STARTING OVER AGAIN || CHAPTER 17

2080 Words
JASMINE POV Limang buwang ang nakalipas at ngayon ay nasa airport na ako. Hinihintay ko sila Gabby at Mama Pacita. Nitong mga nakaraan ay nagkaroon ako ng panahon na kausapin sila. Nag-usapa kami no'n ni Mama na, gusto niya Mama na daw ang itawag naminbsa kaniya kasi hindi na raw iba ang trato niya sa amin. Tinuring na niya kaming pamilya niya at mga anak. Masaya din ako sa achievement ng kapatid ko, valedictorian siya sa batch nila. Sobrang pasasalamat ko sa Dios dahil d'on, umuwi talaga ako para ako ang magsabit ng kaniyang medalya sa kaniyang leeg. "Atee!" tawag ni Gabby sa akin. Napangiti ako nang makita ko sila na kumakaway, agad akong lumapit sa kanila at nagyakap kami. "Namimiss kita, akala ko hindi ka uuwi," sabi niya. "At bakit hindi? E, valedictorian ang kapatid ko," sabi ko sa kaniya at ginulo ang kaniyang buhok. "Jasmine," tawag sa akin ni Mama Pacita. "Ma," lumapit ako sa kaniya niyakap ko siya. Lumabas na kami ng airport at sumakay ng taxi. Pagdating namin sa bahay ay may nakahandang pagkain. Marami kaming napagkwentuhan tungkol sa trabaho ko sa Canada. Naikwento ko rin na may lalaking nanliligaw sa akin doon. Hindi ko rin pinaasa si Zian dahil ayoko siyang masaktan, mabait naman siya pero ang puso ang sarado at kahit na anong gagawin ko ay si Renzo pa rin ang sinisigaw nito. Kumusta na kaya siya? Kung magkikita man kami at may iba na siya, kailangan ko na siyang burahin dito sa puso nang sa gano'n ay makawala na rin ako. Gusto ko munang maliwanagan sa lahat bago ako gumawa ng isang desisyon. Kinabukasan ay abala kami sa paghahanda dahil alas otso ang ceremony ng graduation nila Gabby. Nasa school na kami at hinihintay na lang oras ng graduation. Dumating naman ang mga kaibigan ko na sina Sy, Vince at Mia. Nagkwentuhan kami habang hindi pa sinimulan ang graduation speech ni Gabby. Maya maya pa ay tinawag na ang mga graduates at ang mga may award. Sa graduation speech naman ay si Gabby na ang nakatayo sa harapan. "To all teachers, visitors, parents and my co-graduates, good morning. I am not good in English speaking so I will speak in Tagalog language. Unang una sa lahat, gusto kong magpapasalamat sa Dios dahil hindi niya ako pinapabayaan sa mga panahon na nahihirapan ako. I admit na minsan ay gusto ko na rin sumuko sa mga hamon sa buhay. Many years ago, our parents was died because of car accident. May bagyo kasi no'ng panahon na iyon, gabi na at pauwi na sila galing sa kabilang bayan. Lubos na gumuho ang mundo ko, namin ng Ate ko. I was 14 years old that time, mahirap at masakit mawalan ng magulang. Sa probinsiya pa kami no'n at pagkatapos mailibing ng magulang namin ay, binenta ng Ate ko ang maliit na sakahan namin para ipangbayad sa utang at sa nagastos para sa burol at libing ng aming magulang. Hindi biro ang pinagdaanan namin, nahinto kami sa pag-aaral at pumunta rito sa Maynila para magbagong buhay. Nagtrabaho kami, pinagsabay namin ang trabaho at pag-aaral dahil iyon ang pangako namin sa aming magulang. Tinapos ni Ate ang kolehiyo, hindi rin ito naging madali sa kaniya. Dahil sa nangyari sa magulang namin ay nakalimutan ng Ate ko ang kaniyang sariling problema. Isang umaga, nagsisigaw siya sa sakit. Nataranta ako, nakita ko siyang duguan sa kaniyang binti. Humingi kami ng tulong, isinugod namin siya sa ospital na malapit. Doon ko lang nalaman na, buntis pala ang ate ko at wala akong alam. Maski siya ay nakalimutan niya iyon, kulang na lang mabaliw ang ate ko sa nangyayari. Ilang beses siyang nawala sa kaniyang sarili, gusto na lang niyang tapusin ang kaniyang buhay. Awang-awa ako sa Ate ko, hindi ko siya iniwan. Tumigil ako sa pag-aaral para mabantayan siya at maalagaan. Hindi ko kasi kaya na pati siya ay mawala na rin, kaya hininto ko ang pag-aaral ko. Hanggang sa, maka-recover ang ate ko, nagtrabaho na siya ulit at nag-aral. Pinagpatuloy namin ang aming pangarap at tinupad namin ang pangako namin sa aming magulang na magtatapos kami. Kaya ngayon, narito ako sa harapan ninyong lahat. Taas noo kong sabihin sa inyo, na 'wag kayong mawalan ng pag-asa. Na 'wag magpapatalo sa problema at pagsubok sa buhay. Lumaban tayo at 'wag kalimutan na mayroong Dios sa langit na nakaalalay sa atin. Itong lahat na natanggap ko, ay regalo ko sa Ate ko. Napakabuti, responsable, mapagmahal at mabait na Ate. Lahat gagawin niya makapagtapos lang ako, at hindi ko sinayang ang hirap at pagod niya. Ate ko, na parang magulang ko na rin. Itong tagumpay ko ay hindi lang ito para sa akin, tagumpay ko, tagumpay nating dalawa. Maraming salamat sa walang sawang paggabay sa akin at pagpapaalala na kahit nahihirapan na ako ay 'wag akong susuko. Salamat dahil lagi kang nandiyan para gabayan ako, salamat kasi hindi mo 'ko iniwan. Kaya, nag-aral akong mabuti para masuklian ko ang lahat ng sakripisyo mo at pagod. Mahal na mahal po kita kahit minsan masungit ka. Para sa mga co-graduates ko, 'wag tayong mawalan ng pag-asa. Hindi pa ito ang huling laban, magbubukas pa lang ang pinto ng tunay nating laban. Mag-uumpisa pa lang tayo na harapin ang mga pagsubok sa buhay. Manalig lang tayo, lakasan lang natin ating loob at 'wag kalimutan ang nasa itaas. Dahil hangga't nabubuhay tayo, hindi natatapos ang hamon ng mundo. Our senior journey is now close, and now our college journey is open. Sama-sama nating abutin ang mga pangarap natin, at sa huli taas noo tayong ipagmalaki sa buong mundo na ako, ay isa ng nurse, doctor, engineer, teacher, at kung ano-ano pang kurso ang nais nating tapusin. I am, Gabriel Esguerra, soon to be your engineer. That's all, thank you." Walang tigil ang mga luha ko sa pagdaloy hanggang sa isabit ko ang medalya ng kapatid ko. Proud na proud ako sa kaniya, ngayon ko nakita kung gaano siya nahirapan pero lumalaban. "Thank you, congratulations bunso, you make me proud. Hindi ko akalain na maging ganito ka ka-mature, thank you," sabi ko sa kaniya at niyakap ko siya. Hinubad niya ang kaniyang medalyon at isinuot niya iyon sa akin. "Para po ito sa iyo ate," sabi niya. Bumaba na kami ng stage at sinalubong siya ng kaniyang mga kaibigan. Matapos ang graduation ay umuwi na kami at doon pinagpatuloy ang kasiyahan. "Ate, may bisita ka," tawag ni Gabby. "Bisita? Sino?" takang tanong ko. "Si kuya Renzo," sagot niya. Napalunok ako at kumabog ang ng malakas ang puso ko. Lumabas ako ng bahay para harapin siya, oras na para makapag-usap kami ng maayos at masinsinan. "R-renzo," tawag ko sa kaniya. Nakatalikod siya at nakapamulsa, pagharap niya ay napatitig ako sa kaniyang mukha. Ang laki ng pinagbago, pormal na pormal at propesyonal ang dating. "Jasmine," napakurap ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. Ang malamig niyang boses na nagpaulit-ulit sa pandinig ko. "K-kumusta ka na?" nuutal kong tanong. "I'm fine, how about you?" tanong niya. "I'm good," sagot ko at matipid akong ngumiti sa kaniya. "Can we talk?" tanong niya. "Nag-uusap na tayo," sabi ko "I mean, in private," natigilan ako at nag-isip muna. Gusto ko rin siyang makausap, ito na siguro ang oras. "Sige, gusto rin kitang makausap," sabi ko sa kaniya. Binuksan niya ang pinto ng kaniyang kotse. "Get in," sabi niya. Hindi na ako nagtanong at pumasok na sa kotse niya. Sumunod naman siya at pinaandar iyon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pareho kaming tahimik at walang gustong magsalita. Maya maya pa ay huminto ang kotse niya sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas ako. Tumingin ako sa paligid, walang katao-tao, tahimik lang at tanging hangin lang ang maririnig mo. "Kumusta ang trabaho mo sa Canada?" tanong niya. Nakasandal kami sa dulo ng kaniyang kotse at nakatingin City sa baba. Nandito kami sa mataas na lugar at kita mo ang buong City. "Maayos naman, medyo nahirapan ako no'ng una pero nakaya ko naman," sagot ko. "That's great, matalino ka naman kaya alam kong kaya mo," sabi niya. "Paano mo nalaman na nasa Canada ako?" "I ask Gabby, minsan nagkikita kami sa mall kapag nanggo-gocery siya." "Ah, ikaw kumusta ka rito? Kumusta kayo ni Claire?" "Walang kami ni Claire, what you saw that time was her intention. Yes, may gusto siya sa akin pero wala akong gusto sa kaniya dahil ikaw lang ang gusto ko. But because of what she did, nasira ang mga plano kong magkaayos tayo," napatingin akonsa kaniya at tinitigan ko siya sa mga mata niya. Nakikita kong nasasaktan siya, nakikita kong nangungulila siya, ramdam kong nalulungkot siya. "Jasmine, I am really, really sorry. Hindi ko man maibalik ang dati, but I am willing to do everything para makuha ka ulit. No'ng umalis ka, sobra akong nasaktan. Nasabi ko na, na baka gumanti ka sa pang-iiwan ko sa'yo. Nahirapan akong tanggapin na lumayo ka na at wala akong alam kung babalik ka pa. Kaya ang ginawa ko, ginugol ko sa trabaho ang atensyon ko. Nag-focus ako para lang kahit saglit makalimutan kita dahil hirap na hirap ako. Hanggang sa nagkita kami ni Gabby, nakapag-usap kami at galit siya sa akin pero unti-unti niya rin akong naintindihan. Lagi kitang kinukumusta sa kaniya, kapag tumatawag ka sa kaniya sinasabi niya sa akin. Nalaman ko rin na may Canadian ka na doon na nanliligaw. Sobra akong nasaktan, hindi ko matanggap na hawak ka na ng iba. Pero hindi ako sumuko, umaasa pa rin ako na babalik ka at magkausao tayo. Kaya no'ng nag-text si Gabby sa akin na umuwi ka dahil graduation niya, dumiretso ako sa inyo pagkatapos ng trabaho ko." Gusto ko nang matawa kanina sa sinabi niyang may Canadian na ako roon. Pero dahil seryoso siya ay pinigilan ko. "I'm sorry, sorry kung umalis ako at sulat lang ang iniwan ko. Matagal na akong nakadesisyon na umalis muna at magpakalayo. Kaya no'ng may nag-offer na trabaho sa akin sa Canada ay tinanggap ko. Ang totoo, gusto kong mapag-isa at ayusin ang sarili ko, kaya lumayo ako. Aaminin kong nasaktan ako no'ng nakita ko kayo ni Claire na naghalikan. Akala ko kasi kayo kaya iyon ang inakala ko. Binuhos ko rin ang oras ko sa trabaho roon para lang makalimutan ang mga nangyayari. At ang sinasabi mong Canadian aaminin kong nililigawan ako, pero hindi ko siya sinagot dahil iba ang nasa puso ko. Hindi pa siya nakawala, nandito pa rin siya at ayaw lumabas." "You mean?" "I am still into you Renzo, I am still in love with you. Na sa kabila ng lahat, sinaktan mo 'ko ng sobra-sobra, ay mahal pa rin pala kita. Na hindi pala kita kayang pakawalan, sabi ng isip ko tama na, pero ang puso ko sinasabing mahal pa rin kita. Nananaig ang pagmamahal ko sa iyo kesa sa galit ko, aaminin ko na ang mga galit ko sa 'yo ay bunga lang 'yon ng sama ng loob ko dahil iniwan mo 'ko. Pero sa tuwing naiisip kita, nararamdaman ko pa rin na mahal kita at walang pinagbago 'yon." Tumutulo ang mga luha ko habang sinasabi ang mga salitang iyon. Oo mahal ko pa talaga siya at hindi ko kayang pakawalan siya, hindi ngayon. "Jasmine, I... I love you, mahal na mahal din kita. Salamat, salamat dahil mahal mo pa pala ako. Salamat dahil hindi mo 'ko tuluyang pinakawalan diyan sa puso mo," niyakap niya ako ng mahigpit at umiiyak siya sa mga balikat ko. "Can I ask you?" sabi niya at kumalas siya ng yakap sa akin. "Ano 'yon?" "Can we start over again?" Napatitig na naman ako sa mga mata niyang luhaan. "You mean, magsisimula tayo pinaka-una?" tanong ko. "Yes, gusto kong bumawi. Gusto kong maging deserving ulit sa pagmamahal mo, liligawan kita ulit. And this time I will do everything to prove myself to you." "Renzo, kailangan kong bumalik ulit sa Canada. Hindi pa tapos ang contrata ko, kaya mo ba akong hintayin?" "I have no choice, hihintayin kita, maghihintay ako sa pagbabalik mo. Just promise me na hindi ka magpapaligaw doon." "Never, hindi mangyayari 'yon dahil walang makakapalit sa 'yo sa puso ko." "Thank you." Pagkatapos naming mag-usap at maliwanagan sa nararamdaman sa isa't-isa ay umuwi na kami. Hinatid niya ako sa bahay ni Mama Pacita at pinauwi ko na rin siya. Isang linggo ang lumipas at kailangan ko ng bumalik sa Canada. Siya ang naghatid sa akin, gaya ng napag-usapan namin ay nangako akong hindi ako magpapaligaw doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD