Chapter 3: Cassie

2509 Words
Sa totoo lang kanina ko pa inubos sa kakasabunot ang buhok ni Debra sa isipan ko.. Sinasabi ko na nga ba eh! Ititirik kami ng kotse niya sa daan.. It's her idea na sakyan namin ang kotse niyang sarap ipakilo sa Junk Shop o di kaya sa bote-bakal.. Late na kami sa Company Party na pupuntahan namin.. Sirang-sira na ang poise ko.. kanina pa niya pilit na pinapaandar ang sasakyan niya pero sa tingin ko.. Milagro na lang ang tanging pag asang umandar pa ito.. " Hay naku Debra tigilan mo na yan..wala ng pag asang umandar pa yan..kung ako sa'yo iwanan mo na lang iyan dito..bukas tumawag ka ng mga bumibili ng bote at bakal at ipakilo mo nlang iyan..tapos na ang kalbaryo mo dyan sa sports car mo" Nakahalukipkip kong sabi sa kanya.. Lumabas ako sa sasakyan..tatawag na lang ako ng Taxi.. Magtataxi na lang kami papunta sa GRN..doon din kasi gaganapin ang party.. Bukod sa naipit pa kami ng malupit na traffic Jam, Heto nga at nasira pa ang old model na Honda Civic ni Debra.. Lumabas na rin si Debra sa sasakyan..Finally, tuluyan na niyang isinuko ang natitirang pag asa niyang umandar pa ang sasakyan niya Pawis na pawis na ito..di ko maiwasang matawa sa hitsura niya..kanina todo paganda siya sa apartment ko ngayon kahit yata pinakamagaling pintor di na kayang ipinta ang mukha nito.. Pabagsak niyang isinaarado ang pinto ng sasakyan at di pa siya nakuntento..sinipa pa nito ang gulong..Napahiyaw ito ng tumama paa niya sa bagal na bahagi ng gulong... What a stupid move.. " Ilang kilo kaya itong sasakyan na ito? at magkano kaya kikitain ko pag ibenta ko ito?" Seryosong tanong nito sa akin..mabilis nitong inilabas ang make up kit at lipstick nito.. "Seryoso ka sistar?" "Mukha ba akong nagbibiro Cassandra Tamayo?" Tumingin ito sa akin ng walang kangiti-ngiti.. "May kilala akong mambabakal at mambobote gusto mo tawagan ko?" Walang kangiti-ngiti ko ring sabi sa kanya at kinuha ko sa clutch bag ko ang Cellphone ko. Pero mabilis niya itong inagaw mula sa mga kamay ko.. "Baliw ka talaga..I'm just kidding!" "Hahahaha! di ko alam yun" At ginaya ko pa ang maarteng tawa ni Kris Aquino.. Mabilis nitong pinara ang paparating na taxi.. "We need to move our asses here or else mamimiss natin ang pinaka highlight ng party" Mabilis nitong sabi.. Pumara ito ng taxi..nagmamadali kaming sumakay. "Kuya sa Ayala kami" Tumango at ngumiti lang ang taxi driver at mabilis na kaming sumakay.. "Hindi ako excited sa kung sino man ang papalit kay Bigboss..mas excited ako sa isusuot ng mga dadalo sa party..lalong lalo na si Miss Asim" Natatawang sabi ni Debra..habang nagreretouch ito ng make-up sa mukha.. Last Christmas party..halos maihi kami sa underwears naming dalawa sa kakatawa sa gown ni Miss Carmelita.. Naka itim ito ng gown..anong sinabi ni Ursula ang legendary witch ng Little Mermaid sa hitsura nito.. At ang masaklap pa..feeling nito ang ganda-ganda nito at bagay sa kanya gown niya.. Akala niya ma iimpressed niya si Engineer Carlo ng Technical Department..ang tinaguriang Crush ng GRN.. Halos boung empleyada ng GRN ay nagkaka crush sa hot na hot na hunk engineer.. Even me..but unlike others..im not head over heels for the man.. Dati nakasabay ko ito sa Elevetor..Kung ang mga babaeng kasama namin halos himatayin sa kilig..ako mas pinili kong manahimik na lang at deadmahin ang presensya nito.. May dignidad pa naman ako..Hindi naman siya kasing gwapo ni Orlando Bloom..ang greatest Crush kong Hollywood Actor para maglupasay ako sa kilig..tska di ko feel na nalalaglag panty ko pag andyan siya.. "How do i look?" Kalabit ni Debra sa akin..tapos na itong mag retouch ng make up.. "Kung sasabihin ko bang mas Maganda ka kay Megan Fox..sagot muna ang metro natin? Natatawang sulyap ko sa kanya.. "Kahit di na ako kasing hot ni Megan Fox..sasagutin ko parin ang metro..knowing you Cass..lahi ka ni Cory as in Corypot" Inagaw ko sa kamay niya ang make up kit.. Di ako kasing kapal niyang mag make up..di ako sanay magtapal ng pulga-pulgadang make up sa mukha ko..at magmumukha akobg clown sa isang kids birthday party Konting tapal at lipstick lang ok na sa akin. "How do i look?" Balik tanong ko sa tanong niya sa akin.. "Ilang pulgada lang ang ganda mo kay Miss Asim" Napatawa kaming pareho... Pagdating sa Marketing Director namin..magkasundong-magkasundo kami sa pang ookray sa mukha nito.. Kaya magkaibigan at magkasundo kaming dalawa dahil parehas kaming may sayad sa utak.. Sa lalaki lang at pakikipagrelasyon kami magkaiba ng pananaw.. dahil pagdating sa lalaki masyado siyang Clingy.. Para naman sa akin..di ko kailangang ibigay ang 100% na pagmamahal ko para sa isang lalaki..nagtitira parin ako para sa sarili ko.. Kung ang ibang babae..halos magpakamatay Afrer the painful break ups.. Iba ako..24 hrs lang naka move on na ako.. Life is so easy..tao lang naman ang gumagawa ng paraan para maging mahirap at complicated ang buhay nila.. "Maam Ayala na po tayo, saan kayo bababa?" "GRN building kami Kuya" Inayos ko ang sarili ko.. Simple lang din ang gayak ko.. Im just wearing golden sleeveless top with above the knee black skirt..na nabili ko pang SALE noon sa Forever 21..tinernuhan ko ng 6 inches black stiletto heels. Sa taas kong 5'7 siguradong magiging unano si Miss Asim mamaya pag tumabi sa akin.. Mabilis kaming bumaba ni Debra sa taxi..pagkatapos niyang magbayad ng metro namin.. Ang alam ko nangangalahati na ang party.. "Oh..Cassandra bakit late na kayo masyado sa Party?" Puna ni Mang Robert sa amin ng papasok na kami sa building.. "Kuya Robert dalawang sagot lang ang sasabihin ko ha.. una Traffic Jam..pangalawa tumirik ang sports car ni Debra" Humalakhak uli ako.. Naiilang na sinundan lang kami nina Kuya Robert at kasama nitong si Benny.. Wala kaming inaksayang sandali ni Debra..mabilis kaming pumasok sa Party Venue..na nasa ground floor din ng GRN. We are very late..and beside im so starving to death.. Pagpasok namin sa loob namangha ako sa dami ng tao.. Akala ko isang simpleng party lang ang magaganap.. Pero base sa nakikita kong ibat ibang klase ng taong nandito ngayon..hindi ito isang simpleng party lang.. Ang daming Press at kilalang tao sa Corporate World.. May mga celebrities pang nandito at pulitiko.. Idagdag mo pang lahat ng empleyado ng GRN Group ay nandito ring lahat.. Napatingin ako sa Kumakantang babae sa entablado.. Siya yung sikat na Pop star turn actress.. Sabi ni Jonathan..di naman daw magaling kumanta ang hitad..puro Lipsync lang ang alam.. Parang kinakatay na kambing ito ng ipilit ibirit ang kanta ni Whitney Houston na "I will always love you" Napalingon ako ng biglang may kumalabit sa akin mula sa likuran.. "Hoy! kayong dalawa bakit late kayong dumating huh?" Ang ka officemate at kaibigan naming si Christopher na kadugo ni Bebe Gandang hari.. "Have we miss something Chris?" Tanong ko dito..pinaikot ko ang mga mata..maghahanap ako ng maiinom namin.. Im so thirsty.. "Hay naku..Cass ngayong gabi laos na si Engineer Carlo..dahil may bago ng crush ang boung Taga GRN" "Weeh Di nga" "At sino naman ang bagong crush ng GRN aber?" "Sino pa eh ang papalit sa Bigboss..his greek god son!" Kinikilig na sagot nito.. Di ako makapaniwala na may anak pala si Chairman Natividad.. "Really?! there must be a shocked here?" "You've Got it Girl! Kanina nang ipakilala ni Chairman ang papalit sa kanya..halos lahat yata ng nandito laglag ang panga..hindi dahil nasorpresa silang may anak si Chairman kundi dahil super hot to the next level ang anak ni Chairman" "Diba wala namang anak si Chairman?" Singit ni Debra..akala ko di siya nakikinig sa usapan namin ni Chris dahil abala mga mata niya sa kakahanap sa boyfriend niyang babaero.. "Baka ampon" "Trulalung anak niya yun gaga! magkamukhang magkamukha nga sila ni Chairman eh..ang kaibahan langmedyo curly hair si Nativdad Jr." "You mean his name is Gregory Rufus Natividad Jr.? "Exactly.." "Excuse me..pupuntahan ko lang si Erik" Mabilis na paalam ni Debra..sinundan ko ng tingin ang diteksyon ng pupuntahan niya,nakita ko BF niya..may kaharutang ibang babae.napalatak na lang ako.. Ano pa na ang aasahan niya sa mukhang paang BF niya.. Matagal ko ng sinasabi sa kanyang di mapagkakatiwalaan ang Erik na yan.. "Halah! nakakaamoy ako ng giyera..sundan mo gerlie ang BFF mo.." Tapik ni Chris sa balikat ko..Medyo may pagkawar freak pa naman si Debra.. "You know what..nakita ko yang Jowa niya sa Trinoma last Sunday..kasama yang babaeng kaharutan niya..magkaakbay pa silang dalawa" Napapikit ako mariin..Wala akong inaksayang oras..mabilis kong sinundan si Debrah.. Tama si Christoper nangangamoy away na ito.. Kilala ko kaibigan ko..pag galit di niya kayang kontrolin ang emosyon niya.. Delikado ang trabaho namin pag gumawa siya ng eskandalo sa party na ito.. Di nga ako nagkamali..nakita kong dinuro na ni Debra ang mukhang paang si Erik kasama ang babaeng kaharutan niya kanina.. "How dare you Erik! Sabi mo di ka dadalo sa party dahil masama pakiramdam mo..sino tong babaeng ito? Ano mo siya?" "Hoy Debra tumahimik ka! sinabi ko yun dahil ayaw kong dumalo ka party..dahil nasasakal ako sa kakadikit mo sa akin" "Ganon ha..nasasakal ka huh?" eh dito sa babaeng ito hindi?" Mabilis na hinablot ni Debra ang buhok na babae.. Lumikha na ito ng kumosyon at nakuha na atensyon ng boung tao sa party.. Mabilis na inilayo ni Erik ang babae at itinago ito sa likod nito.. "Tama na Debra!We are over! In the first place..di naman talaga kita mahal..pampalipas oras lang kita.." "How dare you?!" Sigaw ng kaibigan ko...at pinagsusuntok ang dibdib ni Erik.. Expected ko ng mauuwi sila sa hiwalayan pero hindi ganito kabrutal.. Mabilis na hinuli ni Erik ang mga kamay nito at itinulak ng ubod lakas.. Bumagsak ang kaibigan ko sa sahig..mabilis ko itong dinaluhan.. Napangiwi ito dahil sa sakit..napasama siguro ang bagsak ng pang upo ito.. Bigla akong nakaramdam ng di matatawarang galit sa mukhang paang si Erik.. Nagdilim na ang paningin ko sa sobrang galit at awa sa kaibigan ko.. "Walang hiya ka talaga..ang lakas ng loob mong gawlin ito sa kaibigan ko kaibigan ko" Mahina ngunit Mariin kong sabi sa kanya.. Ngumisi ito at tumawa habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.. "Alamo kung kasing ganda mo lang sana at kasing seksi mo ang kaibigan mo..di na ako maghahanap pa ng iba eh,ikaw sana gusto ko pero pumapel ang kaibigan mo eh" Tiningnan nya ako ng malaswang tingin mula ulo hanggang paa.. "Di ka lang mukhang paa ano? bukod dun ang yabang mo pa pero wala ka namang binatbat..Bago ka magka interes sa akin at mangarap manalamin ka muna Erik.." Mabilis nitong itinaas ang kanang kamay..balak yata akong saktan.. Ngunit na-freeze sa ere ang kamay niya ng may biglang humawak dito.. "Try to lay down your hand on her..or else ill break your neck bastard" Kung ang lahat ng mga usisera at usiserong napa-Oh! sa eksenang nagaganap.. Ako naman literal na nalaglag ang panga ko.. OMG! Di ako makapagsalita.. It was him! Nathan Alegre! Anong ginagawa niya dito? Kailangan kong hawakan garter ng panty ko. Laglag na nmn after 3 years..bat nandito ito..ano ginagawa nito dito? Ang ultimate Crush ko nung College ako.. The hot UAAP Superstar na dahilan kaya muntik ng bumagsak noon ang dalawang subjects ko.. Mabilis na humingi ng paumanhin si Erik.. "Im very very sorry Sir" Di ito nagsalita..tumingin lang sa paligid.. "The drama was over...What are all of you still staring at?" Mariin pero maawtoridad nitong sabi sa mga taong nakapaligid sa amin.. "And you.. empleyado ka ba dito sa GRN?" "Yes Sir" Nakatungong sagot ni Erik.. "Thats good to hear..Starting tomorrow..find a new job..cuz your fired" "Sir..what? No..please..look im so sorry about this..ill fix this ok..just give a chance" Halos di na maipunta mukha ni Erik..parang matataeng di mo maintidihan.. Di lang pala mukhang paa ang mayabang na ito..mukha ring alimango! Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa Di ko parin magets ang mga nangyayari.. "Why...are you firing him? Wait..you are.." "Anak ni Chairman Natividad.." Bulong ni Chris sa akin di ko namalayang nasa tabi ko na pla itong nakatayo.. The man is just looking at me with his cold eyes.. "Wait...diba ikaw si.." Tiningnan lang niya ako mula ulo hanggang sa color black ba Nail polish ko sa paa.. Pagkatapos bigla itong tumalikod... Kinusot ko ang mga mata ko..baka namamalik mata lang ako.. Pero di ako maaring magkamali..siya talaga ang Ultimate Crush ko noong college ako.. Memoryado ko yata ang boung mukha ni Nathan Alegre.. "Kayong dalawa..sisiguraduhin kong may kalakagyan kayo pagkatapos ng ginawa niyong g**o at kahihiyan ngayong gabi" Sa halip na mag alala ako sa sinabi ni Miss Carmelita..gusto kong matawa ng sobrang lakas.. Sino ba naman ang di matatawa sa ayos niya.. akala mo Christmas Tree siyang nakatayo sa harapan ko.. With hir super green gown..epic talaga ang porma ng matandang oldmade na ito.. Siniko ako ni Chris.. "May Kalalagyan daw kayo Sissy..sigurado ako sa basurahan" Bigla kong hinila si Debra..sa isang sulok.. Para kasi itong nananaginip ng gising.. "Sistar..mabuti na lang masikip ang garter ng panty ko..kung hindi kanina pa nalaglag dahil sa bago nating bigboss" Diko mapigilang di siya bigyan ng masakit na kurot.. Akala mo walang nangyari at di siya galing sa isang karumaldumal ba break up! "Narinig mo sinabi ni Miss Asim..may kalalagyan daw tayong dalawa.." "I know.." "Alam mo na man pala eh..bakit kasi dito mo pa kinompronta ang mukhang paa mong BF?" Nanggigil ako kay Debra..parang wala lang sa kanya ang mga nangyari. Samantalang last break up niya noon sa bf niya..akala mo bakang kinakatay sa kakangawa.. Anyareee? "Correction! Ex-BF sistar!" "Ihanda mo na ang maraming resume dahil simula lunes hanggang sa susunod na dekada magiging jobless na tayong dalawa" "Cheer up Cass Ok.. makakakita pa tayo ng bagong trabaho just in case na ma exile tayo dito sa GRN Group" Bumuntong hininga na lang ako.. Siya ok lang kahit na ilang buwan o taon siyang Jobless..suportado naman siya ng mga magulang niyang parehong nagtatrabaho sa Amerika..samantalang ako..kailangan ko ang trabahong ito..ako ang sumasagot sa pang araw araw na gastos ni Jonathan sa School.. Isa pa suntok sa buwan na kung makakakita pa ako ng Company na katulad ng GRN..isang Multi-Billion Company na malaki magpasahod.. "Gurls..let me guess..sa lunes sigurado akong Trending topic kayo sa GRN in Second spot..dahil Im sure nangunguna sa number one spot ang greek god na anak ni Chairman" Singit ni Christoper sa amin.. Biglang bumalik sa isipan ko ang eksena kanina.. Di ako maaaring magkamali.. his cold eyes.. Nose Lips And that semi-curly hair.. Di ko pwedeng makalimutan yun.. Walang pinagkaiba sa kay Nathan Alegre.. "Chris sure bang anak.ni Chairman ang lalaking yun?" "My Gosh! Di mo pa gets Cassandra? Sa mukha pa lang para na silang pinagbigyak na bunga" Nahulog ako sa malalim na pag iisip.. Paanong nangyaring naging anak ni Chairman Natividad si Nate Alegre? Di kaya kambal silang nagkahiwalay? Parang teleserye lang ang Peg? Siniko ako ni Debra.. "Hoy ! Cassandra..bago ka managinip ng gising diyan..kumain na tayo at umuwi..hindi ka ba aware lahat ng tao dito sa atin nakatingin?' Iginala ko ang mga mata ko..tama nga si Debra..kaming dalawa ang center of attraction dahil sa eksenang nangyari kanina..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD