One week after…
I'm still, lutang.
Isang linggo nang nakakalipas mula nang mawala ang virginity ko at until now iniisip ko pa din kung sino ba yung nakakuha nun, si Liam ba o si Calvin?
I'm too shy to asked them, but I really do want to know. Kailangan ko lang siguro mag ipon ng lakas ng loob. Pero kung iisipin napakahirap talagang itanong sakanila yun baka kasi ‘pag yung maling tao ang una kong natanungan ay magalit siya do’n sa totoong nakakuha ng pinaka iingatan ko. Magkagulo pa!
Haay! Nakakaloka!
Wala rin naman binibigay na clue yung dalawa, si Calvin tulad lang ng dati na ‘pag ‘di mo tinext hindi siya mag ti-text. Si Liam naman, wala din! Kung paano siya kumilos after ng break up namin gano’n pa din naman.
"Hoy! Ayos ka lang?" Kara asked bringing me back to world. I'm at her coffee shop, tambay lang at naghahanap ng friends.
"Y-yah." I'm more forcing it.
"Look beb, I know hindi kasi ilang araw ka ng tila lutang at I swear isang tanong ko nalang kung ayos ka lang ba at Yah lang na naman isasagot mo, papaltukan na kita!"
Grabe siya sa’kin!
"Uh... ano kasi eh-"
"Ano nga???!!"
"Eto na! Kalma puwede?" Nag cross arms siya sa’kin at nag hihintay pa rin ng kwento. Tumingin ako sa paligid kung may nakikinig bang costumer pero dahil wala naman kaya sasabihin ko na. "Kasi, nung inuman natin sa Apartment ko merong..." I paused, sighing. "Merong nakagalaw sa’kin, kaso ‘di ko alam kung sino."
She raised her eyebrow, confused. "I don't get it."
"Alam mo namang may sakit akong walang maalala kapag nalalasing ‘di ba?" I asked. She nodded her head. "Merong pumasok sa kwarto ko nung gabing yun para kunin virginity ko, pero ‘di ko alam kung sino kay Liam at Calvin."
Her mouth drops open, shockingly. "Woe! You mean you already have an experience? Oh gosh! With who?"
"Hindi ko nga alam!"
"That's insane! Hindi mo ba sila tinanong?"
"How??!!"
"Like… Hey boys, I lost my virginity last night, and I was too drunk to remember every details. So be honest, sino sa inyo ang pumatong sa’kin kagabi?"
"Hindi ka nakakatulong!" Sarkastikong sabi. She laughed at my reaction.
"But... hell, you're still lucky dahil pareho silang hot."
"I just hope alam ko kung sino sakanila."
"Paano ‘pag nalaman mo na? Anong gagawin mo?" Hmmm... good question. Ano nga ba? Dapat ko ba siyang sampalin dahil sa ginawa niya? Dahil feeling ko na pag samantalahan ako ng hindi ko alam.
Yah! Siguro nga dapat ko siyang sampalin.
"I will slap him."
"Then?" She asked smirking.
"That's it!"
"Hindi k aba mag re-request ng second round?" Pilya niyang sabi.
"No! Why would i do that?"
"Para malaman mo naman yung pakiramdam ‘di ba?"
"Napaka baliw mo talaga!"
She just laughed hard. "Just sayin. Eh kailan mo naman sila planong tanungin dyan?"
"I don't know, nag iipon pa ‘ko ng lakas ng loob."
"Simulan mo na ngayon, dahil pag tumagal pa ‘yan girl baka wala ng umamin! Mas worst malaman mo nalang na buntis ka na, ‘di mo padin alam kung sino nakagalaw sa’yo." Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Diyos ko Lord! ‘Wag naman sanang umabot pa do’n dahil baka maloka na ‘ko. Ano bang parusa ‘to?
Sino ba kasi ang gumawa nito sa’kin?
I'm going to kill him!
"Hey, Ladies..." We heard Calvin's voice. f**k! What is he doing here? Bigla ako nakaramdam ng kaba na ‘di ko naman nararamdaman noon, shocks. I can't face him.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung sakaling ang best friend ko nga ang gumawa nun sa’kin.
"Oh hey, Vin kumusta mukha ka atang masaya?" Kara asked grinning.
"Well, day off ko kasi. Hoy, panget bakit ‘di mo ‘ko pinapansin?" He asked me, still I can't face.
"Oh yah, Hi." ‘Di na ‘ko nag abalang tignan siya, kinaway ko lang yung kamay ko na parang ewan.
"Ayos ka lang ba?" He asked again.
"She's not." Kara said. I give her shut-up look. She just raised her right eyebrow, amused.
"Tungkol na naman ba ‘to kay Liam?"
"Half of it." Kara answered.
"I don't get it."
"Ask her." Kara said pointing me. Diyos ko naman Kara, manahimik ka nalang!!
"Soph?" He called looking me in the eyes.
"Uh... wala yun, don't mind what Kara said."
"Ganyanan na ba? Purket matagal mo na ‘kong ‘di nakakasama nag lilihim ka na?" Haaay! Naman eh, pero sa kinikilos naman nitong si Ugok at mga tinatanong niya parang wala talaga siyang alam eh. Baka hindi siya?
"Iwan ko nalang muna kayo, madami na ‘kong costumers eh." Kara said, smirking teasingly at me. Nag simula na siyang mag lakad papunta sa counter niya.
"Sophie," Calvin called. I slowly face him. "Tell me what's wrong?" He seriously said.
Huminga muna ‘ko ng malalim pangpapalakas ng loob. Best friend ko naman siya eh, kaya siguradong mag sasabi siya ng totoo.
"Noong inuman natin sa Apartment ko nung nalasing ba ‘ko may nangyari ba sa’tin?" Tuloy tuloy kong sabi na halos walang preno.
Tumitig lang siya sa’kin ng blangko na wala manlang sinasabing kahit na ano.
Hindi ko alam kung maganda ba yun o hindi, kung Oo ba yung pananahimik niya o hindi. Oh puwede ding ‘di niya lang alam ang sasabihin. Pero ‘di ko gusto ang pananahimik niya.
"Siguro ibig sabihin niyang pananahimik mo ay hindi, siguro nga si Liam yun."
"Hindi mo maalala?" He seriously asked.
"Alam mo namang wala akong naaalala sa mga ginagawa ko ‘pag nalalaasing ‘di ba?"
Huminga siya ng malalim. "It wasn't Liam, it was me."