Ilang araw ko nang hindi pinapansin ang lahat ng text at calls ni Calvin. Pumupunta siya dito sa Apartment para makipag ayos o kausapin ako pero iniiwasan ko lang siya o kaya pinapaalis din naman agad dahil ‘di ko talaga alam kung paano ko siya iha-handle, lalo na't alam kong naging dahilan ako ng paghihiwalay nila ni Cynthia.
Tsk. Kung hindi lang ako nagyayang uminum sa Apartment ko noon edi sana walang ganitong nangyayari, edi sana maayos pa yung relasyon namin bilang mag best friend. Totoo nga ang sabi nila, may magbabago ‘pag nalaman mo ang nararamdaman sa’yo ng best friend mo.
Nakarinig ako ng doorbell mula sa labas ng Apartment. Baka si Calvin na naman yun, siya lang naman ang laging bumisita na sa’kin.
Binuksan ko yung pinto. "’Di ba sabi ko sa’yo’ wag ka-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hindi si Calvin ang nakita kundi ang ex kong si Liam.
"Uh... so-sorry, ikaw pala ‘yan akala ko kung sino na." I quickly apologized.
"Sino ba yung inaasahan mong bibisita sa’yo?"
"Uh… wala, never mind. Ano palang ginagawa mo dito?" Pagbabago ko ng topic.
"Wala naman gusto lang sana kitang makita."
"Bakit?"
"Dahil namimiss kita." Okay that was a unexpected, akala ko kasi naka move on na siya pero kita mo nga naman nandito siya ngayon at sasabihing miss na ‘ko. May lalake din talagang unpredictable.
Anong ibig sabihin nun?
"Pwede ba ‘kong pumasok? May bitbit akong fried chicken." Sabi niya habang pinapakita yung bitbit niyang paborito kong ulam.
I chuckled. "Pinag fe-feeling mo nalang lagi akong bata."
"Hindi ko kasalanan na favorite mo ang fried chicken." He jokes.
I roll my eyes. "Sige na pasok ka."
Sumunod naman agad siya na halatang na excite sa pagpapasok ko na akala mo isang batang pinapasok sa fast-food chain.
"Hindi ba ‘ko nakaka istorbo?" Tanong niya.
"Ngayon mo pa natanong ‘yan, eh nakapasok ka ng Apartment ko."
He laughed. "Sabi ko nga eh. Saan mo ‘to gustong kainin sa sala or dining?"
"Dining nalang." Sabay kaming pumunta sa dining area at siya na mismo ang kumuha ng paglalagyan niya nung dala niyang fried chicken, alam naman na niya kasi kung saan naka pwesto dito yung mga gamit ko eh kaya hinayaan ko na siya. Umupo nalang ako at pinagmasdan siya sa pagkilos tulad ng lagi kong ginagawa dati.
"Kumusta ka na pala?" Tanong niya.
"Ayos lang naman." Heto sumasakit ang ulo dahil kay Calvin. Gusto ko sanang idagdag yun kaso hindi ko na tinuloy. "Ikaw?" Tanong ko.
"Eto miss na miss ka."
"Oh-wow!" That's all i can say. Hindi ko kasi alam kung anong i-re-respond sa sinabi niya. "Uh.. kainin na natin ‘yan, bago pa lumamig." Pagbabago ko ulit ng usapan. Wow! Kailan pa siya nagkaroon ng kakayahan na pa awkwardin lagi ang sitwasyon? Baka nung nag hiwalay kami?
Oo nga naman.
Sinimulan ko ng kumain habang siya nakatitig lang sa’kin at halatang ine-ejoy na nakikita na naman niyang mag takaw ako sa fried chicken. "Gusto mo?" Offer ko.
"No, mukhang bitin pa sa’yo eh." He said grinning, chuckling a little.
"Grabe ka!" I said chewing. Umupo siya sa tabi ko habang tumatawa.
"Ang takaw mo padin, saan mo ba talaga nilalagay yang kinakain mo eh wala ka namang bilbil?" Natatawa niyang sabi.
"Sa C.r." Mas lalong lumakas yung tawa niya. Grabe siya ginawa pa ‘ko nitong komedyante. "Saya mo ah." Kumento ko.
"Ikaw lang talaga nakakapag patawa sa’kin ng ganito."
"Ang sabihin mo ang babaw mo lang talaga!" Sisihin daw ba ‘ko?
"Yah, maybe." Tumitig na naman siya sa’kin habang kagat kagat yung lower lip niya na halatang nag pipigil ng tawa.
Bigla kong naramdaman ang pag hawi niya sa buhok ko papunta sa likod ng tenga ko. "Napaka ganda mo talaga, Soph."
I look at him awkwardly. "Salamat."
Dahan dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa’kin habang nakatingin sa labi ko. Oh s**t! Hahalikan niya ‘ko. I don't know what to do, plano ko sanang i-atras yung ulo ko pero hinawakan niya ‘ko sa magkabilang pisnge. Tumitig siya sa mga mata ko ng kagustuhang mahalikan ako.
Mas lalo niyang inilapit ang labi niya sa labi ko at nang malapit na niya kong mahalikan nakarinig kami ng doorbell. Sabay kaming napatingin sa direskyon ng pinto.
Dali-dali akong tumayo. "Uh... pagbubuksan ko lang yun." Tumango lang siya na halatang na dismaya dahil hindi niya ‘ko nahalikan.
Hu! Save by the bell.
Dali dali kong binuksan yung pinto at laking luwag sa dibdib ko na si Kara ang nakita ko at hindi si Calvin. Hindi ko pa talaga alam kung paano ulit haharapin ang ugok na yun eh.
"Thank you." I mouthed at her.
"Ha?" She asked confused.
"Wala tara pasok ka!" I grabbed her hand para papasukin na at baka ‘pag nalaman niyang kasama ko dito si Liam mag paka pilya na naman siya at iwan kami.