Sa paglalakad ni Grace ay marami naman ang napapatingin sa kanya. Sino nga ba namang hindi makakakilala sa kanya, isa siyang sikat na model at magkabilaan ang mukha niya sa mga billboard at isa rin siya sa tagapagmana ng isang sikat na G&M Amorata Cuisine sa buong asya.
Siya si Grace Marie Inamorata, isa siyang Russian-Filipino, actually magkasing edad lang kami nila ni Sebby, sabay-sabay rin kaming grumadweyt ng college sa isang prestigious school na V&A International University dito lang rin sa Davao.
Nuon pa man ay hilig na niya ang rumampa at sumali sa iba't-ibang pageants sa loob at labas ng school. Kaya hindi na nakapagtatakang isa na siyang sikat na international model ngayon.
Bagay naman sa kanya dahil maganda siya at may kataasang 5'6 ft. kaya minsan nanliliit ako pag kasama siya pero hindi naman maipagkakaila na mas angat ang ganda ko sa kanya.
She has a rectangular shaped face with an almond deep set brown eyes and soft arch eyebrows, small pointed nose, a full lips and wavy short hair with a seductive body but she's a flat chested one.
Hindi na ako kumain ulit dahil nawalan na ako ng gana. Binalik ko nalang sa paper bag ang lunch box at sinama ang fries na hindi ko man lang natikman. Inubos ko nalang ang c2 at tumayo nako't lumapit sa malapit na trash can para itapon duon ang bottle na wala ng laman pagkatapos umalis narin agad.
Habang nagmamaneho ako pauwi naisipan ko munang pumunta sa isang tahimik na lugar kung saan makakapag-isip ako ng mabuti.
Nandito ako ngayon sa tinatawag nilang Kingsland at naghahanap ng magandang pwesto ng pagparkingam dito. Sabi ni manong guard sa akin kanina pwede akong magpark rito sa loob basta magbayad lang ako ng oras dito sa may hotel nila. Kaya dumiretso ako duon at naisipang nalang na magpalipas ng dalawang gabi dito.
Pagkadating ko naman sa may harap bigla nalang may lumapit na valet sakin kaya inabot ko na sa kanya ang car key ko para siya na ang bahala mag park nito, may binigay naman siyang numero kaya mas maayus narin ito. Dumiretso na ako sa loob ng hotel at kumuha ng isang suit.
"Good noon ma'am! Welcome to Kingsland Resort!" nakangiti at masaya niyang bungad sakin.
"Good noon, miss Lisa." nakangiti ko rin namang balik sa kanya at binasa na ang name tag niya.
"I'll take one suit for two nights miss."
"Okay ma'am." naghanap naman siya sa log book nila.
Kinalikut ko naman ang dala kong bag at kinuha ang wallet saka nilabas ang credit card ko.
"Your suit would be on the third floor, third room ma'am. Here just put your information here po."
"Okay, here." binigay ko rin naman sa kanya agad yung card ko para mas madaling matapos.
Pagkatapos kong magsulat ay agad rin naman niyang binalik ang card ko na may kasama ng key card ng hotel room ko.
"Here's your card and key ma'am. Thank you for choosing here ma'am Elaine. I hope you enjoy your stay." Nakangiti pa rin niyang aniya.
Tumango nalang ako rito at saka dumiretso ng elevator. Nang pipindutin ko na pasara ang elevator ay bigla nalang may humabol na pumasok rito kaya nabitin sa ere ang mga kamay ko at siya nalang ang pumindot ng pasara nito at ang floor niya.
Hindi ko inaasahan na magdampi ang mga kamay namin at para akong nakuryente kaya binaba ko ito agad. Parehas lang pala kami ng floor kaya nanahimik nalang ako dito sa isang tabi.
Siya iyung lalaking nakabanggaan ko kanina sa condo, yung may-ari ng condo building namin. Pasulyap-sulyap pako dito lalo na't makikita naman siya dito sa harap dahil may pagka salamin ang elevator nila rito. Nabigla ako nang marinig ang baritono nitong boses.
"You know it's rude to stare miss."
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. Sayang nga lang ang kagwapohan kung antipatiko naman pala.
"Wow, mister! Don't be such a conceited one, it just happen that I can see myself infront and that gave me moment to look at my face in it." mabilis ko naman bwelta dito kahit totoo nmn ang sinabi niya.
"Oh really? Well that's not what I see on my own view." nagtunog ngisi pa siya at nakaangat ang isang sulok ng labi niya pero bumalik rin sa pagiging malamig ang mata at blankong mukha na parang hindi ka interest-interest ang kaharap.
Lumabas naman siya ng elevator ng bumukas ito at hindi na hinintay ang sagit ko.
"Huh?! What a jerk!" singhal ko pang sinundan ito na tama lang para marinig niya.
Humarap naman ito sakin at mas lumamig pa ang mga mata niyang nakatingin sakin.
" Are you catching my attention miss. Well..."
Nakuha pa akong pasadahan nito ng paningin, simula ulo hanggang paa saka diretsong tumingin sa mata ko. Nagyayabang pa akong nakatingin sa kanya habang nakapamewang sa kanya.
"Oh ano! Di ba ang ganda ko." nakangisi ko pang sabi. Umangat naman ang sulok ng labi niya
"Sad to say, you're not my type miss. Hindi ako pumapatol sa mga bata." tinalikuran na niya ako pagkatapos nun.
Hindi naman ako makahuma sa sinabi niya at nakanganga pang nakatingin sa likod niya. Nang matauhan ako'y nawala na siya sa paningin ko.
"JERKKK!!" sigaw ko pa na umecho sa buong paligid dahil sa sobrang tahimik ng hallway dito buti nanga lang at walang tao.
Napalinga linga naman ako sa paligid at napahinto nang nasa harap na pala ako ng magiging kwarto ko. Binuksan ko na ito at pumasok na sa loob.
Malaki rin naman ang kwarto nila rito at malaki rin ang kama, tamang-tama lang sa malikot kong pagtulog. Dumiretso naman ako dito at nilagay sa ibabaw ng side table ang kanina ko pang dala dalang paper bag at ang shoulder bag ko. Saka ako dumapa sa kama at naalala ko na naman ang nangyari kanina sa hallway.
'Nakakainis! Hindi man lang ako nakabwelta!' frustrated kong isip na di ko na napagtuonang nakasabunot na pala ako sa buhok ko at hinihila ito pababa.
'Hmmp! Humanda ang mokong na iyon pag nagkita kami ulit.'
'Teka iniisip ko bang magkikita kaming ulit?'
'Tsk! Hindi pwede! Siguradong mabubwiset lang ako pag nakita ko na naman ang nakakairita nitong presensya.'
Pilit ko naman itong winawaksi sa isip ko pero pasaway talaga at palagi nalang siyang lumilitaw sa isip ko na parang kabute.
Kinuha ko nalang ang bag ko para may ibang mapagtuon ang isip ko at hindi ang jerk uyy saka inilabas ang phone kong kahapon ko pa pala hindi nabubuksan.
When I switch my phone on, sunod-sunod naman itong tumunog. Tinignan ko naman kung sino-sino iyon.
Napakadaming message sakin ni Mando at saka missed calls kahapon at kanina. Napataas nalang ako ng kilay at inignora ang mga messages niya sakin saka tiningnan ang iba pa. May dalawang missed call at limang message sakin si Seb, binuksan ko naman ito.
'Hey! I'll be dropping there tonight and to have some bonding with you.' kagabi pa ito, nag text pala ang unggoy. May isa pa.
'Good morning. I leave early 'cause I have an urgent meeting. Anyways I know you've seen my note and the food, eat it all, okay? Don't skip meals, I love you.'
'Sweet' bulong kong nakangiti.
May isa pang unknown number na message dito, nagtataka ko naman itong binuksan agad.
'Hello! This is Rylle the handsome policeman ;-)'
'Oh my God! Si Rylle!' napangiti naman akong naisip siya.
Sumingit naman si jerk sa pag-iisip ko, hindi ko alam pero may pagkakahawig sila.
'Di hamak namang mas gwapo si Rylle kesa sa jerk na iyon noh.'
'Talaga lang girl huh?!' contradict ko naman sa sarili.
"Ah basta! Mas gwapo parin si Rylle para sakin." pilit namang nagsusumiksik sa isip ang mukha ni jerk at parang pinaalalahanan akong nagkakamali ako.
Frustrated ko namang sinabunutan ang sarili. At parang nababaliw na inihampas sa kama ang ulo.
'Teka bakit ko nga ba sila pinagkukumpara?' bulong ko
Dahil sa naisip ay inangat ko na ang mukha ko at pinilit na ayusin ang sarili at napapailing pa para mawaksi ito sa isip.
Mabalik nga ako, ano bang magandang panimulang text kay Rylle. Para naman akong bumalik sa pagiging teenager na nahihiyang iapproach si crush dito. Nakaka cringe naman tong mga pinag-iisip ko.
"Bahala nanga, hmmp!" isnab ko sa sarili.