RENZO POV
Nasa bar ako ngayon, tinawagan ko si Drew to join me and Travis. Nasa VIP ako at naghintay sa dalawa.
"Bro, biglaan ata ang pagyaya mo ng inuman." bungad ni Drew. Drew is my friend, mag-kaklase kami sa states, alam rin niya ang past ko but he don't have any idea that Jasmine is the girl I told him before.
I finally found her, unexpectedly. But she change a lot, the way she talk, the way she look at me and the way she treated me. She's cold and brave. Masyado ko siyang nasaktan, I know I'm such a jerk. But leaving her is not my plan. My parents force me to leave after I told them that Jasmine is pregnant.
Wala akong nagawa nung panahon na yun dahil bata pa ang isip ko, I'm just 22 that time and not matured enough.
"Bro nakatulala ka diyan, anong meron? Bakit nagyaya ka ng inom?" bumalik ako sa realidad ng hampasin ni Travis ang balikat ko.
"I found her." usal ko.
"Found who?" tanong nila.
"Jasmine." sagot ko.
"Jasmine? My secretary?" tanong ni Drew.
"Yes, she's the girl I told you 5 years ago." sabi ko.
"Yan ba yung suplada mong secretary Drew? Maganda sana suplada lang" nanghihinayang na sabi ni Travis.
"You know her?" tanong ko.
"Oo, minsan napasyal ako sa office ni Drew, then we have small talks. Yun nga lang suplada, di makasabay sa trip ko." sabi niya.
"What is your plan now? This is your chance para bumawi at sabihin sa kanya ang rason kung bakit bigla kang umalis." sabi ni Drew.
"I tried to talk to her, pero sarado na ang utak niya. Galit na galit siya sa akin. I can feel her anger and pain." sabi ko.
Tinungga ko ang alak na nasa baso ko.
"You can't blame her broo, masyado siyang nasaktan. Syempre nangako ka sa kanya, tapos bigla mo siyang tinalikuran at iniwan sa ere. Minsan nag-usap na rin kami tungkol sa past niya. Alam mo bang minura ko ang lalaking tinutukoy niya, tapos ngayon ikaw pala yun." natatawang sabi niya.
"I didn't mean to hurt her, naging duwag lang ako." sabi ko.
"Naawa ako sa kanya nung time na yun. Nawalan siya ng magulang, tapos wala ka pa. At mas naawa ako nung sinabi niya kung pano nawala ang batang dinadala niya." nagulat ako sa sinabi ni Drew..
"W-what do you mean?" nakunan si Jasmine..?
"She lost your child, masyadong siyang fucos sa trabaho niya at sa pag-sisimula nila ng kapatid niya. Nag-aral siya tapos nag-tatrabaho sa gabi. Nawala sa isip niya na buntis pala siya. Then one morning, bigla na lang daw sumakit ang tiyan niya at may dugong dumaloy sa binti niya. Doon niya lang naalala na buntis pala siya. Alam mo bang ilang beses siyang nag-tangkang mag-pakamatay? Good thing dahil laging nakamasid ang kapatid niya sa kanya." parang dinurog ang puso ko sa mga narinig ko. Napakawala kong kwenta, kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa kanya. Tumulo ang luha ko, tinungga ko ang alak sa baso ko at sinalinan ko ulit yun.
"Bro, dahan-dahan lang. You know what the best thing to do, isipin mo kung paano mo mapaamo si Jasmine, kung paano ka niya mapapatawad, there's always a second time bro, you have to work it hard para makuha yun." payo sa akin ni Travis.
Paano ko mapapaamo ang isang tuta na ngayon ay naging mabangis na tigre na.
Uminom pa kami ng uminom, napatigil lang ako nung makarinig ako ng sigaw.
"Don't touch me ano ba!" rinig kong sigaw, pamilyar sa akin ang boses na yun. Hinanap ko kung saan siya. Then I saw here, pilit siyang hinahawakan ng isang lalaki na lasing . Nandilim ang paningin ko at agad akong lumapit sa puwesto nila.
"Got Off your hands to my girl, asshole!" madiin kong sabi at winaksi ko ang kamay nung lalaki. Susuntukin niya sa ako pero naunahan ko siyang sipain.
Nag-sigawan ang mga kababaihan sa loob.
"What are you doing!? Why did you kick him!?" galit niyang tanong sa akin.
"Dahil binabastos ka niya and why are you here? Your drunk." sabi ko sa kanya na naninigas ang panga sa gigil. Gusto kong mag-wala dahil sa itsura niya. She wear revealing dress halos lumuwa na ang dibdib niya. Sinong di mababastos sa suot niya.
"What do you care!? Umalis ka sa harapan ko ngayon din kundi babasagin ko tong bote ng wine sa pag-mumukha mo!" gigil niyang sabi at hawak-hawak ang empty bottle ng wine.
"Oyyyy bakla, wag kang ganyarn, si Sir yan." awat ng kasama niya.
"Let's go, I'll take you home" sabi ko at hinila ko siya palabas ng Bar.
"Ano ba! pwedi ba! wag kang umasta na boyfriend kita dahil hind! at wag mo kong pakialaman sa ginagawa ko. Sino ka ba sa tingin mo ha!?" sigaw niya.
"Jasmine your drunk, gusto lang kitang ihatid sa inyo yun lang" mahinahon kong sabi.
"Pakialam mo ba ha! alam mo, ikaw ang may kasalanan nito ehh. Ikaw ang rason kung bakit ako nag lalasing! alam mo kung bakit ha!? Dahil galit ako sayo Renzo! galit na galit ako sayo! Hindi kana sana bumalik! dun ka nalang sana sa states total mas pinili mo naman yun kesa sa akin! I don't need you! I don't want to see your f*****g face anymore!" gigil niyang sigaw. Nakatingin lang ang mga tao sa amin.Maging sila Drew at Travis,.
"Jasmine this is not the right place para sumbatan mo'ko, let's go." hinila ko na naman siya pero nag-pupumiglas siya.
"Sabi nang ayokong sumama sayoo!, bobo ka ba ha?! o tanga! bingi ka!? t*ng*na Renzo! nang gagaliiti ako sa galit sayo. Alam mo ba ha! Nakalimutan na sana kita eh, masaya na sana ako, okay na ako eh. But here you are! in front of me! everything is back Renzo! lahat ng sakit at alaala ay nag-balik dahil sa pag-babalik mo! You have no idea how hard for me to start again. Alam mo, ilang beses, ilang beses akong nag-tangkang mag-pakamatay dahil sa nangyari sa akin. Sa pang-iiwan mo nung nalaman mong buntis ako! Nangako ka eh, nangako kang papanagutan mo'ko, pero ano ha!? tinalikuran mo'ko, kami! iniwan mo'ko sa ere! namatayan kami ng magulang, alam ng buong bayan yun dahil naibalita sa tv. Umasa ako na magpapakita ka, dadamayan ako, pero ni anino mo wala. Tapos nalaman ko nalang na umalis ka at nagpunta sa states para sa pag aaral mo! At ako, ayon nag-mukhang tanga, halos mabaliw dahil sa nangyayari sa buhay ko. At alam mo kung ano ang mas masakit? I lose my child! Nakalimutan ko, nawala sa isip ko na buntis pala ako ang sakit dito Renzo! Ang sakit-sakit, sana ako na lang, sana ako na lang yung namatay!
Kaya ngayon sabihin mo, paano kita mapapatawad? paano ko kalimutan ang masalimuot na nakaraan? Kaya wag kang mag-assume na sa isang sorry mo lang at paliwanag ay mapapatawad kita! dahil hindi ko yun magagawa!"
Ramdam ko ang sakit na nunuot sa kaloob-looban ko. Seeing here like this is torture to me. Sinaktan ko siya ng subra, galit, sakit at sama ng loob ang makikita ko sa mga mata niya.
"I'm sorry" usal ko. Pero malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Di lang isa o dalawa.
"Ang kapal ng mukha mo! isaksak mo sa baga mo yang sorry mo dahil hindi ko yan matatanggap!" tinalikuran niya ako at lumabas ng bar.
"Aarggghhhhh! bullshit! aarrggghhh!" nagwala ako sa loob ng bar, nabasag ang mga bote. Natigil lang ako nung inawat na ako nila Drew at ng mga waiter.
"We will pay for everything he destroy here, wag niyo na lang siya ipakulong. May pinag-daanan ang kaibigan namin sana maintindihan ninyo."
kinausap ni Drew ang may-ari ng bar at binayaran niya.
Gusto kong ibangga ang kotse ko pero si Drew ang nag-mamaneho .
"Everything will be okay bro, tutulungan ka namin." pina-palakas ang loob ko ni Travis . Saan ako mag-sisimula sa pag-ayos ng nangyari sa amin ni Jasmine?