JASMINE POV
Araw ng biyernes ngayon, nagtaxi lang ako dahil nagpunta sa US sila Maam Sandra. Si Sir Kian lang ang boss ko ngayon at wala ring masiyadong gagawin. Mabait naman siya, simula no'ng isa na siya sa boss ko lagi na akong may kausap. Approachable din siya at madaldal, kaya mabilis kaming nagkasundo. Hindi rin empleyado ang turing niya sa amin ng mga katrabaho ko. Natutuwa nga sila kapag nandiyan si Sir Kian dahil lagi itong may topic. Panay kuwento niya sa buhay niya, nakakatawa at nakakalungkot din. May fiance na pala siya noon pero nabuntis ng ibang lalaki. Ang saklap, nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon. Masakit naman talaga maloko, habang nag kekuwento siya ay naalala ko din ang nangyari sa akin noon.
Kumusta na kaya siya? Biglang tanong sa isip ko.
Napapansin ko na rin na kapag naalala ko siya ay wala na akong galit na nararamdaman.
Siguro masaya na siya kasama si Claire. Naalala ko na naman ang huling kita ko sa kaniya na naghalikan sila ni Claire sa loob ng opisina niya.
Aaminin kong may kirot akong naramdaman sa puso no'ng araw na 'yon. Hindi ko alam kung bakit.
Bumuntong hininga ako at iniwaksi ko na sa isip ko ang mga 'yon at nagsimula na sa aking trabaho.
Habang abala ako sa pagtitipa ng keyboard sa laptop ko ay may naglapag ng kape sa mesa ko. May smiley pa itong nakalagay, inangat ko ang ulo ko at si Sir Kian ang nakita ko. Nakangiti siya sa akin na nakatitig.
"Good morning, I buy you a coffee i know gusto mo ng kape that's why I buy it for you." Sabi niya. Napangiti naman ako at kinuha ko 'yun.
"Thank you Sir. Tamang tama nga 'to dahil parang kailangan ko ng kape ngayon." Sabi ko sa kaniya. Naamoy ko ang kape at napapikit ako, pakiramdam ko nabuhay ang kaugatan ko at utak sa amoy nito.
"Your welcome, basta ikaw. I have to go, see you later." Sabi niya at naglakad na na nakapamulsa.
Nakangiti akong hinigop ang cappuccino na bigay niya at pinagpatuloy na ang trabaho ko.
Ala sais na ng gabi at uwian na namin. Ang bilis ng oras, hindi ko man lang namalayan. Sa dami ng ginawa ko ay hindi ko nasilip ang orasan ko.
Niligpit ko na ang gamit ko at tumayo na para umuwi.
"Jasmine," tawag sa akin ni Sir Kian. Nilingon ko siya at mabilis siyang lumapit sa akin.
"Sir, good evening. You need anything?" tanong ko sa kaniya.
"No, ahm... Can i invite you for dinner? As a friend." Sabi niya sa akin. Medyo nabigla ako at hindi kaagad naka sagot.
"Hmm, dinner?" Tangang tanong ko. Bakit iyon pa ang tinanong ko?
"Yes dinner," nakangiting sagot niya. Hindi pa ako nakapasyal dito at bahay-trabaho lang ang routine ko. Wala naman sigurong masama kung pagbigyan ko siya.
"Sure no problem," nakangiting sagot ko.
"Great, let's go." Sabi niya at kinuha ang kamay ko. Nagtungo kami sa kotse niya na nasa parking lot, pinagbuksan niya ako ng pinto para makasakay. Sumunod naman siya sa kabila at umalis na kami.
"Where do you want to eat?" tanong niya. Napatingin ako sa kaniya, seryoso? Ako ang tinatanong niya na wala nga akong alam kung saan dito ang mga restaurant.
"W-wala akong alam na restaurant dito." Kamot ulong sagot ko.
"I'm sorry, I will take you to my favorite restaurant then." Sabi niya.
"Okay no problem." Sagot ko sa kaniya.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan niya habanh bumabiyahe. Ang ganda pala talaga dito lalo na kapag gabi. Ramdam ko na din ang pasko.
Maya maya pa ay huminto na ang kotse niya sa isang restaurant na mukhang mamahalin ang mga pagkain. Malaki at maraming customer sa loob, halatang sikat. Siguro masarap ang mga pagkain dito dahil sabi pa niya favorite restaurant niya 'to. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang bumaba ng kotse at pumasok kami sa loob.
"Good evening Maam, Sir." bati sa amin ng isang service crew.
"Good evening, table for two please." Sabi niya sa crew.
"This way Sir," turo nito sa mesa na kita ang labas. Open area pala dito at kitang kita mo ang paligid. Ang ganda at nakakarelax, kaya siguro maraming kumakain dito.
"What do you want to order?" tanong sa akin ni Sir Kian.
Inabot ko ang menu na nasa table at namili ako ng pagkain. Medyo mahal nga pero sulit naman. Pinili ko ang best seller nila na Montreal smoked meat, pareho lang kami pero salmon ang sa kaniya.
Habang hinihintay namin ang order namin ay nagkuwentohan muna kami.
"So, how is your life in Philippines?" Tanong niya.
"Hmm, good. Same as here, work, house and work." Maikling sagot ko.
"How about your love life?" Tanong niya. Umayos ako ng upo at huminga ng malalim.
"I don't have love life Sir." sagot ko.
"Are serious? I don't believe you. I mean, your beautiful and kind bakit wala kang boyfriend?" Tanong niya. Pagak akong tumawa at tumingin sa kaniya.
"Well, I have one 5 year's ago but... we broke up." Sabi ko.
"Oh, why? If you don't mind, may i know why?" Tanong niya. Napa isip ako at tumingin sa kaniya.
Wala namang masama kung sabihin ko, matagal na rin naman 'yon at hindi na big deal sa akin.
"My ex-boy friend left me when he got me pregnant. Then umalis siya ng pilipinas at nagpunta sa States para doon mag-aral. Tutol ang mga parents namin dahil nga hindi kami magka level ng estado sa pamumuhay. His family is rich and well-known of our town. Ang family ko naman ay normal lang ang pamumuhay. May puwesto kami sa palengke at maliit na gulayan at prutasan. Pero naibenta ko 'yon nung namatay sa aksidente ang magulang namin." May tumulong luha sa mga mata ko dahil naalala ko na naman ang magulang namin. Sa tuwing bumabalik sa ala-ala ko ang pagkamatay ng magulang ko masakit pa rin sa puso. Sariwa pa at hindi na siguro 'yon mawawala.
"I'm sorry to hear that," sabi niya. Pinahid ko ang luha ko at huminga ng malalim.
"It's supposed to be a dinner not a drama, let's change the topic." Sabi ko sa kaniya.
"You are right, this place is romantic at pangit if magdramahan tayo." Natatawang sabi niya. Dumating na rin ang order namin at kumain na kami. Nagkwentuhan pa rin kami at nagtatawanan. May pagka funny din pala ang lalaking 'to.
Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na kaming umuwi dahil may pasok pa bukas.
"Jasmine," tawag niya sa pangalan ko.
"Yes Sir?" tanong ko.
"Drop that Sir, wala naman tayo sa trabaho. Just call me my name kapag dalawa lang tayo." Sabi niya sa akin.
"But you are my boss," sabi ko.
"Yes but, wala naman tayo sa company so it's okay if you call me on my name." Sabi niya. Tumango na lang ako dahil ayoko nang pagtatalo, nakukulitan din kasi ako kapag paulit-ulit ang pinag uusapan namin.
"Okay Kian," sabi ko. Ngumiti naman siya, ngayon ko lang napansin na may dimple pala siya kapag nakangiti.
"See, my name is sounds good if you say it." Sabi pa niya.
"Whatever Kian Zamora." Pang aasar ko sa kaniya.
"I have a question to you." Sabi niya na nasa kalsada lang ang tingin.
"Hmm, ano 'yon?" Tanong ko.
"If times come that... I will court you, will let me?" Tanong niya.
Napatitig ako sa kaniya at napalunok, hindi ko inaasahan ang sinabi niyang iyon at wala akong mahagilap na sagot.