bc

Indebted to You

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
suicide
mafia
tragedy
twisted
mystery
betrayal
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

What will you do if someone from the past will show up and claim something that will cause you heartache in no time.

"Rad?! Why?" I ask confused

"Your life is indebted to me Elaine"

He said firmly, together with his blazing eyes that darted towards me.

Would you stay and be engulf by the fire that you have created. Or run and be the guest of his own lethal game.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nandito ako sa may iskinita ngayon at hinahabol yung lalaking humablot ng gamit ko. I didn't even know that the guy whom I bumped into with while I left the condo building would actually follow me until here. Kanina kasi habang naglalakad ako papuntang trabaho tumawag yung boss ko at pinapamadali ako dahil may importanting kliyenteng darating ngayon at dala-dala ko pa ang gamit na kailangan para dito. Nang makalayu layo na ako at katawagan ko pa si boss. Nuong marami narin akong taong kasalubong, duon palang nya hinablot yung dala kong bag na may mga mahahalagang documents, pati na phone at ID's ko. Napapamura nalang talaga ako sa sobrang inis. "Hoy! Tigil!!!" sigaw ko Sa sobrang galit ko parang gusto ko nalang ibato ang sapatos ko sa taong iyon. Nakakainis. Tagaktak na pawis at para akong dinaanan ng buhawi sa gulo ng damit at buhok ko. Nagkaruon naman ng kumosyon sa paligid. Nagbulongan naman sila. "Hala! May nadali na naman si boy hablot" "Ewan ko ba bakit 'di mahuli-huli iyang lalaking iyan pangalawang beses na iyan" "Kawawa naman si miss" "Nakakatakot na talaga panahon ngayon" Sa kakatakbo ko para habulin ito may ibang tumulong naman sakin na habulin din ang taong iyon. Habol ang hininga, sapo ang dibdid at nakatukod ang kaliwang kamay sa tuhod na huminto ako sa gilid ng isang may di kataasang gusali, hindi ko alam kung ano 'to. I immediately scan the place, makikitang manaka nakang tao nalang ang nandirito ngayon. I didn't even know where this place is. Inayos ko muna ang sarili ko bago maghanap ng mapagtatanungan. Sa harap, di kalayuan sa pinaghintuan ko may nakita akong karenderya sa kabilang kalsada. Minabuti kong tawidin ang daan papunta duon at magtanong. Lumapit ako sa isang tindera ng mga ulam at nagtanong dito. "Ahmm... Ale pwede po bang magtanong?" sabi ko. Napasulyap naman siya sa akin saglit at bumalik rin sa trabaho. "Abay nagtatanong kana hija," balik naman niya sakin ng di ako tinitingnan. "Kung hindi ka bibili, bilisan mo na't marami pa akong costumer." sungit nyang aniya sa akin. "Alam niyo po ba kung saang parte ng Bucana ito, at kung saan ang labasan papuntang Downtown?" mabilisan at sunod-sunod kong tanong sa kanya. Di alintana ang pagsusungit nya. "Siyempre alam ko, nandito ba ako ngayon kung hindi ko alam" ismid niyang turan sakin. 'Naku! Kung alam ko lang ang lugar na ito di na ako magtatanong sa iyo, uyy' irap namang tugon ng isip ko. Pero dahil may kailangan ako sa kanya ay pilit ngiti ko na lamang itong tiningnan. Kahit ang totoo'y nagngingitngit na ako sa loob ko dulot narin siguro ng paghahabulan kanina. Sabayan pa na sobrang lagkit ko na at sobrang init pa. If I could just go home and take a shower right now. I sigh. Tumingin muna siya sandali sakin at nagbilin muna sa kasamahan, pagkatapos umikot papunta sa may kalsada't tinuro ang daan. "Nandito ka ngayon sa Marikit st. Galing dito diritsohin mo pakanan, pagkatapos pagdating mo sa may kanto lumiko ka pakanan uli at makakakita ka nang namamasadang trysikel." Hingal turo pakanan niyang litanya sakin. Hiningal siguro sya sa haba ng kanyang sinabi. "Sumakay ka duon at sabihin mo nalang palabas ka ng Bucana dahil malayu-layo pa ang bungad dito" Dagdag niya. Tiningnan ko ang itinuro nya at agad nagpasalamat dito. Nakatalikod na ako at maayus na sanang aalis kung di lang siya may pahabol na salita. And that made me roll my eyes for real. "Hayy, kay tanda na di pa maalam sa direksyon, makabalik nanga lang sa trabaho. Kay init-init pa naman ng panahon ngayon" Padabog niyang aniya sa akin. Napabalik sulyap ako sa kanya at likod nalang nya ang kita ko, pero naisip ko ring umalis nalang at ipagsawalang bahala ang huli nyang binitawang salita. Napahinga ako nang malalim at tuluyan ng tinahak ang daang sinabi niya sakin kanina. 'Nako kung hindi kalang nakatulong, nunkang magpapasalamat ako sa iyo.' isip-isip ko naman. Habang naglalakad ako may nakita akong naglalako ng kwek-kwek, fishball at buko juice. Sakto nagutom ako sa habolan kanina. Papalapit nako dito nang maalala kong wala pala sakin ang bag ko, dahil duon napahinto ako at napakapkap sa bulsa ng pantalon ko. 'Sana naman meron' isip ko. Napatalon naman ako ng makita ang wallet ko. Napatingin naman sakin yung mga naglalakad. Pati nga si manong vendor. Pero wala nakong pakialam duon. 'Yes' ngisi ko sa isip. Mabuti nalang pala't naka pants at blouse akong ngayon. Dahil sa pag iisip na mag commute nailagay ko pala dito yung wallet. May swerte parin pala ako ngayon. Lumapit naman ako kay manong. "Manong magkano po ito lahat" tanong ko dito. "Bakit ma'am, bibilhin nyo po ba lahat?" tanong niya pabalik sakin. "Huh?! Grabi naman manong, ibig ko pong sabihin magkano po sila isa-isa?" gulat ko ring buwelta. "Linawin niyo po kasi ma'am, 10 pesos limang fishball, 10 pesos naman isang kwek-kwek." sagot niya rin sakin. "Eh, itong buko juice po magkano?" tanong ko ulit. "10 pesos po." Bumili naman ako ng 10 fishball, 1 kwek-kwek at isang buko juice. Ang sarap talaga nito. Sa halagang 30 pesos tiyak busog kana. Hindi narin ako nagtagal duon at nagsimula ulit maglakad para makapunta na sa sakayan at ng makauwi na. 'Thank God, nakarating narin sa wakas!' bulong ko. May lumapit naman agad sakin at nagtanong. "Sasakay ka ba miss, pasaan ka? tanong niya. "Sa may kanto lang po ng bungad" sagot ko naman. "Halika, duon ka nalang miss. Paalis narin tung isa." pag-akay niya sakin Sumunod naman ako sa kanya para makaalis na rin ako dito. Habang sakay ng trysikel napag-isipan kong bukas nalang akong pupuntang trabaho at sabihin kay boss ang nangyare ngayong araw nato. Siguradong nanggagalaiti sa galit ang bubungad sakin bukas. Ang pangit pa naman nyang magalit. Lumalaki ang butas ng ilong na parang may lumalabas na usok at pinipilit rin lumaki ang singkit na mata kahit ayaw, namumula rin ang mukha na parang sinilaban na toro. I silently chuckle from what I've thought. 'Hihihi' Pero nang maalala ko ang kinakaharap na problema. I sigh. Bahala na bukas. "Manong, ihatid niyo nalang po ako sa malapit na police station dito" sabi ko. "Sige po ma'am" tugon niyang nakangiti. Buti pa si manong, maganda ang araw niya't nakangiti pa. Napabuntong hininga nalang ulit ako. Naisipan ko ring pumunta sa malapit na prisinto upang magreklamo, nang maaksyunan, at ng maibalik naman ang mga mahalagang gamit ko. Pagdating namin sa prisinto ay mabilis akong bumaba at nagtungo sa loob nito. Bumungad sakin ang isang pulis na tila nakatulog sa pagbabasa dahil natakpan ang mukha ng papel na nakasandal sa upuan at nakataas ang paa sa lamesa. Napataas naman ang kilay ko dito at napatingin sa pambisig kong relo. It's ten o'clock in the morning and it's still early. Pero ipinagsawalang bahala ko nalang ito, baka pagod ito at kakatapos lang sa isinagawang operasyon. Nag-aalangan pa akong katukin ang lamesa nito. Sinisilip ko pa ang mukha niya at baka nagtutulog-tulogan lang. Pero mabuti nalang at may isang pulis na lumabas galing sa may pinto sa likod ko. "Hoy, Piñaplata! Gumising ka nga diyan, kay aga-aga tulog ka" Sigaw niya sa kasamahan. "Hmmm..." Umungot lang ito't pumaling sa kanan at ibinaba ang paa. "Aba't!" Lumapit iyong isang pulis at kinutusan ito, "Gumising kana diyan at may tao didto't magrereklamo, mahiya ka naman." Sikmat niya rito. Napabalikwas naman ito nang bangon, tumayo pa talaga't nakasaludo ang kamay at kumurap kurap ang mata. "Sir, yes sir!" Tugon nito. Lihim akong napatawa dahil dito, pero nang dumako ang mata nito sa akin ay napatuwid ako ng tayo at nagkunwaring inaayos ang damit. "Ayusin mo muna iyang sarili mo't nakakahiya, may muta kapa sa mata at panis na laway" Saway nito. "Di ka parin talaga nagbabago,tsk!" dagdag turan pa nito. Napahawak naman ito sa mukha ng mapagtantong meron nga ay tumalikod ito at kumuha ng panyo sa bulsa't ipinahid sa muka. Nakatingin lang ako sa kanya buong durasyon ng lumapit sakin ang isang pulis kanina. "Magandang umaga miss, maupo ka muna rito" Sabi nya. Nakita ko naman ang upuang iminuwestra niya sa harapan ng lamesa at umupo na. "Salamat Officer..."paputol kong tugon. "Inspector Roman Yñigo, pero Inspector nalang miss" sagot nya sakin. "Pagpasensyahan mo na itong kasama ko't kagagaling kasi nito sa operasyon kaya mababaw lang ang naging pagtulog" paliwanag nito. "It's okay Inspector" nakangiti kong tugon. May lumapit naman ditong isa pang pulis at nagbulungan na sila kaya't di nako nakisingit pa. Ngayon ko lang napagtantong marami pala sila rito at nakadiversion lang ng salaming pader. Sa pagmamasid ko di ko na namalayang tapos na pala si Piñaplata sa kanyang ginagawa, nakaupo na ito at nakatingin sakin. "Uhmm.." tikhim ko sa kahihiyan. "Anong maipaglilingkod ko sa iyo miss..?" tanong niya "Elaine Yeri Aragon, Elaine nalang po officer" sabi ko "Anong maipaglilingkod ko sa iyo, Miss Elaine?" tanong niya ulit. "Saka SPO2 Rylle Muriel Piñaplata, pero SPO2 Rylle o di kaya'y Rylle nalang, masyadong mahaba ang pangalan ko" nakangiti nyang dugtong. "Naku, nakakahiya naman officer," tugon ko ring nahihiya sa tinuran nito. "Okay, ikaw ang bahala. Madali naman akong kausap." kibit balikat niyang tugon. Infairness may itsura 'tong si Rylle. May hawig siyang Hollywood action star, sino nga ba iyon... Napapakamut ulo nalang ako sa pag-iisip kung sino nga. Kilala ko lang ata sa mukha. Kinibit balikat ko nalang ito. Simula sa mukang may depinang jawline, kuhang-kuhang may pagka grecian na ilong at mga itim na matang malalalim kung tumitig at parang nakikilala kana isang tingin palang. Kaibahan lang nila'y moreno siya, maputi at may kapayatan naman iyon.Ito naman ay bruskong-brusko ang katawan na parang masarap pumaloob at magpasakop. Parang safe na safe ka talaga. 'Naku girl, ano ba ginagawa mo diyan, ang magpantasya o magreklamo?' taray ng moral kong konsensya, nakataas kilay pa. 'Naku! Okay lang yan girl, totoo namang ang pogi ni officer!' malanding litanya naman ng malandi kong konsensya, kinikilig pa. Napabalik lang ako sa reyalidad ng may pumitik na daliri sa harap ko. There's a ghost grin on the side of his lips, pero nawala din ito ng tumingin ako ulit sa kanya. 'Shocks! Nakakahiya ka Eya, nakakatulala ba talaga ang kagwapohan niya?!' saad ko sa isip. Kung pwede lang sanang magpalamon sa lupa ginawa ko na. Kahihiyan. Hindi nako nagpaliguy-ligoy pa at isinalaysay ko na ang reklamong kanina ko pa dapat ginawa. Pagkatapos kong isalaysay ang nangyare ay tinintingnan ko nalang siya ngayon habang may isinusulat. Ibinigay naman niya ito sa akin at may ipinapasulat. "Pakilagay nalang ang pangalan mo dito at contact number mo, para incase na may mag report dito ay madali ka nalang macontact." saad niya habang may itinuturo sa papel. Ginawa ko naman agad ang sinabi niya para matapos na rin. Ramdam ko ang titig niya habang nagsusulat ako kaya hindi ko maiwasan na maasiwa at binilisan ko nalang ito. Pagkatapos kong isulat ang dapat, ibinigay ko naman ito pabalik sa kanya. Nagpaalam na akong uuwi pagkatapos naming mag usap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Addicted To You (TAGALOG)

read
386.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
293.8K
bc

The Escort (Tagalog)

read
180.6K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.3K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook