JASMINE POV
Araw ng martes ngayon, papasok na ako sa trabaho. Tinawagan ako nila Vince, may bagong secretary daw at ako nilagay sa editorial. Okay na 'yon sa akin, maiiwasan ko siya at hindi kami magkikita.
Naka sakay na ako ng dyip, maaga pa naman kaya okay lang kung ma traffic.
Nakarating din ako ng ala siyete, pumasok na ako at dumiretso sa loob.
"Jas, welcome back. Kukunin mo na ba ang mga gamit?" salubong ni Mia sa akin.
"Oo at aalis na, total may kapalit naman na ako."
"Seryoso? Aalis ka?"
"Tsk, ano pa ba ang gagawin ko dito? Hindi ba may bagong sekretarya na, I guess I'm not belong here anymore."
"Sa editorial ka nilagay ni Sir, hindi ka naman pinapaalis."
"It's okay, mabuti na din 'yon. Hindi kami oras-oras magkita."
Pumasok ako sa opisina at nakita ko ang babaeng kapalit ko.
"Excuse me, kukunin ko ang mga gamit ko." seryosong aniya ko.
"Hi, Jasmine right? I'm Claire the new secretary." nakangiting pakilala niya.
"I know, so may I excuse? I have to get my things." sabi ko sa kaniya.
"Oh, ahh yeah sure." tumabi naman siya par bigyan ako ng daan.
"Totoo pala ang sinasabi nila, suplada ka sa personal. I wonder kung bakit habol ng habol si Renzo sayo." kuda niya.
"And? Ano ang gusto mong palabasin?"
"Nothing. Ang sa akin lang wag masiyadong feeling important. Ikaw na nga ang sinusuyo, ikaw pa ang choosy." Nanggigil ano sa sinabi niya, sino ba siya?
"Who are you para pagsabahin ako? Alam mo ba ang totoong istorya? As far as I remember, you were just new secretary here, right? So why don't you mind your own business." sabi ko sa kaniya. Akala mo kung sino!
Hindi na siya naka imik, patapos na ako nang pumasok si Renzo.
"Good morning Renz, you want coffee?" malanding sabi niya.
"No thanks. By the way, Miss Esguerra sa editorial kita ilalagay for now dahil may malaking project tayo and ikaw ang napili ko na ilagay do'n."
"Bakit hindi mo na lang ako inalis? Bakit mo pa ako binigyan ng trabaho?" tanong ko sa kaniya.
"Miss Esguerra, I hope you understand. Wala akong mapagkatiwalaan..."
" Kaya ako ang pinili mo? Ililipat mo 'ko sa trabaho na hindi natin alam kong kaya ko ba? Nag-iisip ka ba?" tanong ko sa kaniya.
"I can help you if you want, isa pa may kasama ka naman."
"I don't need your help. H'wag ka na lang umasa na maayos ang trabaho ko as editor. And you know what, puwede mo akong tanggalin, anytime!" sabi ko sa kaniya bago lumabas. Inirapan ko naman ang malanding sekretarya niya.
Nasa editorial office na ako, nilibot ko ang paningin ko sa loob.
"Hi Miss Jas, welcome sa editorial office." bati ng mga kasamahan ko pagpasok nila.
"Hi, thank you. Ahm, saan ang table ko?" tanong ko.
"Iyong nasa unahan Miss Esguerra, diyan ka daw sabi ni Sir." sabi nila at tinuro ang table sa harap.
"Bakit dito?"
"Ikaw daw ang leader namin."
"Tsk," singhal ko at pinuntahan siya sa opisina niya.
Hindi na ako kumatok...
"Bakit ako ang ginawa mong leader? Renzo wala akong alam sa editorial!" sabi ko sa kaniya.
"I know, pero alam kong kaya mo. Magaling ka naman. Ayaw mo ba na, na promote ka?"
"Promote? Hindi promotion'yon, nilagay mo 'ko sa alanganing trabaho!"
"Ikaw na nga ang binigyan ng magandang trabaho ikaw pa ang maarte." Singit ng babaeng kulang na lang maghubad sa suot niya.
"Can you please shut your mouth? Hindi ikaw ang kausap ko, 'wag kang epal!"
"Hindi ako epal, nagsasabi lang ng opinion."
"Isa pang salita galing diyan sa bibig mo, susungalngalin ko 'yan!"
"Hey hey hey, stop fighting will you? Miss Esguerr, I will talk to you later regarding sa bago mong trabaho. And Claire, back to your work."
Lumabas ako ng opisina ni Renzo na nang gigigil sa galit.