Inabutan kong nakasalpak sa sofa si Debra..
Asar na asar ako sa kanya..
Kaya pala di sinasagot ang tawag ko
Nanonood na naman ito ng Korean Drama..
KDrama fanatic ito..
Bagay na di namin napagkasunduan..
Sa totoo lang di ko alam bakit adik na adik syang panoorin ang ganung palabas samantalang hirap sabayan ang mismong flow ng palabas tapos sasabayan ng Pagbabasa ng sub-titled nito..
Naabutan kong nagpupunas ito ng luha habang tutok na tutok ito sa pinapanood naka nga nga pa ito..
Mabilis kong dinampot ang remote sa center table at mabilis pa sa kidlat na pinatay ko ang TV..
"Hey! Akin na yan bruha"
Naningkit ang mga mata ko sabay iwas sa remote na pilit niyang inaagaw sa akin..
"Papatayin kita Cassandra akin na yan..kawawa naman ang baby Lee Min Ho ko.."
"Shut Up!" Sikmat ko sa kanya..
Pinankakihan ko siya ng mata..
Mula ng dumating ako sa apartment ko kanina at nakapagload tinatawagan ko na siya...ayaw niyang sumagot..kaya pala nag eemote itong manood ng Korean Drama..
Alam kong broken hearted siya dahil kagabi lang ang break up nila ng jowa niyang mukhang Alimango!
Sa mukha nitong miserable di malayong nag drama na naman ito mula umaga pa.
Ang luhang kanina pa pinipigilan ni Debra..nauwi sa malakas na iyak..
"Hey Anong nangyari sayo"
Naghihintakutan kong tanong..paano ba naman kasi ang lakas ng palahaw nito akala mo kakataying baka..
"Basag na basag ang puso ko kagabi Cassie..isipin mo yun nakita ko si Erik at babaeng yung naghahalikan..and he even blaming me for his termination"
Gusto kong matawa sa itsura ni Debra..Magkahalo na ang luha at sipon nito at nagkakamatis ang ilong nito..
Bumuntong hininga ako umupo sa tabi niya..hinimas himas ko ang likod nito..
Inabutan ko ng tissue para naman malinis niya ang mukhang miserableng miserable..
Sunod sunod ang punas nito sa luha at sipon nito..
"You really love that Bastard..Do you?
"Yes i do" Agarang sagot nito suminghot singhot pa habang hawak hawak ang dibdib nito.
Naiinis na ako kay Debra ang tanga tanga nito..harap harapan na nga siyang niloko at binasura pero heto pinag aakasayahan ng walang kwentang luha ang tipaklong na yun..
kaya sa sobrang inis ko sa kanya binatukan ko siya ng ubod ng lakas..
Baka kong sakali magising siya sa katangahan niya..
'Ouch! thats hurt Cass!"
Napangiwi ito habang sapo sapo ang ulong binatukan ko..
"Tanga mo! Bakit nagsasayang ka ng luha at sipon sa lalaking yun Deb..He is not worth it gusto mo iuntog ko yang ulo mo sa pader baka mahimasmasan ka sa kagagahan mo"
Akma kong hahawakan ang ulo niya pero lumayo siya..
"Yun na nga eh ..Akala ko mahal niya ako..tulad ng sinabi niya..yun pla.. yun pla..pinaglaruan lang ako"
Humikbi ito uli..
"Exactly! Kaya tigilan mo yang drama mo..di ka nakakatuwa..tumataas ang alta presyon ko sa kakaiyak mo"
Hinamig nito ang sarili tapos bumaling sa akin..
"Teka anong nanyari sayo kagabi..bat bigla ka na lang nawala
Sinundan kita sa comfort room pero di kita makita doon..hinanap kita ng hinanap pero wala ni anino mo..kaya nga nakita ko si erik at babaeng yun dahil sa kakahanap ko sayo..Anong nangyari sayo"
Napasapo ako sa ulo ko..
Seems like kahit si Debra walang idea sa nangyari sa akin..
"Yan din sana ang itatanong ko sayo kaya ako nandito..Naguguluhan ako Debra..di ko alam bakit ako humantong sa Mansion at Sa mismong kwarto ni Natividad Jr.."
"WHAT? You mean the Hunky Papalicious heir ni Chairman Natividad?
Omygad Cassie..Magkuwento ka..Nakipag One night Stand ka sa big boss"
Tinampal ko ang balikat nito..dahil alam ko ang tinatakbo ng madumi nitong isip..
"Siraulo ka..walang nangyari"
"Weah di nga Cass..sinabi mo sa kuwarto ka natulog ano naman ginawa niyo nag jak en poy boung magdamag?
"Lasing ako gaga..wala akong matandaan kagabi sa mga nangyari at di ko matandaan bakit nagising ako kaninang umaga sa kuwarto ng anak ng big boss "
Ngumuso si Debra..somehow naging maaliwalas na ang mukha nito..
"Exactly lasing ka nga at walang matandaan..teka hubot h***d ka ba ng magising Cassie?
"May damit ako Gaga! Binihisan ako dahil punong puno daw ako ng suka kagabi"
"Sino nagbihis sayo?
OHMYGAWD again Cassie! Dont tell me ..Dont tell me.Si Natividad Jr. ?
Di ako makasagot dahil alam kong tama ang hula ni Debra..
"Di kaba nakaramdam ng p*******t ng katawan nung magising ka or paghapdi ng Femfem?"
Napatawa ako ng malakas
Ang exaggerated ng bruha..
"Deb alam ko ang sarili ko.wala akong naramdaman kakaiba and i know walang nangyari sa akin na ikakasira ng puri ko"
"So You mean beergin ka padin..tsk tsk tsk ! pagkakataon muna sana yun Cassie...A dream cometrue! Bat ka kasi natulog sa pansitan"
Kinagat kagat ko ang kuko ko di ko alam ano ang iisipin ko..
I took a deep breathe..
Naalala ko ang guwapong mukha ni Nathan..
Kahit nakasimangot ito
At lukot ang mukha nito
Gwapong guwapo pa din ito..
Napangiti ako ng maalala ko kanina paglabas namin ng Forbes Park Subdivision..
Inihinto nito sa isang kilalang Botique ang sasakyan nito..
Hiyang hiya pa akong bumaba sa sasakyan dahil nakapaa lang ako
Baka mapagkamalan pa akong Bajao na pakalat kalat sa Manila..
At isa pa nahihiya ako sa itsura ko
Alam kong amoy araw at pawis ako
Pasikreto ko pa ngang hinimas kili kilo ko at pasimpleng inamoy ito..
Wala naman akong putok
Malinis ako sa katawan..
Binilhan niya ako ng limang pares ng Flat sandals..
Tumanggi pa ako dahil halos malaglag ang eyeballs ko sa sahig sa halaga ng mga dinampot niyang sapatos..
ALDO..
MICHAEL KORS
VALENCIAGA
Nagpatanggi tanggi pa ako kahit ang totoo gustong gusto ko naman..
Pero walang salita nitong binayaran at limamg pares ng sandals..
Kilig na kilig ako kanina
Pero siyempre di ako nagpahalata.
"Anong ngini ngiti ngiti mo dyan?
Nabalik ako sa kasalukuyan ng magsalita si Debra..
Umiling ako..
Sinarili ko na lang ang kilig na narardaman ko bka pag nagkuwento ako lalamugin niya ako ng hampas..
Mapanakit pa naman si Debra pag sobrang saya nito..
"Agahan mo ang pasok bukas Cassie..Alamong may kaso pa tayo..at kung wala tayong magaling na abugado..Ma eexile tayo sa GRN..
Malamang sa malamang di palalampasin ni Asim ang eskandalong ginawa natin nung nakaraang gabi.."
Natigilan ako..nawala sa isipan ko ang banta ng Marketing Director namin kagabi..
"Do you think so tatanggalin niya tayo sa trabaho Deb?
"Pag nakarating sa taas ang issue may posibilidad na matanggal tayo Cassie.."
Bigla akong kinabahan
Nandun ang anak ni Rufus Natividad Sr..
Di ako pwdeng mawalan ng trabaho
Ako ang nagpapaaral kay Jonathan..
Sa akin nakaasa ang kapatid ko
Kawawa naman siya kung matigil sa pag aaral..malaki ang pangarap ko sa baklitang kapatid ko..
Napapikit ako ng mariin at napasandal sa sofa..
Biglang sumakit ang ulo ko
Biglang inagaw ni Debra ang remote na hawak ko..
Binuhay nito ang nakapatay na flat screen tv sa harapan namin..
"Mula ngayon kay Lee Min Ho na lang ako Cassie..di niya ako sasaktan..di niya ako lolokuhin..hanggang sa huli ipaglalaban niya ako..ako lang ang mamahalin niya at di ako pagpapalit sa mukhang tingting na naglalakad"
Napa ismid ako
Alam ko na ang hugot niya at saka
Sorry na lang siya di ako fan ng mga korean actor..
Feeling ko pare parehas ang mga pagmumukha nila..
Mas gusto ko pang tingnan ang pagmumukha ni Thor..
Pag ako nagbuntis pupunuin ko ng Picture ni Thor ang kuwarto ko..
Sarap pag lihian ang mukha nito..
Boses pa lang nito kaya na yata nitong mapatid ang garter ng Panty ko..
At higit sa lahat nag uumapaw ito ng sense of humor..
Napangiti uli ako..
Nathan and thor..
Sila lang naman ang dalawang lahi ni Adan nagpapakilig ng husto sa akin..
Nilingon ko si Debra
Nakatingin lang ito sa screen ng TV.
Pero alam ko wala doon ang isipan nito..
Malungkot ang mukha ito..
Lumapit ako at pinisil ang kamay nito..
Inakbayan ko siya ..
First of all best friend ko siya.
Im the one who should comforting her because she is so down right know..
Niyakap ko siya..
Para iparamdam sa kanyang andito lang ako..
"Deb..You know that even you wish
someone to want you, there was nothing you could do to make it happen. .
Whatever you did for them, whatever you gave them, whatever you let them take, it could never be enough.
Never enough to be sure. Never enough to satisfy them. Never enough to stop them walking away...
Tumingin ito sa akin ng masama..
"Tagalugin mo Cassandra..alamong brokenhearted ako..ibig sabihin pati utak ko di gumagana lalo na sa english english na yan"
Napakamot ako ng ulo
Paano ko tatagalugin yun kung nabasa ko lang sa isang website at pilit kong minemorya..
"You know what? Dito ka lang bibili ako ng cornetto dyan sa tindahan..
They said ice cream is the best medicine for brokenheart"
Tumayo ako at naglakad na palabas sa pintuan..
Pero napahinto ako ng magsalita si Cassandra.
"Ayaw ko ng Cornetto..Gusto ko ng halo halo"
Bumalik ako sa sofa..sarap talagang sipain toh..pasalamat siya at brokenhearted siya kundi kakalbuhin ko ang bangs niya..
"Fix your self and get dress..Treat kita sa chowking"
Muli akong sumalpak sa sofa..
"Sana araw araw brokenhearted ako para lagi mo ako nalilibre"
Ngumiti ito ng matamis..sabay tayo at kumindat pa sa akin..
"Binabawi ko na..diyan lang tayo sa labasan ..masarap naman ng halo halo ni aling Ising ah..bukod sa 10 pesos lang makakatipid pa tayo"
"No Way Cass! kita mong di nagaisipilyo yung tindera niya"
Napangiwi pa itong parang diring diri..
"BAKIT ngipin ba niya ginagamit na ice crusher?"
"Shut up! Basta ilibre mo ako ng halo halo kung ayaw mong umiyak ako dito boung magdamag"
And that's the blackmail!
"Ok fine..fine bilisan muna uuwi ako diretso pagkagaling natin sa Chowking bka dumating na siJonathan galing Pampanga..di ako datnan at magtatalak na naman.."
Mabilis itong pumasok sa kuwarto..
Napabuntong hininga ako..
Naaawa akong naiinis ako kay Debra
Napaka babaw nito
Kaya laging nasasaktan..
Kung gaano ito kadaling mainlove
Ganun din ito kabilis masaktan..
Siguro di ko siya maintindihan ngayon dahil wala ako sa kalagayan niya..
Diko pa naranasan ng magmahal ng totoo..
Kaya di ko parin naranasang masaktan ng todo..
Pumikit ako..
Parang tuksong lumitaw sa imagination ko ang mukha ni Nathan Alegre!
Ang gwapo gwapo niya talaga...
Pero there's something in his Eyes......
COLDNESS AND SADNESS..