STARTING OVER AGAIN : CHAPTER 11

859 Words
JASMINE POV Araw ng biyernes ngayon at ngayon ko kukunin ang passport ko. Maaga akong umalis para 'di ako maabutan ng traffic. Habang naghihintay ako na tawagin ako, tumunog ang phone ko. International call ang nabasa ko sa caller ID. "Hello good morning Maam, Sir. How may I help you?" tanong ko. "Hello, may I speak with Miss Jasmine Esguerra? This is Ms. Sandra Lopez her employer." Sabi nito. Umayos ako ng upo. "Yes Maam, this is me Jasmine Esguerra." Sabi ko. "Oh, thanks. Ikaw pala 'yan. Your papers is ready, sa sunday na ang flight mo. Are you ready? If you want I can move your flight." sabi niya. May tuwa akong naramdaman sa puso ko. "No Maam, it's okay. Ready na po akong umalis." nakangiting sagot ko. "Okay, that's good. So, hihintayin na lang kita dito. Can't wait to see you in person Jasmine." Sabi niya sa akin. "Me too Maam Sandra. Thank you." Sabi ko sa kaniya. "Okay, I have to hang up. Bye." "Bye Maam." Namatay na ang tawag at binalik ko na sa bag ang phone ko. Tamang-tama din dahil ako na ang kasunod. Pagkatapos kong makuha ang passport ko agad akong nag-abang ng taxi papuntang office. "Maiiwasan na rin kita. Ito ang makakabuti sa atin, ang hindi muna magkita. Baka sakaling makalimutan ko ang mga nangyari at mapatawad kita, sa tamang panahon." sabi ko sa aking isip. Pagdating sa kompanya ay mabilis akong pumunta sa editorial office. "Miss Jas, mabuti nandito ka na. Pinapatawag ka ni Sir Gaviola." Salubong ni Sy sa akin. Hindi na ako nagtanong at pumunta na sa office niya. Dire-diretso akong pumasok at hindi ko inasahan ang maabutan ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko sa nakita ko. Naghahalikan si Renzo at Claire. Nagsalubong ang aming mga mata. Napalunok ako at dahan-dahang tumalikod para maka-alis sa lugar na iyon. Mabilis akong pumasok sa editorial office at kinalma ang sarili. "Anong nangyari sa iyo? Ba't parang takot?" tanong ni Sy. "W-wala, o-okay lang ako." Na uutal kong sagot. Pumunta ako sa table ko at huminga ng malalim. Nanginit ang mga mata ko at para akong naiiyak. Bakit ako nakaramdam ng ganito? Bakit may kirot sa puso ko? Nawalan ako ng ganang magtrabaho kaya napagdesisyonan ko na umuwi na lang at mag impake. Paglabas ko ay magkaka-salubong pa kami. "Jasmin," tawag niya pero 'di ko siya pinansin. Tuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang makarating sa labas at pumara ng taxi. Ang traidor kong mga luha ay nag-uunahang sa pagtulo. Nakarating na ako sa bahay at agad akong pumasok. Kinuha ko ang maleta ko at niligpit ang mga damit at mahahalang papel ko. Na isip ko na rin na gumawa ng resignation letter. Kikitain ko na lang sila Mia at Vince mamayang gabi. Simula bukas hindi na ako papasok. Natapos ko ang pagliligpit ko at nadatnan ako ni Gaby. "A-ate, aalis ka na?" may lungkot sa boses niyang sabi. Hinarap ko siya at binigyan ng tipid na ngiti. "Hindi pa, sa linggo pa ang alis ko. Naisipan ko lang na iligpit ang gamit para nakahanda na." Sabi ko sa kaniya. "Basta Ate mag iingat ka do'n. Tawagan mo 'ko lagi ha." Sabi niya sa akin. "Oo naman, magpakabait ka dito okay." sabi ko sa kaniya. "Opo ate." "Tara, sumama ka sa akin. Pupunta tayo sa bahay ni Madam Pacita." Sabi ko sa kaniya at lumabas kami ng kuwarto. "Tao po" tawag ko. Bumukas naman ang pinto at lumabas si Madam Pacita. "Jasmine, Gaby kayo pala. Pasok kayo." binuksan niya ang pinto at pumasok kami. "Natanggap mo na ba ang tawag ni Sandra iha?" tanong niya. "Opo, nasa DFA po ako pagtawag niya." Sagot ko. "Kailan daw ang alis mo?" "Sa linggo na po Madam." "Gano'n ba, so lilipat ka na dito sa bahay ko Gaby. Naka handa na ang magiging kuwarto mo. " Sabi ni Madam kay Gaby. "Maraming salamat po Madam." Sabi namin. "Wala 'yon. So dito na kayo kumain, pa despidida kay Jasmine." Sabi ni Madam. Hindi na kami tumanggi. Nagluto kami ng pagkain at nagkwentuhan. Matapos ang maghapon na iyon ay umuwi na kami. Tinulungan kong magligpit si Gaby sa mga gamit dahil lilipat na siya bukas. Napatigil ako dahil naririnig ko siyang parang umiiyak. "Bunso," tawag ko sa kaniya. "Sorry Ate, hindi ko mapigilan e. Mamimiss kita, alam mo naman na ikaw lang karamay at kakampi ko dito. Mamimiss ko mga harutan at kwentuhan natin. Siyempre 'yong mga paninermon mo." Nilapitan ko siya at pina upo. "Pansamantala lang ang pag-alis ni Ate, uuwi ako sa graduation mo. H'wag lang mag-alala dahil lagi kitang tatawagan. Gusto kong mangako ka na mag-iingat ka dito habang wala ako. H'wag mong bigyan ng sakit sa ulo si Madam okay?" Sabi ko sa kaniya. "Opo Ate, ikaw din mag-iingat ka doon ha. H'wag mong pabayaan ang sarili mo. Kung gusto mo nang kausap tawagan mo 'ko." sabi niya. "Oo naman, 'di ko 'yon makakalimutan. I love you bunso." "I love you too Ate kong masungit." kumunot ang noo ko. "Ah masungit pala ha." Kiniliti ko siya sa tiyan at nagharutan kami sa kama. Puro tawanan at tilian ang maririnig sa kuwarto nang gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD