Chapter 9

1492 Words
Papunta na akong hotel ngayon ng bigla kong makasalubong si Rad 'the Jerk'. 'Bakit ko nga ba naisipang pagpantasyahan siya kanina. Eh ang pangit naman niya.' nakakunot nuo na ako. 'Di ba nga sabi mo para siyang Greek God na nagkatawang tao para saluhin ka?' aniya naman ng isang bahagi ng utak ko. 'No! Dahil lang iyon sa ibang taong naiisip ko!' giit ko pa na mas lalong lumalim ang pagkakunot. 'No girl, sarap na sarap ka panga sa pakiramdam ng mga braso niyang nakayakap sa bewang mo.' segunda naman ng isa. I unconsciously shake my head that made him look at me with an amused eyes but it immediately disappear and replace with a frown. Hindi ko nga alam kong natutuwa ba talaga siya o pinaglalaruan na niya ako sa isip niya. Hindi ko narin napansing visible pala mga reactions ko habang nakikipag debate ako sa isip ko. Hindi ko na sana siya papansinin at lalagpasan nalang ng bigla siyang huminto at nagsalita kaya napahinto rin ako. "Where did you get that?" "Get what?" kunot nuo kong tanong Hindi naman siya nagsalita at nakatingin lang sa may 'tuhod?' ko. Nakakunot nuong nagbaba naman ako ng tingin sa may tuhod at nakita na may natuyong dugo at gasgas pala dun kaya pala kumikirot ito habang naglalakad ako. Siguro dulot ito ng pagbagsak ko kanina sa buhanginan. "Ah iyan? Nadapa kasi ako kanina sa pagmamadali, hehe" tuliro kong sagot habang naglulumikot ang mata. "Stupid" Bumalik naman ang kunot nuo ko sa narinig dito. 'Ako? Stupid? Hehh!' "Hehh!! Kasalanan ko bang may batong nakaharang kanina sa dinaraanan ko?" pagsisinungaling ko pa dito. "Still stupid" iling niya pang sabi. "Hehh!!" singhal ko nalang sa kanya. Umalis naman ako sa harapan niya at nagpatuloy sa paglalakad, mas ramdam ko na ngayon ang sakit kaya paika-ika akong naglalakad. Pero namalayan ko nalang na nasa ere na ako at nakaharap na sa likod ng jerk na ito. Pinasan lang naman niya akong parang sako. Napasigaw tuloy ako sa ginawa niya. "Yahhh!! Put me down jerk!" nagpapasag pa ako habang hinahampas ang likod niya. "Hey! Stop! Stay still, you'll just making yourself dizzy!" singhal rin niya. Napahinto naman ako dahil ramdam ko nga ang pagkahilo. "Where are you taking me?" "To the clinic" tipid niyang sagot Hindi na ako nagsalita dahil nahihilo talaga ako at namimigat ang matang pinakikiramdaman siya. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Bago iyon may sinabi pa siya sa'kin pero hindi na naging malinaw pa. 'Hmmm..' kay sarap naman kayakap ang unan na ito, ang napakabango niyang amoy na para ako nitong hinahalina na matulog pa kaya napangiti ako sa naisip. Kinapa-kapa ko pa ito 'teka bakit parang matigas?' napakunot nuo naman ako. Dahan-dahan ko namang binuksan aking mata at napalaki ito saka napasigaw. "Ahhhh!!!" Tinulak ko pa ito pero ang malas ko nga naman dahil sa kamuntikan na akong mahulog sa kama buti nalang nahawakan niya ako sa bewang at pinalapit sa kanya. Imbis na siya ang mahulog ako pa ang kamuntikan na. "Oh my God!" Ngayon nama'y sobrang lapit ng mukha namin na para kaming naghahalikan kaya dali-dali naman akong lumayo sa kanya habang bored lang siyang nakatingin sa akin. "What are you doing here? What did you do to me" gulantang parin ako sa mga nangyayari. Unti-unti naman siyang napangisi. "What do you think?" nakataas kilay pa siyang nakangisi niyan. Nanlalaki na ang mata kong nakatingin sa kanya at napakapa naman ako saking sarili at kung may iluluwa pa ba ang mata ko sa nakikita kong iba na ang suot ko ngayon until I heard a soft chuckle from him which made me stunned 'cause it's the first time I heard him laugh. Napatingin naman agad ako sa kanya. "You laugh." it's actually a question but turned out to be a statement. Gulat parin akong nakatingin sa kanya kaya unti-unti naman siyang bumalik sa normal at blanko na uling nakatingin saka siya tumayo. Napasimangot naman ako dito. "Don't worry nothing happened, we just sleep. Also I'm not the one who dressed you up, I called someone to do it. And if you want to wash up you can use my CR 'cause any minutes by now your clothes will be here.That's all." mahaba niyang litanya pagkatapos ay nagtungo na siya sa may dinning area. Iyon na yata ang pinakamahabang sinabi niya sakin. Sinusundan ko lang siya ng tingin the entire time na nagsasalita siya hanggang mapunta siya sa dinning area. Napabuga nalang ako ng hininga saka napatingin sa may side table kaya nakita ko naman duon ang bag ko at tumayo na saka pumasok ng banyo at naghilamos para naman mahimasmasan ako. May narinig naman akong kumakatok kaya pinagbuksan ko ito. "Here." iniabot naman niya sa akin ang damit kong sa tingin ko'y bagong laba. Nang maabot ko na ito ay bigla nalang niya akong tinalikuran. Napailing nalang akong bumalik sa loob at sinarado na ang pintuan saka nag-ayos at nagpalit na ng damit. Naabutan ko naman siyang nagkakape at may mga pagkain na nakahain sa harap niya. Kailan pa siya nag pa food service? Wala naman akong narinig kanina. "Come, let's eat before you go." anyaya niya Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit ba ako o aalis na. Mukhang nakita niya naman akong nagdadalawang isip kaya nagsalita na siya. "Come on. There's a lot of food in here, I can't eat it all." giit pa niya Hindi na ako nagsalita at lumapit na dito saka umupo kaharap niya. Biglang pipi yata ako ngayon. 'Hoy girl, magsalita ka naman.' 'Nakita mo lang tumawa iyan ay bigla ka ng napipi diyan, ganun ba dapat iyon?!' Wala parin akong imik habang kumukuha ng pagkain ng bigla na naman siyang magsalita. Nakakagulat talaga pag nagsasalita ito, wala kasi sa itsura niya ang palasalitang tao. "I don't know what's your favorite so I ordered many." Sinabi niya iyan habang nakapangalumbaba at nakatukod ang dalawang siko sa mesa habang magkasalikop ang mga kamay. Pagkatapos nagsimula na rin siyang kumain. Nandito na kami ngayon nakaupo sa may sofa at walang imikan habang may kinakalikut naman siya sa phone niya. "You can ask me anything." sabi niya ng nakatingin parin sa phone. Napasimangot naman akong nakatingin sa phone niya. 'Bakit ba 'di maalis tingin niya diyan, eh sakin siya nagsasalita.' 'Siguro girlfriend niya ang katext niya.' mas napasimangot ako sa naisip pero bigla rin akong natigilan. 'Ano nga bang pakealam ko?!' iwinaksi ko na ito sa isip saka tumingin sa kanya. "Bakit nga pala ako nandito?" pauna ko "You passed out on the way to the clinic so I decided to bring you here." "I have my keys with me, so why didn't you drop me off my room?" "I haven't seen any." Napahalungkat naman ako ng bag ko at hindi ko nga ito makita. 'Where did I drop it?' napatingin naman ako sa kanya ng bigla siyang tumayo at dumiretso sa banyo. Nag-iisip parin ako kung saan ko ba naiwan o nahulog ito nang makabalik na siya na may dalang first aid kit. Saka siya lumuhod sa harapan ko kaya napaatras naman ako ng kaunti. "Stay still" Hinawakan niya ang tuhod ko saka may tinanggal duon. Tinanggal niya ang bandage na nakalagay sa may sugat ko saka nilinisan ito. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya the entire time na ginagawa niya ito. Hindi naman pala siya ganun kasama. May kabutihan parin talaga sa jerk na ito. I should start calling him in his name for the gratitude of helping me. Natapos na siya sa kanyang ginagawa at nililigpit na ang kanyang pinag gamitan. Napatukod naman ang isang kamay niya sa sofang inuupuan ko saka siya umupo katabi ko. Ayan na naman ang luntian niyang mga mata na sobrang lalim kung tumingin na para bang pinagdaanan na niya ang lahat ng sakit sa mundo. Isa siyang malaking misteryo, isa malaking katanungan na hindi ko maaruk-arok. "Thank you." bigla kong sabi sa mahinang boses. Nahihiya pa ako dahil narin sa una naming impression sa isa't isa. Tumayo naman ako kaya napatingala siya sakin ako naman ay nahihiya siyang tingnan. "Ahm... aalis nako, salamat ulit." tumayo rin naman siya "I'll accompany you outside." tumango nalang ako dito at hindi na nagsalitang lumakad. Nandito na kami sa labas ng room niya at papaalis na sana ako kaya lang huminto muna ako saka siya hinarap ulit. "You know we started hostile, so I just want to introduce myself formally. I'm Yeri Aragon." saka ako naglahad ng kamay napatingin naman siya dito at di kalaunay tinanggap din ito. "Travis." tipid niyang sagot habang nakatingin ng mariing sa akin at nakita ko pa ang kaguluhan sa mata niya pero bigla rin itong nawala. 'Guni-guni ko lang siguro iyon.' Bigla naman siyang tumalikod at pumasok na paloob sa room niya. 'What happened?' bulong kong naguguluhan parin sa nangyare pero ipinilig ko nalang ito saka pumihit na patalikud at tinalunton na ang daan papuntang kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD