Tumayo ako at sinampal siya ng malakas na talaga namang nasaktan siya, buti naman dahil gusto ko talagang maramdaman niya yung sakit ng sampal ko. Nung hindi pa nangyari ang gabing yun, never kong na imagine na gagawin niya sa’kin ‘to.
Sobra ang pagtitiwala ko sa kanya kaya hindi ako makapaniwalang ginawa niya ‘yon sa akin. Hindi niya ako nagawang i-respeto. Napaka walang hiya niya!
"Anong pumasok sa isip mo at ginawa mo ‘yun? Pinagsamantalahan mo ‘ko!" Mahina kong sabi pero punong puno ng galit.
"Alam mo bang halos mabaliw ako kakaisip kung sino sainyo ni Liam ang gumawa sa’kin nun, ni hindi mo manlang ako kinausap about do’n the next morning. Para ngang wala kang planong sabihin ang totoo sa’kin eh, baka nga kung hindi ako nagtanong wala ka talagang sasabihin!" Bulyaw ko.
"I just... I didn't know how, i got scared."
"You got scared??!! Paano pa kaya ako?"
"I know… Ii uh..." I slapped him again.
"’Wag ka ng magpapakita sa’kin, you understand?!!!" Pagka sabi ko nun, nag lakad na ‘ko paalis ng Cafe ni Kara ni hindi na ‘ko nag abalang mag paalam sa kanila.
Finally, nailabas ko din yung kinikimkim kong galit sa gumawa nun sa’kin. Hindi ko lang din matangap na magagawa sa’kin yun ng best friend ko. Ang siraulo kong best friend, nakakainis siya. Nakakainis siya! Siguro hindi pa ganito ka-sakit yung ginawa niya kung in-approach niya agad ako pero hindi eh, hinintay pa niyang komprontahin siya.
Unti-unting nag babadyang tumulo yung mga luha ko habang kinukuha ko yung susi ng kotse sa bag ko.
"Sophie," I heard Calvin called. Humarap ako sakanya at ‘di ko na napigilang tumulo yung mga luha ko. Lumapit siya sa’kin at hinawakan ang mga pisnge ko pinunasan yung luha ko. "Hey, don't cry... I'm sorry."
"Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa yun, may girlfriend ka Vin nakaka buwiset siya OO pero hindi niya deserve ang lokohin at best. friend. mo. ‘ko. Sana ginalang mo manlang ako." I’m pointing his chest while saying word by word ang best friend mo ‘ko.
"I'm sorry."
"Hindi na maibabalik ng sorry mo itong virginity ko!"
"I know." He sighed heavily. "Sana mapatawad mo ‘ko, ayokong masira yung friendship natin kaya natakot akong sabihin sa’yo, believe me i uh... don't know kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko ginawa yun. Pero maniwala ka, i respect you." Niyakap niya ‘ko ng mahigpit.
"Patawarin mo ‘ko Soph, pakiusap. ‘Wag mo ‘kong palayuin sa’yo." He whispered.
Pinilit kong tangalin yung mga braso niyang nakayakap sa’kin. "Hindi ko alam kung kaya ko ng patawarin ka Vin, basta ayaw muna kitang makita!"
Binuksan ko na yung pinto ng kotse at dali-daling sumakay. Gusto ko ng lumayo dito, lalong-lalo na sa kanya. Inis at galit pa din ako sa ginawa niya sa’kin.
Pagka start ko ng kotse nag simula na ko ng mag maneho. Tinignan ko siya mula sa side mirror ng kotse ko, kahit medyo malayo na ‘ko ramdam ko ang awra niyang malungkot. Kasalanan din naman niya kung bakit ako ganito.
Pinag patuloy ko ang pag mamaneho hanggang sa makarating ako ng Apartment ko.
Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama ko at bumagsak muli sa mga mata ko ang luha.
Unti-unti kong minulat ang mga mata at una ko agad naramdaman ang sakit ng ulo ko. Hindi ko na namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag iyak.
Umupo ako sa pagkakahiga at mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, napahawak ako sa batok ko papunta sa leeg ko at naramdaman ko ang init ng katawan ko.
Oh s**t! Magkakasakit pa ata ako. Na sobrahan ata ako sa pag iisip kaya nagkakasakit na ‘ko.
Pambihira!
Umalis ako ng kama ko at kahit medyo nanghihina ako pumunta ako sa bathroom para makapag hilamos manlang. Nang magawa ko yun dumiretso ako sa closet ko at nag bihis ng pang bahay kong damit.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko at tinignan kung may mga messages at ‘di naman ako nag kamali, i got five messages from Calvin, and one message from Liam.
Ibinagsak muli yung katawan ko sa kama at binasa ang mga text ni Calvin.
*** I'm sorry, Panget. *** Apat na messages ang puro ganyan.
*** Sophie, sana talaga mapatawad mo ko. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ko at mabalik yung tingin mo sakin, please give me one more chance. Please, please, please i beg you. ***
Siguro mapapatawad ko pa siya, pero di ko alam kung kelan yun. Gusto ko din namang bumalik kami sa dati eh, kaya lang alam kong mahirap yun. Kaya habang alam kong hindi ko pa kayang ibalik yung dating kami hindi na muna ‘ko mag papakita sa kanya.
Next kong binasa ang text ni Liam.
*** Hi, Sophie. ***
That's it.
Inilapag ko nalang sa gilid ko yung cellphone ko at ipinikit yung nga mata, kailangan kong gumaling ngayon dahil may trabaho na bukas. Shocks! Sana talaga gumaling na ‘ko.
Kasalanan ‘to ni Calvin eh.
Haaay!