RENZO POV
Papunta ako sa editorial office, titingnan ko lang ang ginagawa nila. Galit na naman siya dahil nilipat ko siya. Akala maging okay na, ito 'yong gusto niya ang hindi kami magkita araw-araw. Minsan hindi ko na maintindihan ang takbo ng utak niya. Iba talaga kapag ang babae ang galit, abot hanggang langit.
"Good afternoon Sir," bati nila sa akin maliban kay Jasmine.
"How is your work? Hindi ba kayo nahihirapan?" tanong ko.
"Medyo Sir." sagot nila.
Tahimik lang siya, ni hindi makatingin sa akin. Salubong ang kilay at galit ang mata. She is so different now. Ang dating maamong mukha, ngayon tigre na.
"How about you Miss Esguerra?" tanong ko sa kaniya.
Tinaponan niya lang ako ng tingin at bumalik na sa ginagawa niya.
"Sy, hand me a white paper may ipi-print lang ako, please." utos niya.
"You can go home at 5 o'clock guy's. I have to go." paalam ko sa kanila.
How can I reach you Jas? Palayo ka nang palayo, ang hirap mo nang abutin.
JAS POV
Umalis na din siya, mabuti naman. Kukumustahin niya ang trabaho kong nagka gulo-gulo nakaka inis.
Alas singko na pala, niligpit ko na ang gamit ko para maka uwi. Mukha pa namang uulan, wala akong dalang payong.
"Guy's let's go, bukas na ulit natin tapusin ang work. May ulan baka maabutan kayo."
Sabi ko sa kanila.
"Sige Miss Jas."
"Ma-uuna na ako." paalam ko. Nagmadali akong lumabas at pumasok sa elevator. Pagdating sa first floor agad akong lumabas sa lobby.
"Bakit naman ngayon pa?" naiinis kong sabi. Bumuhos na ang ulan. Wala nang masasakyan kapag ganito kalakas 'to.
May kotseng huminto sa tapat ko.
"Sumabay ka na sa akin, ihahatid kita."
Sabi niya. Hindi ko siya pinansin at nag hintay pa ng taxi.
"Jasmine, sakay na. Wala ka nang masasakyan dahil malakas ang ulan." sabi niya.
"Maghihintay na lang akong tumila." sagot ko.
"Jas, sa ganito kalakas malabong titila 'to ng maaga. Sumakay ka na."
Pag pupumilit niya. Kumakalam na ang sikmura ko.
Napa buga ako ng hangin. Wala akong choice kung 'di ang sumakay sa kotse niya.
"Tell me where is your house para mahatid kita." Sasabihin ko kapag nasa kanto na tayo.
Tahimik kami sa loob, wala rin akong balak mag salita.
"Jas, I'm sorry." usal niya. Ayan na naman siya sa sorry niya.
"Puwedeng 'wag ka na mag sorry?" Salubong ang kilay kong sabi sa kaniya.
"Alam kong mahirap magpatawad, pero kung kailangan araw-araw akong magso sorry gagawin ko.
"Puwede ba Renzo, tumigil ka na. Hindi ko tatanggapin ang sorry mo. Kaya tama na, ihino mo na lang ako diyan sa kanto."
Huminto naman siya, lalabas na sana ako pero naka lock pa ang pinto.
"Jas, ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo 'ko.?" Tanong niya.
"Gusto mong malaman?"
"Kalimutan mo 'ko," sabi ko sa kaniya.
"Jasmine." dismayado niyang sabi.
"Hindi mo kaya?" tanong ko.
"Buksan mo na ang pinto, bababa na ako." utos ko.
Para saan pa kung patatawarin ko siya. Hindi na mababago ang nangyayari.
"Jas, please listen to me. Kahit ngayon lang Jas."
"Ano ba ang pag-uusapan natin Renzo? Wala na tayong pag-uusapan!"
"Meron Jas, listen please."
"Open the door."
"No, until hindi tayo makapag-usap."
"Fine! Speak. Sabihin mo sa akin ang mga kasinungalingan mo at makikinig ako!" sabi ko. Kumakabog ang puso ko sa galit at inis.
"That day, no'ng nalaman kong buntis ka... nagulat ako, I mean hindi ako nakapaghanda. I was shock kaya ko na sabi ang mga 'yon"
Naalala ko na naman ang araw na iyon.
"Pag uwi ko, kina-usap ko si Mama. Nagalit siya sa akin. Kaya... pina alis niya ako. Believe me Jas, ayokong umalis no'ng time na 'yon. Pero pinilit ako ni Mama, binilhan niya ako ng ticket. Gusto sana kitang puntahan bago ako umalis pero pinigilan niya ako. Alam naman natin na labag sa relasyon natin ang mga magulang natin. Kaya no'ng malaman ni Mama na nabuntis kita, pinaalis niya ako."
Tumulo ang mga luha ko, ang sakit lang. Ang sakit, sakit... Alam kong ayaw nila sa relasyon namin pero ang paalisin siya dahil nabuntis ako, hindi ko matatanggap 'yon.
"I'm sorry, please I'm sorry. Leaving you was not my plan Jasmine, mahal na mahal kita."
"Nangyari na ang lahat, hindi na maibabalik pa. Na saktan mo na ako, wala na ring dahilan para ayusin ang relasyon natin. Kasi... yung isang bagay na, mag uugnay sana sa atin. Wala na, wala na Renzo. Masakit Renzo, subrang sakit." mahinang usal ko habang umiiyak.
"Buksan mo na ang pinto, please." utos ko sa kaniya.
Pinahid ko ang mga luha ko bago bumaba. Mabilis ang mga hakbang ko palayo sa sasakyan niya.
"Hindi na siguro tayo babalik pa sa dati Renzo." humuhikbi kong bulong.
Pagdating ko sa bahay, agad akong pumasok.
"Ate, nandiyan ka na pala. Umiiyak ka ba ate?" tanong sa akin ni Gaby.
"W-wala 'to, nagluto ka na?" tanong ko.
"Opo ate, magsasandok na ako para makakain na tayo." sabi niya.
"Sige."
Pumasok ako ng kuwarto ko at nagbihis. Inayos ko din ang sarili ko at naghilamos.