Chapter 4: Cassie

3065 Words
Crystal chandelier ang unang tumama sa nanlalabo kong matang puno ng muta ng unti unti kong ibukas.. Teka kailan pa nagkaroon ng chandelier ang kisame ng apartment ko? Eh halos isang anay na lng ang di nakakapirma pwde ng bumagsak ang kisame nun.. Tinampal tampal ko pisngi ko..sabay kurot baka nanaginip lang ako.. Aww! Masakit.. Isn't a dream! Napabalikwas akong bigla At lalong lumaki ang mata ko! Isang malawak na silid ang kilalalagyan ko! Omygad! Saang kaharian ako dinala ng mga paa ko? Mabilis kong tsinek ang sarili ko. Anak ng dilis! Im just wearing big size white tee shirt! Above my knees.. Well suot suot ko pa nmn ang kulay itim na Victoria Secret lace na underwear ko na inutang ko ng installment kay Christopher.. Ang baklang yun ang swapang.. Hinilot ko sintido ko..pilit kong inaalala ang mga huling sandali bago ako nawala sa sarili ko.. Pero sumakit lng ang ulo ko. Wala akong matandaan.. Hang over! Iginala ko ang mga mata ko..halos malaglag ako sa kama ng makita ko ang clutch bag kong kulay itim na nakapatong sa center table na nasa gitna ng sofa..mabilis akong bumaba at patakbong kinalkal ang bag ko nakita kong bou pa nmn lahat ng laman nakahinga ako ng maluwang akala ko nawala na cellphone ko. Napayakap pa ako sa Phone ko.. My baby..kala ko nawala na.. Pero teka nasaan ako? Inilibot ko uli ang mga mata ko.. At napasigaw ako ng biglang bumukas ang pinto.. Literal na naka nganga ako ng makita kong may lalaking lumabas..pero lalong napalakas sigaw ko nung makilala ko sino ang greek god na lumabas sa pintuan.. Nathan Alegre! Or should I say.. Gregory Rufus Natividad Jr.. Whoever He was... It didn't change the fact that he is smokin hot! with that black towel wrapped on his waistline.. Katapusan na yata ng di pa bayad na Victoria Secret Panty ko.. Tumingin ito sa akin..bigla akong na-concious sa sarili ko..for the first time in forever sabi ni Ana sa frozen...ngayon ko lang nakita ng malapitan ang long time crush ko.. Gusto kung maihi sa kilig.. What happened? Bakit ko siya kasama at paano ako napunta dito? Oh mygad! Ano kaya itsura ko.. Baka amoy laway ako o di kaya may naninigas na laway sa pisngi ko.. Yuck! "Bakit ako nandito?" Parang tanga kong tanong.. Pero sa katawan at abs niya ako nakatingin.. Nagbabadyang tumulo ang laway ko kaya napalunok ako ng sunod sunod.. "Miss sa sunod kong uminom ka.. kung di kaya ng utak at katawan mo..wag muna subukan uli" "Ang tanong ko bakit nandito ako..sagutin mo muna bago ka manermon? Sarkastika kong sagot sabay taas ng kabilang kilay ko.. Pilit kong ginaya si Cherrie Gil.. Oh! How i love that woman for being such a villain.. "You dont remember..do you? He ask me with very serious tone.. "Isn't Obvious? Magtatanong ba ako kung may naaalala ako?" Kailangan kong magtaray at magkunwaring di apektado sa kaguwapuhan niya.. It's my defense Mechanism.. Para pagtakpan ang kabang bumabalot sa boung sistema ko.. Sa halip na sagutin ako.. Parang napipikon itong dumiretso sa built it Cabinet napasunod ako ng tingin sa kanya.. And that a*s! "Stop staring at my a*s lady" Paano niya alam na nakatutok mga mata ko sa pwet nya..may third eye yata ito eh.. Sinundan ko siya wala akong pakialam kung ubod siya ng hot.. At nakakapaso.. Burn me baby burn me! Pero kailangan ko ng sagot at hustisya.. "Answer me" I demanded..Sa lahat ng ayaw ko yung dinededma ako lalo na ng mga guwapong lalaki.. Bigla pa akong napahawak sa braso niya.. he is about to open the cabinet.. Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa mga braso niya.. Naniningkit ang mga mata nito.. Ang Arte! Ismid ko. "Take off your hand on my arms lady" Parang napapasong bigla ko siyang binitiwan.. Ano ba kasi pumasok sa kukote ko at napahawak pa ako.. Umismid ako..kahit dead na dead ako sa lalaking ito hinding hindi ako magpapahalata.. Nunca! Fine! Kung wala siyang maisasagot Bahala siya.. Mabilis akong bumalik sa kama at hinanap mga damit ko.. Uuwi na ako.. Tatawagan ko si Deb.. Siya ang kasama ko kagabi. Ang alam ko inaawat niya ako Dahil napaparami ako ng inom Sa party aba minsan lang malibre ng mamahaling inumin and besides weekend walang pasok kaya pwde matulog hanggang tanghali.. And Debra was there with me siya ang makakapagbigay linaw sa sinapit ko kagabi at sa sitwasyon ko ngayon.. Kinuha ko ang phone ko.. Idinial ko ang #. niya.. Napamura ako ng lihim.. Expired na pala ang registration kong 25 pesos one day Unlimited call and text sa GLOBE.. Nasaan ang damit ko? I can't find it anywhere sinilip ko pa sa ilalim ng kama pero wala parin.. Ipinikit ko uli mata ko Wala talaga akong maalala.. Nakakainis naman kasi bat ang hirap kausapin ng lakaking ito.. Paano ako uuwi ng ganito itsura ko? Naisuklay ko ang mga daliri ko sa gusot kong buhok.. "Pinatapon ko ang damit mo.. paano mo susuotin uli kung halos maligo ka sa sarili mong suka" Biglang umurong ang dila ko.. Ano ba kasi ginawa ko kagabi? Bakit ang hirap alalahanin.. "I vomitted?" Parang sarili ko lng ang tinanong ko..gusto kong lumubog sa kahihiyan.. " Yes ..You look so wasted last night and you even passed out" Nilampasan niya ako..nakabihis na ito ng Black Polo Shirt at faded denim jeans.. Oh mygad! Ang gwapo nito parang ang bango nito sarap singhot singhutin.. "Now..clean up your self Miss Whoever you are... Sakong punong puno ng lata na lng kulang sayo..pwde ka ng mag lakad sa kahabaan ng EDSA sa itsura mo..Nasa kusina lang ako sumunod ka na lang kung gusto mong kumain ng breakfast" Tinapunan niya uli ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago tuluyang lumabas.. A mocking smile form on his damn! sexy lips..And he look once again at my long flawless legs saka walang lingon lingon lumabas.. Antipatiko! Buwisit! Nagmamadali kong tiningnan ang kabuuan ko sa life size mirror malapit sa built in cabinet.. And He is right! Gusot ang hanggang balikat kong buhok nagkalat ang mascara sa gilid ng mata ko.. lata na nga lang talaga kulang ko pwde na akong mamalimos sa kahabaan ng EDSA at pwde nang taga kaladkad ng sako.. Ang ganda ko namang beggar! Napakagat ako ng pang ibabang labi.. Anong kahihiyan ang ginawa ko.. Mabilis akong pumasok sa pintong sa tantiya ko ay banyo.. Literal na napanganga ako.. Ang laki at ang ganda ng bathroom.  Kasing laki na yata or higit pa sa kabuuan ng apartment ko.. Mabilis akong naghilamos..at nagmugmod.. Inilibot ko paningin ko sa kabuuan ng banyo.. Baka may makita akong spare toothbrush..pero wala nag iisa lang nakita ko.. And i bet sa kanya toh.. Hmppp! Di nga lng natatakot akong may secret cctv cam sa banyo na ito baka kiniskis ko na ang toothbrush niya sa inidoro ng makaganti ako.. Ang suplado kasi.. Ganun naman tlga si Nathan Alegre kahit nung baliw na baliw ako sa kanya noong Varsity Player pa siya Tahimik ang personality nito at parating tikom ang bibig nito at andamot sa salitang ngiti.. His mysterious look suits him very well.. Tiningnan ko sarili ko sa Mirror.. Gusto kong maligo pero ano ang bihisan ko? Inayos ko ang sarili ko.. Mabilis akong lumabas sa banyo.. Nagulat ako ng may 2 unipormadong katulong na nakatayo malapit sa kama.. Alanganin ang ngiti ko sa kanila. "Good Morning Maam.." Nilawakan ko na ang ngiti ko sa kanila kahit pa di ako nagsipilyo hindi naman mabaho ang hininga ko at wala akong tooth decay at nakausling ipin.. May hawak na Paper bag ang isa at tray naman ang hawak ng isa may lamang pagkain.. "Maam heto daw po bihisan nyo sabi ni Sir Greg..magbihis na daw kayo..at kumain ng agahan" Alanganin kong inabot ang paper bag.. "Nasaan ang mga damit ko?" Nagbabskasakaki akong nilabhan nila at itinabi yun.. Napakamot ng batok ang isa.. "Eh maam ipinatapon na po ni Sir" Nadismaya ako...ang mahal mahal ng damit na yun..pilit na pilit pa ako noon habang nagbabayad sa cashier ng FOREVER 21 dahil nag dadalawang isip akong bayaran dahil may kamahalan pero itatapun lang.. "Saang basurahan at kukunin ko" "Eh maam naitapon na po namin ang basura kaninang umaga sa labas" Napalatak ako..tumango lng ako wala na ako magagawa pa.. "Cge po maliligo na muna ako" Ipinasya kong maligo..nanlalagkit ang pakiramdam ko..di uubra sa akin ang hila hilamos lng at ligong pato.. Wisik wisik lang tapos na.. Nagmamadali akong bumalik uli sa banyo..naligo ako ng mabilisisan kailangan ko ng makaalis dito.. Magpapaload ako pag labas dito tatawagan ko si Debra..para malinawan ako.. Binilisan ko ang ligo.. Kahit ang sarap sarap magbabad sa shower dahil sa maligamgam na tubig.. Isang bulaklaking kulay blue na bestida ang damit.. Alam kong may kamahalan yun dahil Michael Kors well not bad pampalit sa itinapong damit ko di hamak na mahal ito.. Bihis na ako ng makalabas ako sa banyo.. Parang gusto padin mangati ng katawan ko dahil isinuot ko uli ang underwear ko. Wala na ang dalawang katulong.. Marahil lumabas na sila.. Bigla akong nakaramdam ng gutom Ng nakita ko ang pagkaing nakapatong sa center table.. Mabilis akong kumain Kailangan ko ng makaalis dito. Parang nahihiya pa akong umupo sa Sofa This Place is What everybody's call Luxury.. Pero malaking katanungan padin sa akin bakit naging Anak ni Rufus Natividad si Nathan Alegre.. Nung College days ko.. Ang alam ko panganay na anak siya ng mga Alegre.. A family who owned the well known Cosmetics Company called Uniworld.. He has a younger sister.. Minsan Nabasa ko sa society page ng isang Magazine ang write ups tunglol sa Family Alegre.. And Nathan Alegre is the heir to that Company. Nakakalitong isipin na bigla na lng itong naging taga pag mana ni RUFUS NATIVIDAD.. Kesa sumakit ang ulo ko sa pag iisip sa drama ng buhay ng ex- crush ko Mabilis kong dinambot ang clutch bag ko at isinuksok sa kili kili ko.. Dinampot ko ang six inches stiletto at isinuot.. lumabas ako sa kwarto.. Di ko alam saan direksyon ko.. Namangha ako sa laki ng bahay..tinunton ko ang pasilyo hanggang humantong ako sa mataas at engrandeng staircase  Biglang sinapian ako ng takot.. How can i manage to step down on that stairs using the 6 inches stilletto.. Biglang may pangitain akong nakita sa memorya kong natapilok ako at nahulog sa mataas na hagdan hanggang magkalasog lasog ang boung katawan ko.. Napangiwi ako at napapikit ng mariin.. Kawawa naman si Nathan Alegre di niya mapapakinabangan ang katawang lupa ko.. Tinanggal ko ang sapatos ko at ipinasyang bitbitin na lang.. Dahan dahan akong bumaba habang inililibot ko ang paningin ko sa malawak na Sala habang isa isa ko ang bawat baitang ng hagdanan pababa.. The high ceiling Chandelier above the living room is spectacular.. Nag ala Rose pa ako sa Titanic. I held my chin high.. Na para bang isa akong royalty na bumaba sa engrandeng hagdan at hinihintay ni Prince Charming sa baba at may kagat kagat na white rose sa labi nito.. Ipinilig ko ang ulo ko Ambisyosa talaga ako Mahilig kasi akong mag day dreaming.. And true believer ako ng happily Ever After.. Nagpalinga linga ako dahil di ko alam saan ako lalabas sa laki ng bhay na ito pakiramdam ko maliligaw ako.. "Maam saan po kayo pupunta" Nag echo ang boses ng babae sa kabuuan ng Sala.. Nabitiwan ko ang hawak hawak kong sapatos sa kamay mo.. Lumikha yun ng malakas na ingay.. Bat naman kasi nang gugulat ito.. Ito yung isa sa mga katulong na pumasok sa kuwarto kanina.. Ngumiti ako ng pagka tamis tamis sa katulong.. "Ahh pwde pakituro sa akin ang pintuan palabas uuwi na kasi ako" Isinuot ko ang sapatos ko..kaya lalong nadagdagan ang taas kong 5'7.. "Maam yun nga po pinapasabi ni Sir Greg hintayin nyo daw siya ihahatid kayo pauwi..nasa Private office lang siya may tinatapos na trabaho" Dahil sa narinig ko.. Pinilit ko ang babaeng ituro ang pintuan palabas.. Masyado na akong nakakaabala sa precious time ng bagong boss namin.. Masyado ng nakakahiya . Mabilis akong lumabas sa double door at ipinasyang umuwi na kahit tinatawag ako ng katulong.. Ayaw ko na rin makaharap si Nathan baka maglaway na naman akong parang asong ulol pag nasilayan ko ang gwapo nitong mukha.. Pag labas ko isang malawak na lawn ang tumambad sa akin. Langhiya.. Lawit na dila ko pag dating ko sa Main Gate nito.. Ok lang sana kong di ako nakasuot ng higj heels.. Nasanay kasi ako sa doll shoes at flat sandals.. Dahil may katangkaran ako di ako nag woworry sa height ko. I decided to take off my shoes again Sa may damuhan ako dumaan para di masyadong masakit maglakad pag naka paa. .. Di ko maiwasang lumingon sa pinanggalingan ko.. Marami akong nakitang bahay na magaganda pero isa ang bahay na ito sa masasabing Perfect creation..  Napa ka Unfair talaga ng buhay.. Itong mayayaman ang lalaki ng bahay pero wala naman katao tao.. Samantalang ang mga mahihirap nagsisiksikang parang daga sa ilalim ng tulay o sa malilit na eskinita.. Tagatak na ako ng pawis dahil tirik na din ang haring araw.. Lampas alas diyes na.. Kaya masakit na sa balat ang sinag ng araw. lihim akong nagpasalamat dahil malapit na ako sa main gate.. Ilang metro na lng ako ng lumabas sa Gurad house ang Dalawang guard.. Dont tell me ihohold nila ako? "Good Morning Maam...saan po tayo?" Ngumiti ako sa kanila ng matamis..kahit tagatak ako ng pawis. "Ah eh uuwi na po ako manong guard pwde po niyo buksan ang gate sa akin? "Maam Sure kayo uuwi kayong maglalakad" Medyo nakangiwi pa ito habang tinitingnan ang bitbit kong sapatos sa kamay ko at sa mga paa kong nakatapak. "Siyempre ho manong guard alangan namang gumapang ako pauwi eh di naman ho ako Lumpo" Alanganing ngumiti ang guard sa pagsusuplada ko.. "Sure kayo Maam?" Tumango ako.. Baka kung ano pa lumabas sa bibig kong di kanais nais.. "Paki buksan na lang ho ang gate Manong" Kontrolado ang sariling sabi ko sa guard Bakit ang kulit nito At bakit big deal sa kanya kung maglalakad ako.. Dahil ba lugar ng mayayaman ito at isang kasalanan ang paglalakad dito ng walang dalang sasakyan.. Magtataxi ako. Im sure may makukuha akong taxi paglabas ko ng gate.. Sumaludo ang guard sa akin at pinisil ang hawak nitong maliit na device..remote yata yun.. Automarikong nagbukas ang gate ng dahan dahan.. "Cge po Maam goodluck..sa Labasan po kayo ng subdivision makakahuha ng taxi..bawal po dito ang public vehicles..Kailangan po ninyong maglakd ng mga isang kilometro pa bago niyo marating ang main entrance ng Subdivision" Inginuso ng guard ang daanan papunta sa main entrance ng subdivision.. Parang gusto kong magsisi. Pero huli na.. Kailangan kong panindigan ang sinabi ko sa Guard.. Pride ko ang nakataya dito.. Jusko! Tirik na tirik ang haring araw.. Napangiwi akong tiningnan ang mataas na sapatos sa kanang kamay ko.. Wala akong choice kundi suotin yun Kundi mapagkakamalan akong si Sisa.. Hinahanap ang dalawang anak na si Basilio at Crispin.. Isinuot kong muli ang kulay itim na stiletto ko.. Sinimulan ko ng maglakad Lumingon uli ako sa gate wala na ang guard at sarado na din ang gate na pinangalingan ko..  Mga ilang metro pa lang ang nalalakad ko pero tagatak na ang pawis ko.. Ano bang parusa at kamalasan ito? Napapamura ako ng mahina dahil sa init ng araw na tumatama sa balat ko Tapos masakit pa ang paa ko dahil sa letcheng sapatos na suot ko.. Kung may choice lang ako itinapon ko na.. Grabeng pasakit ang dulot sa akin.. Malayo pa ang mahal na araw pero heto ako daig ko pa ang nagpepenetensya.. Nakahinga ako ng maluwang ng makita ko ang isang may kalakihang puno.. Finally.. Ipinasya kong magpahinga na muna Ang lagkit ng pakiramdam ko. Naliligo ako sa sarili kong pawis Gusto kong magsisi dahil sa katigasan ng ulo ko.. Di ko pinakinggan ang sinabi ng katulong at ni Manong guard.. Nang maramdaman kong medyo relax na ako.. Ipinasya kong magpatuloy.. Magpapaa ako para mabilis akong makarating sa Main Entrance ng lintik sa subdivision na ito.. Bat naman kasi ang lalayo ng pagitan ng bahay dito? Titiisin ko ang init ng sementadong daan para makarating agad ako at makauwi.. Isusumpa ko ang araw na ito..pati ang oras , pati ang lugar na ito! Saang lupalop ba ako ng mundo kas? I'm too busy walking and thinking when all of a sudden.. Biglang may SASAKYANG huminto sa tabi ko.. Isang Color black Lamborghini.. Mukha ni Nathan Alegre ang nasa loob ng sasakyan! Mas masahol pa sa tigreng galit ang mukha nito.. Salubong ang kilay nito at ang dilim ng mukha nito.. 'Get in the Car Stupid Woman Are you that crazy for walking under the deadly heat of that f*****g Sun" Nagpanting ang taenga ko sa sinabi niya..boung buhay ko wala pang tumatawag sa akin ng stupida at baliw.. Stupid woman! Crazy! Lumapit ako sa sasakyan niya at yumuko.. "So doing an exercise and walking is some kind of Stupidity and craziness?" Lalong nagsalubong ang kilay nitong makapal..ang madilim na mukha nito..mas lalo pang dumilim.. "Just get in the Car lady...Bow down and lower your ego..Wala ka nang maipagmamalaki sa akin. I almost seen your n***d body,May nunal kapa nga sa singit eh" Ngumisi ito at tumingin sa akin ng nakakaloko.. Biglang nagtaas ang dugo ko sa narinig ko mula mismo sa bibig niya.. Ibig sabihin pinagsamantalahan niya ang p********e ko kagabi.. Niyurakan niya ang dangal ko.. Dinumihan niya ang puri ko! Haha assuming ko talaga.. Mabilis akong pumasok sa sasakyan at ibinato sa kanya isa isa ang sapatos ko Nawala sa isipan kong siya ang bigboss ng Company kung saan ako nagtatrabaho.. Pero ang hudyo ang galing umilag..isa isa nitong itinapon sa binta ang sapatos ko.. Great! Kagabi damit ko ang ipinatapon niya..ngayon sapatos ko naman ang itinapon niya.. He is getting into my Nerves! Nakakainis siya! Wala akong pakialam kung Boss ko siya.. "Anong ginawa mo sa akin kagabi? I almost shouted!Nagbabaga ang tingin ko sa kanya.. "Nothing.Don't assume lady,No worries,di ako naaakit sa mga babaeng amoy suka at patis at saka di ako natuturn on sa itim na So En underwear" I darted him with my killer look.. Gusto kong hubarin ngayon ang underwear ko at isaksak sa baga niya ang pangalan. VICTORIA SECRET at hindi SO EN..à PESTE SIYA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD