RENZO POV
Nasa company na ako, pagbukas ng elevator bumungad sa akin ang mga empleyado na nag-uusapan.
"Hay, nakakalungkot 'tong araw na 'to." Sabi ni Sy.
"Agree," sagot naman ni Vince.
"Good morning, may mga problema ba kayo?" Tanong ko sa kanila.
"G-good morning Sir, wala naman po." Pilit na ngiting sagot ni Sy.
"Sir, may ibibigay po ako sa inyo." Sabi ni Mia. Kakalabas niya lang sa editorial office.
"What is it?" Tanong ko. May inabot siya sa akin na sobre. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.
"Ahm Sir, r-resignation letter ni Miss Jasmine Esguerra po." Sabi niya.
"Resignation letter?" Paninigurado ko.
"Y-yes Sir." Nauutal niyang sagot. Kunot noo kong binuksan ang sobre at binasa. May isa pang papel itong kasama. Pumasok ako sa office ko para doon basahin.
Hindi ko binasa ang resignation letter niya, sa isang papel ako nagka interest na basahin iyon. Kinakabahan ako at nanginginig ang kamay ko habang binubuklat ang papel.
Renzo,
Sana maintindihan mo, alam kong hindi tama na umalis akong walang paalam na pormal.
Gusto kong ayusin ang sarili ko, and I guest this is the only way para magawa ko 'yon. I need to stay away from you para makalimutan kita. Dahil sa tuwing nakikita kita paulit ulit bumabalik sa ala-ala ko ang mga nangyari sa nakaraan natin. At nahihirapan ako sa tuwing nakikita kita, nasasaktan ako. Kaya na isip ko na lumayo muna, baka sakaling makatulong ito sa atin. At sana, kalimutan mo na ako. Let me go to your heart Renzo. Hindi na kita mahal, and I think you already found someone to love you. And that is not me, I want you to be happy with Claire. At sana maging masaya ka na lang din sa akin. Renzo, kahit anong gawin natin hindi na tayo babalik sa dati. May lamat na ang samahan natin at mahirap ibalik 'yon. So please, let's move on and forget each other. Hindi na kita mahal Renzo.
Jasmine,
Tumulo ang mga luha ko sa liham niya, hindi ko matanggap na hindi na niya ako mahal. Pero anong magagawa ko, naka alis na siya. Saan siya nagpunta? Lumabas ako ng office at pinuntahan si Mia.
"Mia?" Tawag ko sa kaniya.
"Sir, may kailangan po kayo?" Tanong niya.
"Tell me where is she?" Wala akong pakialam kung pagtitinginan nila akong umiiyak. I want to know where Jasmine is.
"S-sir, I'm sorry po pero wala po kaming alam. Nakipagkita lang siya sa amin para ibigay ang resignation letter niya at 'di niya sinabi kung saan siya pupunta." Sabi niya.
Bumagsak ang balikat ko at napahilamos ako sa mukha ko. Bumalik ako sa office ko at doon umiyak. Bakla na kung bakla pero ang sakit ng pag-alis niya. Ito na ba 'yong ganti niya sa pag-iwan ko sa kaniya?
"Good morning," masayang bati ni Claire. Nandilim ang paningin nang makita ko siya. Lumapit siya sa akin at akmang hahalikan ako pero umiwas ako. Siya ang may kasalanan sa pag alis ni Jasmine.
"What's wrong Renzo?" Tanong niya.
"Stop what you doing! This is your fault! Dahil sa 'yo umalis si Jasmine! Iniwan niya ako because of you!" Sigaw ko sa kaniya.
"What? Why me? Bakit ako ang sinisisi mo? Isa lang ang ibig sabihin niyan Renzo, she didn't love you. That's why she left, tanggapin mo na lang na hindi na kayo magkabalikan." Sabi niya. Umigting ang panga ko sa galit sa mga pinagsasabi niya.
"Shut up! Kasalanan mo naman talaga, kung hindi mo 'ko hinalikan hindi siya aalis. You did it in purpose right? Tell me!"Sigaw ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang mga braso niya.
"Renzo, nasasaktan ako." Pilit niyang tinatanggal ang mga kamay ko.
"Eh ano naman ngayon kung sinadya ko 'yon o hindi! Gusto mo rin naman 'di ba? You kiss me back!" Sabi niya.
"That was a big mistake Claire, kung alam ko lang na isa ka sa maging dahilan nang hindi namin pag-aayos ni Jasmine, sana hindi na lang kita pinasok dito." Sabi ko sa kaniya.
"Wala ka na rin namang magawa, iniwan ka na niya. Bakit ba si Jasmine na lang palagi ang bukambibig mo ha? Renzo nandito ako, handa kang mahalin at pasayahin. But because of that woman, binalewala mo ako!" Sigaw niya.
"I don't need you in my life. Hindi ikaw si Jasmine, and you will never replace her. Si Jasmine lang ang mahal ko at walang magbabago do'n." Sabi ko sa kaniya at tinalukuran ko siya. I get out of my office and leave.
JAS POV
Canada,
Nandito na rin ako, new life, new work, and bew environment. Ano kaya ang magiging buhay ko dito? Makakalimutan ko na kaya ang mga nangyayari sa buhay ko sa bansang ito?
"Jasmine," tawag sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Maam Sandra. Lumapit kaagad ako sa kanila, kasama niya ang asawa niya.
"Hi, welcome to Canada." Sabi niya.
"Thank you Maam Sandra." Nakangiti kong sabi.
"By tha way I want you to meet my husband, Jerome Ong." Pakilala niya sa asawa niya.
"Good evening Sir, I'm Jasmine Esguerra." Sabi ko.
"Good evening, welcome to Canada." Sabi niya at nakipag shake hands siya sa akin.
"Let's go," sabi ni Maam Sandra.
Lumabas na kami ng airport at sumakay sa kotse nila. Habang nasa biyahe kami ay 'di ko mapigilang mapalingon sa bawat lugar na madadaanan namin. Ang ganda ng paligid, tahimik at maraming palamuti. Mag papasko na rin pala, may lungkot akong naramdaman sa puso ko. Hindi, hindi dapat ako magpadala sa homesick, nandito ako para ayusin ang sarili ko at buhay ko.