Chapter 18
Ang lalaking nakatayo ngayon sa harap ng nanghihinang si Zac ay ang pinuno ng branch ng Ant bandit. Kalbo ito at maraming marka ng sugat sa mukha at mas matangkad rin ito kay Zac.
Nakatingin siya sa binata habang nakangiti. Ilang araw din niyang trinack at hinanap si Zac, nang malapit na siyang makalabas ng kagubatan ay sumulpot sa harap niya ang lungsod ng Edo, pero ang compass na hawak niya ay hindi dito nakaturo.
Kaya sinundan niya ang itinuturo nitong daan at napunta siya sa dungeon, at parang pinaglaruan ng tadhana ay saktong natapos ang laban ng dalawa ng makapunta siya sa ikatlong palapag.
"Naaalala mo paba ang dalawang bandido na tinapos mo dati?" Kalmado ang pinuno ng mga bandido pero hindi maitatago ng inilalabas niyang bayolenteng aura ang totoong galit na kinikimkim niya.
Inilapag ng bandido sa sahig ang walang malay na si Red.
Dinakma niya ang ulo ni Zac at binuhat ito paitaas. Idinikit niya sa pader ang katawan nito at binigyan ng malakas na suntok sa tiyan.
"Bwuaah!" Napasuka ng dugo ang walang lakas na binata. Ang malaking kamao ng bandido ay halos sakop na ang kalahati ng tiyan niya.
"Sumagot ka. Naaalala mo ba sila? Yung dalawang may tattoo ng langgam sa batok?" Nagulat si Zac sa narinig. Inaasahan niya na kahit na may pumunta pang malakas na miyembro nila para maghiganti sa kaniya ay ang pinakamalakas na posibleng pumunta lang sa kanila ay rank 3.
Hindi niya inakala na rank 4 pala ang kanilang pinuno. Hindi lang basta rank 4, pakiramdam niya ay mas malakas pa 'to ng ilang beses kay Red.
Binitawan ng pinunong bandido ang mukha ni Zac kaya bumagsak ito sa sahig. Pagkabagsak niya ay isang malakas na pwersa agad ang tumama sa mukha niya.
Sinuntok agad niya si Zac. Ang kamao nito ay halos kasing laki na ng ulo ng binata, kaya nang tumama ito ay wasak ang ilong, mga mata at bibig niya.
Nagpakawala ulit siya ng malakas na suntok. Nang tumama ito ay tumalsik ang ilang ngipin ni Zac. Kanina ay hinang-hina na si Zac na halos hindi niya na kayang tumayo, ngayon, lalo pa siyang naging mahina nang bugbugin siya ng bandido.
'Ngayon, talagang mamamatay na ako.' isip ni Zac. Kanina sa ginawa niyang pag-atake kay Red gamit ang mga halimaw na nagpasabog ng mana core ay medyo kampante pa siya, dahil sa lakas ng regeneration niya ay malaki ang posibilidad na makaligtas siya. Kaya naman nagdesisyon siyang sumugal.
Ngayong halos wala na siyang lakas, at mas malakas pa sa kanina ang kalaban niya ay napakalaki ng posibilidad na mamamatay na talaga siya.
'Kailangan ko naba talagang gamitin 'yon? Pero masiyadong delikado.'
'Pero, mas maganda na siguro ito kesa sa mamatay ako at walang gawin.' isip niya at sinimulan niya ng gamitin ang bagay na sinasabi niya.
Nabalot ng nakakasilaw na liwanag ang buong katawan ni Zac. Sa gulat ay biglang umatras ang bandido at iniharang ang mga braso niya sa mukha.
Habang nababalot ng liwanag ang buong katawan ni Zac ay nararamdaman niya ang biglang pag-init ng balat ng buong katawan niya. Kahit sa ulo niya ay may naramdaman siyang kakaiba, para bang may dalawang bagay na tumutubo sa noo niya.
Ang kaninang mahinang katawan niya ay unti-unting nagkaroon ng lakas, hindi lang 'yon, pakiramdam niya rin ay mas lalo pa siyang lumalakas kumpara sa kaninang antas ng lakas niya.
Nang mawala ang liwanag ay napalunok ang bandido.
Ilang metro ang layo sa kaniya ay may nakatayong nilalang na ang katawan ay maihahalintulad sa snow sa sobrang puti, pero ang katawan niyang napakaputi ay nababalot ng itim na usok, hindi naman ito ganoon kakapal para matakpan ang kulay ng kutis niya pero madali pa rin itong mapapansin.
Ang mga mata ng binata ay parang itim na perlas, walang kahit na emosyon ang makikita dito. At ang pinaka ikinabahala ng bandido ay ang nasa noo nito, sa noo niya ay may dalawang itim na sungay.
Mukha siyang demonyo ngayon, hindi! Kahit demonyo ay siguradong matatakot sa kaniya kapag nakita nila ang panglabas na anyo ni Zac, dahil ang mga demon ang isa sa mga uri na pinakanakakakilala sa mga evil.
Ang aura na inilalabas ni Zac ay sobrang bayolente, para bang maghahasik ito ng lagim sa buong paligid at hindi ito matatahimik hangga't hindi nawawasak ang buong paligid.
"Ganito pala ang totoong anyo ng isang low ranked evil." Sambit ni Zac. Nang mag-evolve si Zac bilang isang low rank evil ay pinigilan niya ang paglabas ng kapangyarihan niyang evil dahil malaki ang posibilidad na maramdaman ito ng mga eksperto at baka maging malaking problema pa ito. Parang kagaya ng ginawa niya ang ginawa ni Red sa kaniyang totoong lakas, isineal niya ito.
Ang Evil Race ay tinaguriang pinakamalakas na race. Kahit ang mga demon ay mapipilitang iyuko ang kanilang mga ulo kapag nasa harap ng isang evil.
Napuksa at naglaho lang ang evil race dahil sa ang lahat ng race ay nagtulong-tulong para tapusin ang maliit na bilang ng mga evil. Kahit nagtulong silang lahat at hindi ganoon kadami ang miyembro ng evil ay napakalaki ng pinsala na natamo nila. Ang iba pa ngang race ay tuluyang naglaho at nabura sa kasaysayan dahil sa pakikipagpartisipasyon sa laban.
Kaya ang bawat miyembro ng evil race ay talagang napakalakas.
Ngayong inilabas na ni Zac ang totoong anyo niya at tinannggal na ang mga mana na nagsi-seal ng kaniyang Evil form ay hindi niya mapigilan ang magulat.
Pakiramdam niya ay walang hanggan ang physical na lakas ng katawan niya. Kahit ang rank 3 niyang mana core ay mas lumaki ng kaunti at ang mana na kayang ipunin ng katawan niya ay mas dumami.
Ang pagtaas palang ng mana core niya dahil sa evil form ay maikukumpara na sa rank 4 early stage. At kung idadagdag pa ang parang walang hanggang lakas ng katawan niya ay siguradong kahit rank 4 early stage ay hindi na siya magagawang tapusin.
"Ha? Ang itim na bumabalot sa katawan niya? Evil race?" Nakangiting saad ng lalaki at kita sa mga mata niya ang pagkasabik.
Ang itim na bumabalot sa katawan ni Zac ay pamilyar sa kaniya, isa siyang leader ng branch ng isa sa mga pinakamalaking grupo ng mga bandido, kaya ang kaalaman niya ay malawak. Ang itim na bumabalot sa katawan ni Zac ay makikita lamang sa mga Evil Race na matagal nang naglaho.
"Pero isa kalang rank 3 at naglalabas kana agad ng napakadelikadong aura?" Saad ng bandido. Ang matagal niyang kinikimkim na galit sa binatang pumatay sa mga kasama niya ay parang nawala na sa kaniyang isipan.
Ang nakikita niya nalang sa harap niya ay isang napakahalagang kayamanan na kailangan niyang makuha kahit anong mangyari. Kapag nakuha niya ang evil blood nito at nagawang ihalo sa kaniyang katawan ay magagamit niya ang mga sikat na paraan ng evil race sa pagpapalakas ng kanilang mga sarili.
Ininat-inat ng bandido ang leeg niya at biglang nabalot ng makapal na mana ang buong katawan niya. Nabalot ng mahinang asul na liwanag.
Ang mga rank 4 lang ang may kakayahang manipulahin sa ganitong level ang kanilang mga mana.
Walang kahit anong babala ay bigla siyang tumakbo pasugod at nang tumingin si Zac sa direksiyon niya ay nasa harapan niya na ang malahiganti nitong katawan. Nakahanda na rin ang kamao ng bandido para sumuntok.
Binigyan niya ng malakas na suntok si Zac sa mukha. Kahit na matangkad na ang binata ay mas maliit pa rin siya dito kaya hindi niya na kailangan pang pahirapan ang sariling ibahin ang pagtana ng kamao para gawin ito.
Sa harap ng binata ay ang malaking kamao na papalapit sa mukha niya. Itinaas niya nang pa-X ang dalawang braso at hinarang sa mukha para salagin ang suntok.
Nang tumama ang suntok ay parang bala ng baril ang katawan ni Zac na tumalsik palayo. Tumama siya sa pader at bumakat dito habang naka pa-X pa rin ang mga braso niya.
Napahinto ang bandido at tinignan ang kanang kamay niya. Itim na kamao ang bumungad sa kaniya at hindi siya makapaniwala sa sobrang init na nararamdaman, para bang sumuntok siya sa isang lava.
"Ang mga itim na bumabalot sa katawan niya." Lalong sumeryoso ang ekspresyon niya nang maranasan ang totoong abilidad na taglay ng isang Evil.
Pero hindi naman nauwi sa wala ang pinakawalang suntok dahil sa nakita niyang ang dalawang braso ni Zac ay medyo tabingi, nabali ito agad, patunay na sa physical na lakas eksperto ang bandidong ito. Hindi kagaya ng iba na bumabase sa elemento.
Ang nabaling braso ni Zac ay unti-unting bumalik sa dati. Tumalon siya pababa sa pagkakabakat sa pader at itinapat ang kaniyang kanang palad sa bandido.
May kakaibang enerhiya ang namumuo sa palad niya na nagbigay ng kaba sa bandido kaya sinugod niya agad si Zac.
Habang palakas ng palakas ang enerhiya ay bigla siyang napaisip. Hininto niya ang papakawalang atake at nagsalita."Mas mabilis palang mapapansin ng iba ang enerhiya ko 'pag gumamit ako ng enerhiya ng mga evil."
Ang mga evil ay may kakaibang enerhiya sa katawan na sila lang ang pwedeng gumamit. Kahit walang spell o skill na alam si Zac ng mga evil ay kaya niya pa rin magpakawala ng enerhiyang ito para pumaslang ng kalaban.
Nang ihinto niya ang planong pag-atake ay hindi agad siya nakareak sa papalapit na bandido.
Nasa harap niya na ang bandido at ang braso nito ay nakataas na parang martilyong pupukpukin ang ulo ni Zac. Sinalag ulit ni Zac ang suntok gamit ang dalawang braso.
Nang tumama sa ulo niya ang atake ng bandido ay lumubog ng ilang pulgada ang mga paa niya sa sahig na parang pakong pinukpok ng martilyo. Pinukpok ulit ng pinukpok ng bandido ang binata.
Pangatlong pukpok niya sa binata gamit ang kamao niya ay hindi niya na nakayanan ang init at umatras saglit palayo.
"Ganito ba talaga katibay ang katawan ng mga Evil? Kahit rank 4 early stage ay siguradong mamamatay sa kahit isang atakeng sa mga pinakawalan ko." Tinignan niya ang kanang braso niya at ang hinliliit niyang daliri ay parang malulusaw na sa init.
Binalot niya pa ng mas makapal na mana ang kamay para gumaling sa pagkalusaw.
"At bakit kayang gumaling ng katawan niya kahit na seryoso ang natanggap niyang injury? Wala namang nasabing kakayahang gumaling sa sugat ang mga evil ng walang manang ginagamit." Pagtataka niya. Kung gumamit ng mana si Zac para pagalingin ang mga sugat niya ay mararamdaman ito ng bandido, pero wala siyang naramdaman na kahit kaunting mana.
Wasak na ang paligid nila dahil sa lakas ng pwersang namuo na tumama sa paligid. Itinaas ni Zac ang mga paa niya para tumayo sa pagkakalubog at kumuha siya ng bato sa sahig na halos kasing laki ng kamao niya.
Binalot niya ng mana ang bato para hindi agad ito malusaw. Ibinato niya ito sa bandido gamit ang buong lakas, napakabilis ng papalapit na bato, kahit normal na bato lang ito ay naramdaman ng bandido ang pagiging delikado nito.
Pagkahagis ng bato ay bigla rin tumakbo si Zac pasugod kasabay nito. Pero higit na mas mabilis pa rin ang bato kaya naiwan siya ng kaunti.
Nakita niya ang mga galaw ng binata. Kahit na alam niyang sumunod si Zac sa bato ay hindi niya na ito binigyan pa ng pansin at tumalon sa kaliwa gamit ang buong lakas niya para mailagan ang napakabilis na bato.
Gamit ang buong lakas ay nagawa niyang ilagan ang bato. Habang nasa ere pa siya dahil sa pagtalon ay inilipat niya na sa binata ang atensiyon. Pagtingin niya sa kanina nitong kinalalagyan ay bigla siyang nawala.
'Nasan siya? Hindi maganda 'to! Hindi ako makakagalaw habang nasa ere.' pinilit hanapin ng bandido ang binata habang nakalutang pa rin siya sa ere. Ngunit kahit anong hanap ay hindi niya ito makita.
Padikit na ang mga paa niya sa sahig kaya naging mas kampante na siya. Nang dumikit sa sahig ang mga paa niya ay biglang sumulpot sa gilid niya ang binata.
Nakaamba na ang kamao niya at mabilis na sinuntok sa bibig ang bandido. Pagtama ng kamao niya ay nakaramdam ng matinding init sa bibig ang bandido kasabay ng malakas na pwersa na nagtanggal ng ilan sa ngipin niya.
Tumalsik pataas ang bandido.
"AAAAAHH!" Sigaw nito habang nasa ere. Pakiramdaman niya ay nasusunog ang bibig niya at sobrang sakit nito.
Tumalon si Zac pahabol sa bandido at sinuntok ito sa tiyan. Tumalsik pababa ang likod ng bandido at bumakat ang katawan niya sa sahig. Kita sa mukha niya ang matinding sakit na iniinda.
"Papatayin kita!" Galit na banta nito habang ang bibig niya ay parang uling na sa itim.
Habang nasa ere ay halos limampong yelong patalim ang namuo sa likod niya. Bawat isa sa mga ito ay mas malakas pa sa kaninang mga ginamit niya laban kay Red.
Ini-atake niya ang mga yelo sa nakahandusay na bandido. Binalot niya ang katawan niya ng mas makapal na mana at nang tumama ang mga yelo ay nagsidurog ito at walang masiyadong nagawa sa kaniya.
Pagtapak ni Zac sa sahig ay tumama na lahat ang Frigid Qi niya.
Bumangon ang bandido at mabilis na tumakbo pasugod sa binata. Bawat hakbang niya ay bumabakat sa sahig dahil sa mas lalo siyang bumigat nang lalo niya pang binalot sa mana ang sarili. Kahit bumigat ay hindi naman nabawasan ng kahit na kaunti ang bilis niya.
Ipinorma niya ang mga daliri niya na parang pusang mangangalmot. Mabilis niyang inihawi ang kamay sa leeg ni Zac.
Kahit sabihin nating kaya mong gumaling ay wala rin ito kung mapupugutan kita ng ulo.
Hindi sinalag ng binata ang atake ng bandido, kun'di ay inihanda niya rin ang kamay niya at isinaksak ang mga daliri sa dibdib ng bandido. Parehas na nilang napakawalan ang mga atake at ginamitan ng malakas na pwersa, kaya kahit anong mangyari ay didiretso at didiretso rin sa huli ang mga atake.
Naaunang nagpakawala ng atake ang bandido at halos magkasing bilis lang sila, kaya unang tumama ang atake niya. Nang dumikit ang mga kuko ng kamay niya sa leeg ni Zac ay para itong tumama sa matigas na bagay pero kahit ganoon ay nagawa niya pa ring mahiwa ng mga kuko ang leeg ni Zac.
Bago tuluyang mapugutan ng ulo si Zac ay dumiretso rin sa dibdib ng bandido ang mga kuko niya. Kaagad namang nakakilos ang kalaban at naigalaw ng kaunti ang katawan niya. Kaya ang target ni Zac na puso nito ay napunta sa bandang tiyan.
Pagkasaksak ng mga kuko ni Zac sa bandido ay agad itong tumalon palayo.
"hahahaha! Evil race! Mas magiging malakas na ako!" Masayang tawa niya kahit na humina ang katawan niya ng kaunti dahil sa tiyan niya na may malaking sugat at marami ang dugong tumutulo dito.
Matagal na siyang na-stuck sa rank 4 mid stage kaya medyo nanghihina ang loob niya na baka hindi na siya makaangat pa sa rank 4 peak stage. Kaya kapag nakuha niya na ang dugo ni Zac at naging matagumpay sa plano ay kahit ang imposibleng rank 5 na ni hindi niya pinangarap ay magiging posible.
Pero ang saya sa mukha niya ay biglang naglaho ng makita niyang ang ulo ni Zac na nasa sahig ay biglang naglaho at ang katawan niyang nakatayo pa rin hanggang ngayon ay biglang tinubuan ng bagong ulo.
"Halimaw! Paano siya gumagaling sa mga atake? Kahit ang ulo niya na ang tinarget ko ay nagawa niya pa ring gumaling." Nakatingin siya kay Zac na parang hindi ito tao. Hindi niya rin namalayan na humahakbang na pala siya paatras sa takot. Ang presyur na nararamdaman niya ngayon ay lalo pang lumaki.
Umatras siya at ginamitan ng mana ang sugat para magsarado ito at hindi na siya mabawasan pa ng dugo.
Ang mga rank 4 ay isa na sa mga eksperto na kinatatakutan sa mga lungsod dahil sa mataas ng antas ng paninipula nila sa mana. Ang pagsasara ng mga sugat pansamantala ay madali nalang para sa kanila, pero gaya ng iba ay kailangan pa rin nilang uminom ng mga healing pills o magpahinga ng maikling panahon para tuluyang gumaling ang sugat.
Dahan-dahang umaatras ang bandido papalapit sa nakahigang walang malay na si Red. Hindi rin sigurado ang bandido pero kahit walang malay ang binata at pwedeng-pwede niyang atakihin ay hindi ginawa ng kabilang panig. Ngunit maganda naman din ito para sa kaniya, ramdam niya ang antas ng lakas ni Red at pwede niya itong pagkakitaan ng malaki kung ibebenta niya sa mga noble o kaya naman ay hihingi ng ransom para sa grupo o pamilya nito.
Nang makalapit na siya sa katawan ni Red ay binalot niya ng barrier ang halos sampong metro ng paligid nila. Upang hindi siya magalaw ng kalaban habang ginagawa niya ang isang bagay.
"Tatagal naman na ang barrier na ito sa loob ng ilang minuto kahit atakihin niya pa ito!" Wika ng bandido. Paluhod siyang umupo sa tabi ni Red at itinapat niya ang kaniyang mana sa dibdib nito.
"Hindi ko kakayaning mag-isa ang halimaw na'to." Sambit niya habang nakatingin sa walang malay na si Red.
Nabalot ng asul na liwanag ang kamay niya na pumasok sa katawan ni Red. Unti-unting nagkaroon ng lakas ang katawan ni Red at dahil sa taglay niyang rank 4 na lakas ay mas bumilis ang paggaling niya. Makalipas lang ang ilang sandali ay biglang bumukas ang mga mata niya at nagkaroon na siya ng malay.
"Sino ka?" Malamig na tanong niya sa bandido.
Hindi na nagsayang ng oras ang bandido at ipinaliwanag agad ang mga nangyari.
Tumayo ang bandido at ganoon din ang ginawa ni Red. Sa harapan nila ay ang halimaw na kailangan nilang patayin.
(Finished)