Araw ng sabado ngunit hindi mapakali si Jiselle sa kaniyang inuupuan habang naghihintay kay Timothy na bigla na lamang umalis at para bang nagmamadali ang kilos nito. Sa lumipas na tatlong araw hindi akalain ni Jiselle na kalat na kalat pala ang nangyari sa kaniyang noong camping nila. Bukod dito, nalaman din ni Jiselle na labis na naghirap ang pamilya ng mga taong nagtangka sa buhay niya. Bamagat, may lungkot na naramdaman si Jiselle para sa pamilya ng mga taong nagtangka sa buhay niya walang tanging nagawa ang dalaga kung ‘di ang mapailing na lamang sa naging sitwasyon ng mga ito. “Good morning, tita.” Nakangiting bati ni Jiselle kay Mrs. Lim, ang ina ng binata. “Good morning too, Jiselle.” “Tita, alam ninyo ba kung saan nagtungo si Timothy?” Isang ngiti muna ang pinakaw

