Nasa trabaho ako ngayon, pero parang wala dahil lutang ang isip ko. Lutang dahil sa kakaisip sa nangyari sa amin ni Calvin.
Nagkada leche-leche na, ‘di na ‘ko magtataka kung one day bigla nalang akong sabunutan ni Cynthia. Ano ba naman kasing pumasok sa utak ni Calvin at ginawa na naman niya yun? Ni hindi pa nga siya okay sa’kin pagkatapos niyang kunin ng walang paalam ang virginity tapos ginawa na naman niya. Ako namang si ito pumayag din! Tsk... kasalanan yun ng malikot niyang kamay at masarap niyang halik. Haay!
"Soph, ayos ka lang?" Kaye asked, siya ang kapalitan ko sa shift ko ngayon.
"Oo, bakit mo natanong?"
"Lutang ka kasi, buti ‘di ka nakita ni Ma'am Anne kundi tatalakan ka nun."
"Buti nalang talaga." I said sighing. Ipapahamak pa ata ako sa trabaho ng nangyari sa’min ni Calvin. Bakit kasi hindi ‘yon mawala sa isip ko eh.
Dahil nandito rin naman na si Kaye, oras na ng out ko sa trabaho kaya pumunta lang ako sa time keeper at nag sign sa pag out ‘tsaka dumiretso ng kotse ko.
Sinimulan ko ang byahe papunta kay Kara dahil plano ko siyang talakan dahil sa pagpapapunta niya kay Calvin sa Apartment kaya nangyari na naman ang ‘di dapat mangyari.
Nakarating ako ng Cafe ni Kara at dumiretso ako sa counter niya. "Soph, ayos na ba pakiramdam mo?" She asked.
I just nodded my head while glaring at her.
"What's with the glare?" She asked again with a smile on her face.
"Bakit si Calvin ang pinapunta mo sa Apartment ko nung may sakit ako?"
"Uh... dahil siya ang free?" Pagtataka niya na may halos mapangasar na ngiti.
"Siya ang kumuha ng virginity ko!" Mahina kong sabi, yung saktong maririnig lang niya.
"Alam ko, sinampal mo nga dito si Vin ‘di ba?"
"So bakit siya pa din ang pinapunta mo?"
"Kasi gusto niya daw magkaayos kayo."
I sighed heavily. "Di mo dapat ginawa yun."
"May nangyari ba at na inis ka sa ginawa kong yun?"
"May nangyari sa’min, again."
She laughed. "Yun naman pala eh, bakit ka nagagalit eh pinasaya naman pala niya ang malamig mong gabi?" She asked smirking teasingly.
"Morning, actually!" Pagtatama ko.
"Oh!" She smirked widely. "And... speaking of him." She added, looking at my back. Oh-no please! Sana mali ako ng iniisip na nasa likod ko si Calvin ngayon. Please! Please! Please!
"Pinaguusapan niyo ba ako?" Boses niya yun. Langya naman oh! Bakit ba trip na trip niya mag pakita ngayon? Samantalang noon once a month lang siya mag pakita minsan nga kahit sa isang buwan hindi siya nag papakita tapos ngayon nagpakita na naman siya! Pambihira talaga!
Bigla niya akong inakbayan kaya para akong naging statwa. Hindi ko alam kung bakit ganito kinikilos ko. "Hi, Soph." He whispered, seductively at my ears.
Inalis ko yung kamay niya sa balikat ko at humarap sa kanya. "Hi Vin, ‘di mo ata kasama si Cynthia."
"Lagi ba kaming magkasama?" Tanong niya.
"Oo. Lagi siyang nakapulupot sa’yo ‘di ba?"
He smirked. "Are you jealous?"
"Bakit naman ako magseselos?" I asked chuckling, sarcastically.
"I don't know, bakit nga ba?"
"Hindi ako nagseselos sa girlfriend mo nu!"
He shrugged. "Okay." He said not convinced.
I glared at him. Ano gusto niyang iparating? Purket may nangyari na sa amin magseselos na ako sa relasyon nila ng Girlfriend niya? Ha! Asa siya!
"Lagi nalang ba kayo magaaway sa Cafe ko?" Kara asked.
"We're not fighting." Calvin said.
"Uuwi na ‘ko!" Pagsisingit ko ‘tsaka lumabas ng Cafe at ‘di na pinansin ang pagtawag nila sa’kin.
"Sophie, sandali!" Calvin called. Hindi ko pinansin yung pagtawag niya at nag patuloy lang sa pagbubukas ng pinto sa kotse ko. "Soph, mag usap tayo." He said, ramdam kong nasa likod ko lang siya.
"Naguusap na tayo ‘di ba?" Pabalang kong sabi.
"Wala na kami ni Cynthia."
Napaharap ako sakanya sa gulat. "What?"
"Wala na kami ni-"
"I know narinig ko! Why?" Pagpuputol ko sa sasabihin niya. He was about to speak pero pinigilan ko muna. "Wait... please, utang na loob ‘wag mong idadahilang dahil sa nangyari sa’tin kaya kayo naghiwalay."
"Hindi, hindi dahil dun." Nakahinga ng maluwag sa sinabi niya, buti nalang. "Dahil yun sa gusto kita, Sophie."
Oh my God!
Napa blink ako ng maraming beses dahil sa gulat sa sinabi niya. Is he serious? Hindi ko alam kung anong sasabihin o isasagot sa inamin niya sa akin kaya sumakay nalang ako ng kotse ko at ayaw ko ng marinig pa ang susunod niyang sasabihin. Isasara ko na sana yung pinto ng kotse nang pigilan niya ito.
"Soph-"
"Calvin, iniisip mo bang may chance tayo ngayong wala na kayo? Pwes ngayon palang sasabihin ko na sa’yo… wala! Wala kang aasahan sa’tin! Kaya balikan mo na si Cynthia!" Pinilit kong isara yung pinto ng kotse at sinimulan na ang byahe palayo ng Cafe.
Shocks!