STARTING OVER AGAIN : CHAPTER 14 || KIAN ZAMORA

1003 Words
JASMINE POV Dalawang linggo na ang lumipas simula no'ng dumating ako dito sa Canada. Una nangangapa ako sa trabaho dahil hindi iyon ang nakasanayan ko. Mabuti na lang nandiyan si Maam Sandra na handa akong alalayan. Napaka bait niya at maunawain, marami din siyang naituro sa akin. At halos lahat ng iyon ay mabilis ko namang nakuha. Papasok na ako sa building ng company nila. Hindi naman kalakihan ang company nila Maam Sandra. Pero sikat at halos araw araw sampong investors ang nag iinvest sa kanila. Isa itong kompanya ng sasakyan, mga mamahaling sports car ang karamihan dito at iyon ang malakas sa mga customers. Habang naglalakad ako may nakabanggaan akong lalaki. "I'm sorry, I'm sorry..." sabi niya at tinulungan niya akong pulutin ang mga dala kong gamit na nagkalat sa sahig. Sabay pa naming pinulot ang ballpen ko at nahawakan niya ang kamay ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya at nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Blue ang mga mata niya at makapal ang kilay, matangos ang ilong at mapula ang labi. Kumurap kurap ako at mabilis inagaw ang kamay ko. "I'm sorry," sabi niya ulit akin. "I-it's okay, I... I have to go." Sabi ko at nagmadali akong talikuran siya. Bakit ganito na lang ang naramdaman ko? Ang lakas ng t***k ng puso ko? Dama ko parin ang mainit niyang palad na lumapat sa balat ko. Pumikit ako at kinalma ko ang sarili, pumasok na akonsa loob ng opisina at na upo sa swivel chair. Hanggang ngayon dama ko pa rin ang kaba. Bakit bigla na lang akong kinabahan nang magtama ang mga mata namin? Napagpasyahan kong magtimpla ng kape para ma relax ang ako. Ayokong ma distract dahil marami ang gagawin ko. RENZO POV It's been two weeks since she left, I miss her. I want to find her, but where? Where did she go? "Jasmine, hindi kita susukuan... Alam kong magkikita tayo ulit at hihintayin ko ang araw na iyon. I will wait for you to come back." sabi ko sa sarili ko. Lagi ding akong tinutukso ni Claire, a desperate woman. Kahit anong gawin niya hindi ako magkakagusto sa kaniya. Never and it won't happen. Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho, nagpaka busy ako para lang hindi ko siya lagi naiisip. I focus on my project and company. Malapit na ring buksan ang first branch ng GJ Enterprise. I used my name and Jasmine's name, na isip kong ito ang magandang gawin dahil wala naman akong balak na pakawalan siya sa puso ko. Sinimulan ko na ring planohin ang disenyo ng magiging bahay namin. At ang ibang idea ay kinuha ko sa mga gawa ni Jasmine noong college kami. Architect ang course niya kaya marami siyang mga nabuong idea at disenyo ng bahay. Mas nagkaroon pa ako ng lakas ng loob na tuparin ang mga pangarap ko para sa aming dalawa. JASMINE POV Pinatawag ako ni Maam Sandra dahil may ipapakilala daw siya sa akin. Isa daw ito sa magiging partner nila sa company at gusto niya na makilala ko ito dahil isa siya sa hahawak ng kompanya at magiging boss ko na din. Pumasok na ako sa opisina ni Maam Sandra at may lalaking nakatalikod akong nakita. Parang pamilyar sa akin ang kaniyang suot. "She's here," rinig kong sabi ni Maam Sandra. "Good afternoon Maam," Bati ko. "Good afternoon, Miss Esguerra I want you to meet our business partner Mr. Kian Zamora." Pakilala ni Maam Sandra sa kainya. Dahan-dahan siyang humarap sa akin at nagtama ulit ang mga mata namin. Siya ang lalaking nakabangga ko kanina sa may hallway ng kompanya. Napa lunok ako at kinabahan na naman. "Hi," sabi niya. Nag echo sa pandinig ko ang boses niyang lalaking lalaki. Malamig at ang sarap sa pandinig. "H-hi," na uutal kong sabi. Nanginginig na naman ako, ano ba ang nangyayari sa akin? "You are?" Tanong niya sa akin. "J-jasmine E-esguerra, Sir." Gusto kong pagalitan ang sarili ko sa inaasta ko ngayon. Nakakahiya kay Maam Sandra, huminga ako ng malalim at ngumiti. "Hi Sir, I'm Jasmine Esguerra the personal assistant of Mrs. Sandra Ong." pormal na pakilala ko. Inabot niya ang kamay niya at nakipag kamayan siya sa akin. "Nice to see you again Miss Jasmine." Nakangiti niyang sabi. "Have you two, meet already?" Tanong ni Maam Sandra. "No Maam, we bumped into each other at the hallway earlier." Sagot ko. "Oh, is that so. Anyway, Miss Esguerra starting today Mr. Zamora will work with us. He's the one will handle the company and your boss." Sabi ni Maam Sandra. "Copy Maam Sandra, welcome to Sports Car and Vehicles EnterCorp. Sir Zamora." Sabi ko sa kaniya. "Thank you, are you a Filipina?" Tanong niya. Napatingin ako kay Maam Sandra at tumango siya. "Yes Sir, I am." Sagot ko sa kaniya. "That's good because I am Filipino too." Natatawang sagot niya. Narinig ko din ang pagtawa ni Maam Sandra. "Seriously? I'm trying hard to speak straight english here pero pinoy ka pala?" seryosong tanong ko. "I'm sorry Jas, sinubukan lang namin na i-challenge ka, and it's work." Sabi ni Maam Sandra. Nanginit ang mukha ko dahil feeling ko nakakahiya ang naging approach ko. Pinoy pala tapos ini-english ako pambihira. "So, hindi tayo mahihirapang pakisamahan ang isa't-isa dahil marunong naman akong magtagalog." Sabi niya. Pero 'yung accent niya ay Canadian. "Yeah, no problem Sir. Kung wala na tayong pag uusapan, if you don't mind may I excuse?" Paalam ko sa kanila. "Yeah sure, you can go home if you want to." Sabi ni Maam Sandra sa akin. "Okay Maam, thank you. Mauuna na ako, excuse me." Sabi ko sa kanila at lumabas na ako ng opisina ni Maam Sandra. Napabuga ako ng hangin at nasapo ko ang dibdib ko. Pakiramdam ko napagod ako kahit wala naman akong ginagawa. Bumalik na ako sa table ko at kinuha ang gamit ko para umuwi. Tatawagan ko din si Gaby, isang beses pa lang akong nakatawag sa kaniya simula no'ng dumating ako dito. Nasa lobby na ako at naghihintay ng taxi pa uwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD