Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama, ubos narin ang pagkain ko dito. Nakakatitig lang ako sa phone ko ngayon at di alam kung anong gagawin.
Napagdesisyonan ko nang tumayo at lumabas ng hotel room saka maglakad lakad at humanap ng restaurant na mapagkakainan narin rito. Lunch break narin kasi ayaw ko namang malipasan ng gutom.
Sumilip muna ako sa may hallway at baka makasalubong ko pa ang mayabang na jerk na iyon. Nang masiguro kong wala nga lumabas nako ng tuluyan.
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako sa hotel na hindi siya nakikita. Ngayon nama'y problema ko ang maghanap ng restaurant dito dahil hindi pa talaga sapat iyong fries ko kanina.
Napapalayo na ako sa hotel at dinadama ang malakas na simoy ng hangin ng galing sa dagat. Lumiwanag naman ang mukha ko ng malakita ako ng restaurant.
'Sa wakas makakakain na talaga ako ng totoong pagkain'
Nagmadali naman akong nagtungo ruon.
"Good noon ma'am." bati namang nakatitig sakin ni kuyang guard. Siguro mga nasa mid 20's pa ito.
'Ano ba, wag mo namang ipahalatang nakakita ka ng dyosa kuya.'
"Good noon." ayaw ko naman siyang mapahiya kaya binati ko siya pabalik ng nakangiti.
At duon ko nakita ang pamumula ng mukha niya at umiwas na ng tingin sakin.
Hindi ko na siya pinansin pa at dire-diretso na paloob.
Humanap agad ako ng mauupuan pero sa dami ng tao ngayon mukha wala ng pwesto.
'Ayon!' bulong ko pa.
Hindi pa ako nakakahakbang ng bigla nalang akong naitulak ng isang waiter. Mabuti nalang may sumambot sakin at nahawakan ako sa may bewang kaya napahawaak rin ako sa may dibdib at braso nito para kumuha ng suporta kundi baka nasa lapag na ako ngayon at nakalagapak.
'Ba't nga ba naka wedge ako ngayon. Nakakainis naman.'
Napatingin naman ako sa sumambot sakin at biglang napatulala. Sino nga bang hindi kung nakakita ka ng mala Greek God na nag-anyong tao para bumaba dito sa lupa at saluhin ako.
'Pati ba isang Greek God nabihag na sa alindog ko?' para akong nasa alapaap habang yakap niya
Una kong napansin ang luntian niyang mga mata na parang hinihigop ako papalapit sa kanya, pababa sa mala aristokrato niyang ilong, sa mamula mula niya hugis pusong labi at madepinang panga lalo na sa matitigas niyang mga brasong nakayakap sakin ngayon. Para tuloy kaming nagsasayaw.
Nakatingala lang ako sa kanya at tulala, nang unti-unti ko ng mapansin na pamilyar ang kanyang mukha saka nang tumaas ang isang sulok ng labi niya at nag salita duon na tuluyang nabasag ang aking pantasya.
"Are you done drooling on me, miss?"
Naitulak ko siya ng bahagya at napaatras habang namumula na ang buong mukha dahil sa idinulot na kahihiyan. Muntik pa akong mawalan ng balanse buti nalang hindi nangyari. Napahinga naman ako ng malalim pagkatapos nun. Duon ko lang din napansin na kanina pa pala ako hindi humihinga.
'Hindi lang ata mukha ko ang namumula pati yata buong katawan?!'
"O--oof c-course not! Ehmm!"
'Did I just stuttered? s**t!'
Pilit ko namang pinapormal ang mukha at tumikhim kahit na namumula pa ang mukha ko.
"Well, I'll just pretend that it didn't happen." nangibit balikat pa siya pero nandun parin nakapaskil ang ngisi niya sa labi.
"Jerk!" gigil kong usal.
There's also a glint of mischief in his green eyes when I said that. Na parang tuwang-tuwa siya sa kamiserablehan ko.
He didn't say anything after and he just walk away with a grin plastered in his lips. Napasunod naman ako ng tingin dito hanggang sa makalabas siya ng restaurant. Nakita ko pang napasulyap siya sandali kaya naman inirapan ko siya bago tuluyang lumabas.
Ako nama'y nakatayo parin sa gitna habang hindi parin makahuma sa nangyare. Napalibot naman ako ng tingin at dahil sa agaw atensiyon kami kanina nakuha na pala namin ang pansin nila pero nang tiningnan ko naman sila ay bumalik na sila sa kanilang ginagawa.
Duon ko lang rin napagtuonan ng pansin ang dahilan kung bakit nasa sentro ako ng kahihiyan ngayon. Napabuga nalag ako ng hininga.
"Sorry po ma'am, pasensya na hindi na po mauulit." paulit-ulit niyang sabi sa akin habang may pa bow pa.
"It's okay." pilit ngiti ko nalang itong sinabi.
Napatingin naman ako sa paanan niya at nakita kong nagkalat duon ang basag ng pinggan at mga pagkain. Base narin sa naririnig kong bulong-bulongan ay kasalanan pala iyon ng dalawang teenager na naghaharutan habang hindi nakatingin sa kanilang dinaraanan kaya nabangga nila ito.
"Pasensya na po talaga." ulit na namang aniya sakin ng waiter.
Tumango-tango lang ako dito at tinalikuran na siya para makapunta na sa pwestong nakita kanina. Buti nalang wala pang nakaupo duon.
Nang makaupo na ako ay may lumapit naman agad na waitress sakin. Binigay niya namn agad sakin ang dala niyang menu. Tiningnan ko naman ito at napangiti.
"1 Curacha Crabs with Alavar sauce,
2 cups fried rice and a pineapple tea." inulit naman niya ang inorder ko at tumango naman ako dito. Paalis na sana siya bitbit ang menu pero tinawag ko siya ulit.
"Ah, wait! Where is your wash room here?"
"Diretsohin niyo lang po dito at gilid niyan ay makikita mo yung pinto po ng wash room." nakaturo pa siyang paharap tapos ngumiti sakin at umalis na.
Pumunta naman ako duon at dumiretso na sa loob saka naghugas ng kamay at inayus-ayos ang sarili. Naglagay muna ako ng kaunting powder at nung satisfied na ako ay binalik ko na ang facepowder sa bag at lumabas na ng wash room.
Madaling madali lang ako sa loob dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang may narinig akong impit na ungol sa loob ng isang cubicle, linapitan ko pa nga ito pero bigla naman nawala kaya pinagsawalang bahala ko nalang ito at bumalik sa ginagawa.
Nandito na ako sa pwesto ko kanina. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago dumating ang inorder. Habang hinahain na ito sa hapag ko ay natatakam ko naman itong tiningnan. At nang matapos siya ay nagsimula na akong kumain. Galit galit muna akong kakain at bahala na sila diyan.
Sarap na sarap ako sa kinakain ko ng biglang may lumabs na babae sa wash room na pinanggalingan ko kanina. Kitang-kita dito sa pwesto ko dahil sa paharap naman ito sakin. Hindi ko na sana ito papansinin pero nabigla at napahinto ang kamay na susubo na saana sa ere dahil ilang minuto lang ay may lumabas na lalaki sa pinanggalingan ng babae kanina. At saka siya dire-diretsong lumabas ng kainan.
'Wala naman akong nakitang pumasok kanina pag-alos ko kanina'
'Saan sila galing?' nagtataka naman akong napaisip.
'Hindi kaya---, Oh my God!! Sila iyon?!' Nanlalaking mata pa akong napabulong niyan pero hindi naman masyadong halata dahil nakayuko ang ulo ko kaya wala ring nakapansin sa akin dito.
Sinundan ko naman ng tingin ang pinuntahang pwesto ng babae kanina.
'Gosh!!' napasinghap na talaga ako.
Napapailing na inilayo ko ang paningin sa kanila.
'Iba na talaga kabataan ngayon.'
Nakita ko lang naman na may kahawakan ibang kamay sa isang mesa ang babaing iyon at ang sweet-sweet pa nilang tingnan dalawa. Sa tantiya ko'y nasa college palang sila.
'Kawawang lalaki, hindi niya alam iniiputan na pala siya.'
'Tsk-tsk! Bahala na sila diyan sa mga buhay nila.'
'Buhay nila iyan, sino ba naman ako para makialam, di ba?'
Naalala ko tuloy iyung mga panahong ako pa ang nasa pwesto ng lalaking iyan. Masakit maging tanga pero mas masakit magpaka tanga. Tanga ka nanga pilit ka pang nagpapakabulag sa ilusyong meron kayong dalawa.
'Mabuti nanga lang nakawala ako sa sitwasyon iyon pero kinailangan pang may mawal---.'
Napapalalim na ang hininga ko at sumisikip narin ang puso ko dahil sa mga senaryong lumalabas sa isip ko ngayon. Nanginginig na ang mga labi ko hudyat ng nagbabadyang luha. Naglulumikot na mga mata ko na parang ilang sandali ay may lilitaw na hindi kanais-nais.
'A-Aine tu-tttullungann...' pilit kong nilalabanan ito saking isipan.
Dali-dali kong kinuha ang wallet ko at nagkanda hulog-hulog pa ito habang kinukuha ko.
'Ano ba! Makisama ka naman!' bulong ko pa dito.
Nang makuha ko na talaga ito at sa nanginginig na kamay dumukot ako ng tatlong libo bago inilagay sa mesa at inipit ko sa baso saka ako mabilisang tumayo at nagmamadaling umalis duon. Napapakuyom at napapawaksi ako ng kamay para mawala ang pangnginig nito.
"Thank yo----..." nabitin sa ereng bati ni kuya guard dahil hindi ko siya pinansin at diretsong lakad lang ang ginawa ko.
"Wala ka pala pre, inisnab ka tuloy ni miss beautiful." narinig ko pang sabi ng kasamahan niya.
Nanginginig pa ang mga tuhod ko habang naglalakad na para na akong matutumba. Kada naman may makasalubong akong tao ay pilit ko silang iniiwasan.
Hindi maiwasan ng iba ang mapatingin sa akin at mapataas kilay. Sigurado akong iniisip na nila ngayong ang arte-arte ko. Kada naman may magsasalita sakin ay bigla-bigla nalang akong nagugulat.
Kaya minabuti ko nang lumapit sa may dalampasigan na hindi masyadong malayo sa mga tao dahil natatakot akong pagharian ng emosyon ko kapag nilukob na ako ng katahimikan lalo na ngayong hinahabol ako ng aking nakaraan.
Paluhod akong bumagsak sa buhangin at nabitawan ang dala kong bag saka hinayaang dumaloy ng tuluyan ang luha sa aking mga mata. Nakayuko lamang akong tumatangis at kipkip ang dibdib dahil sa bigat na dinadala. Natatabunan naman ng buhok ko ang aking mukha kaya hindi nila ako nakikita.
'Hanggang kailan?! Hanggang kailan ako magiging ganito?' pagtangis ko.
'Hindi mo ba talaga ako titigilan. Hanggang kailan mo ako parurusahan?' nakaangat na ng bahagya ang mukha ko at nakabaling na sa babaeng kaharap.
Siya ay nakabestidang puti pero nababalutan siya ng mga sugat at dugo sa katawan lalo na ang nanlilisik niyang mga mata umiiyak ng dugo.
Bigla namang tumunog ang phone ko kaya nabaling duon ang atensiyon ko. At parang bulang nawala naman ang babae kanina.
Kinuha ko naman agad ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.
'Rylle?' nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi.
Pero hindi panga ako nakakaisip ay namatay na ito agad. Ilang segundo lang ay rumehistro ulit ang pangalan niya, hindi na ako nagdalawang isip pa at sinagot na ito.
"(Hello?)"
Inayos ko muna ang sarili at pinilit magsalita.
"(H--ehmm, hi!)" tumikhim pako para ang mawala ang bara sa lalamunan at maayus na nagsalita.
"(Are you okay?)"
"(Of course! I'm okay! It's just cold in here, so I got some groggy voice. Hihihi)" pinilit ko pang pasiglahin ang boses para hindi niya mahalata
"(Are you sure? If not, I can go there.)" he sounds concern.
"(No! I-I mean I'm really fine and I'm not at home, you know some alone time with the beach.)"
"(Oh! That's why I'm hearing some water splashing. So I think it's just a sea waves, then.)"
"(Yeah.)" mahabang katahimikan ang nangyari bago siya nagsalita ulit.
"(So, I think I'm a disturbance. I might as well put it down now.)" he chuckles lightly.
"(Ah, no. Let's talk about your business. So why did you call?)"
"(I actually don't know why, maybe because I just miss talking to you, just like last time!)" tuloy-tuloy niyang sabi.
"(Hahaha, you sound so defensive Rylle.)"
"(Ha-ha-ha, do I?)" pagak niyang tawa at tingin ko nakakamot na siya sa may batok niya.
"(Hahahaha, yeah?)"
Matagal natapos ang tawagan namin ni Rylle at di ko namalayang alas tres na pala ng hapon. Nakabuti naman ito at nakaligtaan ko ang nangyari kanina. Nandito parin ako sa dalampasigan at nakababad sa napakainit na araw habang pinagmamasdan ang mga taong naliligo ng masaya.
'Ako kaya, kailan ako lubusang magiging masaya?'