Nandito ako sa loob ng opisina ni boss habang nakaupong nakatingin sa kanyang nagpipirma ng mga papeles.
"So..?" pauna ko kasi hindi naman siya nagsasalita para tanga naman alo kung nakatingin lang ako sa kanya.
Napahinto naman siya sa ginagawa niya at dahan-dahang tumingin sakin hanggang sa tumalim ang mata niya pero bumalik rin sa normal. Akala naman niya matatakot niya ako sa ginawa niya ngayon. Gusto ko pa nga siyang taasan ng kilay dahil sa tagal niyang magsalita pero pinigilan ko dahil boss ko pa rin naman siya.
"Well Ms. Aragon you're one of my excellent employee here and you make miracle deals that benefits the company from the start of your stay here but there are things that we cannot control and that could lead to its failure."
"Pwede niyo po bang diretsohin nalang ako boss? Naglilikot na ang dila ko sa loob na parang gusto nang bweltahan ang boss ko.
"I'm so disappointed with you Ms. Aragon. I thought you could never neglect your duty specially yesterday that we have our biggest client that will heightened our company more but he immediately backed out because of your incompetency."
nanalilisik na niyang pahayag.
Ako nama'y di makapaniwala sa sinabi niya at pagak na napatawa.
"Ha-ha-ha, Wow boss! Incompetence? Are you telling me that I'm not capable of doing my job well?"
"Well to tell you prankly boss, you're not competent yourself too. Why? Because you can't even win the deal with just yourself." nang-uuyam ko pang dagdag habang nakataas kilay dito.
"Should I give you the benefit of saying that it's your incompetency that makes you lose your deal and you even called yourself as a business magnate. Wow! What a word! And my incompetency is the one who makes this company more stronger BOSS! Huh! Now that I hear it myself then I should clearly say it to you once."
"I resign!" I said it with conviction.
"Aba't!---"
"Your company is not that big and my 'STANDARD' is too HIGH to even enclose with your own definition of standard." dagdag singhal ko pa dito .
'Huh! Akala mo ah!'
Tumalikod nako at hindi na nilingon pa muli ito kahit tinatawag niya pa ako.
"HEY!! YOU INGRATE! COME BACK HERE!" sigaw niya sa likuran ko. Napapailing nalang ako habang naglalakad palabas ng mabahong opisinang ito.
"ARRRGGG!!YOU BRAT!!"
Dinig ko pa bago sinara ang pintuan.
"Hahaha, that's what you get from messing with me." I just smirk triumphantly.
Napatingin naman yung sekretarya niya sakin na parang nagulat pa dahil siguro sa sigaw ni bo--
'Wait he's not my boss anymore, so hindi ko na dapat pang tawagin siyang boss.'
Dire-diretso naman ako papuntang elevator para makuha na ang mga gamit ko at nang makaalis na dito.
Pagka punta ko sa cubicle ko agad ko namang inimis ang gamit ko at hindi na pinagtuonan pa nang pansin ang panunuri nila.
Nakita ko pa si Marielle sa peripheral view ko na nakangising tagumpay at naka crossarms pa. Hahayaan ko silang isipin ang gusto nilang isipin.
Ganyan naman talaga ang mga tao mahilig silang manghusga na parang alam na nila kung anong buong istorya. Kaya imbis na ipaliwanag mo huwag ka nalang mag aksaya at hindi rin sila maniniwala dahil binigyan na nila ng conclusion ang lahat kahit wala ka pang sinasabi. Pagtuonan mo nalang ng pansin ang sarili mo kaysa kunin ang approval nilang wala namang katuturan.
Bago ako umalis tiningnan ko muna ang mga tao rito panghuli si Marielle at saka ngumisi at pinitik ang buhok pagkatapos tinalikuran na sila.
Poise na poise pa akong naglalakad habang kumekembot. Hindi naman masama dahil sa mala hour glass kong katawan at itim na itim kong mahabang buhok na abot hanggang bewang. I'm also wearing a body hugged blue dress with matching wedge sandal shoes.
'Oh diba, Dyosa!' isip ko.
Wala pa iyan sa malapuso kong mukha, mapipilantik at mapupungay kong mala dagat na mga mata, matangos na ilong, at mala rosas kong pisngi at pouty lips. Kaya nga lang kinulang ako sa height, 5'3 lang ako mga best. Iwinaksi ko nalang ito saking isipan.
'Tsk!' napapailing nalang ako sa mga naiisip.
Sa gitna nang paglalakad ko napag isip-isipan kung tumambay muna at magliwaliw. Hindi naman siguro masama, hindi rin naman ako naghihirap.
Sigurado rin akong masayang-masaya si Marielle ngayon dahil mapupunta na sa kanya ang promotion na matagal na rin niyang hinihintay. Magkasabay kaming nakapasok sa trabaho at inaasahan na niya talaga nuon pa na siya ang mapopromote sa department namin pero wala eh mas magaling ako sa kanya kaya ako ang ginawang head ng marketing department.
Minsan ko narin siyang narinig na pinag-uusapan ako ng mga kalahi niya patalikud pero nagkunwari akong hindi ko sila naririnig. Kapag naman kaharap ko siya ay parang close na close kami kung kausapin niya ako hinahayaan ko nalang dahil diyan siya masaya basta alam ko na kung anong kulay niya talaga.
Ngayong nalaman niyang wala na ako kaya ganun na lamang kung lumabas tunay na ugali niyang masahol pa sa daga. Goodluck nalang sa inyo kapag si Marielle na ang head ng department niyo, sana hindi kayo abutin ng malas.
Malapit na sana akong mag three years sa company pero okay lang iyon. Ganun talaga ang buhay, minsan meron minsan wala.
Papasok na sana ako sa kotse ko nang biglang tumunog ang tiyan ko. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom, hindi ko nga pala kinain ang hinanda ni Seb. Dali-dali naman akong pumasok sa driver seat at humanap ng kainan na pwede magdala ng baunan.
Dahil sa wala akong mapili ay dumiretso nalang ako sa mall at pumuntang food court.
'Duon nalang ako kakain, gutom na talaga ako.'
Pagkarating ko ay dumiretso ako sa may stall ng french fries at isinama naring binili ang isang bote ng c2.
Madali naman akong nakahanap ng pwesto dahil mabibilang lang ang tao ngayon sobrang aga pa naman kasi, pagtingin ko sa relo 9:30 am pa naman. Galit galit muna ako sa pagkain kaya hindi ko namalayan may lumapit at umupo na pala sa harapang bahagi ng pwesto ko.
"So the news is true that you're now a poor." biglang salita nito na familliar sa akin ang boses.
Napaangat agad ang mukha ko paningin sa kanya.
"My God Elaine! You really stoop that low now?"
"Really?! In a food court with matching lunch box and a c2 bottle?!" maarte niya pang pahayag.
Mabuti nalang talaga at wala kaming katabing ibang tao ngayon kundi baka sinamaan na siya ng tingin dahil sa mga pinagsasabi niya. Napakuyom naman ako ng kamao pero hindi ko pinahalata iyon sa kanya.
Napapaypay pa siya sa sarili na parang init na init siya kahit malamig naman talaga dito.
"Then why are you here in front of me? Did you stoop that low too?" blanko ko lang tanong dito.
"Of course not!" mabilis naman niyang aniya
" I just happen to kita you and to confirm that it's really you I make lapit here." napagesture pa siya ng daliri paharap na may papitik-pitik pa.
Hindi parin talaga siya nagbabago, conyo parin at ang arte-arte pa. Masakit parin siya sa tenga.
"And you confirm it. Can you go now? You see, I'm peacefully eating here before you came." blanko ko paring tugon
"Oh come on. We haven't kita each other, so why are you making me alis agad?" nakasimangot pa niyang aniya sakin.
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ko na ang naudlot kong pagkain.
"Seriously, the mighty-mighty Elaine are eating in food court with a baunan and also not wearing her branded clothes."
"This is a great news for our colleagues that you're just wearing a not so expensive things and such."
Napapailing nalang ako sa mga narinig ko sa mga pinagsasabi niya pero dinededma ko parin siya.
"Do you really think that what you're doing now can make you less of a sinner today?" seryoso na siyang nakatingin sakin ngayon.
Napahinto naman ako at napakuyom ng kamao saka napaigting ng panga pero hindi parin nakatingin dito. Napatayo naman siya ngayon.
"Well it's not so nice meeting you again Elaine, let's see each other again when the mouse got caught by a trap. Bye-bye." humalik pa siya sa pisngi ko bago umalis.
Nag-angat na ako ng mukha habang sinusundan siya ng tungin na parang mabubutas na ang likod niya. Napapaisip naman ako sa huling sinabi niya.
'Ano na naman kayang laro ang niluluto ng bruhildang ito.' bulong ko pa.