JASMINE POV
"Jasmine" Tawag niya sa pangalan ko. Bumalik ako sa realidad, pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa kanya.
"Jas,please let's talk, gusto kong bumawi sa mga nagawa ko." paki-usap niya at dahan-dahan siyang nag-lakad palapit sa akin.
"Don't you dare to come near me!" Galit na sabi ko sa kanya.
"Wala tayong pag uusapan, at mas lalong hindi mo kailangan bumawi! Dahil wala nang namamagitan sa atin, tinapos mo na! The day you turned your back at me!" Gigil kong sabi.
"No, please let me explain Jas, kahit ngayon lang." pakiusap niya.
"I don't need your explanation Renzo, dahil kahit anong gawin mo, hindi mababago ang katutuhanang iniwan at tinalikuran mo!ko! What makes you think that I will listen to you!? That I will listen your unacceptable reasons!?" Galit na tanong ko sa kanya.
"Please Jas, patawarin mo ko. Naging duwag ako, kaya andito ako ngayon. I'm begging you, let's start over again." Garalgal na sabi niya, " You don't deserve my forgiveness! You have no idea how miserable I am Renzo! Kulang na lang patayin ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa akin at sa pamilya ko! Kailangan na kailangan kita nung mga panahon na iyon. Pero wala ka! Nalaman ko na lang sa mga kaibigan natin na umalis ka papuntang states! And know you came back begging for forgiveness!? How dare you! Ang kapal ng mukha mong mag-pakita at humingi ng tawad.
! Pagkatapos ng lahat! Galit ako sayo, galit na galit! I've killed you so many times in my mind Renzo. I hate you so much! Kinamumuhian kita!" Naghalo ang galit at sama ng loob ko. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng opisina, tinawag ako ng mga kasamahan ko pero di ko sila pinansin pumasok ako sa elevator at pinindot ang first floo,. Ang kaninang mga luha na gustong kumawala sa mga mata ko ay nag-uunahang pumapatak. Pag-bukas ng elevator ay nag-mamadali akong lumabas sa lobby ng kompanya. Nag-lakad-lakad ako, ang sakit ng nakaraan lahat bumalik. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang lugar na tahimik at walang tao.
"Ahhhhhhhhh! I hate you Renzo! I hate you so much! Kinamumuhian kita! Sigaw ko.
Hinayaan ko ang mga luha kong nag-uunahan sa pagpatak hanggang sa maubos .
"Bakit ka pa bumalik, okay na ako eh, masaya na ako sa buhay, pero nag-pakita ka pa, ang kapal ng mukha mo!" Bulong ko. Alas onse na nang maisipan kong umalis sa lugar na yun, pumara ako ng taxi at umuwi na lang. Hindi na rin muna ako pumasok.
Pag-dating ko ng bahay, nag-palit ako ng pang-alis. Mang-gogrocery na lang ako. Pilit kong iniwaksi sa isipan ko ang pag-babalik niya.
Bumalik siya para magsimula kami ulit? Para sa kapatawaran?
Hindi na ako ang babaeng nakilala niya noon na mahinhin at parang anghel. Nag-bago ako dahil sa ginawa niya at sa nangyari sa pamilya ko.
Naalala ko si Sir Drew, kakausapin ko pa pala siya at mag-palipat ako sa branch na nilipatan niya. Ayokong makasama ang lalaking yun, galit ako sa kanya.
Habang namimili ako, nakakita ako ng wine. Naisip ko tuloy na yayaing mag-inuman sila Mia.
'Tatawagan ko sila mamaya.' Usal ko.
Pagkatapos kong mamili at mag-bayad, agad akong umuwi. Ipag-luluto ko na lang ng hapunan si Gaby.
Natapos ko na ang pag-luluto, maaga pa kaya naisipan kong umidlip.
Nagising ako ng ala sais ng gabi, dumating na rin si Gaby.
"Kararating mo lang?" Tanong ko.
"Opo ate, ikaw? Maaga ka yatang umuwi?" Tanong niya.
" Sumama ang pakiramdam ko. Namili na din ako at may pagkain kana diyan." sabi ko.
"Aalis ka?" Tanong niya.
"Oo, baka ma late ako, isarado mo ng maayos ang bahay ha." Bilin ko.
"Sige po." Sagot niya.
"Aalis na ako, nag-hihintay na sa akin sila Mia." Paalam ko.
"Sige ate, ingat ka." Tugon niya.
Sumakay ako ng dyip, malapit lang naman sa company ang bar kung saan kami mag-iinuman.
Hindi naman ako alcoholic, minsan gusto kong uminom kapag may problema o di kaya kapag naalala ko ang nakaraan ko.
Nasa tapat na ako ng bar at nag-lakad na papasok, hinanap ko kaagad sila Mia. Kasama niya si Vince. Kami lang tatlo dahil di pwedi ang iba naming kasama.
"Jas, dito!" Rinig kong tawag ni Mia.
Lumapit ako at nagbeso kami.
"Nag-aya ka ng inuman, may problema ka noh?" Tanong niya.
"Hayss, oo at gusto kong makalimutan 'yun." Sagot ko.
"Oh ehh, ano pang-hinihintay natin, gora na at umorder bakla." Sabi ni Vince.
"Siyanga pala, bakit ka umalis kanina, tapos di kana bumalik." Tanong ni Mia.
"Kaloka gurl, ang feslak ng boss natin ayy juskoo." Sabi ni Vince.
"Oo nga pala hinanap ka ni Sir kanina." Hindi ko na sinagot pa ang mga tanong nila.
"Nag-palamig lang, mapag-katiwalaan ko naman kayo diba. Alam niyo ang past ko." Sabi ko sa kanila. Nag-taka naman sila at seryosong nakinig.
"Go on, mag-labas ka ng hinanakit, makikinig kami, sayang wala yung iba nating kaibigan. " Sabi ni Mia
"Okay lang, nandito naman kayong dalawa. Hayss, yun nga. Remember that guy I told you before?" Tanong ko.
"Uhuhh,bakit?" tanong ni Mia.
"Siya yun" sagot ko.
"Anong siya? Sino?" Tanong ni Mia.
"The who?" Segunda ni Vince.
"Si Renzo, si Sir Renzo." sabi ko.
"Omg, seryoso? Hala ka girl." Usal ni Mia.
"Jusko dzaii, kaya naman pala kanina nung mag-kaharap kayo parang may gumuhit na kidlat. Ayy nag-kaharap pala ang mag Ex." Sabi ni Vince.
"Kaya ka ba umalis kanina?" tanong ni Mia
"Oo, nag-karoon kami ng argument sa loob ng office. Di ko napigilan ang sarili ko, sumabog ako sa galit ko sa kanya, nag-balik yung sakit na iniwan niya." Kwento ko at tinungga ko yung baso na may alak.
"Anong plano mo? Mag-kikita at mag-kasama kayo sa iisang opisina at kompanya." Tanongni Mia.
"Kakausapin ko pa si Sir Drew, mag-papalipat ako sa branch niya." Sagot ko.
"Kaloka naman, kung kailan okay kana, saka siya nag-pakita ulit. Ang mang-yayari araw araw bangayan kayo sa nakaraan ninyo." Sabi ni Mia. Yun talaga ang mangyahari.
Nag-inuman na kami at ini-enjoy ang tugtug. Marami na akong na inom at umiikot na ang paningin ko.