Nandito ako sa harap ng Tv, pero wala sa pinapanuod ang buong atensyon ko.
I was thinking of what happened earlier, lalo na nang sumingit sa isip ko ang gwapong mukha ni Rylle.
Nagprisinta siyang ihatid ako sa aking tinutuluyan dahil baka may mangyari na namang di kaaya-aya. Lalo na't madilim na ng makaalis ako sa prisinto.
Umalis din ako pagkatapos kong magreklamo duon kanina, pero bumalik din ng mga bandang alas tres ng hapon, nang may magreport na may naibalik na gamit duon na tugma sa isinalaysay kong reklamo.
Isa pala iyon sa taong tumulong sakin mahabol kanina yung humablot ng gamit ko.
Hindi na nadakip ang may sala dahil masyado itong matinik at parang pusang kung saan naglulusot. Mabuti na ngalang at nabawi pa tong bag at phone ko.
Hinanap pa nya ako kanina pero nakaalis na ako. And he didn't report it to the police immediately 'cause he's late for work when it happens.
Kaya laking pasasalamat ko talaga dahil tinulungan niya pa ako kahit na alanganin na siya sa trabaho.
Laking tuwa ko talaga at naibalik ito sakin dahil nandito mga mahahalagang gamit ko.
Paulit-ulit akong nagpasalamat dahil sa pagiging tapat niya at bihira nalang ang mga taong katulad niya.
Flashback...
"Thank you so much sir! Tatanawin ko po itong isa malaking utang na loob." pasasalamat ko sa kanya.
Todo bow pa ako niyan at malapit ng umiyak. Yakap-yakap ko pa yung bag ko. Siya nama'y nakangiti lang na tumatango sa akin.
"Marami pong salamat ulit." Paulit-ulit kong tugon.
Siguro'y narindi narin dahil nagpaalam na itong aalis na dahil may pamilya pang naghihintay sa kanya.
Sinisipat ko pa ang laman ng bag ko when I heared someone clears his throat.
"Uhmm..." si Rylle!
I immediately turn my head towards him.Naguilty naman ako at napamura sa isip.
's**t!'
"Paano ba iyan nabalik na ang gamit mo. Siguro'y mahalaga ang laman nyan dahil sobra mo itong yakapin." Singit ni Rylle sa pagdidiwang ko.
"Hala, Officer! I forgot about you, I'm sorry. Sobrang saya ko lang po talaga." natataranta ko namang tugon sa kanya.
"Nahh, don't mention it. I can see that you're happy retrieving your things and that's okay." Nakatawa niyang aniya sakin.
"Saka huwag mo na akong ipo, parang ang tanda ko naman niyan. I also think that we are on same age bracket." Nakangiti nyang sabi.
Ang pogi talaga ng lalaking ito, pati ang pagtawa't pag ngiti ay nakakaingganyong sabayan. Tumatawa lang kami nag-uusap dahil wala namang nagrereport na bagong problema at tapos na siya sa gawain niya.
Marami akong nalaman sa kanya. He's 26 years old and living on his own. His parents are already dead at the age of 15 and I don't have the heart to ask him about it. I respect his personal space.
Ipinag pasa-pasahan pa siya ng mga kamag-anak niya dahil tingin sa kanya'y palamunin lang. Pero bumukod rin siya nuong mag 18 na siya at nagpatuloy sa pag-aaral ng college habang nagtatrabaho para mabuhay.
Nalungkot ako sa pinagdaanan niya habang nagkukwento pero itinago ko rin iyon dahil ayaw kong makita niyang kinakaawaan ko siya. That's the least that I can do for him.
Isa rin sa kwento nya ay nakakatulog daw talaga siya dito pero idlip lang dahil nabubulabog siya sa milagrong ginagawa ng kapitbahay niya.
Nakatira rin siya sa isang apartment na pati tunog sa kabila ay maririnig talaga. Natatawa nalang ako sa mga kwento niyang pagdadabog pag binubulabog na naman siya ng mag-asawa.
Tumatawa pa ako habang nagkukwento siya ng mga katangahang nagawa niya nuong nagtetraining palang siyang maging pulis. Pero nawala naman ito nang ako naman ang balingan niya ng tanong.
"Ano ba yan, ako nalang nagkukwento dito eh. Kwentuhan mo naman ako ng tungkol sa iyo." ani niya sakin.
"Ang dami mo nang alam sakin, pero sa iyo wala man lang akong alam." dagdag pa niya habang nakanguso.
Napangisi naman ako sa inasta niya.
'Grabi ang cute. Hihihi' malanding ani ng isip ko.
"Well officer let me tell you this just once, so keep your ears up close and listen carefully." I playfully uttered.
Pabiro naman niyang inilapit ang sarili sakin at tinagilid ang mukha.
"Oh, ganito ba ma'am? nakangisi rin niyang ani.
"Hahaha. You're such a cutie officer. I was just kidding." natatawa kong inilayo ang sarili sa kanya.
"I'm not cute, I'm handsome." mabilisan niya ring turan.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Bakit hindi ba?" nakapout na niyang turan.
"Of course you're handsome officer!" mabilisan ko rin turan baka magtampo pa.
Bumalik naman ang ngisi niya dahil sa sinabi ko pero kumunot nuo rin pagkatapos.
"Nililihis mo naman yung usapan eh." puna niya.
"Woah, relax!" natatawa't nakataas kamay ko naman parang sumusukong turan.
"Well I'm 23 years old, nakatira ako mag-isa diyan sa Avalon Condominium, at saka nagtatrabaho naman ako sa S&C bilang Head ng marketing department." sinabi ko nalang para wala na siyang masabi pa.
"Ahmm... Ano pa ba?" turan kong nag-iisip ng iba pang sasabihin.
"Tanungin mo na lang kaya ako para hindi naman tayo tubuan ng ugat dito." sabi ko nalang.
"Mas mabuti pa nga kung ganon." sabi rin niya.
Napatingin naman ako sa labas at nakita kong madilim na pala. May sasabihin pa sana siya pero inunahan ko na.
"Hala! Gabi na pala, napasarap yata kwentuhan natin officer." hagikhik kong sabi sa kanya.
"Oo nga eh, madami pa naman masamang loob diyan sa labas. Tara, hatid na kita sa inyo."
Kuryuso niyang tiningnan ang labas pagkatapos bumaling sakin ng nakangiti.
"At saka nga pala Rylle nalang. Kay tagal nating nagkwentuhan officer parin tawag mo sakin." nakangiti parin nyang aniya.
"Hmm, pag-iisipan ko muna." Nakahawak pa ko sa baba ko na tila nag-iisip, pero sinusupil ko lang talaga ngiti ko.
Para naman siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng marinig ang sinabi ko.
Nakapout pa labi nya't nangingislap mata.
'Shocks! Ba't pag sa iba ang pangit tingnan ng lalaking naka pout at puppy eyes, pero pagdating sa kanya ay ang gwapo at cute nyang tingnan.' bulong ko.
Ewan ko ba ngayon lang rin ako nakakita ng pulis na mahilig mag pout pero ayos lang iyon bagay naman sa kanya.
"Sige nanga lang, R-Rylle." kunwaring napipilitan kong tugon.
"Mukhang napipilitan ka lang ata eh." ismid niya sabi.
Natatawa nalang akong nakatingin sa kanya dahil para talaga siyang bata tignan.
"Oo nanga eh, Rylle hindi ako napipilitan, okay na?" pinaseryoso ko pa yung mukha ko para lang maniwala siya.
"Yiiee, ngingiti na iyan." kiliti ko pa sa tagiliran niya.
Nakangiti na siyang tumingin ulit sakin at hinuli ang kamay kong ginamit pang kiliti sa kanya.
"Ikaw talaga, tara nanga at baka mas lumalim pa yung gabi." hila naman niya sakin palabas ng prisinto.
Nakatingin lang ako sa kamay naming magkadugtong habang naglalakad.
Magaspang ang kamay niya, siguro'y dahil sa iba't-ibang klaseng trabahong pinasukan niya.
Nalungkot naman ako nung maalala ulit ang mga pinagdaanan niya. Maaga siyang naulila pero pag tinitingnan ko siya ngayon parang wala lang iyon sa kanya lahat.
Nakangiti at parang puro saya lang, siguro ito lang yung way niya para makalimutan lahat ng sakit na dinanas niya. At nagpapasalamat akong nakikita ko iyon ngayon. Hindi ko ata kayang makitang malungkot ang mata ng masayahing pulis na ito.
Napaayus naman ako ng sinulyapan niya ako at sinalubong ko ito ng ngiti.
"Kumain muna tayo, sigurado akong nagutom ka sa kwentuhan natin kanina." aya niya sakin.
Dahil sa sinabi niya automatic namang tumunog ang tiyan. Nagkatinginan kami at napatigil sa paglalakad sabay humagalpak ng tawa.
"Hahahaha. Mukhang hindi mo na kailangang sumagot sakin, tiyan mo na ang may sabi." Natatawa parin niyang aniya.
"Oo nga eh." tawa ko ring tugon.
Nang makaabot kami sa sasakyan niya pinagbuksan naman niya ako ng pinto sa unahan.
"Thank you." ngiti ko sa kanya.
Nginitian niya lang rin ako at pinagsarhan ng pinto. Dali-dali naman siyang umikot sa kabila.
End of flashback
Nakangiti at nangangarap pa akong parang timang na nagbalik sa reyalidad nang may taong kumakatok sa pintuan ng condong tinitirhan ko.
Kuryuso akong tumayo at nagtungo na sa may pintuan.
'Wala naman akong bisitang inaasahan, sino kaya 'to?' aniya ng isip ko.
Pagbukas ko nang pinto.
"S..."