
Halos bumagsak ang langit sa'kin. "Dory! Anong gagawin ko?! Wala akong pera! Hindi pa ako nakaka-family planning! Saan ko hahanapin 'yung tatay? Paano si Mama at Nabu-
"Stop!" Pinigil n'ya ako matapos ko s'yang diinan sa pader. "Stop stressing yourself." Sabi n'ya sa'kin. "Pa-check up ka narin. Pwedeng dahil irregular ka lang and false pregnancy ito. But I suggest hanapin mo 'yung tatay. Sabayan ka n'ya sa check up." She advised me.
Napaupo ako sa kubeta. "Walang may gustong mangyari-
"Pero ginusto ko, Dory." Pagtigil ko sa kanya.
Napahinga ako ng malalim. "Naalala ko na lahat. Ginusto ko. Pumayag akong iputok n'ya sa loob. It felt good, for goodness sake!" Hingal kong sabi.
"I'm sorry that I lied to you. Hindi ako hinanap ng trabaho no'ng gabing iyon. I slept with someone that night." Napasabunot ako sa sarili ko. "How can I be so stupid and reckless-
"'Wag mo ngang ganyanin sarili mo!" Napatigil ako. Namumula na s'ya sa galit. "I'm so sick of you being hard on yourself! Okay lang magsinualing! Alam ko naman! And there's nothing bad about it! You felt good right?" Tanong n'ya sa'kin. Tumango ako.
"Panindigan mo. 'Yun na lang ang kaya mong gawin. Don't regret your decisions. Kasi wala namang mali." Napakagat ako sa labi ko. "Paano na mga pangarap-
"Matagal mo na rin namang ginusto maging ina. 'Yung sarili mong anak. Hindi kapatid mo ang anak mo. Sadyang napa-aga lang." Natatawa n'yang sabi. Natawa rin ako. "Let's keep him." Ngiti n'yang sabi.
Napalunok ako. Tinignan ko tiyan ko. "'Wag muna tayong umasa. Baka false 'to. Pero pag positive talaga." Tinignan ko s'ya. "Ninang s***h tita s***h mommy number two ka na." Natatawa kong sabi.
Niyakap n'ya ako. "Best friend ko ba ito?! Alam ko kuripot s'ya! Bilis ng mood change ah!" Pangaasar n'ya.
Napangiti ako. "I just. Don't want the baby to feel unwanted. Na mabilis iwanan para sa pera. Dahil sa pangarap. Naranasan ko na. 'Wag naman din s'ya." I full heartedly said.
I want this baby, if he will be mine. If he is meant for me. Kahit walang tatay. Kahit 'di s'ya gusto. Hindi ko ipapagkait ang mundong puno ng pagmamahal dahil kulang ako.
"Sino ba muna naka-jackpot sa'yo?" Pinalo ko s'ya. Halos magmukha akong kamatis. "Kung tutuusin. Kilala mo." Sabi ko. Nanlaki mata n'ya. Napahawak s'ya sa bibig n'ya. "Si foreigner?!" Tinig n'ya na pakiramdam ko mabibingi ang bata sa kanya.
Batukan ko nga. "Gaga!"
"Aray, naman! Sino ba?!" Tanong n'ya ulit. "Ay! May nakita akong lalaki kanina sa flight. Mukhang pasok sa job description mo kay foreigner. Gusto mo hagilapin ko? Malay mo. Sugar daddy na totoo." Kinurot ko s'ya. "Kulit!" Napahalakhak s'ya imbis na masaktan. Natatawa s'ya sa sinabi ko.
"Bagay kang mommy!" Kinurot n'ya pisngi ko. "Si Corbyn ang naka-pingwit sa beshie mo." Nagulat s'ya sa sinabi ko. Sinadya kong ma-lighten ang mood. Pero mukhang walang epekto.
Napatakip ako sa tenga ko. "Ah!" Tili n'ya habang natalon.
Hinawakan n'ya ako at inalog. "Sabi na nakita ko kayo palabas!" Napangiwi ako. "Modus mo bulok!" Ningusuan ko s'ya. "Totoo! Lahat kami napatanong if ikaw at 'yung kilalang CFO 'yung lumalabas. Lakas kasi ng tawa." Kinikilig nitong sabi. Umirap ako.
"Okay. Magri-research na ako. Bumabalik! Ang pinaka-magandang batak sa thesis research and survey collector, Dorothy!" Nagmala-entrance pa s'ya. Napasapo ako sa noo ko.
Umalis s'ya sa banyo at mukhang maghahagilap na ng impormasyon. Naiwan ako rito magisa sa banyo. Tinignan ang test. Nilagay ko ito sa plastic. Pinicturan ko rin. Proof. Para pag pinuntahan ko. Alam n'yang nag-test ako.
I won't convince him nor blackmail him to stay. To provide, to be a dad, and most of all, to love this child. Mahirap ang pagmamahal na pilit. Nauuwi lang sa hate.
But at least, alam n'ya na may anak s'ya. I'll give him that. S'ya na bahala kung anong gusto n'yang gawin. But I won't make it necessary.
Napatingin ako sa sarili ko. Kaya ko ba?
Napatingin ako sa tiyan ko. I don't want another kid to feel being a disgrace.
"Anything for you." I smiled and pointed at my tummy. If you are real, and mine. I'll gladly accept and love you with all my heart. But let's keep you a secret muna ah. Until we're ready.