FIRST DATE : CHAPTER 16

1344 Words
*/ Pasensya na kayo mga momshie kung ngayon lang ako mag update. Inaayos ko kasi ang revision ng book para sa contract. Salamat sa paghihintay, minsan din kasi sumasakit ang ulo ko kaya 'di muna ako nag update. Lovelotsss mga momshie, add niyo na lang ako sa sss para alam niyo kung kailan ako mag update. sss: Melissa Leones JASMINE POV No'ng gabing 'yon ay hindi ako makatulog ng maayos dahil iniisip ko ang sinabi ni Sir Kian. Bago pa lang kami nagkakilala at higit sa lahat boss ko siya. Ayokong maging komplikado ang sitwasyon, ayoko rin na magalit sa akin si Maam Sandra. Wala rin sa plano ko ang pumasok sa relasyon ngayon dahil hindi pa ako handa at hindi pa kami nagkaroon ng closure ni Renzo. Balak ko pa siyang makausap para tapusin na ang tungkol sa amin. Kailangan ko munang ayosin ang sarili ko at sitwasyon dahil ayokong may masasaktan akong damdamin. Hindi naman mahirap magustuhan si Kian, magaan ang loob ko sa kaniya at masaya akong kasama siya. Lagi akong nakangiti kapag magkausap kami, hindi rin siya nauubusan ng kuwento. Guwapo din naman siya, pero may parte sa puso ko na ayaw sa kaniya at kung minsan mag-usap kami nakikita ko si Renzo sa kaniya. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Mahal ko pa ba si Renzo? Ipinikit ko ang mga mata ko at sumandal sa swivel chair. Ang gulo ng utak ko, ano ba ang dapat kong gawin? Susubukan ko bang buksan ang puso ko para sa iba? "Good morning," napadilat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Sir Kian. "G-good morning Sir," bati ko sa kaniya at umayos ako ng upo. "Are you okay? You look stress," sabi niya na nakatitig sa mukha ko. "I'm fine, kulang lang sa tulog kaya medyo matamlay," sabi ko sa kaniya. "Tungkol ba sa sinabi ko last night?" tanong niya. Napatingin ako sa kaniya at inilipat ko sa ibang direksyon ang mata ko. "Jasmine, if you are not ready I am willing to wait. Puwede pa rin naman tayong maging friends right?" tanong niya. "I-i'm sorry, h-hindi pa talaga ako handa but I can try. I mean wala namang masama kung susubukan kong buksan ang puso ko to let you in," sabi ko sa kaniya. May gumuhit na ngiti sa puso niya at may kinang sa mga mata. Bigla naman akong napa isip. "But, what if Maam Sandra will know about us?" tanong ko sa kaniya. "Don't worry, I'll talk to her kapag nakabalik na sila." sabi niya. "O-okay... " tanging sagot ko. "I have to go, I'll be back later." Umalis na siya at naiwan akong may bumabagabag sa isip. Tumayo ako at nagpunta sa storage room para magtimpla ng kape. Kailangan ko ng pang pa-relax, kapag ganitong magulo ang isip ko tanging kape ang nakakapagpakalma sa akin. Sabay kaming nag lunch break ni Kian, naiilang pa ako dahil nakatingin sa amin ang iba kong katrabaho. Iisipin nila may relasyon kami, wala pa naman at hindi ko rin alam kong magkaroon. Gabi na at nagsi-uwian na kami, nakita ko naman si Kian na papalapit sa table ko. "Jasmine," sambit niya sa pangalan ko. "Sir," sagot ko. "Can i invite you for a date?" tanong niya. Napatigil ako at tumingin sa kaniyang mukha. "Ahm... s-sure," nauutal na sagot ko. Palagi na lang akong nauutal sa tuwing kausao siya. Kinakabahan at hindi mapalagay, ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ganito? Ayokong dayain ang sarili ko, hindi ko maiwasan dahil gusto ko rin siyang makasama. May parte sa akin na nagi-guilty dahil pakiramdam ko niloloko si Renzo. Bakit siya na lang palagi? Bakit ba ayaw niyang mawala na lang sa isip ko? Lumabas na kami ng kompanya at sumakay sa kotse niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, tahimik lang kami at ayoko rin magsalita. Maya maya lang ay nasa isang lugar kami na tahimik. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto, nilahad niya ang isa niyang kamay at inabot ko 'yon. Nakababa na ako ng kotse, napatingin ako sa paligid at namangha sa ganda nito. "A-anong lugar 'to?" tanong ko. "This is one of the tourist spot here, maganda dito lalo na kapag gabi. That's why I bring you here para makapag relax ka." Inilibot ko ang paningin ko, may lake at isang bangka sa gilid. May kubo din na may lamesa sa gitna at isang kandila at may bulaklak. Napaka romantic ng lugar, siya ba ang nagpahanda nito? "Kian, ikaw ba ang nagpahanda nito?" tanong ko. "Yup, I'm happy because hindi ni-reject ang invitation ko," masayang sabi niya. Pumasok na kami sa loob ng kubo at naupo, maya maya pa ay dumating ang dalawang waiter dala ang pagkain namin. "Let's eat, then we will ride a boat," sabi niya. "Sasakay tayo sa bangka?" tanong ko. "Yup, don't worry hindi lulubog 'yon." Tumango na lang ako at simimulan nang kainin ang pagkain namin. Pagkatapos naming kumain at niyaya na niya akong sumakay sa bangka. Inalalayan niya ako hanggang sa maka upo ako at siya naman ang sumakay. Nasa likuran ko siya sinimulan na niyang magpaddle. Nakarating kami sa gitna ng ilog, napatingin ako sa paligid at napangiti. Ang ganda, tahimik ang paligid tanging sinag ng buwan lang ang nagsilbing liwanag sa paligid. Isinandal niya ako sa dibdib niya at niyakap ang kaniyang mga matitipunong braso. "I really like you Jasmine, when I first saw you my heart beats fast. You make me fall inlove, you caught my interest. I wish that you will let me in to your heart, you will let me love you. I am not a perfect one but I can do my best I can as a man to you. I like you and maybe this time I love you," halos pabulong niyang sabi na nagpatibok sa puso ko ng mabilis. Hindi ko ito napaghandaan, masiyadong mabilis ang nangyari. Kamakailan lang kami nagkakilala at naging malapit sa isa't isa. "Masiyadong kang mabilis Kian, si Flash ka ba?" pabirong tanong ko. "No, but I can be your flash if you want." "Hindi ko ito inaasahan, kung nangyaring tinaggihan ko ang alok mong date ay baka nasaktan na kita nang hindi ko alam. Masiyado kang romantiko, pinapasaya mo 'ko at ang puso ko. Aaminin kong may epekto sa akin ang lahat ng ginagawa mo, at nagpapasalamat ako doon. Pero natatakot akong masaktan ka, hindi pa ako handang pumasok sa bagong relasyon ngayon dahil kumplikado pa ang lahat. May mga bagay pa akong kailangan linawin kapag umuwi ako ng Pilipinas." "I can wait, handa akong maghintay. Hihintayin kita dahil mahal kita, I will wait for you until your heart is ready to let me in." "Ano ba ang nagustuhan mo sa akin?" tanong ko sa kaniya. "Maybe your personality and... looks," sagot niya. "Hindi ka ba natatakot na baka masaktan ka lang sa huli?" tanong ko. "If that would be happened maybe yes but, I would be happy dahil hinayaan mo naman akong iparamdam sa 'yo ang pagmamahal ko," sagot niya. Nakaramdam ako ng konsensya, paano ko ba mahalin ang lalaking 'to kung hanggang ngayon ay sarado pa ang puso dahil nandito pa rin si Renzo. Ayoko siyang saktan, mas lalong ayokong dayain ang sarili ko dahil malinaw naman na si Renzo pa rin ang laman ng puso ko. "I'm sorry," usal ko. "Shhh, don't be sorry at least you're being true to me. Wala akong pagsisihan at hindi kita susumbatan dahil alam ko naman na hindi ka pa handa at may bumabagabag pa sa 'yo," sabi niya. "Thank you," iyon lang ang tanging naiusal ko. Hinayaan ko siyang yakapin ako ng mahigpit nang gabing iyon. Nagtagal kami sa gitna ng ilog at sinulat ang pagkakataon na magkasama kami sa lugar na tahimik. Alas dose na kami umuwi at hinatid niya ako sa bahay nila Maam Sandra. May ngiti sa mga labi ko habang naglalakad ako papunta sa kuwarto ko. Naglinis ako ng katawan ko bago matulog, sana nga... sana darating 'yong araw na kusa ko na lang makalimutan si Renzo at mabaling ang pagmamahal ko kay Kian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD