STARTING OVER AGAIN : CHAPTER 12 ( FAREWELL )

959 Words
JAS POV Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Gaby at naglinis ng bahay. Gumawa na rin ako ng resignation letter, tatawagan ko na lang sila Mia mamaya at magkikita kami sa bar. Gusto kong magpaalam din sa kanila ng maayos. Sa tatlong taon na pagsasama namin sa kompanya at pagiging magkaibigan, naging malapit na rin kami. Kaya gusto kong magpaalam sa kanila. Sila na rin ang magbigay ng resignation letter ko kay Renzo. Na alala ko na naman ang halikan nila ni Claire. Ang bad ng timing ko, hays bahala na nga. Pagkatapos naming maglinis ay tinulungan ko si Gaby na dalhin ang mga gamit niya sa bahay ng Madam Pacita. "Magandang umaga po Madam." Bati ko nang pagbuksan kami ng gate. "Magandang umaga din. Iyan na ba lahat ng gamit mo Gaby?" Tanong niya kay Gaby. "Opo, ito na po lahat." Sagot ni Gaby. "Pasok na kayo, nasa taas ang magiging kuwarto mo." Sabi ni Madam. Pumasok kami at umakyat sa taas. Tinuro niya sa amin ang magiging kuwarto ni Gaby. Inayos namin ang mga gamit niya at ang iba kong gamit naman ay nasa isang maleta. "Gaby, 'wag kang pasaway kay Madam ha. Magpakabait ka dito at tulungan mo siya sa mga gawaing bahay." Bilin ko. "Ate, 'di niyo na po ako kailangang pagsabihan dahil masipag po ako. H'wag ka po'ng mag alala Ate, magpakabait po ako dito." Sabi niya. "Dapat lang. Paano aalis muna ako. Kikitain ko sila Mia at Vince. Ibibigay ko din ang resignation letter ko. Hindi na ako pupunta ng kompanya bukas baka mahuli ako." Paalam ko. "Sige Ate, mag iingat ka. Baka lasing ka na naman pag-uwi mo ha." Sabi niya. Natawa naman ako. "Hindi na, mag-uusap lang kami. Oh sige na babyee." Paalam ko at bumaba na. "Madam, aalis po muna ako. Ibibigay ko lang po itong resignation letter ko sa kasamahan ko sa trabaho. Hindi na po kasi ako da-daan sa kompanya bukas." Paalam ko kay Madam Pacita. "Oh sige iha, mag-iingat ka." Sabi niya. "Opo, sige po alis na ako." Paalam ko. Lumabas na ako ng bahay at naglakad papuntang sakayan ng dyip. Naka sakay naman agad ako dahil may humintong dyip sa tapat ko. Nasa biyahe na ako at nag text na ako sa kanila. Maya-maya lang ay nakarating na ako madalas naming tambayan. Sa bar. Pumasok na agad ako at hinanap ko sila. "Jas, dito." Tawag ni Mia. Lumapit ako sa kaniya. Kasama nila ng iba naming ka trabaho. "Anong meron? Bakit gusto mo kaming makita at maka usap lahat?" Tanong ni Mia. "Magpapaalam." Maikling sagot ko. Nanlaki naman ang mga mata nila. "Paalam!?" Sabay nilang tanong. "Saan ka ba pupunta? Kaloka ka gurl, ano 'to pupunta ka ng ibang bansa para mag move on? Iyan na ba ang uso ngayon?" Sabi ni Vince. "Hays, hindi lang naman e. Doon muna ako magta trabaho. At bukas na ang alis ko."Sabi ko. "Agad, agad!?" Sabay na naman nilang sabi. "Saang bansa ka pupunta?" Tanong nila. "Sa Canada." Sagot ko. "Hoy, seryoso. Ang bilis naman. Kaya ba madalas kang absent nitong mga nakaraang araw?" Tanong nila. "Oo, nag asikaso ako ng passport ko. Tapos kahapon tumawag si Maam Sandra 'yung magiging amo ko doon, okay na daw ang papers ko at bukas ang alis ko." Sabi ko sa kanila. Hindi sila naka imik at parang nag iisip. "Bakit kailangan mo pang umalis sis? Pero kung 'yan ang makakabuti sa iyo, support ka namin. Right guy's?" Sabi ni Mia. "Right, mamimiss ka namin. Kahit medyo seryoso ko at mainitin ang ulo mamimiss ka namin." Sabi nila. Napangiti ako sa kanilang mga tinuran. "Mamimiss ko din kayo, tatawag naman ako kapag free time ko. Hindi ko naman kayo makakalimutan no." Sabi ko sa kanila. "Inom na nga tayo, pa despidida ni Jasmine." Sabi nila. "Kampay," sabi ni Vince. Nagtawanan kami at nagkwentuhan. Alas dose na ako naka uwi, hinatid lang nila ako dahil may sasakyang dala si Vince. Pagdating ko dumiretso na ako sa kuwarto ni Gaby at naligo bago natulog. Kinabukasan, Ginising ako ni Gaby, alas nuwebe na pala at ala una ang flight ko. Nagmadali akong kumilos at tumawag na sila ng taxi. Hinatid nila ako sa airport at naghihintay na din sila Mia doon. Pagdating namin sa airport ay umiiyak si Gaby. "Ate, mag ingat ka do'n, tumawag ka sa akin palagi ha." Sabi niya na nakayakap sa akin. "Tama na, babalik pa naman ako. Isa pa pansamantala lang 'to." Sabi ko sa kaniya. "Mamimiss kita Ate, I love you." Sabi niya at yumakap ng mahigpit. Tumulo ang luha ko, niyakap ko din siya. "Alagaan mo ang sarili mo dito ha. Mahal ka ng Ate, pangako uuwi ako sa graduation mo." Sabi ko. "Sis, mag iingat ka ha. At 'wag kang magpaligaw sa mga Canadian boys doon."Pabirong sabi ni Vince. "Loka ka talaga. Iyan magkaka jowa doon? Hindi nga maka lapit si Sir Renzo sa kaniya e." Sabi ni Sy. "Oo na, tama na 'yang bangayan niyo. Group hug." Sabi ko at nagyakapang kaming lahat. "Madam, kayo na po ang bahala kay Gaby, maraming salamat po sa lahat." Sabi ko. Tumulo ang luha ko sa realidad na iiwan ko ang kapatid ko. Pero nandito na 'to at kailangan kong panindigan. "H'wag kang mag-alala, ako ang bahala sa kapatid. Mag-iingat ka doon," bilin ni Madam. "Opo, papasok na po ako sa loob. Guy's alis na ako. Gaby," lumapit sa akin si Gaby at yumakap ulit. Tumulo na naman ang luha ko. "Sige, aalis na si Ate." Paalam ko. "Ingat ka Ate ko." Sabi niya. Ngumiti ako at huminga ng malalim bago tumalikod. Naglakad na ako papasok sa departure area ay lumingon sa kanila ang nag taas ako ng kamay. "Paalam Renzo," usal ko at tumulo ang mga luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD