Chapter 4

1412 Words
"Nagkita na ba kayo?" "Hindi pa" turan ko nalang "Sigurado akong magpapasabog na naman iyon ng baho niya." nakangisi na siyang nakatingin sakin. Napatingin naman ako dito bigla at sabay kaming napahagalpak ng tawa. Naalala ko na naman nung 18th birthday party niya. Sobrang ganda na sana, mala fairytale na theme at mala prinsesa niyang anyo lalo na ang bonggang pink princess ball gown with gold sequence niya. Sobrang perfect na sana with her perfect prince. Kaya lang sa kalagitnaan ng party nya may nangyaring masama. Masamang-masama talaga. Flashback... Lumapit si Grace sakin habang nag-iisa ako dahil yung mga kasama ko that time ay pumunta sa kanilang mga kaibigan. Hindi rin naman ako palakaibigan nuon pinsan ko lang at si Raine. "Hi Elaine, you seem alone here. Nasaan nga pala si Raine?" hanap niya sakin. Nagpalinga linga pa talaga siya. Nagulat talaga ako at nilapitan niya ako dahil hindi naman kami close. Best friend siya ng pinsan ko at feeling ko talaga may galit to sakin dahil sa tuwing nakikita ko siyang nakatingin galit na mata niya ang agad na bungad niya sakin. 'Bakit ba ako tinatanong nito, di ba dapat alam niya dahil escort niya ito?' nakasimangot ko nang isip. "Hindi ko rin alam." tipid ko nalang sagot dito. "Anyways, are you enjoying my party?" tanong niyang painosenti. Tumango nalang ako para matapos na at makaalis na siya dahil hindi talaga ako komportable na nandito siya sa tabi ko, feeling ko may masamang mangyayari ngayon. Nakita ko nalang siyang may sinisenyasan na waiter at kumuha ng dalawang baso ng wine sa dala nito. "Here have some Elaine" alok niya sakin ang isa. "Naku, hindi ako umiinom Grace." tanggi ko pa dito. "Oh come on! We're eighteen already,so pwede na. You're so boring Elaine,sige na ngayon lang naman." giit pa nya sakin. "Come on! It's my party, don't be such a kill joy." dagdag niya pa. Napatingin naman ako sa wine na binigay niya kaya di ko nakitang nasagi niya pala ang pouch na dala ko. "Oops! Sorry." hinging paumanhin niya pero tingin ko hindi naman siya sincere. Kinuha ko nalang ito sa sahig pero bago yon nahagip naman kanan mata ko na may vial sa gilid ng paa niya. Sigurado akong magkasabay na nahulog ang pouch at vial dahil gumagalaw pa to ng bahagya. Napaisip naman ako na para saan iyon. 'Mukhang alam ko na ah' naniningkit na mata ko dito sa ilalim. 'Ganon pala ha, tingnan lang natin ngayon.' isip ko pa. "Hey, nakuha mo na ba? You're so tagal there." simangot na niyang sabi pero ngumiti rin ng makita akong umupo na ulit. Nginitian ko rin ito para hindi naman siya mapahiya kakangiti diyan. "Oh my God! Si Lee Jung Suk ba yon?" kunwaring gulat kong sabi. "Oh my Gosh! Where?" napatingin rin siya sa tinuro ko. Ginawa ko namang pagkakataon iyon para pag palitin ang inumin namin. Kaya nung bumalik ang tingin niya sakin napangiti nalang ako dito. "Hindi naman siya yun." nakasimangot na niyang sabi. "Akala ko siya, magkahawig kasi." kibit balikat ko sa kanya. "Duh! Ang pangit-pangit kaya ni Edwin para ikumpara kay Lee Jung Suk noh!" nakairap na niyang sabi habang nakahawak na sa baso niya at nakatingin dito. Napailing nalang ako dito at hindi na siya sinagot. Hindi naman talaga pangit si Edwin, sagabal lang talaga ang malaki niyang salamin at ang malabagul niyang bangs kaya nababaduyan ang karamihan sa kanya. May singkit siyang mata,matangos na ilong at mamula-mulang labi pero hindi napapansin iyon dahil sa ayos niya. "Teka, let's drink na nga." "Okay." Bago pa namin mainom ang wine ay nakita ko namang papalapit ang pinsan ko at si Raine dito. Kaya napataas muna ako ng kamay at nauna nang uminom si Grace. " Hello guys! Mukhang nagkakasundo na kayo ah." tanong ni Janey, ng pinsan ko. Palipat lipat naman ang tingin niya samin. "Kailan pa iyan? Nag sesekreto na ba kayo sakin ngayon?" nagtatampo naman niyang dagdag. Natawa nalang ako at napatingin sa katabi ko. Hindi ko naman maitsura ang mukha nito. "Hey! What's happening to you? Are you okay?" akmang hahawakan ko na siya "Don't touch mm-me!" napasigaw siya pero napahawak rin sa tiyan agad at parang natatae ang mukha. "Woah!" napataas naman ako ng kamay. Napalapit naman agad sa kanya si Janey. "Best?" si Janey "No, I'm okay. I just really need to go to the C-CR." dali dali naman siyang tumayo habang nakahawak parin sa tiyan. Inalalayan naman siya ni Janey pero nung papalakad na sila bigla nalang kami nakarinig ng napaka lakas na tunog. "Pruuuuttttt..." Sinundan naman ito nang napakabahong amoy. Napatayo naman kami't napalayo at napatakip ng ilong dahil sa nakakasulasok na amoy. Nagmamadali namang umalis si Grace pero panaka-naka parin siyang umuutot habang naglalakad papalayo kaya mas binilisan niya ito. Naiwan naman si Janey dito at pisil-pisil ang ilong at tulala. Nang matauhan ito ay nagmamadali naman siyang sumunod sa bestfriend niya. Flashback Ends.. Tawang tawa parin ako tuwing naaalala yon. "Ha-ha, naalala mo rin?" tanong naman niya sakin. Tumango nalang ako at sabay ulit kaming napa halakhak. Isang mahabang katahimikan naman ang kasunod matapos naming mag tawanan. Bumalik narin naman siya sa ginagawa niya. Ako nama'y napatingala sa kisame at nakatulala dito. "Hinahanap ka sakin ni Kate, kailan mo daw balak dumalaw ulit?" biglang tanong niya. "Hindi ko alam, siguro kapag maayus na ang lahat?" Napailing naman siya at parang hindi makapaniwala. "Hanggan kailan Elaine?" "Hanggat hindi ko pa nahahanap ang taong iyon Seb." Disappointed naman ito sa sagot na sinabi ko. Nakita ko namang isinara na niya ang laptop pagkatapos humiga sa sofa at nakatakip ang braso sa mata na parang matutulog na. Tumayo naman ako at pumunta sa kusina para ng uminom ng tubig. Pagkatapos kong kumuha ng tubig sa ref ay diretso naman ako sa kwarto para tumambay sa may di kalakihang bintana dito. Sobrang liwanag ng buwan ngayon kaya napakagandang pagmasdan nito. Masarap na simoy ng hangin na siyang lumilipad ng mahaba kong buhok na abot hanggang bewang tila sinasabayan ako nito sa emosyong nakapaloob sakin ngayon. Malungkot na may halong pagdaramdam, iyon ang nadarama ko ngayon. Damdaming hindi ko kayang maipakita sa iba, damdaming pilit kung kinukubli sa haba ng panahon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko dadalahin ang pait ng kahapong dinanas ko. Parang kahapon lang nangyare ang lahat. Hindi ko mapigilang sisihin ulit ang sarili kung bakit ganito na ngayon. Hindi ko namalayang may luhang tumulo na pala sa kanang bahagi ng mata ko at ang pagpasok ni Sebastian at paglapit sakin. Tila nakakulong ako sa hawla at hindi ko kayang kumawala. Nang makita ni Seb ang mukha ko ay bigla nalang niya akong kinulong sa mga bisig niya at duon ko na di mapigilang mapahagulgol ng iyak. Siya lang ang nag-iisang taong nakakakita sakin ng ganito at hindi ko kinakahiyang ibahagi ito sa kanya dahil kalahati na siya ng buhay ko. Iyak ko lang ang maririnig sa kaluwalhatian ng gabing iyon at nagpapasalamat akong may taong handang umalalay sakin. Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa ganung ayos. Nang mahimasmasan ako ay kumalas na ako kay Seb at pilit pinupunasan ang hindi ko maampat na luha. Pinaharap naman ako ni Seb sa kanya at siya na ang nagpunas nito. "Hindi mo kailangan dalhin ang lahat ng bigat Ayne." mapungay ang matang nakatingin sakin "Nandito ako at dadamayan kita sa lahat hanggang mapatawad mo na ang sarili sa kasalanang hindi mo naman ginawa." mahabang litanya niya habang malumanay na nakatingin sa akin. Napailing naman ako sa sinabi niya. 'Ka-kkasalan kko' garalgal kong bulong habang nakayuko na. Hinawakan naman niya ako sa may baba ko at pinihit ang mukha paharap sa kanya. Nakangiti siya ng malumanay sakin. "Hahayaan kita sa ngayon pero tandaan mong hindi ako mawawala sa tabi mo. Hanggat kailangan mo nang mapaglalabasan ng sama ng loob, hinanakit, at lahat ng emosyong nakapaloob sa iyo nandito ako handang damayan ka sa lahat ng oras. Di ba nga't kalahati natin ang isa't isa. Sino paba ang magdadamayan kundi tayo lang naman." Tumango-tango lang ako dito at nginitian siya sa sinabi niya kahit nagbabadya na namang tumulo ang luha ko. "Mahal kita, tandaan mo yan." hinalikan niya rin ang noo ko pagkatapos sabihin iyon at niyakap ulit ako. Napayakap rin ako ng mahigpit sa kanya at dinama ang kapayapaan sa piling nito. 'Mahal rin kita' bulong ko naman na sinigurado kong maririnig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD