Carol POV
Gumapang ako patungo sa banyo.
Aray ko ang sakit ng katawan ko wala akong kahit na anong gamot kaya kailangan ko magtiis.
Saglit lang ako sa loob ng banyo.
Paglabas ko nakita ko ang masamang aurat ni Kian sa harap ko.
Gusto ko bumalik sa loob ng banyo ayaw ko makita ang lalaking ito at isa pa pagtatawanan nya ang itsura ko.
"Akala ko, wala kang balak lumabas dyan babae.
Kanina pa kita hinintay!" seryoso nitong sabi sa dalaga.
Naka ilang lunok ng laway si Carol.
"Ano pa ang tinatayo-tayo mo dyan linisan mo na ang kwarto ko?" utos nito.
"Kian, pwede ba, ako magpahinga kahit isang beses lang," pakiusap nito.
"No? Hindi ka pwede magpahinga isa pa walang sino mang pwedeng magpahinga sa bahay ko!" muling sabi nito sa akin.
Umalis sa harap nya si Kian.
Kahit pagod ang babae kumayod pa rin ito.
Paika-ika ito lumabas ng kwarto.
Pagpasok nito sa kwarto nakita nya maraming kalat sa kwarto ni Kian.
Napailing na lang ang dalaga sa kan'yang nakita.
"Lord ano ito pagsubok ba, ito sa akin," bulong ng isip ko.
Isa-isa ko pinulot ang damit ni Kian sabay lagay sa basket.
"Carol sumama ka, sa akin may pupuntahan tayo!" seryosong utos nito kay Carol.
"Kian hindi pa po, ako tapos dito?" protesta ko sa lalaki.
"May angal ka?" sagot nito sa akin.
"Wala po, sabi ko nga sasama ako," anas ko kay Kian.
"Here dalhin mo, iyan pupunta tayo sa bahay ni Mommy," wika nito sa akin.
Sumumod ako sa likod ni Kian.
Dinala ko ang bag nito napatanong ako sa aking sarili.
Bakit kapag nasa harap ako ni Kian tila kumulo ang dugo nito sa akin. Kapag sa ibang babae hindi naman ito ganun.
Tumingin ako sa piligid puro armado lalaking nakikita ko. Naka suot sila ng itim at may salamin
Tahimik lang ako pumasok sa sasakyan ng lalaki baka bigla nya ako tutukan ng baril kapag nag-ingay ako.
Halos isang oras kami nasa daan. Bago kami dumating sa pupuntahan namin.
Napanganga ako sa ganda ng bahay sa harap ko.
Ano ito bahay ng Reyna at Hari.
Ngayon lang ako nakakita ng ganun ka ganda. Puro kulay gold ang nakikita ko.
Marami rin bantay sa loob ng bahay.
Bumukas ang mataas na tarangkahan. Mas lalo ako na mangha sa ganda ng loob ng bahay.
Huminto ang sasakyan sa harap nito.
Seryosong lumabas si Kian.
Agad naman ako sumunod ngunit sarado ang pinto.
"Kian, nandito pa ako wag mo ako iwan?" sabay katok ko mula sa loob.
Huminto naman sa paglakad ang lalaki at tumingin sa akin.
"Carol bakit hindi mo pa buksan ang pinto akala mo, ba pagbuksan kita?" saad nito sa akin.
Muli ito naglakad patungo sa loob.
Mabuti na lang binuksan ng tauhan nito ang pinto.
"Lokong ito hindi man lang nya ako tinulungan?" bulong ng utak ko.
Pumasok ako sa loob ng bahay nakita ko si Kian kausap babae kasing ganda ng barbie.
"Kian, saan ito ilagay?" pukaw ni Carol sa dalawa.
Tumingin si Alice sa dalaga napataas ang kilay nito.
"Sino siya?" tanong ni Alice sa kan'yang kuya.
"Katulong ko, sya Alice?" wika nito sa babae.
Rinig lahat iyon ni Carol katulong lang ang turing ni Kian sa kan'ya.
"Ilagay mo, doon sa kwarto ko,bilisan mo?" malakas na boses ni Kian sa akin.
Tumango lang ako dito ngunit hindi ko alam kung saan kwarto ko ihatid ang bag na ito.
May nakita akong kwarto kaya doon ko inilagay ang bag.
Isarado ko na sana ang pinto ngunit bigla may bumato sa akin.
Tumingin ako kung sino ang may gawa.
Napa atras ako sa aking nakita isang babae tila galit na galit tumingin sa akin.
"Magnanakaw ka no? Anong ginagawa mo, dito sa kwarto ko?" sigaw nito sa akin.
"Po? Hindi po, ako magnanakaw sabi po, ni Kian dito ko ilagay ang bag nya?" paliwanag ko dito.
"Sinungaling ka babae? Lumayas ka dito layas?" pagtataboy nito sa akin.
Kumaripas ako ng takbo dahil kung ano-ano ang pinambabato niya sa akin.
"What happened to you, Carol why you're gasping. At nasaan ang bag ko diba sabi ko dalhin mo sa kwarto ko?" mahabang salaysay nito sa akin.
Gusto ko sisihin ang lalaki dahil hindi man lang nya tinuro kung saan ko ilagay ang bag nito.
"Tinatanong kita Carol bakit hindi ka sumagot!" saad nito sa akin.
"Kian na mali ata ako ng pinasukan kwarto.
Pinagbabato ako ng kung ano-ano," sumbong nito kay Kian.
"Wala akong pakialam sa' yo, basta dalhin mo, sa akin ang bag ko!" seryosong boses nito.
Kahit takot ako pumasok sa kwarto pinasok ko pa rin ito. Bahala na si batman ang importante hindi ako saktan ni Kian.
Hindi pa ako naka pasok lumabas na ang galit na mukha ng ginang.
Napa atras ako ng konti mula sa likod ko.
"Why are here bastard?" bungad ng babae sa akin.
"Ma'am paumanhin po, anong ibig mong sabihin?" balik na sagot ko.
Kita ko nag iba ang aurat ng ginang mas lalo ata dumagdag ang galit nito sa akin.
"Mommy, bakit galit ka sa kan' ya?" tanong naman ni Kian sa ina.
"Son he entered my bedroom.
Alam ko na may balak siyang magnakaw. Mabuti nalang nakita ko sya papasok sa kwarto!" sumbong nito sa anak.
"Anak ng tinapa o, pinagkamalan pa ako magnanakaw samantala naghatid lang ako ng bag!" bulong ng utak ko.
"Totoo ba, ang sinabi ng Mommy ko balak mo pa, sya pagnakawan Carol?" matigas na tanong nito.
"Naku? Hindi po. Nagkamali lang po ako ng kwartong pinasukan. Hindi naman sinabi ni Kian kung saan kwarto ko ipasok ang bag niya," paliwanag ko sa dalawa.
Gusto kong mangiyak-ngiyak sa parusang pinataw nila sa akin.
Kahit ganito ako hindi ako magnanakaw.
Kung pwede lang ako umalis ginawa ko. Gusto ko magpakalayo-layo mula kay Kian.
Dahil nahuli niya ako dati tumakas kaya wala na ito tiwala sa akin.
"Mommy, baka nagsabi ng totoo si Carol. Bakit hindi natin tingnan ang cctv para malaman natin kung nagsasabi ito ng totoo," singit naman ng babae nakita ko. Hindi ko ito nakilala dahil hindi sila magkamukha ni Kian.
Nagtungo sila sa cctv pagtingin nila sa camera nakita nila na nagsasabi ako ng totoo.
"Ah basta para sa akin magnanakaw ka pa rin," wika nito sa akin.
Hindi napigilan ang aking luha kusa itong lumabas mula sa mga mata ko.
Kahit puro masasakit na salita ang narinig ko mula sa kanila ayos lang ang mahalaga hindi ako ang nauna.
Porket ba mahirap lang ako hindi kaya ng nakikita nila.
Lumabas ako sa bahay nila doon ako nanatili sa labas.
Tumingin ako sa mga bantay. Pwede naman ako nagsabi na may bibilhin ako. Tamang-tama gusto ko uminom ng malamig na tubig baka may magbenta dyan sa gilid nang kalsada.
Deretso lang ako naglakad pagdating sa tarangkahan hindi ako pinalabas.
Gumuho ang mundo ko akala ko makakatas na ako.
"Pasensya na po, ma'am hindi ka po, pwede lumabas dahil mahigpit po, ni Lord na ipagbabawal kang lumabas?" anas ng lalaki sa akin.
Alam ko naman ang dahilan kung may pera ang ako matagal na ako umalis sa poder ni Kian. Para akong aso naka tali sa kadena.
Umupo ako sa upuan bakal dito sa gilir ng halaman. Kahit dito ako magdamag ayos lang.
"Carol, why are here.
Bakit hindi ka, pumasok sa loob ng bahay baka magkasakit ka nyan?" saad ni Alice sa akin.
"Ikaw pala, bakit lumabas ka, ang lamig pa naman dito," sabi ko dito.
"Ayos lang sorry pala sa tinuran ng aking ina. Ilang beses na kasi ito nanakawan ng katulong," pahayag ni Alice sa akin.
"Ayos lang sa akin. Mabuti ka pa na unawaan mo ako," malungkot na sabi nito.
"Teka personal assistant ka ba, ni Kuya?" tanong ulit ng babae sa akin.
"Katulong niya ako hindi ko alam sa lalaking iyon kung tatawagin ko sya sir ayaw naman niya," anas ko dito.
"Huh? Tutal magaan naman ang loob natin sa isa't-isa wag mo sasabihin kay Kuya na tinulungan kita kasi lahat ng babaeng nagustuhan niya hindi ako boto sa kanila,"mahabang salaysay nito sa akin.
Bakit kaya sinabi ng babaeng ito sa akin.
Eh bago lang kami nagkilala.
Hindi ako pwede magtiwala kahit kanino.
Nang makita ko nagtungo sa gawi namin si Kian agad ako yumuko.
Ngunit itong kapatid nito parang walang preno ang bibig.
"Alice pumasok ka, sa loob?" seryosong saad nito sa kapatid.
"Kuya why nagkwentuhan pa kami ang epal mo?" pagtataray nito sa kapatid. Kita ko kung paano nag-iba ang itsura nito kulang na lang kakain ito ng tao.
Mas lalo tumindi ang takot ko sa lalaking itong. Hindi kiya may lahi rin ito aswang.
"Anong ginagawa mo, dito sa labas may balak ka, bang tumakas ulit?" seryosong sabi nito sa akin.
"Naku? Kung meron man hindi ko sasabihin sa'yo?" sagot ko kay Kian.
"Damn! Babae subukan mo, lang dahil may talu naman ako dyan!" banta nito sa akin.
Alam ko na totohanin niya ang banta niya sa akin mahirap na.
Tahimik ako pumasok sa loob ng bahay.
Nagsalubong ulit kami ng ginang masama ito naka tingin sa akin.
"Wag kang kampante babae dahil hindi pa, ako tapos sa'yo?" untag nito sa akin.
Bigla ako nakaramdam ng takot. Kung alam ko lang doon na lang sana ako magpaiwan sa bahay ni Kian. Mukha palang ng ginang nakakatakot na.
Nakayuko lang ako at pumasok sa loob. Ngunit akala ko hindi ako sinundan ng ginang.
"Why are here. Hindi dyan ang kwarto mo. Tutal yaya ka lang ni Kian doon ka nababagay. Sa susunod na tawagin mo sa palangan niya ang anak ko makakatikim ka, sa akin babae?" wika nito sa akin.
"Opo, " sagot ko.
"Ganyan marunong ka, sumunod sa taong hindi mo, ka level babae," ngising sabi nito sa akin.
Hindi ko naramdaman tumulo na ang aking luha. Lihim ko pinunasan.
Pumasok ako sa maliit na kwarto. May kasama akong babae roon. Mukha naman mabait dahil unang kita pa niya sa akin agad niya na ako ningitian.
"Kamusta ka?" tanong nito sa akin,"
"Ayos lang naman ikaw?" balik na tanong nito sa babae kausap nito.
"Bago ka, ba? Kay sir Kian?" saad nito sa akin.
"Oo bago lang ako pero gusto ko na umuwi sa amin," mahinang sabi ko dito.
"Mahirap ka na maka-alis sa kanila," mahinang sabi nito.
"Huh? Bakit naman," anas ko dito.
"Ah wala wag mong intindihin ang sinabi ko," wika nito sa akin.
Bakit kaya ganun ang sinasabi ng babae.