Kinabukasan nagising nalang akong nasa kama na. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa mga bisig niya.
Pagkatingin ko sa orasan sa may side table ko, napabalikwas ako ng bangon dahil sobrang late nako sa trabaho, 7 o'clock na ng umaga.
'Gosh, ba't di man lang ako ginising ng unggoy na iyon!'
'May pasabing 'nandito lang ako' pa siya kanina pero hindi man lang ako ginising.'
'Nakakainis!'
Nagmamadali naman akong pumunta ng banyo at minadali na ang pagligo, mag 20 mins lang ata ako duon. Ewan ko nga kung ligo ba iyon parang kulang pa nga sakin. Inayos ko na ang sarili at gamit ko saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Pumunta nakong kusina para kunin ang sapatos ko.
'Di na siguro ako kakain at didiretso nalang sa opisina.'
Pero may nahagip ang mata ko na baunan sa ibabaw ng lamesa at may note na nakadikit sa itaas nito. Napataas kilay naman ako at nilapitan ito.
'Alam kong nagagalit ka na ngayon dahil hindi kita ginising kaya naman nilutuan na kita ng paborito mo. ;)
Ps.
Kainin mo iyang sandwich sa byahe kasi alam kong hindi ka kakain ng umagahan dahil late kana.
Pss.
Wag kang pasaway :P
- Your handsome Sebby :-D '
Napailing at napangiti ako sa sinulat niya.
"Ako pa talaga ang pasaway huh." sabi ko sa papel na hawak na parang siya ang nandun.
Binuksan ko naman ang baunan saka sinipat ito. May dalawang nakapalaman na tuna sandwich sa kaliwa at spaghetti na paborito ko.
'Infairness may silbi rin pala ang unggoy na iyon.' napangisi nalang ako.
Nagmamadali ko naman itong inayus saka nilagay sa isang paper bag. Umalis din ako duon.
Nasa may lobby na ako at nagmamadali lumakad papuntang parking lot pero napahina yung paglalakad at tumingin muna sa relo kung anong oras na ba. Sa pagtingin ko dito di ko namalayang may kasalubong pala ako kaya nabunggo ko siya.
's**t!' bulong ko
Mahina lang naman ang impact dahil napaatras lang ako.Tiningnan ko naman kung sino iyon at magso-sorry na sana pero tila naumid ang dila ko at hindi makapagsalita.
'Oh my!'
Nakatingin lang din siya sakin ng malamig at parang ang liit-liit ko sa paningin niya.
Ibubuka ko na sana ang bibig nang biglang lumihis ang paningin niya at lumakad palayo sakin.
Nasundan ko pa siya ng paningin at papasok na siya ng elevator ngayon. Nagtama ulit ang paningin namin kaya kita ko pa kung paano kumunot ang noo niya at mas lumamig ang tingin kaya napaiwas naman ako dito.
's**t! Nakakahiya ka Eya!' saway ko pa sarili habang nakatampal sa noo
"Ang gwapo di ba ma'am? nakangiting singit naman ni manong guard sa pagpantasya ko kaya nabalik ako sa sarili.
Napatingin lang din ako kay manong ng di makapaniwala.
'My God Eya! Hindi mo man lang namalayan na may nakakita pa sa kahihiyan mo! Shocks!'
Napapaypay naman ako sa sarili at napapabuga ng hangin na parang napapakalma ako nito.
"Siya si Sir Rad ang may-ari ng building na to ma'am." imporma naman niya sakin.
'Really!!'
Napanganga naman ako dito pero kinompose ko rin ang sarili ko agad para di halatang gulat na gulat ako. Sa pagkakaalam ko kasi hindi nag gagawi ang may-ari nito dito. Sa bagay sino ba naman ako para malaman iyon. Napailing nalang ako at iwinaksi ko na sa isip iyon.
'Hala anong oras na!'
"Sige manong mauna napo ako." sabi ko nalang dito at nagmamadaling pumuntang parking lot.
"Sige po ma'am! Ingat kayo!" pahabol pang sigaw ni manong sakin.
Pagkadating ko dumiretso na agad ako sa kotse ko. Oo may kotse ako di ko lang ginamit kahapon dahil gusto kong mag commute. Hindi naman iyon unang beses, siguro natyempuhan lang ako kahapon.
Habang binabagtas ko ang daan papuntang kompanya, hindi ko mapigilang sulyapan ang mga taong naglalakad sa kalsada.
May pamilyang masayang naglalakad, mga taong natutulog sa kalsada, mga nag-uunahang pasahero.
Di ko na maisa-isa pa sa dami ng iba't-ibang taong ito. Napapaisip tuloy ako sa pamilya ko. Kamusta na kaya sila?
Naging mabilis naman ang byahe ko't nakarating agad ako sa pinagtatrabahuan ko.
"Good morning ma'am." bati agad ng guard pagpasok ko ng gusali.
Maraming napapatingin sakin at di ko alam na celebrity na pala ako ngayon. Di bale na dyosa naman ako kaya bahala sila sa buhay nila.
Pagkadating ko sa cubicle ko nakalagay na sa isang box mga gamit ko. Napakunot naman nuo ko. Napansin naman ako ni Marielle at agad siyang lumapit sakin.
"Uy girl, hindi mo ba nabalitaan?" tanong niya
"Ang alin?" taas kilay kong sagot
Tinaasan niya rin ako ng kilay at inirapan pako. Napakunot nuo naman ako sa inasta nya.
"Heeh! Na tanggal kana sa trabaho." nakangising singhal nya sa akin.
"Whattt?!" sigaw ko.
Nakaagaw naman kami ng atensyon dahil sa pagsigaw ko.
"Uhuh, at kung ako sa iyo imisin mo na mga gamit mo at umalis ka na rito." nang-iinis tingin ang ipunukol niya sakin.
This two-faced b***h! Nag cross arms pa ang bruha at may ngiting tagumpay na nakapaskil sa labi.
Kinalma ko ang sarili ko. I won't give this b***h a gratitude of satisfaction.
Imbis na inis ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"Huli ka na rin ba sa balita girl?" inosente kong tanong sa kanya.
Nawala ang ngiti niya at napalitan ng kunot nuo. Ganyan nga sumimangot ka para lalo kang pumangit. Hindi ka uobra sa dyosa kong ganda.
Pero bumalik rin ang ngiti na. Napa ismid ako sa isip ko.
"Na anu, tanggap mo na mas maganda ako sayo?" Nakangisi niya pang aniya.
I heared chuckles from a distant but it's very faint, so you can never really know who is it. Napalibot naman paningin ko sa paligid. Nakita ko naman ang palihim nilang pagtawa at pagkagat labi.
Kaya naman mas napalawak ang ngiti ko.
Napabalik naman ang kunot nuo ni Marielle dahil sa ibang ngiti ko at napatingin rin siya sa mga tao rito. Napaiwas naman sila ng tingin at kunwaring may ginagaw.
"No! Akala ko alam mo na?" tuya kong sabi.
Napabalik tingin agad siya.
"What is it?" there's a worried tone in her voice.
"Na galing ka sa HippoLandia in Africa!" masaya kong turan sa kanya.
Lumiwanag naman ang mukha niya at nangislap ang mga mata.
"Of course! I've been there." masaya niya ring turan.
"Wait! How did you know?" she curiously asked.
Napakagat labi ako sa kakapigil ng pagtawa. Masayang masaya siya ah.
"Oh my God! You're stalking me." Oa na sabi niya.
Parang sigurado talaga siya sa sinabi niya, may patakip pa ng bibig.
Napairap naman ako sa isipan.
'Duhh! Sino ka naman para i-stalk ng dyosang tulad ko' nasusukang isip ko pa.
Kung di kalang kalahi ng mga hippo na napanuod ko sa HippoLandia channel masarap ka sanang ingudngod sa asinan, pero wag na baka magalit pa sa akin si mother nature.
Nakarinig naman ako ng mga pagtawa, yung obvious na talaga dahil kita na gilagid nila. Sigurado akong nakuha nila ang sinabi ko, itong isa lang talaga ang may pagka bobo at hindi makuha-kuha ang ibig kong ipakahulugan. Napatingin naman siya ulit sa mga ito at napakunot noo na parang takang-taka.
"No girl, your parents told me so."
Matapos ng sinabi ko may ibubuwelta pa sana siya sakin pero dumating nalang bigla si boss.
"What's the commotion here all about?" tanong ng kararating lang na si Boss Mando.
Meet Mando Cristobal, 50 years old na may taas na 5'ft. May itim na singkit na mga mata, small flat nose, thin straight eyebrows and has a round thick lips. At bilogang katawan na parang bola.
Babaero na akala mo naman kay gwapo, palagi pang naka cowboy hat dahil sa wala na siyang buhok, saka mapera lang yan kaya nanatili ibang babae sa kanya. Galante rin sa mga babae niya kaya ganun nalang sila kakapit sa kanya.
Minsan narin akong inakit nyan pero kinilabutan lang ako sa ginawa niya. Mabuti nalang may alas akong isang picture ng pambababoy niya kasama isa sa kliyente ng kompanya. Na kung hindi niya ako titigilan ipapakita ko iyon sa asawa niya.
Pero pagdating sa trabaho wala ka namang maipintas dahil magaling talaga siyang humawak ng kompanya. Accommodating din siya sa mga employees kaya ganun nalang nila kagusto ito. Lalo na sa mga benefits na makukuha mo dito sa company.
"Oh! Here you are, Miss Aragon. Please follow me on my office immediately." nakangiti niyang sabi pero alam ko galit na 'to sa kaloob-looban nya.
Magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na niya agad ako at pumasok na sa elevator papuntang office niya. Napabuntong hininga nalang akong sumunod at hindi na pinansin yung iba lalo na si Marielle.