STARTING OVER AGAIN : CHAPTER 8

572 Words
Araw ng lunes, maaga akong nagising. Hinanda ko na ang mga kakailanganin ko sa pag-process ng passport. Nakaligo na ako at nakabihis. Hindi ko na hinintay na magising si Gaby. Palabas na ako ng bahay nang may tumawag sa phone ko. "Hello?" Tanong ko. "Bakla, papasok ka ba today? May meeting daw sabi ni Ex mo." Bungad sa akin ni Vince. "Hindi ako makakapasok, may lakad akong importante. Balitaan niyo na lang ako kung ano ang pinag-usapan sa meeting." Sabi ko sa kaniya. "Okay, may bago nga pala. I think kakilala ni Sir, close sila teh." Chika niya. "I am not interested Vince, mahalaga ang lakad ko kaya babye na." Paalam ko sa kaniya. Hindi ko hinintay na sumagot siya. Pumara ako ng taxi at sumakay. Habang nasa biyahe nag-iisip ako kung magpapaalam pa ako o aalis ng walang pasabi. Ano namang magagawa niya kung aalis ako? Bahala na. RENZO POV "Okay, good morning. We have urgent meeting this morning, and everyone I want you to meet, Miss Claire my new secretary." Pakilala ko sa bagong secretary. "Sir, bakit secretary? Di ba si Jasmine ang secretary mo?" tanong nila. "I-aasigned ko siya sa as new Editor." Sagot ko. Maybe this is the best for the both of us, gusto niya akong iwasan then ibibigay ko 'yon sa kaniya. "Wala pa ba si Miss Esguerra?" "Hindi daw po siya papasok Sir, may lakad si Madam." sagot ni Vince. Tumango na lang ako. "Okay, starting next week magigibg busy tayo para sa bagong building na ipapatayo and I need team up and work as one, si Miss Esguerra siya ang team leader ninyo. Gusto ko ng maayos at pulido na trabaho at ayoko ng paulit-ulit ang ginagawa. Once na mali, mali na 'yon. Understand?" sabi ko sa kanila. "Yes Sir," sagot nilang lahat. "This is my first project na hahawakan dito so I want it to be successful pagkatapos." Dagdag ko. "Anong building po ba ang gagawin Sir?" tanong nila. "It's a hotel, kaya dapat maging maayos ang trabaho, hawak ko na ang blue print. So bukas pupunta ako sa location kung saan ipapatayo ang building na 'yon." "Can you call Miss Esguerra? I need her tomorrow." utos ko sa kanila. "Yes Sir, kami na po kaka-usap." "Okay go back to your work." Pagkatapos ng meeting bumalik na ako sa opisina. Naalala ko ang nangyari nung nakaraan. I know she's still inlove with me, I can feel it. "Renzo, saan ang table ko?" tanong ni Claire. "You can use that table, bukas pa lilipat si Jasmine sa bago niyang table. 'Wag mo na lang galawin ang nga gamit niya." "Okay, napa-isip talaga ako kung bakit secretary ang binigay mong trabaho sa akin. Tsk, ayaw mo na lang aminin na gusto rin akong makasama." Sabi niya sa akin. "Don't assume, isa lang ang gusto kong makasama, and that is Jasmine." sabi ko sa kaniya. "Jasmine na naman, tinataboy ka na ng tao 'di ba?So why are you chasing her? Kung ayaw na sa'yo then let go." sabi niya. "You don't understand Claire." "I understand Renzo, you still into her. Pero siya hindi na, right? Ang dami namang babae pero bakit sa kaniya ka lang interesado." "Because I want to fix everything about us. I want her back." "Yeah, pero siya ayaw na sa'yo. Hayss ewan ko ba sa'yo," Hindi ko na siya pinansin. Nakatuon ang atensyon ko sa laptop pero siya ang nasa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD