Ikapito pa lamang ng umaga pero nasa paaralan na nila si Jiselle na hindi pa rin nawawala sa mata niya ang matinding galit na siyang dahilan upang makaramdam ng takot ang mga estudyante na nakakasalubong niya sa daan. Sa halip na pansinin pa ang mga ito nagtuloy-tuloy lamang si Jiselle sa kaniyang paglalakad patungo sa kanilang klasrum. Dahil sa inis ni Jiselle kay Timothy nauna na siyang nagtungo sa paaralan nila lalo na’t ayaw munang makita ng dalaga ang pagmumukha ng binata. Lalo na’t muli niyang naaalala kung paano kampihan ni Timothy si Keila na halatang nagpapaawa lamang sa binata. Nang makarating si Jiselle sa klasrum nila mabilis siyang umupo sa silya niya at kaagad na umub-ob upang makaidlip sana kahit saglit. Bukod dito, gusto rin kalmahin ni Jiselle ang kaniyang sarili lalo

