"Sebastian?" I ask confused.
"Aine..." he uttered
"Don't call me that." ismid ko sa kanya
Ngiti lang ang iginanti nya sa akin. Alam naman niyang ayaw kong marinig ang pangalang iyan.
What is he doing here anyway? Naghihirap na ba siya at napadpad pa dito sa unit ko.
I doubt that.
"What are you doing here?" I ask with curiosity.
"Hindi ba pwedeng papasukin mo muna ako?" tanong nya saking nakangisi.
"And why would I?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.
Napahawak naman siya sa may bandang puso niya at umarteng parang nasasaktan.
Kung may ikatataas pa talaga ang kilay ko sigurong umabot na ito hanggang langit sa ka oa-han niya.
"Ouch! You're hurting my feelings Aine."
"How many times do I have to tell you not to call me on that name?!" napasigaw na talaga ako.
Salubong na salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya. Tinaas naman niya ang dalawang kamay na parang sumusuko but you can still see a playful glint in his eyes.
"Woahh chill sis! Hindi ako ang kalaban."
react din niya.
Napabuntong hininga nalang ako sa kunsomisyon sa kaharap.
Nakita ko nalang nagpa linga-linga siya sa paligid. Tinignan ko naman ito at nakatingin na pala ibang tao dito samin.
Hinila ko naman si Sebastian papasok dahil ayaw ko nang may maki usyuso pa.
Pagkapasok namin sa loob sinulyapan ko naman siya at hindi parin nawawala ang ngisi sa mukha nito.
Napairap nalang ako at umupo sa may sofa at pinagpatuloy ang panunuod ko kanina.
"Hindi mo man lang ba ako yayaing umupo?"
tanong niya pero di ko siya tiningnan.
"May paa ka naman bakit 'di mo yayain ang sarili mong maupo?" taray ko naman sa kanya.
He chuckle.
"Hindi ka parin talaga nagbabago" turan niya.
Naupo na siya sa kabilang sofa sa kaliwa ko at nakinuod ng pinapanuod ko.
Napatawa naman siya ng mapagtanto kung ano ito.
"Seriously Elaine? Spongebob, really?" He chuckled but grin after.
"What's wrong in watching spongebob?" tanong ko
"I know you Elaine, you wouldn't want to watch even cartoons. And now, spongebob?
Are you kidding me?" natatawa parin nyang pahayag.
I sigh. Malay ko bang spongebob na yung napapanood ko, eh nasa ibang pag-iisip ako kanina. Kinilig naman ako ng maisip iyon.
Kaya hindi ko na namalayang may ngiti na palang kumawala sa labi ko. At nakita iyon ng unggoy na ito. Siya naman ang napataas ng kilay ngayon.
"Seriously?!" di makapaniwalang tugon niya.
Napasimangot naman ako dito at
napaiwas ng tingin ng pasadahan niya ako ng mapanuri niyang mga mata.
Bumalik naman ang tingin ko sa kanya dahil may itatanong sana ako. Pero nakita ko nalang itong nakahawak ang daliri sa labi at nakangisi.
Kaya tinaasan ko naman siya ng kilay ulit. Ano na naman kayang kalokohang naiisip ng unggoy na 'to.
Well siya lang naman ang sinasabing 'Beast' ng karamihan na kung nakikita nila ngayon ang taong ito siguradong mapapa dalawang isip ka talaga.
Ganito siya pag sobrang close niya sa'yo at sa mga taong nakakakilala lang talaga sa kanya, isang may sayad sa ulo tingin ko dyan, kung alam lang talaga nila.
Raine Sebastian Villamor, 23 years old na pero isip bata parin. He's also one of the most eligible bachelors of today. Di ba ang gara pero nakiki kapit bahay pa. Tinawag din syang 'Beast' sa business world dahil may aura daw siyang "Mess with me and i'll raze you with my horns". Di ba demonyo nga ang hinayupak.
Pero hindi naman maikakailang madami nang babaing nahumaling diyan, gwapo naman kasi ang unggoy nayan.
He has an oval shape face with a skyblue upturned hooded eyes, droopy nose, a heart shape lips and a well toned body. May kataasan namang 5'7 ft. nagmumukha nga akong maliit kapag kasama ko 'to 5'3 ft. lang kasi ako, higante talaga.
"Bakit gabing-gabi na napasugod ka pa rin dito?" tanong ko sa kanya
"Kagagaling ko lang business trip sa Singapore kaya dumiretso nalang ako dito."
sagot naman niya.
"Saka tutal naman mas malapit tong lugar kays sakin." dagdag pa niya.
"Ahhh, so ginawa mo pa talagang hotel tung unit ko, ganun?" bwelta ko naman dito.
Pinakitaan naman niya ako ng puppy eyes niya.
"Huwag ka ngang magpa cute dahil hindi ka cute." patutsada ko naman sa kanya.
"Hindi naman talaga ako cute 'cause I'm handsome." napahagud naman siya sa may kataasan niyang buhok na mala rockstar pero hanggang jawline lang pababa.
"Tsk! Yabang." ismid ko pa sa kanya at napailing nalang.
"Bakit? Totoo naman ah." segunda naman niya.
"Ewan ko sa iyo, bahala ka nanga jan." tumayo na ako at hindi na siya pinansin pa at naglakad na papuntang kwarto ko.
"Hey, di mo pa sinasagot tanong ko." pagtawag niya sakin.
Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy na sa paglakad nang sa tapat nako ng pintuan tumigil muna ako't hinarap .
"Matutulog nako at pakipatay nalang ng tv. At kung nagugutom ka man magpaorder ka nalang dahil hindi ako nakapagluto. Goodnight na." tumalikod nako at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.
Bago yun nakita ko pa siyang nakasimangot na nakatingin sa akin na parang inagawan ng candy. Isip bata talaga.
'Tsk.' iling ko sa isip.
Dumiretso naman ako dito sa loob ng banyo. Nang makapasok ay lumublob agad ako sa hinanda ko kaninang milk bathe para naman marefresh utak ko sa mga nakakalokang pangyayari nitong araw nato.
Nababuntong hininga naman ako pagkatapos kong maramdaman ang tubig sa katawan ko.
Mga 30 mins. lang tinagal ko dun dahil gusto ko nang maramdaman ang lambot ng kama at makatulog na. I repeatedly sigh and yawn at the same time. Sobrang pagod talaga akong ngayon.
Pabagsak akong nahiga sa di kalakihan pero malambot kong kama.
'Hayyy, ang sarap sa feeling.' yakap yakap ko pa ang unan. Di rin kalaunan ay nakatulog rin ako.
Sa kalagitnaan ng tulog ko biglang may kalabog akong narinig sa labas kaya napa balikwas ako ng bangon.
'Ano yun?' lutang ko pang bulong.
Tumayo ako't naghanap nang pwedeng ipang depensa sa sarili pero wala ako mahanap. Kinuha ko nalang ang isang tsinelas ko at pomormang parang papatay ng ipis saka binuksan ang pinto.
Nag-iingat pakong pumuntang kusina dahil tunog kubyertos yung nadinig ko kanina.
'Baka naman nagutom, kaya kumain muna.' napa face palm nalang ako sa naisip.
May nakita akong bulto ng tao sa may lababo kaya dali-dali ko itong nilapitan. Akma ko na siyang hahampasin ng napabaling siya sakin at tumama ang mukha niya sa sinag ng buwan kaya nakilala ko agad ito.
Napababa nalang ako ng kamay at napabuga ng hangin. Ba't ko nga ba nakalimutang may kasama pala ako dito.
Kita ko naman ang braso niyang nakatakip sa mukha niya na para deni depensahan ito.
"Woah chill lang Elaine, ako lang to oh." maktol niya.
"Walang hiya ka, akala ko napasukan nako dito eh." umakto pakong hahampasin siya.
"Oh-oh, tama na. Sayang naman ang gwapo kong mukha kung hahampasin mo lang. Masisira ako sa mga chicks ko dahil sayo, eh." humakbang na talaga siya palikod para lumayo lang sakin.
Nakasimangot parin akong nakatingin sa kanya. Huminga nalang ako ng malalim dahil sa konsumisyon.
"Ano bang ginagawa mo?" nilibot ko naman paningin ko sa kusina.
"Saka ano bang kalabog yung narinig ko kanina?" tanong ko dito.
Umayos naman siya ng tayo.
"Nasagi ko kasi sa siko yung lagayan ng kubyertos kaya natumba." kumakamot ulo pa nyang paliwanag.
"Bakit gising ka pa kasi, alas tres na nang madaling araw ah?
"Hindi ka man lang ba natulog? Saka ang dilim dito di ka man lang nag-ilaw?" dagdag ko pa.
"May inaayos pa akong mga papeles, kaya di ko na namalayan madaling araw na pala." kibit balikat niya at lumakad na papuntang sala kaya sinundan ko siya.
"Hindi kapa ba tapos diyan?"
"Malapit na 'to konti na ngalang eh" sagot niyang inaayos ang laptop tapos naupo.
Tinitingnan ko lang siyang nagtitipa at humiga sa may sofa dahil hindi rin naman ako makakatulog ulit. Binulabog ba naman ako sinong makakatulog nun.
Habang tulala ako sa kawalan ay biglang naman siyang nagsalita kaya napabaling ang tingin ko dito.
"Nga pala nakita ko si Grace kanina sa mall."
Napaisip naman ako.
'Si Grace nandito sa bansa? Ano naman kayang pinaplano niyang gawin ngayon?' tulala naman akong napaisip.